Share

Chapter 2- He's Crazy

Steve’s POV

“Masyado kang pa-hard to get Claire. Really? You rejected me for the 6th time? Ikaw lang ang babaeng gumawa nito sa’kin and it’s driving me crazy to pursue you more. I will have you one day and I’m excited for that to happen.”  Tinungga ko ang isang bote ng alak para ilabas ang galit at frustration ko sa babaeng yun. She’s making me mad. Just one night, one night only pero hindi niya ako mapagbigyan. As if naman hindi pa niya yun nagawa sa klase ng trabaho niya. Alam kong sanay na siya sa kama at sigurado ako doon at ano ba naman ang pagbigyan niya ako ng isang beses. Pero imbes na gawin niya yun ay mas lalo pa siyang lumalayo sa akin at mas lalo pa akong pinapahabol kaya lalong nadadagdagan ang inis ko sa mga ginagawa niyang ito sa akin.

Noong una ang gusto ko lang ay makipagkaibigan sa kanya dahil sa pagligtas niya sa buhay ko. Utang ko sa kanya ng pangalawang buhay ko. Pero habang kalaunan ay mas lalong napapalapit at nahuhulog na ang loob ko sa kanya at hindi na siya mawala sa isip ko. Ngunit isang gabi hindi ko inaasahan ang matutuklasan ko tungkol sa kanya. Ang inakala kong isang inosente, napakaganda at matinong babae na hinahangad ko ay may maitim na tinatagong sekreto sa sarili at hindi ko yun matanggap. 

Natuklasan kong isa siyang pole dancer sa isang sikat na club dito sa Maynila at sa mismong club pa na pag-aari ko. Subalit hindi niya yun alam dahil confidential ang infornation ng mga clubs ko dito sa Maynila. At nakita ko kung paano siya pantasyin ng mga lalaking nakakapanood sa kanya. I was shocked when I saw her twerking her butt and swaying her hips like a pro. Hindi ko akalain na kaya niyang gawin ang ganun uri ng trabaho. I mean wala na ba siyang ibang mahanap na matinong trabaho? I offered her a job before but she chose to refuse it at mas ginusto pa niyang sumayaw sa club. She refused to work in my office as my assistant. And it makes me really mad, really, really mad. 

Simula ng gabing iyon ay nawalan na ako ng interes sa kanya maliban sa maikama siya kahit isang gabi lang. I never told anyone tungkol sa kung anong uri ng trabaho meron siya dahil marunong naman ako tumanaw ng utang na loob dahil sa pagligtas niya sa buhay ko. Simula ng mapang-akit na gabing iyon ay hindi na siya nawala sa isip ko. How she dances like a slut girl and seduces his man and my man down there is craving for her. Pagkatapos kong kunin ang gusto ko ay hindi na ako magpapakita sa kanya. I will get rid of her at kakalimutan na siya. Hindi ko pinangarap magkaroon ng koneksyon sa ganun uri ng babae.  I only want to satisfy my man for just one night. Just one night. But…

But she always rejects and avoids me like I’m a sick person. Simula ng nalaman ko ang sekreto niya ay nagsimula na rin siyang iwasan at layuan ako. Ginawa ko na lahat para pagbigyan ako. I blackmailed her na ipagsasabi ko ang sekreto niya pero hindi man lang siya natinag at mas lalo pang nagmamatigas. Walang ibang nakakaalam ng lihim niya maliban sa akin. At siya lang din ang nakakaalam ng gusto kong gawin sa kanya.

She knows how I crave for her body ngunit mas lalo lang niya akong binabaliw sa pagpapa hard to get niya. Yeah, masyado siyang pa-hard to get na akala niya hindi ko siya makukuha, then she’s wrong. Maling- mali siya ng akala. Gaya ng sabi ko sa kanya saka lang ako titigil kapag nakuha ko na ang gusto ko. Hindi ko siya titigilan hanggang sa pumayag siya. I don’t want to force her to do it, all I want her is to surrender herself to me with no hesitation and we are all done after this and we can separate our ways peacefully at nangako akong hindi ko na siya guguluhin. 

Pero lagi niyang ginigiit na hindi siya ganoong babae katulad ng iniisip ko sa kanya and I don’t believe in her. I saw it with my two pair of eyes on how she danced and seduced those men in my club and how lusty their eyes were, when they looked at her. At tanga lang ang hindi maniniwala na hindi siya nagpagalaw sa kahit isa sa mga mayayamang kliyente at suki na ng club ko. I don’t believe that she’s still pure and virgin. 

And she always told me na layuan ko siya at wag na magpapakita sa kanya para matigil na ang kahibangan ko but I will not listen to her. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakukuha ang gusto ko at sisiguraduhin kong hahantong siya sa mga palad ko. I will make sure na siya na mismo ang kusang lalapit at mag-aalok ng sarili niya sa akin. I smirked at biglang may kumatok sa pintuan.

“Come in!” sigaw ko. 

“Nandito na ang impormasyon na gusto mong malaman,”

“Well done. You can leave now.” 

“Naku wala yun. Alam mo namang kahit ano gagawin ko para sayo, Steve.” Anito saka humalakhak.

“So disgusting, just leave! I’m busy.” Sigaw ko sa kaibigan ko. 

Kinuha ko ang envelope at binasa ang mga detalye at isang bagay ang nakapagpatigil sa akin, it caught my attention. Napangiti ako.

“Let’s see baby kung makakatanggi ka pa sa akin ngayon.” Bulalas ko. I feel victory now. 

“Ang totoo, Steve? Bakit mo gustong malaman ang ganitong mga impormasyon? Interesado ka ba sa kanya?”

“Kailan ka pa nangialam sa mga gustong kong gawin, hmm? Kung ano man ang gusto kong gawin sa kanya it’s none of your business, dude. Get out!” pabalang kong sabi at mabilis siyang tumalima.

That girl is mine, mine only at gagawin ko ang gusto kong gawin sa kanya. Ipapakita ko sayo Claire na kaya kitang makuha, okay? Just wait for me baby. I will come to get you because I have a weapon to ruin and destroy that paradise at the middle of your thighs. I can’t wait for it to happen but real soon at kapag nangyari yun I will say goodbye and bring your dark secret with me. Walang makakaalam. I swear.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status