Share

CHAPTER 6

HILLARY'S POV

*6 YEARS AGO FLASHBACK*

"Babe, look down..."

Nagtataka man sa utos nito ay agad naman akong tumalima at tumingin sa ilalim ng business management building.

Nanlalaki ang mga matang nakatitig sa lalaking may hawak ng malaking bulaklak na pulang rosas at may bitbit pang microphone. Katabi nito ang mga barkada niyang may kaniya-kaniyang kartolinang hawak.

Binaba niya ang tawag at tinapat ang microphone sa kaniyang bibig. Hinarap nito ang mga barkada at sinenyasang itaas ang mga dala.

"Happy Anniversary, my Hillary Biatrice Alejandrona..."

Para akong mabibingi sa sobrang lakas ng kiligan at hiyawan ng ibang studyante nang tuluyang ipakita ng mga kaibigan ang nakasulat. Medyo marami na ring nanonood sa building lalo na at may stakeholders' meeting na ginanap.

"My girl is blushing,” natatawa nitong sabi gamit ang mic kaya mas lalong nagtuksuhan ang mga nakakakita.

Namumula ko siyang pinanlakihan ng mata kahit na na sa pangalawang palapag ako ng building at nasa baba sila sa may entrance.

“Sorry if I made a scene here haha, I just want to clear everything to all students. That you belong to me. Ang dami ko kasing karibal, nakakapagod na makipag-away.”

Pinanlakihan ko ito ng mata at natawa na lang nang sumimangot ito.

“So yeah, gusto ko lang din gawin 'to because you are very precious and you deserve this kind of efforts. I love you my Hillary..."

-

"Sira ka talaga! Lagot tayo kay Dean ngayon hahaha."

Natawa na rin siya habang dala-dala ang shoulder bag ko na kulay pink. Ang cute nitong tignan lalo na sa malaki at malapad niyang katawan.

"Alam mo namang malakas ako kay Dean, eh. Anyway, saan mo gustong kumain? Sweldo ko kahapon," ani nito.

Napangiti ako habang tinititigan ito.

Bwesit ang gwapo naman ng boyfriend ko! Ang dami ko tuloy karibal sa kanya. Pati mga professors nakiki 'mine'.

"Alam kong gwapo ako, babe. Huwag mo lang akong titigan ng ganyan at baka mahalikan kita rito sa harap ng maraming studyante." Seryoso nitong tugon na kinatawa ko na lang.

"Ikaw talaga, halika na nga! Doon tayo sa pasty shop ni Ms. Kitty, gusto ko ng red velvet cake.” Hinawakan ko ito sa kamay at nginitian.

"Cake it is."

Naglakad kami papunta sa sakayan ng jeep. Wala akong kotseng dala kasi day off ng driver namin.

"Hayaan mo, pag-iipunan ko ang para sa kotse. Ayaw ko ng hilain ka sa sakayan ng jeep, hindi naman bagay sa 'yo." He said kaya pabiro ko siyang hinampas sa balikat.

"Sira, kahit naman saan basta ikaw ang kasama ko. Okay lang sa akin..."

Second year college na ako samantalang graduating naman si Juanito. I'm 20 and he is 22, nagkakilala kami dahil kaibigan siya ng pinsan kong si Kuya Maxwell.

Pareho kami ng kursong business management. He is working as personal assistant of Mayor Sañiosio dito sa Baguio. Maraming nagsasabing hindi kami bagay dahil may kaya ang pamilya ko at mahirap siya but who fvcking cares?

Mahal niya ako at mahal ko rin siya, yun lang ang mahalaga.

Dahil sa pagsusumikap naming dalawa bilang student workers, paunti-unti naming nababayaran ang gusto naming apartment. Medyo malaki rin naman ang kweldo ko sa pag mo-modelo kaya ayos lang.

"Hindi ko talaga alam kung anong mangyayari kapag nawala ka sa 'kin. I love you, my Hillary..."

"I love you, mi amor."

*END OF FLASHBACK*

"Gigising ka ba dyan o bubuhusan kita ng mainit na tubig?"

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang boses ng demonyo.

Bumungad sa akin ang seryoso na mukha ni Uan habang nakapasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng suot na pantalon.

"Tanghali na, umpisahan mo na ang paglilinis," makamig na boses na sabi nito.

"Shit... sorry nakatulog ako." Binawi ko kaagad ang tingin sa kaniya at bumangon na sa kama.

Akmang maglalakad na ako nang bilang umikot ang paningin ko. Muntik na akong masubsob sa sahig pero agad nabalot ang buo kong katawan sa matitipunong braso ng binata.

"S-Sorry..."

Agad akong lumayo sa kaniya at tumayo ng matuwid. I closed my eyes and held my head. Dahil sa ka ka puyat ko siguro ito this past past few weeks.

"Tsk, arte na naman ba 'yan, ha Hillary? Kung sa bagay, d'yan ka naman magaling." Tinitigan ako nito bago nagpatuloy. "Kaya nga paniwalang-paniwala ako sa 'yo noon, hindi ba?”

Hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya. Kung gusto kong tumagal, kailangan ko maging manhid at matapang.

"Magbibihis lang ako, tutulong ako sa paglilinis mamaya." Tumalikod ako sa kaniya at pumasok sa c.r ng kwarto ko.

I inhale a huge amount of air para pakalmahin ang sarili. Mabuti na lang at nawala rin ka-agad ang sakit ng ulo ko.

Pagkatapos kong mag-ayos at magbihis ng simpleng denim shorts and t-shirt, bumaba na ako ng hagdan at pasimpleng nilibot ng tingin ang kabuohan ng sala.

"Senyorita... uminom po muna kayo ng gamot. Sabi ko naman sa 'yo Ma'am eh, mabait naman si senyorito. Siya nga nag-utos sa akin na ibigay sa 'yo itong gamot." Inabot niya sa akin ang dalawang klaseng tabletang gamot. Tinanggap ko naman ito at ngumiti.

"I don't think so po. Baka ayaw niya lang gumastos pang hospital kung may mangyari sa aking masama kaya ganoon," mababang boses na sambit ko.

Totoo naman eh.

"Nako ang mga kabataan talaga ngayon. Ilang taon ka na nga, Ma'am?"

"26 po..." sagot ko rito.

"Kung buhay pa siguro ang anak ko, magkasing edad lang kayo," malumanay na wika nito at malungkot na ngumiti.

“Na saan po ba ang anak ninyo?”

“Nandoon na siya sa taas, kasama ng tatay niya. Namatay siya dahil sa isang aksidente," dagdag pa nito.

I saw how sad she is just by looking in her eyes. Nakikita ko sa kanya si Yaya Madrid na nag-alaga sa amin dati noong bata pa kami ni ate.

"Ako na lang po. I'm willing to be your substitute daughter," ani ko at ngimiti.

Natawa ito ng mahina kaya nadala na rin ako.

-

This day is really tiring.

Naglinis ako sa kusina at living room kanina, kasalukuyan ko ring nililinis ngayon ang pool area nang tawagin ako ni ate Jelay. Ang isa pang katulong ng bahay.

"Ma'am..."

"Ate Jelay, stop calling me Ma'am. Hillary na lang po." Matanda lang siya sa akin ng limang taon kaya ate lang ang tawag ko.

Ayaw ko ring tawagin akong Ma'am o kahit senyorita kasi tulad nga ng sabi ni Juanito, I'm just his maid. I should keep that always in mind nang hindi kami magkaroon ng ano mang bagay na mag-uugat ng away.

"Ano ba naman 'tong si Ma'am. Ayos na po 'yon. At saka pinapatawag ka nga po pala ni senyorito sa kusina. Kumakain po siya ngayon sa dining table," wika nito at inagaw sa akin ang panlinis na hawak.

Tumango na lang ako at hinayaan siyang palitan ako sa paglilinis.

Nagpasalamat ako at inayos ang suot kong damit. Medyo pawisan na rin ako pero mabango naman kaya okay na siguro ito.

Nang makapasok sa dining area, nakita ko ang ma among mukha ng asawa na seryosong kumakain.

Kailan ko kaya ito makikitang ngumiti ng totoo?

"Ehem."

Gulat ang mga matang umayos ako ng pagkakatayo. Kanina pa ba ako nakatitig sa kanya?

Sh't, nakakahiya!

"Sit,"

"Ha?"

Anong sit? Ako? Sit? Punyemas para naman akong naging aso.

"Silly, umupo ka rito at kumain." Ay putik, 'yon pala 'yon.

Kahit nagtataka ako kung bakit niya ako gustong makasama sa hapag, masaya na rin ako.

Matagal na rin akong kumakain ng mag-isa. Masarap lang sa feeling na makakasama ko ulit 'yong taong mahal ko makalipas ang ilang taon.

I just missed the old times... our past and memories.

Kumuha ako ng kaunting kanin at pinili ang gulay na ulam. Kailangan kong bawiin ang lakas ko. At pinangako ko rin sa sarili na mag wo-workout para ma-maintain ang hubog ng katawan.

"May sasabihin lang ako kaya kita pinatawag," pag-uumpisa nito.

Hindi ako nagsalita bago sinubo ang lettuce na nilagyan ko ng kamatis na pula.

“Kambing ka ba para 'yan ang kainin mo?”

Umangat ang tingin ko sa kaniya at nahihiyang ngumuya.

“It's delicious. At saka sanay na akong salad lang ang kinakain. It's part of my routine to eat healthy meals.” Paliwanag ko rito.

“Noted.”

Kunot-noo ko itong tinignan.

“Ha? Anong noted?” taka kong tanong.

“Wala. Nevermind.” he said bago sumubo ng kanin. "Aalis ako. Matatagalan akong makakauwi kaya kayo muna rito. Use the emergency hotline kung may masamang magyari." He said without looking at me.

Wala siya? Ilang araw naman?

"Anong gagawin mo? At saka ilang araw kang mawawala?" Hindi ko na makayanang hindi magtanong.

Hindi pa nga ako masyadong nakakagawa ng move para mabihag siya ulit tapos ganito?

"It's none of your business and please, don't do anything stupid. Iba ako magalit, Hill. Alam mo 'yan.” He puts his fork down and stared in my eyes.

Hindi naman ako nagpatalo rito at matapang na sinalubong ang kaniyang titig.

"You are my husband so obviously it's my business." Kompiyansa kong sabi.

"Are you trying to make me laugh? Baka nakakalimutan mo ang agreement na pinermahan mo? Rule number 1, wala tayong paki-alaman, ikalawa ay ako lang ang masusunod. Lahat ng sasabihin ko ay susundin mo, and lastly you are not allowed to fvcking date another man. Kasal ka sa akin sa papel kaya huwag kang gagawa ng bagay na makakasira sa pangalan ko."

Naninikip ang dibdib kong yumuko. Bwesit na buhay 'to.

Do really deserve this?

If yes, fuck it up.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status