Meeri's POVAbala ako sa pagtsi-tsek ng mga papel ng mga estudyante since nagpa-quiz ako sa lahat ng klase ko plus mga ipinasa nilang activities and assignments. May mga late na nagpasa pero marami naman ang maagang nagpasa, especially ang Chapter 1 ng research ng advisory class ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho nang mapansing dumating si Sulie. May inilapag itong nakasupot na pagkain kaya naman natigilan ako at nag-angat ng mukha upang tignan siya. "You should take a rest and eat," aniya at inilabas ang bottled water mula sa loob ng kaniyang bag."Hindi ka na sana nag-abala pa," saad ko habang nakangiwi. "Katatapos ko lang nag-lunch kasama si Sir Ceed." Tumaas ang kilay nito at humalukipkip. "Yeah? Pero hindi ka na pwedeng tumanggi since inutang ko lang 'yan sa canteen at pinalista ang pangalan mo," matapang nitong sambit at inilahad ang kaniyang palad sa aking harapan. "Your payment, ma'am."Napasinghap na lamang ako pero kalauna'y inilabas ang aking wallet at inabutan siy
Meeri's POVPagkauwi ko ay tanging si Uncle Harold lang ang nadatnan ko pero paalis ito. Inihabilin niyang late na sila uuwi ni Logan dahil sa dami ng inaasikaso nila sa kani-kaniya nilang trabaho. Tumango naman ako at nagpaalam na sa kaniya. Matapos iyon ay naiwan na akong mag-isa. Tutal ay hapon na ay nagluto na ako ng makakain. Hindi ako magaling nagluto pero may ilan naman akong alam, especially Japanese cuisine since hindi ko kasama si Mom o si Uncle Ilay sa Japan ay malaya kong nagawa ang gusto ko at isa na roon ang pag-aaral sa pagluluto. Though, dahil wala akong nakaprepare na ingredients ay tanging omelette lang ang nagawa ko. Sinimulan ko na ang pagkain ng sa unang subo pa lang ay bumukas na ang pinto at pumasok si Uncle Ilay na may mabigat na awra. He look so intense that made me hard to swallow the food in my mouth. Nagawi sa aking direksyon ang paningin nito at natigilan. Sa isang kisap lang ng mata ay nagbago na ang ekspresyon ng kaniyang mukha at napaiwas ng tingin.
Meeri's POVHinawi ko ang aking buhok na humaharang sa aking mukha habang pababa ng hagdan. It's Sunday, meaning, church day! Medyo matagal na rin akong hindi nakapupunta sa church, uh well, hindi Christians ang mga Japanese. Natigilan ako sa paglalakad nang saktong lumabas mula sa kusina si Uncle Ilay at inaayos nito ang pagkakatupi ng kaniyang long sleeve polo. Nang mapansin niya ako ay natigilan din ito't tinignan ako. "Uh, you're going to church?" untag nito na tipid kong tinanguan at nag-iwas ng tingin. He's wearing a dark blue polo... it suits him a lot. It reflects the beautiful sea he's been sailing, him being a handsome captain, and all. "Are you going with Rochelle?" sunod nitong tanong at dinaanan ako. Kinuha nito mula sa mesa sa living room ang wallet at car key niya. "No, I'm going alone," tugon ko naman at kalauna'y bumalik sa aking harapan si Uncle Ilay."That's good then. I was about to go there too.""Hindi ba't galing ka na roon kahapon? Ang sabi mo pa ay limang
Meeri's POVNakatingin lang ako sa aking phone habang kumakain ng ice cream. Well, dinala ako ni Uncle Ilay sa isang ice cream house kaya hindi ako nakatanggi... umm, hindi talaga ako makatatanggi sa ice cream pagkatapos mag-church. Nasanay na ang katawan ko sa ganito, thanks to him."Why are your eyes glued to your phone?" untag ni Uncle Ilay at naupo ito sa aking tabi. Nagpaalam lang siya saglit kanina para mag-cr at kababalik lang. "You're reading about Luke 6 : 27-30? You should've just asked me," ani pa niya kaya naman tinignan ko ito."Kabisado mo ba ang bible?" tanong ko na mahina niyang tinawanan at umiling. Kinuha naman nito ang kutsara ko at nag-scoop ng ice cream ko sabay isinubo iyon. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil may sarili siyang ice cream, na inubos niya na at ngayon ay nakikiagaw na."But I know the context of it," sagot pa ni Uncle Ilay at nilunok ang ice cream. "It says that love your enemies. Do good to those who hate you. Bless those who curse you. And pr
Meeri's POV Inayos ko mula sa pagkakasuot ang aking sunglasses at yumuko upang itago ang aking mukha. Pasimple pa akong luminga-linga sa paligid at nagsimulang maglakad habang hila-hila ang aking maleta."Meeri!"Agaran akong napangiwi nang marinig ang malakas na boses na iyon at agad na may pumulupot na braso sa aking katawan. Napabuntong-hininga na lamang ako at tinanggal ang sunglasses sabay hinarap ito. "Rosie," usal ko naman at nginitian ang babae habang sinusuri ang katawan nito. She's Rochelle Aguilera but I prefer calling her Rosie, she's my very best friend since elementary. Naka-curl ang maikli nitong brown na buhok, may mapupungay na mata, perfect jaw, pinkish lips and cheeks, at matangos na ilong. Maganda rin ang shape ng kaniyang katawan pero sa height naman ay hanggang tainga ko lang siya. Well, matangkad akong babae. Average lang ang height niya, so ako ang may problema. "Woah, blooming ka ngayon ah. May naliligaw ba?"Sinamaan ako ng tingin ni Rosie at siniko ang a
Meeri's POV "Welcome Back, Marylane!"Ngumiti ako nang makita ang pamilya kong nakahilera. Nag-effort pa talaga silang magkabit ng kung ano-ano at maghanda gayong umuwi lang naman ako, isa pa, anim na buwan lang naman akong nasa Japan, wala pang isang taon. "Come here, baby." Nilapitan ko naman si Mom at niyakap ako nito ng mahigpit. "I missed you," malambing pa nitong bulong kaya naman maging ako ay nakaramdam ng pangungulila't niyakap siya. Dahil sa sinabi at ginagawa niya ay parang ang tagal ko rin siyang hindi nakita at gusto ko na ring magdrama."I missed you too, Mom," saad ko at hinalikan pa ang pisngi nito. "Mabuti naman at okay ka na." Tinignan ko naman si Dad. "Thank you for taking care of her.""I'm her husband, of course I'll take care of her," matigas naman nitong sagot habang masamang nakatingin sa akin. Halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ko kaya naman natawa ako. You can't blame me. You never take care of us in the past."Hey, let's do a cheers for Meeri!" anun
Meeri's POVNaalimpungatan ako nang maramdaman ang pangangati at panunuyo ng aking lalamunan. This must be the consequence of my travel from Japan since almost everyday I was outside going everywhere then got home wherein the weather totally dropped by. Inalis ko ang kumot sa aking katawan at bumangon. Inayos ko rin ang aking buhok at lumabas na ng aking kwarto. Madilim at tahimik na ang paligid dahil hating gabi na rin. Isa pa, tatlong gabi na rin silang nagpa-party para sa pagbabalik ko. I hope this will be the last. Pagkarating sa kusina ay kumuha ako ng maligamgam na tubig at uminom pero sa tingin ko ay wala iyong epekto. Kaya naman bago pa lumala ay uminom na ako ng gamot. Ayoko rin namang magkasakit since nakapag-apply na ako ng trabaho at tinanggap agad ako ng school kung saan ako huling nagturo. Magsisimula na ako on Monday, tomorrow to be exact.I'm a teacher by the way. I graduated Bachelor of Secondary Education Major in Math. Yeah math. I love math. Everyone about math i
Meeri's POV"Good morning, ma'am."Kaliwa't kanan kong narinig ang mga pagbati ng mga guro at estudyante na nakakasalubong ko sa daan. Ang ilan ay binibigyan lang ako ng matamis na ngiti, at ang iba ay kinukumusta pa ako. Talagang nakagaganda ng araw ang mga bati nila, but... beyond those smiles, I know they're rolling their eyes. I'm not a very nice teacher after all."Ma'am Salazar, mabuti naman at nakabalik ka na!" masiglang bati ng principal pagkapasok ko pa lang sa opisina nito."And thank you for accepting me again, Ma'am Pia," sagot ko at naupo sa isang silya. Well, she likes calling her Pia rather than using her surname.Sinimulan naming pinag-usapan ang tungkol sa trabaho ko. Inilagay nito ang office ko sa library gaya ng dati, ibinigay din nito ang aking schedule. Agad namang nagningning ang aking mga mata dahil sa unang pagkakataon ay magtuturo na ako ng mga senior high, pero hindi math ang subject, kundi practical research. This is what I really want. Making the students