Share

CHAPTER 4

WALANG MAGAWA SA OFFICE. Boring talaga kasama ang boss ko. Kapag kasi focus s'ya sa work hindi talaga s'ya makakausap, at walang pwedeng umistorbo sakaniya.

May kumatok kaya agad akong tumayo para buksan ito nang pinto.

"Delivery ma'am, from Lover boy."

Napakunot nuo ko. "Lover boy?" Bahagya akong natawa pero agad rin namang tinanggap. "Thank you," pasasalamat ko after pumirma. Nakapaper bag naman kaya madali lang buksan at malaman ang laman. Hindi pa naman ako gutom pinadalhan pa ako.

Kinuha ko ang phone ko bago nag tipa para i-message si Clyde. Alam kong s'ya ang may pakana nito. At talagang lover boy pa huh? Iisipin pa ni Monti ay galing ito sa lalaki ko. Over thinker pa naman s'ya.

"Happy?" Sarkastikong tanong ni Monti habang masamang nakatitig sa akin.

"Bakit masama? Ikaw naman may sabi di'ba? Kapag hindi ka interested hinahayaan mo, and now what? Dinidiktahan mo puso ko? Remember what you said last night? Sharing is caring. Saksing bahay si Mayor Galvez diyan."

Sinalubong ko ang matalim niyang titig sakin.

Ito na 'yung larong inumpisahan n'ya bakit parang hindi n'ya yata gusto? Inalis ko ang atensyon ko sakaniya at tinabi muna 'yung pagkain para sa lunch ko mamaya.

"Nasa opisina ka so, do your job woman." Matigas na wika nito bago tumayo at lumapit sa akin. Kita ko ang  pag igting nang panga n'ya habang ang adams apple n'ya ay umaalon rin. "Iwasan mo na makipag landian sa oras nang trabaho. Kasi kapag hindi mo tinigilan 'yan wala tayong matatapos na trabaho sa gagawin ko sayo," banta n'ya.

Ngumisi ako sakaniya at patuloy paring sinasalubong ang masamang titig niya. "Matatakot na ba ako Monti?" Mapang asar kong tanong.

Hinawakan n'ya ang panga ko at marahas akong hinalikan. Itinayo n'ya ako mula sa pagkaka-upo at isinandal sa pader. "Nabwibwiset ako," anas n'ya.

Inangat n'ya ang palda ko at agad na hinagilap ng kamay nya ang butas ko, bago ipinasok nang biglaan ang mahahabang daliri niya.

"S-stop." Nanghihinang pakiusap ko pero patuloy lang niya itong nilalabas masok sa akin habang pabilis nang pabilis. Nanginginig ang tuhod ko at dama ko ang pamamasa nang aking rosas.

"I warned you Jewel." Walang emosyon siyang nakatitig sa mata ko habang ako ay halos tumirik na ang mata sa ginagawa n'ya.

Natigilan s'ya nang may kumatok. Agad naming inayos ang aming sarili. Bumalik na s'ya sa chair n'ya, at ako naman ay hinabol muna ang hininga bago binuksan ang pinto.

"Andyan ba si Monti?"  Ma attitude na tanong nang babaeng mapostura.

"May appointment po ba kayo?" Nakangiting tanong ko pero inirapan lang ako nito.

"Do I need your permission? Batas kaba? For your fucking information bitch." Nginisihan ako nito. "I'm his girlfriend, and I'm  the Aurora's perfume ambassador." Mataray na sabi pa nito sabay flex ng sarili n'ya sa akin.

Mukha ba akong may pake?

"Hindi ko po tinatanong kung ambassador or girlfriend n'ya kayo. Simple lang naman po tanong ko eh. Kung may appointment po ba kayo? Kasi lahat po ng taong gusto siyang makausap kahit na may katungkulan pang mataas. Kaylangan po ng appointment para po alam at napaghahandaan namin." Maayos na paliwanag ko bago sumulyap kay Mark na nasa gilid nang pinto nakabantay.

"Papasok ako sa ayaw at sa gusto mo bitch! I don't need your permission or appointment cause I'm a VIP. So, get out on my way o sasabunutan kita?" Banta pa nito sa akin.

Taray! Gold daw sya? Napailing na lamang ako bago sumenyas kay Mark na harangin 'yung babae. Pumasok ako at lumapit kay Monti na walang alam sa nangyayari sa labas. "May babaeng gustong pumasok. Sabi n'ya girlfriend mo raw, at s'ya daw ang at ambassador nang Aurora's perfume. Hayaan ko bang pumasok?" Tanong ko.

"Veronica Roque? Go ahead, make sure na walang media."

Napairap ako at lumabas. Nayayamot na naghihintay ito habang nakapamewang pa at matalim ang tingin sa akin. "Pasok na daw po kayo ma'am." Binuksan ko ang pinto kaya agad siyang pumasok, pero hindi pa nakuntento kasi bahagya pa n'ya akong binangga.

"Mark make sure daw na walang media ang nakapasok rito." Bilin ko.

Pumasok na ako sa loob. Hindi parin inalis ni Veronica ang masama niyang titig sa akin.

"Hindi ka man lang hihingi nang tawad?" Mataray na tanong nito.

Sumulyap sa akin si Monti. Ngumiti naman ako kay Veronica bago sumagot. "I'm just doing my job ma'am, bilang secretary trabaho ko na alamin ang bawat taong papasok rito para makita s'ya. Kikilatisin for the Governor safety, at sa tingin ko naman wala akong kasalanan sa ginawa ko."

"Really? Bitch, I hate you! Hindi ka imbestigadora para itanong lahat sa akin at alamin. Hindi kaba marunong manuod nang television? Dapat alam mo na lahat sa akin kasi sikat ako." Proud na sabi pa nito.

"Required po ba na kilala kita?" Balik na tanong ko bago naupo sa pwesto ko.

Pasimpleng sumulyap ako kay Monti na walang kibo at hinahayaan lang kaming dalawa ni Veronica. Ambassador naman pala ngayon ang flavor of the day n'ya? Hindi naman tumatagal sakaniya, mga pampalipas oras nya. Pinakamatagal na 'yung three days.

Busy ako sa pakikipag-usap sa mga tumatawag, at sa mga tambak na papers ko nang makarinig ako nang ungol. Sumulyap ako sakanilang dalawa na gumagawa na pala nang kababalaghan sa mismong opisina.

Hangin lang ba ako dito?

Dito pa talaga gagawin pwede namang sa hotel nalang eh! Mariin akong napapikit pero hindi ko talaga maiwasang hindi tumingin kapag naririnig ko ang ungol ni Veronica. Nakapatong s'ya sa nakaupong si Monti habang halikan sila nang halikan. Para na akong nanunuod nang live porn video ngayon.

Hindi man lang nirespeto employee n'ya at ang office! Ito ba? Ito ba ang Governor nang bayan na 'to?! Joke lang wala na akong magagawa binoto na eh.

"Aalis na lang po ako continue nyo lang 'yan." Akmang ta-tayo na ako ng pigilan ako ni Monti.

At gusto pa yata akong gawing audience nila? Kahit naman may pagka tanga ako hindi ko na lulubusin 'yon. Sagad na sa pag ti-tiyaga ko palang sa kupal na si Monti.

"Stay." Wika nito bago ihiniga sa table si Veronica na para bang may balak pa si Monti.

Gusto ba n'ya akong pag selosin o inisin kaya n'ya pinapakita sa akin 'to? Pwes, walang talab.

Nakita kong nakangisi si Veronica habang siyang-siya. Napaiwas ako sakanila ng tingin pero ibinalik ko rin, at may bumalik rin. Tangina talagang Monti 'to eh! Binabalik lang 'yung sakit na idinulot ni Anton sa akin.

Hindi ba s'ya informed na nag mo-move on pa ako?! Demonyo talaga eh. Magaling manakit pero hindi marunong mang comfort.

Walang emosyon akong nakatitig sakanilang dalawa. Kita ko ang katawan ni Veronica, tambad ito at talagang nakabukaka pa. Naalala ko lang 'yung panloloko sa akin ni Anton. Siguro ganito silang dalawa ng babae n'ya. Habang ako busy sa trabaho at busy sa pagiging asong buntot lang nang buntot kay Monti. Pinahid ko ang pisnge ko na basa na nang luha.

Bakit ba kasi may mga ganito pang lalaki na pinapanganak? Mahilig manira sa relasyon ng iba. Palibhasa hindi masaya buhay n'ya.

"Leave."

"Why? Hindi mo pa nga naipapasok eh?" Inis na tanong ni Veronica.

Tumingin sa akin si Monti. "Ipakaladkad mo kay Mark ang babaeng 'to," utos n'ya.

Nanlaki ang mata ni Veronica at agad na sinuot ang saplot n'ya. "Bad mood ka na naman? Kainis! Tawagan mo na nga lang ako." Tinitigan muna ako ni Veronica bago ito lumabas.

"Bakit pinaalis mo si Veronica?" Takang tanong ko.

"Why are you crying?"

Lumikot ang mata ko. Mag si-sinungaling pa ba ako? Napabuntong hininga ako bago sumagot. "Na i-imagine ko lang si Anton at 'yung babae n'ya." Pag amin ko. "Ikaw ba? Bakit mo pinaalis nalang bigla si Veronica?" Balik na tanong ko.

"I'm not in the mood." Simpleng sagot n'ya bago naupo. "May ga-gawin kaba tonight?" Tanong pa n'ya.

"Inaya ako ni Clyde nang dinner," sagot ko.

"Pupunta ka?" Tanong n'ya na parang naninigurado.

"Bakit hindi?"

Walang dahilan para hindi ko siputin si Clyde. Professional ako sa trabaho at tao ako kausap. Si Clyde 'yung tipo ng lalaki na hindi ka pipilitin at mag a-adjust s'ya para lang matuloy lakad namin.

"Huwag kang pumunta." Napatingin ako sakaniya sa sinabi n'ya. "May trabaho pa tayo sabihin mo gagabihin kana masyado." Utos pa nito.

Agad akong nag check nang mga schedule n'ya. "Wala naman na eh. Bukas pa 'yung iba dahil nag cancel sila." Paliwanag ko. Habang dino-double check 'yung schedule n'ya.

"Kapag sinabi ko sundin mo!" Galit na sigaw n'ya bago padabog na inilapag 'yung ballpen na pinapaikot n'ya sa daliri niya kanina pa.

Ngunit kung mag papasindak ako sakaniya ngayon walang mangyayari. Kayan-kayanan na naman n'ya ako. Hindi naman pwedeng lagi nalang na ganoon.

"Hindi ko na trabaho ang diktahan mo Monti." Madiing sagot ko. "Hanggang katawan kalang di'ba? Lumalagpas ka yata sa limitasyon mo?" Matapang na tanong ko habang nakatitig sa mata n'ya.

"May nabili akong ticket para sa bagong release na movie at gusto ko sanang samahan mo ako."

Napakamot ako sa ulo ko. Seryoso? Dahil lang sa movie kaya s'ya nagagalit? Ang dami niyang pwedeng i-sama bakit ako pa? Pumayag na ako kay Clyde, baka sabihin pa hindi ako marunong tumupad sa usap.

"Anong movie ba 'yan?" Naiinis na tanong ko pero hindi ko pinapahalata masyado.

"Horror." Tipid na sagot n'ya.

Natawa ako bago sumulyap sakaniya. "Natatakot ka noh?" Nanunuksong tanong ko sakaniya. "Horror movie lang hindi mo pa kaya?" Pinipigil ko ang malakas kong tawa.

"Sinong takot?" Matapang na tanong pa n'ya. "Hindi ako takot. Sadyang ayaw ko lang na walang kasama manuod." Dagdag pa n'ya na hindi naman kapanipaniwala.

Wala nga talaga akong magagawa kundi samahan ang epal na si Monti. I feel sorry for Clyde. Nag effort pa naman 'yung tao na humanap nang restaurant na kakainan namin, 'yung hindi matao at walang makakakilala sakaniya.

Hilig kasi sumabay ni Monti eh.

Nasabi ko na kay Clyde na sinamahan ko si Monti manuod nang movie. Wala daw problema kesa mapagalitan ako. Ang bait talaga ni Clyde napaka understanding. Mabait pang Mayor at mahusay wala akong masabi.

Nasa sinehan na kami at start na ang movie. Habang ako kain lang nang kain nitong popcorn. Nagulat nalang ako nang may tumabi sa left side ko. Nasa right side kasi si Monti at wala rin namang nakaupo sakabila ko.

"Late na ba ako?" Tanong ni Clyde habang malawak ang ngiti.

"Ginagawa mo dito?" Tanong ni Monti na sumama agad ang aura.

"Inagaw mo moment namin kaya gantihan lang." Natatawang sabi nito bago bumaling sa akin. "Nilalamig kaba?" Tanong n'ya.

Malamig kasi sa sinehan tapos nakauniform pa ako dahil dumiretso na kami ni Monti rito at hindi na ako pinag palit nang damit.

"Masakit pa ulo mo?" Tanong pa n'ya.

"Hindi na ayos naman na," sagot ko.

"Cringe," bulong ni Monti. "Threesome pa bandang huli." Habol pa nito habang sa screen parin ang tingin.

"Anong threesome? Baka third wheel." Ganti ni Clyde. "At least pwede kaming mag moment kahit nandiyan ka." Pang-aasar pa ni Clyde.

"Mayor Clyde." Sumeryoso si Monti bago napasulyap sa akin. "She's my secretary." Pag diriinan ni Monti.

"Yep, I know. Ngunit wala na s'ya sa work. Monti this is her free time, but you stole it. Grow up."

Hindi kumibo si Monti. Tumataas ang tension kaya naman ako na ang umawat. "Pop corn Clyde." Alok ko bago inabot ang hawak ko. "Malasa pop corn nila dito." Pinipilit kong hindi maasiwa.

"Parang baby naman. I think you Clyde, need to grow up." Balik ni Monti na talagang pinapahaba ang usapin nila.

Paano ko ba maaawat at mapapatahimik ang parehas na may katungkulan na 'to? Salpakan ko kaya parehas nang popcorn sa bibig? Ako itong na i-stress sakanilang dalawa eh.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
nkakatawa ang mga pulitiko dto ah,prang mga tinedyer
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hahaha parang mga bata Kasi aba
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status