Share

Chapter 79: Kris recovered

"Kumusta naman ang lakad mo?" unang bati ni Jane na kakapasok lang ni Shun sa unit nila.

"Maayos naman." tipid na tugon ni Shun at inilapag ang dalang sling bag at ang brown envelope sa munting mesa.

"Mukhang tinamaan ka yata ng tatlong suntok! Matamlay ka ah." dagdag ni Jane at tinitigan siya ni Shun.

"Bakit? Ano bang bago?"

"Halata naman kasi sa hitsura mo na parang naubusan ka ng baterya, kailangan mo munang mag-recharge."

"Anong akala mo sa akin Jane, gadgets?"

"Hindi naman sa ganon, ikaw naman ang dali mo namang mag-init. Siguro, nakahagilap ka ng bad news ano? Kumusta naman ngayon ang ex-husband mo? Maayos na ba ang lagay niya?" muling sumulyap si Shun kay Jane at saglit na kumimi.

"Maayos, maayos na maayos." tugon ni Shun na may halong pagkadismaya.

"Ayos ka lang ba?" pag-aalalang tanong ni Jane at tumango si Shun.

"H'wag mo akong alalahanin, ayos lang ako." sabay taas kilay ni Jane sa sagot ni S
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Skhyrine
sa wakas nag update na si author kaya lang next update is aabutin ng month..But thanks for the update though..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status