Share

Chapter 14: I owe you, now I'm yours!

Nakasandal ang ulo ko sa gilid ng kama na hinihigaan ni Lola habang nakahawak ang kamay ko sa kanya. Nakatulog ako habang nagbabantay sa kanya. Nakarinig ako ng ingay mula sa labas kaya napilitan akong ibuka ang mga mata ko mula sa pagkakatulog. Hinalikan ko ang kamay ni Lola at mayamaya lang ay nakarinig ako ng pagpihit ng knob ng pinto. Nakita ko ang paglitaw ni tita Belle pero nakita ko sa mukha niya ang pag-aalinlangan lalo na't hindi pa siya tuluyang pumasok, kalahati lang ng katawan niya ang nakapasok sa pinto at palingon-lingon ito sa labas.

"Tita?! Ba't ayaw niyo pong pumasok?" saad ko at ngayon ay tuluyan na niyang ipinasok sa pinto ang buong katawan niya pero nakabukaka parin ang pinto.

"Ah, eh..." muli itong lumingon sa labas ng pinto.

"Ma--may gustong makita ka." tumitig lang ako sa kanya at binuksan ni tita ng buong lawak ang pinto. Nabigla ako sa nakita ko at napatayo ako bigla sa kinauupuan ko.

"KRISSSSS?" nakaramdam ako ng kaba.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status