Share

Chapter 04: I'm passed

Maliwanag na sa labas, nakatayo lang ako dito sa may bintana habang nakatanaw lang sa labas. Walang kibo at malalim ang iniisip, nanghihinayang kasi ako sa nangyari at dala narin ng pagsisisi.

“Tapos na ang 4 na araw.” lungkot kong saad sa aking sarili at napahawak sa aking sintido.

“Hindi talaga ako pinalad, sana ‘di nalang ako nagpadala kay Julliene. Sinayang ko lang ‘yong pamasahing binigay sa akin ni Lola, pambili pa naman niya ‘yon ng pang maintenance niya. Nagsisisi ako, mas mabuti pa sana di na ako tumuloy doon, tanga ka kasi Shun....ang gaga mo talaga.” sabay limas ng dalawa kong kamay sa aking mukha. At sa hindi inaasahan bigla akong nakarinig na nag ring ang phone ko. Agad ko naman itong nilapitan at tiningnan kung sino ang tumawag.

“Unknown number? Sino kaya ‘to.” Di ko muna sinagot ang tawag at inilapag kong muli ang phone ko sa mesa. Babalik na sana ako sa bintana, ng bigla itong tumunog ulit, kaya pinulot ko ito.

“Unknown number na naman??? Sino ba kasi ito, at ba’t tawag ng tawag!” maya’t maya naka receive ako ng sunod-sunod na mensahe, at binuksan ko ito. Laking gulat ko ng mabasa ko ang mensahe na to.

“Ms. Yen, good morning. I call you for several times but your not answering my call. If your not busy please inform me so that I can call you on your vacant time. We have a lot of things to talk to, don’t miss this opportunity. Also I would like to congratulate you for being passed on your scholarship examination. You are promoted to be as a part of our institution. And serve you with all our best. Thank you & god bless. This is Mrs. Miranda Noble, your institutional owner.”

Para akong estatwa sa kinatatayuan ko ngayon, di ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, para akong naiiyak na natutuwa hanggang sa........

“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH.................” pagtili ko ng malakas na siya namang ikinagulat ni Lola na ngayon ay naluluto sa kusina, agad naman siyang nagpunta sa kwarto ko at tsinek kung ano ang nangyari.

“Apo, apo, ayos ka lang ba ha?” sabay hawak niya sa mukha ko.

“Ahhh, ahhh, hahahaha, hahahahaha.” tawa ko at ikinataka ni Lola.

“Ano nga! Ha? Bakit ka sumisigaw?” pag-aalala ni Lola sa akin at tinugunan ko siya ng matamis kong ngiti at niyakap ko siya.

“Salamat Lola. Eto na po yun. Eto na po ang simula ng ating pangarap.” agad naman akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa magkabilaang balikat niya.

“Alam mo hindi talaga kita maintindihan na bata ka. Sisigaw-sigaw ka pa, akala ko napano kana. Hanggang ngayon hindi talaga mawala-wala yang kapilyahan mo na yan.”

“Lola naman e, masaya lang naman kasi apo niyo. Alam niyo ba? Pumasa po ako sa scholarship.” napatitig siya sa akin at gaya ko para ring estatwa sa naging reaksyon niya.

“Lola? Ayos Lang ho ba kayo?” tanong ko sa kanya at natauhan siya.

“Yehey!” reaksyon niya at hinawakan ang aking mga kamay.

“Totoo ba ang narinig ko iha? Nakapasa ka? Naku, salamat naman sa diyos. Hindi ako makapaniwala, basta ang saya-saya ko para sayo apo. Proud na proud ako at tsaka pagnag-aral kana, pagbutihin mo ha? Magtatapos ka ng pag-aaral mo.” mangiyak-iyak na saad ni Lola at naging emosyonal kami sa mga sandaling Ito.

“Lola wag po kayong umiyak! Nahahawa po ako sa inyo.”

“Hindi naman ako umiiyak, masayang-masaya lang talaga ako para sayo.”

“Thank you po sa inyo Lola, sa suporta niyo. Mahal na mahal ko po kayo.” hinalikan ko si Lola sa noo at saka ko pa siya niyakap ulit.

_

_

_

Kinabukasan bumalik ako sa akademyang inaapplyan ko at muli ay nagkaharap kami ni Mrs. Noble. don ay napag-usapan namin lahat-lahat pati mga kondisyon pati narin ang mga financial na bagay at aking matitirhan.

“I hope you will accept all the offers I deal with you Ms. Yen, lahat ng naging scholars namin ay inaccept nila ang mga offers ko. And besides, mapalad ka kasi isa ka sa mga applicant na napili ko. Inalam ko lahat ng records, files, documents pati behaviour mo through your secondary school. At walang problema napakaganda ng moral character mo. Kaya naman hindi ako nagdalawang isip that I’ll pick you up. Otherwise you were automatically hired as one of our employee through my company soon. You are smart, young and courageous, yan ang ideal person na gusto naming maging part of our industry. So, are you deal with me Ms. Yen?” napabitaw ako ng buntong hininga at agad na tumango sa kanya na bakas ang kagalakan sa aking mukha.

“Yes ma’am. I deal with it.”

“And now, tapos na ang usapan natin. You have a permission to leave. We will see each other again Ms. Yen.” Agad tumayo si Mrs. Noble sa kanyang kinauupuan at inabot ang kanyang kamay, tinanggap ko naman ito.

“Thank you so much ma’am.” Aalis na sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng opisina at doon bumungad ang isang lalaking parang kasing edad ko lang ata, tapos matangkad, maputi, matangos ang ilong, malasingkit ng kunti ang mata...in short ang gwapo niya. Naglakad ito patungo sa amin at dinaanan niya lang ako. Napalingon ako ng mapansin kong humalik sa pisngi ni Mrs. Noble ang binata. Natigilan ako habang minamasdan ang dalawa.

“Hi mom.” bati nito kay Mrs. Noble.

“Hello sweetie, how was your day?” tugon nito habang inaayos ang kwelyo ng binata.

“Okay lang naman po.” sagot niya at inilipat ang tingin sa akin na siyang ikinagulat ko ng makita niya akong nakatitig sa kanya. Agad ko namang ibinaling sa ibang direksyon ang aking paningin.

“Are you hungry son? Magpapadeliver nalang ako ng food mo. Sabay na tayong umuwi mamaya. Dadaanan nalang daw tayo ng kuya mo.”

“Son? Anak niya ang gwapong to.” Pabulong kong sabi sa sarili ko habang nakatalikod sa kanila, sa di inaasahan ay napansin din ni Mrs. Noble na di pa ako lumabas ng office niya.

“Ehemm!!! Ms. Yen? Is there something I forgot to tell you?” tanong niya na ikinaharap ko sa kanila.

“Ayyy!!! Wala po ma’am, ayos na po. Lalabas na din po ako, see you next time nalang po. Maraming salamat ulit.” tugon ko sa kanya habang nakangiti ako. Nasilayan ko na kanina pa nakatitig sa akin ang binata at parang natuwa din sa akin, bakas kasi sa mukha niya ang kanyang nakakaantig na ngiti. Bigla akong nakaramdam ng hiya, nagsimulang mag-init ang aking mga tainga kaya dahan-dahan na akong tumalikod at lumabas ng opisina.

“Mom? Who is she?”

“She’s one of our new scholar just by now. Why you’d ask son?”

“She’s absolutely really pretty.”

“I know what’s in your mind Kevin, you like here?” hindi nakasagot si Kevin at napangiti lang ito.

“Her beauty is strange right? Iba yong tugon ng mga ngiti niya. Nakakalambot ng puso.”

“Maybe your just surprise when you see her. Ngayon lang yan. Don’t worry, she will stay with us. Tawagan mo ang isang maid natin sa bahay, sabihin mo na ipapalinis ko yong bakanting room doon sa mga scholars pati narin yong mga gamit para sa paglipat niya.”

“She’s staying with us mom?” gulat na tanong ni Kevin.

“I like her, that’s why I pick her up.”

“O sige tatawagan ko na si aling Martina.” agad namang niyang hinablot phone niya sa bulsa at agad tinawagan ang maid.

“Hello, aling Martina. Can I have a favor?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status