Share

Chapter 2

Kakauwi lang ni Madel sa boarding house at day off din nya sa bar kaya bawi-bawiin nya ang kanyang tulog. Papasok na sana sya sa boarding house ng tawagin sya ng kanilang landlady na kakauwi lamang din galing trabaho

"Madel!" Tawag ni Jane

"Hi ate. Kamusta na po ang napakabait kong landlady?" Sabay yakap dito. Ganoon sila kaclose na parang magkapatid lang ang turingan. Nagkakilala sila dahil na rin kay Nikka na matagal ng nangungupahan sa kanila at ng makasama si Madel sa trabaho ay agad nitong inalok na magshare nalang sila sa boarding house ni Jane.

" Naku binola mo na naman ako Madel. Ikaw ang kumusta? Diba graduating ka na?"

"Opo ate. Sa 27 po ngayong May ako gagraduate sa wakas ate!" May kilig pa nyang sagot.

"Ano plano mo after graduation?"

"Plano ko ate ayusin lahat ng requirements at hahanap agad ng trabaho. Gusto ko kasi makahanap agad para naman maka ipon tapos resign na sa bar. " Sagot ni Madel.

"Sakto Madel. Ikaw nalang kaya pumalit sa akin sa trabaho ko. Katulad mo ang hanap ko, fresh graduate, madaling turuan at siguradong makakasundo ni boss." Alok ni Jane.

"Talaga ate tingin mo papasa ako maging assistant ng boss mo? Bakit te, kailan ba leave mo? After ng leave mo saan ako pupwesto?"

"Papasa ka Madel, ako na bahala sayo, ituturo ko lahat sa yo sa loob ng isa at kalahating buwan kaya sigurado pag nag leave ako kabisado mo na lahat. My two months pa ako bago mg leave. Kaya kung sa katapusan maayos mo lahat ng requirements po, first week next month pwede na kita turuan. Baka kasi matagalan pag nag advertise pa ako hassle din yun pag madami ng apply matrabaho. Alam mo naman madali akong mapagod. At isa pa kahit nandito ako sa bahay pwede mo ako tanungin."

Kinabukasan sa opisina ng WCC corp.

"Boss ipapaalam ko lang sa inyo na may napili na akong kapalit ko ha. "

"That fast Jane?" Sagot ni William

"Actually boss i never place Ad for this one. Sabi nyo it's up to me. So i decided to hire my boarder for this job. She will be graduating end of this month. And i instructed her to get all the needed documents we need para she can start first week next month. I can teach and supervise her for a month and a half and she can ask me things kasi magkalapit lang kami."

William just knodded.

"Ok. If you think na it would be the best for us then ok. I just hope you teach her everything i like and don't like. "

" Yes boss this will be the best decision. Syempre di na ako mapapagod mag process ng mga application, di din tayo gagastos sa ads. And i know the person boss. She will be the best for you.. ah este for the job." Sagot ni Jane

"Well then lets proceed with our jobs today Jane. " Ending their convo about Madel.

Days  went by quickly, naayos na ni Madel ang lahat ng requirements nya for the job Jane offered. Natapos na din ang gradution nya at tinreat sila ng mama nya sa isang restaurant. Di na sya sumama sa pag uwi nito sa probinsya dahil aayusin nito lahat ng gagamitin para sa papasukang trabaho pati ang resignation sa bar.

Noong una di pumayag si James na magresign sya. Baka pwede pa daw sya mag part time. Pero dahil na din inexplain nya na magiging busy na sya ay napapayag na din nya ito sa kondisyon hanggang sa katapusan sya ng buwan magduduty. Kaya pumayag na din sya total ay dagdag income at oang allowance nya eto habang maguumpisa palang sa trabaho. Magagamit nya itong pambili ng mga office attire, bag at sapatos.

Huling gabi na ni Madel sa pagtratrabaho sa club at dahil sabado, madaming customer. Akala nya ay maswerte na sya pagkat di na nya nakita si mister antipatiko. Tuwing day off nya ay saka ito nasa bar ayon sa kwento ni Nikka. Nakalimutan na din nya ang itsura nito. May gagamit daw ng VIP section nila at dahil iyon sa bachelor party. Inuman section ng mayayaman. At sya ang itinoka dito ng kanilang noss James. Ok lang naman sa kanya malalakas din mag tip ang mga VIP. Nasa pangalawang round na ng order ang mga ito mg whiskey, rhum , at brandy ng dumating ang taong ayaw na sana nyang makita. Si mister antipatiko.

Ngayon ang bachelor party ng kaibigan ni William  na si Greg. At dahil di naman sila pareparehong mahilig sa club eh sa usual bar nalang sila pumunta. Nahuli syang dumating dahil may tinapos pa itong isang meeting. Pag pasok jya sa VIP lounge nakita nya ang waitress na bumangga sa kanya ilang linggo na ang nakaraan. Akala nya ay nasesante na ito dahil di na nya ito nakita muli. Dahil medyo inis pa ito ay bigla na lang kinuha ang isang baso ng alak na nakalagay sa tray na hawak nito. "Ay sir that's for sir Greg!"wika ni Madel na nagulat. "I don't care. You owe me one, remember?" Sagot ni William. Sabay tungga at balik ng baso sa tray na hawak ni Madel. "It's fine Madel, just get us another round ok. Dagdagan mo nalang ng isa para kay William para di nangaagaw ng inumin ng iba." Sabi ni Greg sabaw tawa."Sige po sir. Another round po coming up." Nakangiting sabi ni Madel kay Greg. Sabay ismid naman nito kay William at sya ay umalis na para sa isang round pa. Nakita naman ni William ang ngiti ng waitress na iyon kay Greg na lalo nyang kinainis. At ng umismid ito sa kanya ay napairap nalang ito.  Mabilis ang paglipas ng oras at patapos na ang huling shift ni Madel. Di nalang nya pinansin si mister antipatiko dahil ayaw na nya ng gulo lalo pa at last na nga. Pinagpatuloy nya ang pag silbi sa mga ito hanggang isa isa na silang nag sisi alisan. Naiwan nalang si sir Greg , Lance at mister antipatiko. Pinakuha na ni Greg ang bill nito at nag bayad na din. Inabutan nya si Madel ng 2000 na tip. Kaya abot ang pasasalamat nito sa kanya. "Thank you sir for your tip, and nice serving you for the last time." Nakangiting sabi ni Madel.  wika ni Lance " Yes sir. Today is my last duty sir. Magiging office girl na po ako." Natatawang banggit nya. "Oh no Lance wala na ang favorite girl natin sa bar na to. You both owe us a hug. We are so happy for you." Wika ni Greg sabay yakap kay Madel na syang nadatnan ni William. Lance and Greg hugged Madel. Lalo tuloy syang nainis. " What's going on here?" Halata ang irita sa boses ni Willam. "We just bid our goodbye to our favorite girl here. It's her last day working here and we will miss her." Sagot ni Greg. "Is that so? Well its a good thing i won't be seeing her anymore. Let's get going guys." Sagot ni William. " Don't mind him Madel ganyan talaga pag walang lovelife, masungit. We will just see you around siguro. Bye Madel and goodluck on your new job. You can call me if you need something." Sabi ni Lance sabay abot ng calling card kay Madel. "Here's mine too. Your like a sister so don't hesitate calling. Goodluck and takecare." Pahabol ni Greg. "Salamat po. Ingat din po kayo." Doon na din natapos ang gabi ni Madel. At bago sya umuwi ay naghanda ang kanilang boss ng konting salo-salo para sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status