Share

Chapter 5- I am Benedict, The name you will never forget

Claire’s POV

Hindi ako naglagay ng kolorete sa mukha dahil matatakpan lang din ito ng belong ilalagay ko sa mukha ko pantakip upang hindi makilala. Nagperform akong wala sa tamang hwesyo ang isip dahil lumilipad ito at hindi iyon nakatakas kay madam kaya napagsabihan ako kanina habang break time ko. Sumayaw pa rin ako kahit walang gana buti na lang at hindi masyadong napansin ng mga customer at panay pa rin ang hiyawan nila. Ang nasa isip ko ay kung paano solusyunan at mabayaran ang malaking halaga sa ganoong kaiksi na palugit na ibinigay sa akin. Tatlong linggo na lang ang natitira at hindi pa rin sapat ang naipon ko.

Sinubukan ko ring kontakin ang opisina na pinagkakautangan ni Tatay subalit bigo lamang ako.

Gaya ng sabi ni Edward ay tatawagan ako ng amo niya subalit hindi naman nangyari dahil siguro sa hectic ng schedule niya. Alam kong walang ibang paraan para makumbinse ko sila ngunit nagbabakasakali lamang ako. I was desperate dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang bayaran ang ganun kalaking halaga.

I was in the lounge area near the window dito sa club S3X at nakatunghay sa labas at tinitingala ang mga bituin sa kalangitan. Hindi ko muna inalis ang belo na nakatakip sa mukha ko. Saka ko lamang ito tinatanggal kapag paalis na ako at wala ng tao sa club. Kanina pa natapos ang duty ko pero ayoko munang umuwi at nagmuni-muni muna sandali. Habang sa kalagitnaan ng malalim na pag-iisip ay hindi ko napansin ang presensya ng tao na nasa likuran ko. Saka ko na lamang naramdaman ng may mainit na hangin ang dumampo sa bandang batok ko at nanayo and balahibo ko. It was a warm breath behind me and I don’t know who’s behind me.

Nilingon ko kung sino dahil sobra naman ata kung makadikit sa akin. Saktong paglingon ko ay tumambad kaagad sa mukha ko ang pamilyar na dibdib. It was him. A stranger whom I don't even know. Tumingala ako para tingnan siya sa mukha and I met his eyes with a smirking lips. The audacity of this man doing this to me. Ang lakas ng loob.

I saw how happy his eyes were staring at mine. Ang titig niyang halos nanunuot sa kaibuturan ko. Hahakbang na sana ako papalayo sa bintana upang makalayo sa kanya subalit mabilis niya akong naitulak at sinandal sa likod ng bintana at ikinulong sa kanyang magkabilang braso. Here we are again repeating the same scenario that happened last week and I don’t like it. I don’t like him close to me. It disgusts me.

Napaka inosente niyang tingnan sa anyo pero makikita mo ang mapagkubling anyo sa kanyang mga mata. Anyo na hindi ko alintana at hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya. It’s like he's a devil hiding in a gorgeous creature. I noticed he widened his smile while staring at my eyes at walang anu-ano ay hinablot niya ang telang nakatakip sa mukha ko. He did it successfully then I saw victory and happiness in his eyes.

“Here you go. I don’t know your reason why you are hiding this beautiful face of yours, Claire.” Anito na na ikinalaki ng mata ko. Nagulat ako dahil alam niya ang pangalan ko. Si madam lang ang nakakaalam ng totoong pangalan ako dahil ibang pangalan ang ginagamit ko while I’m working here at club S3X. Nilapit niya ang kamay upang haplusin ang pisngi pero mabilis kong hinawi ang braso niya at tinulak palayo sa akin.

“Pwede ba sir? I don’t even know you and can you please distance yourself from me? Just please, stay away from me, marami akong problema at ayokong dumagdag ka pa.” Pakiusap ko. But he only frowned and raised his right eyebrow.

“Whoahh. It looks like you are scared of this handsome face of mine. Let me introduce myself. I’m Ben and I’m a big fan of your slash soon to be lover and you can’t get away from me, okay?” pagpapakilala niya.

“What! Are you crazy? I don’t have any interest in you so back off and don’t ever show your face again here.” Sita ko sa mga sinabi niya dahil nakakapangilabot. Lover? Sira ulo talaga.

“Well, well , well. Yeah, you’re right. I’m crazy. Obviously crazy in you and please don’t resist me, understood? I don’t want to show you my devil side because I don’t want to hurt the things that I like.” Sarkastiko niyang sagot.

“Out of respect sir Ben, I don’t have any interest in you, okay? So again stop following me dahil hindi-hindi kita magugustuhan And to correct you I’m not just a thing like you're talking about. Kung naghahanap ka ng bagay na paglalaruan nagkamali ka ng pinuntahan.” Paliwanag ko subalit tumawa lamang siya ng malakas sa mga sinabi ko.

“Ako, mali ng pinuntahan? Seryoso ka ba? I think this is the perfect place na pinuntahan ko because I found you.” Anito.

Hindi na ako nagsalita dahil may punto siya at saka ko lang naisip. Saan nga ba nagpupunta ang mga mayayamang lalaki o negosyante di ba sa mga club or bar? How stupid my words are. Wala nga talaga ako sa hwesyo kaya kailangan ko ng umuwi at magpahinga.

Irap lang ang naisagot ko sa kanya at akmang tatalikod na ako dahil wala akong balak makipag-usap ng matagal sa lalaking ito. He’s still a stranger for me kahit sinabi na niya ang kanyang pangalan. Palangalawang hakbank ko pa lang ay mabilis niyang hinablot ang kamay braso ko at tiningnan kong naroon pa rin ang galos na natamo ko dahil kay Steve.

“Magaling na. Next time please be careful, okay?” bulalas niya.

“Wala kang pakialam and let go of my hand. Stop pestering me.” Sagot ko sabay haklit sa kamay ko.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita dahil patakbo na akong lumabas at mabilis na kinuha ang bag ko saka pumara ng tricycle pauwi. That guy is unbelievable. Pareho lang sila ng Steve. Oh God, please ilayo mo sa akin ang dalawang lalaking ito. Wala silang naidudulot na maganda sa akin bagkos nakakadagdag lamang sila sa mga problemang pinapasan ko. Kung pwede lang kunin niyo na ako dahil hindi ko na alam kung paano lulusutan itong maze na binigay niyo sa akin. At sana lang huwag na magpakita pa sa akin si Ben at Steve. I don’t want to see their faces anymore.

Kinabukasan ay nagpaalam mun ako kay madam na hindi muna papasok sa club. I feel so tired this past few weeks, wala akong maayos na tulog, kain at pahinga dahil sa sunod-sunod na problema. I want myself rest at matulog ng buong araw para makapag isip naman at mag-function ng tama ang utak ko. Pasalamat na lang ako na pumayag si Madam at sinabing ngayong gabi lang dahil mapapagalitan siya ng Boss niya kapag bumaba ang kita ng Club. I’m the star of the night at alam kong isa akong asset para sa kanila.

Kahit papaano ay nakatulong naman ang isang gabi kong pahinga. Maaga akong nagising at papasok na ako sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko sa araw. 8 hours ang pasok ko sa coffee shop. 8AM to 5PM and then 7Pm to 9Pm ay nagtuturo ako ng sayaw at panghuli 10Pm to 2 AM ay ang pasok ko sa club S triple X ( S3X). Nasanay na ko sa ganitong routine ko araw-araw sa halos isang taong nakalipas.

Kaya hindi ako tumaba at nanatiling balingkinitan ang katawan ko. Walang tataba sa ganitong uri ng trabaho na meron ako. Kahit ganito ang uri ng trabaho kay palagi akong pinapaalalahanan ni Lyka na magtake ng Vitamins at panatiling healthy ang pangangatawan dahil ito lang daw ang puhunan ko which is totoo naman. Kaya nagpapasalamat din ako dahil nasa tabi ko si Lyka. She was my best friend at baka hindi ko kinaya ang lahat kung wala siya sa tabi ko. Siya na lang ang itinuturing kong pamilya. Mabilis na tumakbo ang oras sa araw-araw na lumilipas at hindi mo minsan namamalayan dahil sa sobrang abala sa trabaho pati na rin sa problema.

Pagkatapos ng dalawang duty ko ay nagpahinga lamang ako saglit dahil maghahanda na naman ako mamaya para sa club. At sana lang ay hindi ko na makita si Ben doon dahil sigurado akong guguluhin na naman niya ako. Siguro ay sasabihan ko si madam tungkol sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status