Share

THE GOVERNOR
THE GOVERNOR
Author: Laugh Mercedez

SIMULA

NASA OPISINA AKO NI GOVERNOR MONTI NGAYON GINAGAWA NA NAMAN ANG EXTRA SERVICE KO. Dalawa ang bantay niyang bodyguard sa labas kaya walang iistorbo sa kahit anong gusto niyang ipagawa sa akin ngayon.

Nahahanay na ako sa mga bayarang babae, at nandidiri ako sa sarili ko.

"What?” Banas niyang tanong ng mapansing tulala ako, at wala sa sariling iwas ang tingin sakaniya.

Sino bang hindi magiging ganito? Sa araw-araw na ipinapasok ko pababa ng pababa ang tingin ko sa sarili ko. Habang s'ya ang tanging alam lang ay mag paraos dahil napakainsensitive n'ya! May puso s'ya pero wala naman silbi kasi wala man lang kahit kaunting awa siyang ipinapakita.

"Paano ba ako napasok sa sitwasyon na 'to?” Naiiyak na tanong ko bago pagak na tumawa at pinahid ang luhang lumaglag sa pisnge ko.

"Nasa contract na 'to Jewel. Ipapaliwanag ko na naman ba ulit sayo ng paulit-ulit? Fuck! You agree with this, and now aarte ka at iiyakan na naman ako?”

Umaarte nga ba ako? Biktima ako rito tangina! Gustong-gusto ko siyang sigawan at saktan. Dumampi palang balat niya sa akin gusto ko na siyang pugutan ng kaligayan, baka sakaling matauhan siya.

"Trabaho ang pinasok ko hindi ang maging parausan mo Monti!” Hindi ko na napigil ang sarili kong sigawan s'ya. "Kung alam ko lang na tuso kang tangina ka!" Madiing wika ko bago ikinalma ang sarili ko. "Edi sana wala ako sa poder mong hayop ka."

"Without me, you're nothing.” Nakangising wika niya bago hinaplos ang mukha ko at pinahid ang luha bumabasa sa pisnge ko. "You're the Governor secretary, you should be thankful. Dahil sa libo-libong babaeng nakapila sakin ikaw ang maswerteng napili ko.”

Anong maswerte sa pagiging bayaran? Utak talaga ng hayop na 'to may problema. Hindi talaga ako malakas kay lord. Kahit naman noon pa 'di naman ako naging malakas. Wala man lang sign na demonyo pala itong lalaking 'to.

Hindi ko talaga inakala na kasama pala sa pagiging secretary ang pagbibigay ng pleasure sakaniya, and now I'm stocked. Tanga ko noh? Oo sobrang tanga ko.

Kahit sinong tao ang pag sabihan ko pag ta-tawanan pa nga yata ako sa sobrang katangahan ko. Ang dali ko kasing mag tiwala eh.

"Wipe your tears. Alam mo namang ayaw kong iniiyakan ako at inaartehan. Tandaan mo na sa akin kana, at wala ka sa kinatatayuan mo kung hindi dahil sa akin."

"Oo alam ko naman iyon, pera mo bumubuhay sa pamilya ko ngayon. Mapera ka at maimpluwensyang tao pero bobo ka pag dating sa damdamin ng iba. May isang bagay karin yatang nakakalimutan?" Sinalubong ko ang titig niya ng buong tapang. "Makukuha mo nga ako pati ang katawan, pero tandaan mo na itong puso ko. Hindi 'to para sayo, at hinding-hindi magiging sayo, Gov.”

"Really? Matigas ka talaga noh? Well, let's see kung hanggang kailan mo itataas iyang sarili mo sa akin. Lalaspagin kita sa ayaw at sa gusto mo. Gagamitin kita at gagawing laruan, and I will destroy you woman. Kapag sinabi ko ginagawa ko. I'm the great Governor of this city, and no one can destroy me. Do you really think may gu-gusto pa sayo kapag nalaman nilang nilawayan at pinagsawaan na kita?” Mapang-insultong tanong pa n'ya habang nakangisi at walang emosyong nakatitig sa mata ko. "Imbis na maging masaya ka kasi ibinibigay ko lahat kinakalaban mo pa ako. Sige, subukan natin iyang natitirang pride mo." Dagdag na wika pa n'ya.

"Halimaw ka talaga! Sana lang alam nila na yung binoto nilang Governor ay inutil at makasarili!” Sinuntok ko s'ya sa dibdib sa sobrang galit ko.

Ngayon lang talaga ako nakaipon ng tapang na manalita ng ganito sakaniya.

"Gusto mo pala ng ganito? Sige, ibibigay ko ang larong gusto mo Governor Monti. Dito mo lang naman ako kontrolado e, pero sa labas hindi mo ako pagmamay-ari.” Matapang na sabi ko bago inalis ang kamay niyang nakahawak pa sa bewang ko.

"If you think I'm going to fall for you, think again.” Bumalik s'ya sa swiveling chair niya bago seryosong binuklat ang tambak na papeles sa lamesa. "Marami kang trabaho ngayon Jewel so, you may start now.”

Napairap nalang ako sa hangin bago naupo narin sa pwesto ko banda sa gilid niya. Bakit ba kasi dito pa ako sa loob pwede namang sa labas na ako? Masyado kasi akong naiirita sa mukha niya. Sa lahat ng babae ako lang yata itong hindi interested sa pagiging good looking n'ya. Kahit may maipag mamalaki naman talaga, kasi malaki 'yung alaga n'ya. Size doesn't matter for me, at sa aming dalawa s'ya lang naman ang mas enjoy m*****g kasi.

Sa totoo lang may boyfriend ako, but sadly my boyfriend doesn't know about my relationship with him. Sinong tanga ang aamin sa kalokohang 'to? Ayaw kong mawala boyfriend ko. Selfish ako pag dating sakaniya kasi ayaw kong maiwan kahit kaiwan-iwan naman ako dahil sa kahihiyang pinasok ko.

Hindi ko alam magiging reaction n'ya kapag nalaman niyang si Monti 'yung unang kumuha ng virginity ko, na dapat ay sakaniya ko ireregalo sa anniversary namin. Nakakatawang isipin noh? Si Anton na boyfriend ko hindi pa ako ginagalaw, pero 'yung boss ko at governor ng lugar namin walang pakundangang kinuha ang puri ko.

"What's my schedule for today?”

Natigilan ako sa pag-iisip ng bigla siyang mag tanong. Agad kung binuksan ang laptop at nag check ng nilista ko kagabing schedule n'ya.

"You have two meetings for today, with Mr. Galvez at sa isang celebrity model na si Jessie Cruz. Kauuwi lang n'ya ng bansa kahapon. And have you heard the news about her? Nanalo s'ya sa sinalihang modeling.”

"Bakit kaylangan ko pa s'yang puntahan wala ba siyang paa para pumunta rito?” May inis sa boses nito. "Ano naman kung nanalo s'ya? Madalas ba siyang talo at ngayon lang nanalo kaya dapat ipangalandakan 'yung—” I cut him.

Masyadong madaldal wala namang alam sa fashion.

Napailing na lamang ako bago napabuntong hininga.

"As far as I know Governor Monti that's your duty to congratulate her. Why? Kasi po dito sa lugar natin s'ya pinanganak at lumaki, at representative pa s'ya ng pinas.” Paliwanag ko ng maayos kahit na gusto ko na siyang patumbahin sa kinauupuan niya ngayon mismo.

"Waste of my time, mas marami pang mahahalaga kaysa makipag plastikan sa babaeng iyon.”

Talaga ba? Waste of time rin naman ang makasama s'ya. Dahil nagagawa pa niyang isingit ang pakikikantunan dahil sa pagiging dakilang m*****g n'ya.

Napakasimple lang naman pwede namang hindi sya pumunta. Madalas naman siyang gumawa ng dahilan at sa akin umaasa. Magaling ako sa pag ha-handle kapag ayaw niyang pumunta at wala talaga s'ya sa mood.

"Gagawan ko na po ba ng paraan?” Tanong ko.

"No, after kay Mr. Galvez deretso na tayo sakan'ya.”

Gusto din naman pala pumunta aarte pa! Napailing ako bago sumulyap sakaniya na sa laptop na niya nakafocus. Kapag seryoso s'ya sa trabaho iispin mong matino siyang tao, pero dahil kilala ko s'ya syempre hindi naman talaga. Hindi rin naman s'ya corrupt na governor iyon lang ang katangian na gusto ko sakaniya.

Palihim lang rin ang mga extra service at tulong n'ya, at kasama n'ya akong nililihim sa media ang lahat. Lalabas s'ya ng walang nakakahalata at tumutulong ng walang nakakakilala sakaniya. Ako kasi ang secretary niya kaya alam ko bawat galaw n'ya. Ultimo mo pabango n'ya kabisado ko na dahil palagi nalang akong nakabuntot sakaniya.

Anino ako ni Monti.

"Good to see you Galvez.” Binati nya 'to na parang simpleng tao lang na nakasalubong n'ya sa kanto.

Sa isang private at sikat na restaurant ang lugar na pinili nila. Gwapo si Galvez at halos kaedad lang rin ni Monti. Kaya hindi sila ilang sa isat-isa, at alam ko rin na dati na silang nag ha-hangout bago sila pumasok sa politika.

"Mayor Galvez para formal,” sumulyap s'ya sa akin at ngumiti. "Ikaw parin pala secretary nito? Akala ko hindi mo s'ya matatagalan. Do you still remember my offer? Kapag sawa kana sa boss mo welcome ka sa opisina ko.”

Nahihiya akong ngumiti rito bago napasulyap kay Monti. Umiba ang awra nito habang walang emosyong nakatingin sa akin. "Kapag malaki pasahod mo malabo kang alisan Galvez, money is everything.” May pang i-insulto pang sabat ni Monti.

"Money is evil." Bulong ko. Matapang ko siyang nginitian bago sinagot ang walang kwentang paratang niya. "Baka rin po kasi tama ka Mr. Galvez masyado akong matiisin,” pasimpleng sabi ko habang nakatitig kay Monti.

"So, how's the project?” Pag i-iba ni Monti sa usapan kaya lihim akong natawa.

"Ayos naman lahat don't worry we will get you updated. Magaling naman secretary mo. Lagi niyang itinatanong sakin kaya nga gustong-gusto ko ang

kagaya niyang hard working.” Kumindat pa sakin si Mayor Galvez bago natatawang bumaling kay Monti.

"Hindi parin bago style mo? If you want her then fuck her. Wala namang problema sakin, sharing is caring bro. At lalong hindi ako madamot alam mo iyan Galvez. Kapag hindi ako interesado hindi ko pinahahalagahan.” Linagok nya 'yung alak na nasa baso niya bago sumulyap sa akin.

Tumayo si Mayor Galvez bago ngumiti sa akin. "Don't mind him." Lumapit pa s'ya kay Monti at bumulong.

Hindi ko na narinig 'yung sinabi niya, and after niya tapikin ang balikat ni Monti ay umalis narin ito.

Ano kayang sinabi n'ya?

Pake ko ba? Pati ba iyon dapat ba alam ko? Agad kong dinukot ang phone ko sa bag nang marinig ko itong tumunog. Anton is calling. Bakit kaya? Lumayo ako ng bahagya kay Monti na wala paring balak tumayo at patuloy lang sa iniinom n'ya.

Gusto ko sanang sabihing tigilan na n'ya ang pag i-inom dahil may isa pang naghihintay sakaniya, si Jessie pa.

"Baby, sorry busy pa ako ngayon e, pwedeng mamaya nalang sa bahay?" Ngunit iba ang sagot ni Anton. Galit ito at hindi makapag hintay. "I'm with my boss Anton, please makakapag hintay naman siguro 'yang sasabihin mo di'ba?” Binaba na n'ya ang tawag at hindi na sumagot pa.

Galit na naman iyon sa akin. Kahapon pa s'ya may tampo, na hindi ko naman mabigyang pansin dahil sa dami ng ginagawa ko. Gusto kong bumawi sa day off ko nakaplano na iyon. Kaya nga iniiwasan kong mag away sana kami dahil palagi nalang kaming nag ta-talo.

"Who's that?”

"Boyfriend ko,” mabilis na sagot ko sakaniya.

"Pahiram phone mo?” Inabot ko sakaniya ito kahit alangan pa ako. Laking gulat ko ng ibato niya ito sa sahig at balikan pa para tapakan. "Next time kapag nasa trabaho dapat trabaho lang ang gagawin mo. Hindi na ba makapag hintay 'yang jejemon mong boyfriend? Papalitan ko phone mo, don't cry like a baby. Hindi kana bata pero baby parin tawagan ninyo? Fuck, so disgusting!”

Sumenyas s'ya sa bodyguard na lalabas na kaya um-escort na ang mga ito sakaniya. Isang sa mga bodyguard niya ang naiwan, si Mark.

"Pasensyahan mo na kilala mo naman si Governor," lumapit siya sa akin at bumulong. "Masyadong freak.”

"Hinaan mo pa baka marinig ka n'ya mawalan ka pa nang trabaho,” paalala ko.

"Bakit s'ya lang ba pwedeng makapag bigay nang trabaho sa akin? Ikaw kasi kung ako sayo kay Mr. Galvez ka nalang good boy pa.”

Kung pwede lang talaga hindi ko pag ti-tiyagaan ang demonyitong si Monti.

Imbis na naluluha ako'y bigla tuloy akong natawa sa sinasabi ni Mark. "May boyfriend na ako at mahal ko 'yon. Kaya mas ok na ako kay Monti na walang gusto sa akin, at never kong magugustuhan.”

Sumunod na kami sa labas ni Mark. Tahimik akong pumasok sa kotse, at hindi ko s'ya binibigyan ng tingin. Nararamdaman ko ang titig n'ya pero iniiwas ko ang mata ko at hindi binibigyan atensyon.

"Break up with your boyfriend."

"Mahal ko s'ya." Mabilis na sagot ko.

"Pero akin kana." Kalmadong pag pipilit ni Monti sa katangahang gusto n'ya.

"Katawan ko lang," inis kong sagot.

"Walang forever mag hihiwalay rin kayo." Walang emosyong sabi niya bago ipinikit ang mata at hindi na nag salita pa.

Bitter lang? Palibhasa walang experience sa love kaya pati ako gustong idamay sa kalungkutan ng buhay n'ya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
si governor alam ko me gusto sayo yan dinadaan lang sa pera hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status