Share

Kabanata 1

"Hoy, tangina! Bilisan mo riyan at baka mahabol na tayo ng SSG! Makakaharap na naman natin 'yung balahurang manyak na iyon!"

Napabilis ang takbo ko sa sinabi ni Osher. Puta, oo nga pala. Malapit ko na kalimutan na ang balahurang manyak pala ang OIC ngayon! Pinagtutulak ko ang mga estudyante na inosenteng naglalakad sa harapan namin. Ba't ba kasi tanghaling tapat ang napili ng SSG na habulin kami? Pwede naman hapon? Mas mabilis kaya kami hulihin sa hapon! Lasing na kami no'n!

"Tangina mo rin Harlett, para kang bakla tumakbo! Pag ikaw nahuli, patay ka sa mama mo, bobo!" sigaw ko nang malampasan ko si Harlett. He laughed evilly and sped his run up. Pinagtitinginan kami ng estudyante na para bang kinokondena na kami sa isipan nila. Bahala sila, nakalibing naman ang pake ko sa ibang tao.

And just like the other times, we successfully escaped. Madali lang naman talunin ang bakod ng eskwelahan, eh. I don't know why we spent too much for this school, and not have walls that are higher than a 6 footer basketball player.

"Uuwi na kayo?" hinihingal na tanong ni Arka. Umiling ako, also the rest of the team.

Initsahan ako ni Harlett ng bimpo. Agad ko iyong tinanggap at mabilis na pinunasan ang leeg at mukha.

"Ayoko pa. Masyado pang maaga para umuwi. Inom nalang kaya tayo?" ani Osher at naupo sa isang bato na malapit sa punong pinagtataguan namin ng bote ng alak kapag nagpupuslit kami sa loob ng skwelahan.

"Kawawa atay ko, p're. Parang wala na atang tubig na natitikman 'tong atay ko simula noong Setyembre," si Harlett at hinimas ang tiyan niyang lumalaki na kakainom ng beer. I laughed. "Pero dala ko sasakyan ko, roadtrip tayo? Pa-Kibangay lang. Gusto ko ma-try 'yung Café sa Bukid na pinagyayabang ng mga putangina nating classmates. G kayo?"

Agad akong napatango sa plano ng kaibigan. My friends aren't really bad influences. Some of us are self-influenced, and it's really not our like to talk about that kind of stuff. On how and why did we decided to make ourselves like this... miserable. But it doesn't matter. Ang importante ay nagkakaintindihan kami sa mga bagay na ginagawa namin.

Nagsiksikan kaming pito sa Trailblazer ni Harlett na nakaparada lang 'di kalayuan sa skwelahan. I really hate sharing cars with these dudes, 'cause they seriously can cause ear damage. Hindi pa nga kami nakakalampas ng Aglayan, at eto na sila, nag-iingay ng parang wala nang umagang dadating.

I sighed. I need to suffer. I am grounded, the reason why I don't have my car right now. The Karen was really mad about what I did in the house after she left for business. I almost snorted when I remembered what she said after knowing what I did. Duh. As if I'm gonna die by her, threatening to make me stop going outside the house for a week. Kung gusto niya 'yon, dapat palakasin niya ang security ng buong village. 'Di 'yung isang distract lang, makakatakas na kaagad ako. Tangina, sayang bayad.

"Masdan mo aking mata, 'di mo ba nakikita? Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na! Gusto mo bang.... sumama?"

Lahat ata ng kanta ng Eraserheads ang napatugtog namin bago kami nakarating sa kung saan gustong pumunta ni Harlett. And I'm so fucking hungry, I could eat a whole plate of 15' pizza by myself.

"Bakit hindi mo sinabing ganito ka layo ang pupuntahan natin, Lett? We could've bought something to eat," reklamo ko matapos naming makapag-order.

Tumawa ito. "Hindi ko rin alam na ganito pala ka layo. Ang tagal na rin kasi noong huli akong mapadpad dito, di ko na matandaan gaano kalayo ang lugar na 'to. At saka, kakain din naman tayo rito."

The place was relaxing. Kami lang ang tao dahil obvious naman na working days ngayon, at wala silang masyadong bisita. Nakatyempo rin ata kami. Sabi kasi noong lalaking nakausap namin sa counter, kapag Sabado o Linggo raw kami nagawi rito, baka hindi kami makahanap ng pwesto. Gano'n kasikat to. Hindi ko rin alam kung bakit sikat 'to. Ang tagal ko na sa Bukidnon, ngayon ko pa lang 'to napuntahan.

Pasalamat nalang talaga ako at suot ko ang club hoodie ko, at kung hindi, baka kanina pa ako tumigas sa lamig. Not to exaggerate, but it's like 4 degrees celsius cold out here. Napayakap na lang nga si Arka sa 'kin dahil manipis ang nasuot niyang damit.

"Can someone remind me why am I in this fucking freezing place? Ang init kaya kanina! Baguio ba 'to?" wika ni Osher na nililis ang sleeve ng kan'yang club hoodie para makain ng maayos ang buko pie na in-order niya.

Strawberry juice and buko pie ang in-order ko. Sa iba naman ay Buko pie at hot choco. Kay Arcel lang ang iba; mangga at bagoong.

Their buko pie tastes really good. Hindi ko mapigilan kun'di ang gumawa ng di pangkaraniwan na ingay. The boys looked at me, horrified.

"Tumahimik ka nga, Pryce!" saway ni Dandy at tinapunan ako ng tissue. I flipped my middle finger.

"Bakit ba? Masarap naman talaga ang buko pie ah," I argued back, and all I earned was an annoyed groan. Sa aming lahat, si Dandy ang medyo matino. Medyo. Di ko rin sure. Kasi may times talaga na mas wild pa siya kesa kay Osher.

Tahimik kaming kumakain noong binasag ni Adrian ang katahimikan.

"Malapit na ang recital. Anong is-showcase niyo?"

Tinapos muna ni Osher ang strawberry milkshake niya bago sumagot. "The usual. Sir wants us to play songs with vocals, pero wala namang vocals sa 'min. Alangan naman si Harlett pakantahin namin, eh nagtutunog kambing 'yan kapag kumakanta."

"Luh, tangina mo. Nanalo kaya ako sa singing contest sa Sunbeam noong grade 1 ako!"

"Pero ano kinanta mo roon? Totoy bibo?"

Pabirong sinapak ni Harlett si Osher. Hindi ko mapigilan matawa sa sinabi ni Osher. Tunog kambing talaga 'yang si Harlett kapag kumakanta. Halos nga busalan 'yan ni Sir kapag kumakanta habang nagi-gitara, pero di niya lang magawa kasi pamilya rin naman ni Harlett ang nagsusustento ng club namin.

"Pwera biro, ano nga talaga is-showcase niyo? Kayo kasi sinusundan namin. Maguguluhan kami pag 'di firm ang theme na gagamitin niyo." si Arka na nakayakap pa rin sa 'kin hanggang ngayon.

"Kayo na lang dance mag-isip. O visual ipag-isip niyo ng theme. Sinusundan din namin kayo, eh."

"So, all this time, nagsusunuran lang tayong lahat?"

"You could say that."

Napahalakhak kami ni Arcel. "Wala bang sinabi ang teachers ukol diyan?"

"Meron, kaso marami ang ayaw."

"Bakit, ano ba dapat?"

"Love."

"Ay tangina, tama, 'wag 'yan."

"February naman, justified kung love ang theme!" si Dandy.

"At kaming rakista ang kawawa riyan? Lalaki ang expectation ng iba na magsusulat kami ng love song niyan!"

"Ayaw n'yo do'n? Kung magsusulat kayo ng love song, dadami fans n'yo?"

"Bashers kamo," sagot ko kay Dandy. "Alam niyong hindi namin forte ang pag-big shits na 'yan. Nakikinig kami, pero wala talaga kaming will para magsulat ng isa. Kailangan isa sa 'min ang may jowa, kaso puro naman kami hopeless romantic. So, sino maga-adjust?" sabi ko and made a dismissive move.

Ayaw namin tumugtog ng love songs. Feel kasi namin, makakatulog kami dahil sa beat nito. We don't really fancy things like that. But we do listen to some love songs. Pero, really. Magkaka-cancer pa ata kami una saka kami makakasulat ng love song.

"'Yung bagong estudyante ipa-adjust niyo, eh. Heard that he's good at writing. Baka magamit niyo 'yon," sabat ni Adrian na ikinalingon naming anim sa kan'ya.

"May transferee na naman? Kalagitnaan na ng 2nd grading, ah?"

Tumango si Adrian. "I was at the faculty yesterday for some- yeah, stupid shit, and I heard that he was in our class. Glee club. From UP Cebu, and has excellent background. Classical musician. Mukhang mapapasubo ang taga glee club."

Nagsalubong ang kilay ko. "Ba't mapapasubo, classical musician din naman. Parang di kami nagsimula d'yan. Bet he was forced to learn that because of his parents." I said jokingly.

"Actually, no. His grandparents were famous musicians in England. Nasa dugo na talaga nila ang pagiging musikera't musikero. Biruin mo, galing UP Cebu, lumipat sa walang kakwenta-kwentang skwelahan? Ano kaya trip no'n."

"Kung iniisip mong magiging kaibigan natin 'yon, Adrian, drop that idea. Classical musician pala, tapos galing pang UP Cebu. Sure na prim and proper 'yon. In short, perpekto. Ayaw sumama sa 'ting mga basagulero."

"Wow, dinown pati kami, tumahimik ka nalang Osher. Ikaw lang naman pinakabasagulero sa 'tin," said Harlett and they started their petty fight again.

Natahimik talaga ako sa sinabi ni Osher. Totoo namang walang lumalapit sa 'min na kaklase o kahit sinong tao dahil ang tingin nila sa 'min ay walang alam kundi ang makipag-basag ulo. Pero okay lang naman 'yon, simula pa talaga noong una kaming magkabati at naging kaibigan ni Osher at Harlett, wala talagang lumalapit sa 'min ni isa. Kaya nasanay na ako. Ngunit may isang boses talaga na nagsasalita para sa sarili ko, na hindi ako dapat masanay na gan'yan. Na iilang tao lang dapat ang i-keep ko sa isang bilog.

Kaya hanggang sa maka-uwi ako ay binagabag ako ng mga salita ko. Hindi ko dala ang bag ko, kaya malalaman at malalaman din nila na hindi ako pumasok. Pero pake ko, para namang mamamatay ako. Bubuhayin din naman ako ng mga tao dito.

Hindi ko pa man napihit ang knob ay kusa nang bumukas ang pinto. Ang galit na mukha ni Prynce ang bumungad sa 'kin. I gave him a deadpan look, and was ready to dismiss him when someone shoved him away from me. Before I could react or yeet away, a fist landed on my cheek.

Pakiramdam ko, umalog ang utak ko sa loob ng bungo ko sa lakas ng pagkakasapak sa 'kin. I held my jaw and clenched it. Shit.

"Ma!"

"Bitawan mo ako at papatayin ko itong kapatid mo!"

Nilingon ko silang dalawa. Prynce was strong enough to hold mom to her place, but mom's overpowered by her persistence. Nakawala siya sa hawak ni Prynce at tinadyakan akong nakahiga pa sa front porch ng bahay. Napakislot ako sa sakit ng kan'yang takong na tumama pa sa balikat ko.

"Wala ka nang ginawa kundi sirain ang pamilya natin! Wala ka talagang ambag dito sa mundo! Hindi ko alam kung bakit pa kita niluwal at binuhay sa mundong ito! Bakit hindi ka gumaya sa kapatid mo, ha? Bakit?!" halos mag-ugat ang leeg niya kakasigaw niya sa 'kin, pero ngisi lang ang tanging nasagot ko.

Akmang tatadyakan niya ako ulit, pero napigilan na siya ni Prynce.

"Ma, tama na nga! May sugat pa-"

"Wala akong pake! Kahit mamatay 'yang walang hiya na 'yan, wala akong pake!"

"Ma!"

Humalakhak ako. Ang drama naman. Pwede niya naman ako saksakin diretso. I was willing to be stabbed by her properly. Bakit gamit pa ang paa niya para patayin ako?

"Whatever words you're going to say, I'm not gonna live up to it. I'm never gonna be that perfect daughter you wanted me to be. You understand that? I'll never live up to your stupidly high standards!"

Nawala ang ngisi ko. My brows are furrowed and my teeth were gritted so hard, that I tasted metal on my own saliva.

"Manang mana ka talaga sa tatay mo, walang ambag sa mundo! Sumama ka nalang sa kan'ya, magpakamatay ka na!" Sigaw niya ulit saka siya umiyak sa balikat ng kapatid ko. He was looking at me like he was sorry he couldn't do anything as a brother.

I didn't mind them at tumayo mag-isa. Akmang tutulungan ako ni Prynce, pero pinigilan ko siya. Hindi ko siya kailangan.

Nakatungo ang ulo, nilampasan ko sila. I held my shoulder, and saw that it was bleeding... again.

"Saan ba ako nagkulang sa kapatid mo, Prynce? Binigay ko naman ang lahat ng daing niyo, so why did your sister turned out to be like that? She's used to be sweet and lovable... now, why is she slowly destroying herself?"

Mariin kong piniga ang balikat ko. I wanted to know that I am still not numb. That I can still feel pain, but seconds after I clenched it, I can't feel anything... rather than anger and purely regret.

That's also the question I am trying to ask myself but kept on avoiding it. Sa nanlalabong mata, pilit ko itong tinanong sa sarili. Why am I slowly... destroying myself?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status