Share

Chapter 76: Agent Yen

"Teka sandali! Nagbago ang isip ko, akin na ang safety box." pakiusap ni Shun kay Kris at umangat ang kilay nito.

"Shun, parang nag-iba yata ang timpla ng panahon." reaksyon ni Kris at nagbitaw ng malalim na hininga si Shun.

"Kung iniisip mo na baka may interes ako sa pera, nagkakamali ka! Ginagamit ko lang ang isip ko Kris. Since wala namang tao sa lugar na'to, mas mabuti na dito pa lang mag set-up na tayo. Alam ni Patty kung ilang sasakyan ang bumiyahi palabas, alam niya rin ang plate number pati ang mga kulay. May sarili akong sasakyan Kris, at may tao ako sa loob na lubos kong pinagkakatiwalaan. Don't worry, tao siya ng kompanya natin, three years at mahigit ko na siyang naging tao sa labas kaya kabisado ko ang ugali niya." kumiling ang ulo ni Kris sa sinabi ni Shun na may halong pagtataka.

"Tao ng kompanya?" tumango lang si Shun at kumimi.

"Oo, kung nagdadalawang isip ka hindi na lang kita pipilitin. Kaya mo naman sigurong punan lahat ng masa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status