CHAPTER 1 His Arranged Bride
(Megan POV)
Siguro ako ata ang nag-iisang bride na hindi ko alam na pagising ko ikakasal na ako. Sa di ko naman pinaghandaan na araw, damit, di ko kilalang mga bisita, at higit sa lahat wala akong ka-ideya-ideya kung sino ba talaga ang lalaking pakakasalan ko.
Sa kailangan ko na ngang kumapit sa patalim.
Bumaba ako sa bridal car, at instead na ang maunang maglakad papunta sa altar ay ang groom… Ang weird pero ako nga itong makapal na mukha na pinuputol ang tradisyon. Wala akong paki-alam dahil hindi ko naman kilala kung sino ang mga nasa paligid ko. Andito lang naman ako sa kagustuhan ko ngang mailigtas ang mga kapatid ko sa mga utang nila, na mali ang pinagka-utangan nila, at higit sa lahat ang aking ama na dinala sa hospital pagkatapos atakihin ito sa puso. Kailangan ko talaga ng pera… Sobra.
Kaya nga andito ako, sa hindi ko naman dapat kasal.
Nang makarating ako sa harapan ng altar bilang isang bride… Ngumiti ako ng pilit sa mga nasa paligid ko. Ngunit hindi ko aakalain na may attitude din pala ang lalaking pakakasalan ko. Kanina pa akong naghihintay na dumating ang groom, naiinip na at namamanhid na ang aking binti sa kakatindig.
Hangang sa napuno na nga ng bulungan ang buong paligid.
“Kawawa naman ang bride na yan, kanina pa siyang nakatayo riyan at naghihintay nga sa kanyang groom.”
“Ano kaya ang pakiramdam na pinaghihintay ng groom? Mali na nga ang naging sequence kasi siya ang maghihintay sa altar kesa sa groom.” Bulungan na kala naman nila hindi ko naririnig.
Nakatayo lang nga ako ng tahimik sa harapan ng altar, suot ang isang eleganteng damit pangkasal na hind ko inaasahan na isusuot ko, saka malayong-malayo sa pangarap kong slim bridal gown dahil nagmumukha nga akong cupcakes at napakabigat para nga makunsumo ang pagiging komportable ko. Ang napakataas naman na takong ng high-heel na suot ko ay nagsisimula nang magsanhi ng sakit sa aking binti dahil kanina pa nga akong naghihintay. Parang gusto ko na nga maupo at ibato ang hawak kong bouquet. Ngunit kailangan ko ito tiisin para nga sa pinag-usapan namin ng uklubin na yun. Hindi ko inaasahan na ganito katigas ang ulo ng anak niya.
Kanina ko pang naiyuyukom ang kamay ko, at parang close-open para hindi mangalay. Ilang beses na ba? Hundred times na halos nawala na nga ako sa aking bilang.
Ang damit na ito na gawa ang sleeve sa mga mamahaling bato, kanina pang gusto kong mapakamot, ngunit hindi maari. Kung sino man ang gumawa nito at yung baklang stylish na pumili nito, ay talagang hindi inintindi ang kating mararamdaman ko. Kaya nga nangarap ako na sana kapag ikinasal ako yung sleeveless na gown at slim para hindi nga ganito kabigat.
Nasaan na ba ang anak ni Tatang? At ang groom kong yun ay never ko pa nga nakilala. Ngunit normal din naman talaga akong babae, na gusto ko ikasal ako sa lalaking mahal ko. Pero dahil sa dumating ang sunod-sunod na kamalasan, kailangan ko tumalon sa ganitong sitwasyon, at isantabi ang relasyon ko sa pinakamamahal kong lalaki. At lulunukin ang kahihiyan na ito para sa pamilya ko, kahit sa totoo lang ayoko naman makasal ng ganito.
Oo, si Tatang na akala ko isang simpleng mamayanan lang, ay hindi pala, kundi isa sa mga iniiwasan ng autoridad na mabanga, ang kinakatakutan na Mafia Boss na si Asik Quinn. Ang bait talaga niya tignan. Akala ko ako yung makaka-i-scam ngunit maling-mali ako. Tuso at mapaglaro ang Tatang na yun. Ngayon kasi nakatitig sa akin na natutuwa ngang mangyari ang weird na kasalan na’to.
Nasaan na ba ang anak ninyo Tatang ng matapos na nga ang kalbaryo ng buhay ko? At ang pinag-usapan natin hangang dalawang buwan lang itong bangungot. Kahit kailan Tatang hindi ako mahuhulog kung sino man yang anak niyo!
Oo, ikakasal ako sa susunod na magiging Mafia Boss, isang contracted ngunit sapilitan na pagpapakasal nga lang. Ang hindi ko kilalang si Damian Quinn, na tagapagmana ng pinakamalaki at pandaigdigang Mafia syndicate.
Hindi ko aakalain ang simbahan na ito ay napakalamig pala, ngunit pinagpapawisan ako dahil, sa totoo lang hindi ako mapakali. Hindi ko na nga alam kung ilang oras na ba ako nakatayo dito para hintayin lang ang mapapangasawa ko dumating. Halos ata dalawang oras na, at hindi lang ako ang hindi mapakali, kundi pati rin ang mga taong nasa paligid ko.
Kung ginusto ko ang kasal na ito, siguradong kakabahan na ako at mag-aalala ng husto kung hindi pa dumarating ang groom ko. Ngunit in reality, hindi… Isang kasunduan lamang ito. Thankful nga ako na hindi yun sumipot. Malay natin kung sinong pangit ang ipapakasal sa akin… Pangit na nga… Pangit pa ang ugali. Kung hindi siya dumating, mamaya lang siguradong tapos na ang kasalan na ito, at walang mangyayaring kasalan sa pagitan ko. Kapag nangyari yun ang binayad ni Tatang sa hospital at saka pinambayad sa mga utang ng mga kapatid ko ay hindi ko na babayaran, dahil di ko naman kasalanan kung walang sumulpot na anak ni Tatang eh.
Di ko nga mapigilan na mag-imagine na malaya na nga kami sa mga utang.
Kaya dear groom, wag ka nang sisipot ha.
Napalingon ako sa side kung nasaan ang mga kapatid ko saka isinama pa ang mga pamangkin ko. Nakapustura sila, at sila din hindi nga inaasahan ang kasal na ito. Kasalanan nila ito!
Narinig ko ang pari na tinatanong na ang kasamahan niya kung nasaan na ba ang lalaking yun. “Halos dalawang oras na tayong naghihintay sa kanya.”
At napabuntong-hininga na lamang ang pari.
Natutuwa ako sa nangyayari, kahit nga tinitignan ako ng pari na mayroong pag-aalala. Don’t worry father, hindi ko ginusto na magpakasal. Napangiti na lamang ako dito.
Sa kabila naman yung mga abay, na ang popogi, na kala ko nga isa sa kanila ang groom ko, nag-aalala na din ng husto ang mga mukha nila.
“Hindi pa ba nahahanap si Master Damian?” Tanong ng isang lalaki na may suot na salamin, at napaka-hunk nito. Ngunit tipong hindi palangiti.
“We sent a bunch of men from my squad Secretary Lucas; it shouldn’t take much longer… dapat andito na sila.” Sagot naman ng kasamahan niya.
At kahit sila iniiwasan nga nila ang titig ni Tatang. Natatakot na ata sila para sa kanilang boss.
“Hindi magandang pinaghihintay natin ang Old Master Quinn. Nasaan na kasi si Master Damian, kasal niya ito… Tatangihan ba niya ang kanyang ama?” Dismayado na sinabi ni Secretary Lucas na medyo nalungkot nga ako ng marinig ito sa kanya. Nalulungkot ako para sa kanya. Kapag hindi sumulpot nga yang si Damian, sila ang haharap sa tusong uklubin na yun.
Napalingon ako sa matanda, at pilit na ngiti ang inabot ko sa kanya.
“Ang pamangkin kong yan, napakatigas talaga ng ulo. Dapat hindi na lang siya ang humalili sa kanyang ama. Kung ganito lang naman ang katigasan ng ulo niya.” Isang lalaki na nasa middle-age ang napareklamo, at napamura nga ng tahimik.
Ano ba kasi ang deal? Edi ikansela na kasi ang kasal na ito. Tapos na ako sa aking papel. Di ako talo. Wala na kaming utang at wala na kaming babayaran.“Sir, not so loud, your brother will hear you.” Alo ng kapwa edad nitong lalaki.
“Tss. That Damian, if only his brother was still alive…” di nagpapigil na sinabi ng lalaki kahit sinaway na nga siya. “Sana nga dumating na siya dahil napakalamig ng simbahang ito.”
At dyan ako hindi papayag. Wag na wag kang pupunta dito Mr. Damian Quinn!
Napareklamo pa sa lamig. Sila nga naka-suit, habang ako… ang braso ko, natatakpan lang ng manipis at see-through na tela. Nakakahiya naman sa kanila.
Habang ang pari kanina pang nakatayo. May katandaan na ito, at malimit ang mga matatandang pari sila yung mga masusungit, ngunit ngayon… Ang kasama ko dito sa harapan ng altar tila ba isang daga na takot na takot sa nakapaligid na mababangis na pusa.
Kawawa naman. Masyado nga ako maalalahanin sa mga matatanda. Kagaya na lang ng nangyari kay Tatang nitong nagdaan na oras lang. Instant bride ako dahil lang sa pagtulong ko sa tusong uklubin na yun. Kung di ko lang talaga kailangan ng pera, hinding-hindi ko ito gagawin.
Nang biglang kinuha ni father ang attention ng lahat. Napa-ubo-ubo pa ito sa podium. “Sa tingin ko, kailangan na muna nating kanselahin ang kasala—.” Ako ang biglang napataas ng kamay. Yung mga lalaki kasi sa tabi… bigla na lang nagsilabasan ng baril. Napapikit ako, at natigilan nga si father sa kanyang sinasabi.
Narinig ko na lamang ang boses ng tusong matanda na… “Wag na wag kang magkakamali, kumpare… Father Mel.”
Hindi lang ata ako ang sapilitan na pinapunta dito sa simbahan, pati ata si father. Ngunit sa totoo lang ang mga baril na yan, yan ang sanhi kung bakit napakalamig ng paligid. Nais ko na lamang maglaho sa lugar na ito. Baka kasi binabangungot lang ako. Biglang nagkaroon ako ng koneksyon sa mga taong hindi dapat.
Sa nakasara kong mga mata, hinihiling ko na sana bangungot lang ito. Nasa trabaho ako at nakatulog. Ngunit sa pagmulat ko ng aking mga mata, ang ngiti ni Tatang na parang galing sa impyerno ang sumalubong sa akin. Ngumiti na lang ako ng pilit dito.
“Kaya ko pang maghintay father, at hihintayin natin ang groom ko.” Ako na ang naging tulay para matigil ang kalokohan na ito. Pari? Tinututukan ng baril. Sa totoo lang parang kailangan tuloy ng isang tao na magpapabago ng ugali at pagkatao ng mga taong ito. Nasa harapan kami ng Altar, at ito ang ginagawa nila? Nasaan ang kanilang respeto?
The Asik Quinn Mafia Gang ay isang pangit na pangitain kapag nakakilala ka ni isa sa kanila. Ako? Sa napakaswerte ko, bakit ang Mafia boss mismo ang nakilala ko? Ang matandang uklubin na natutuwang nakatayo lang ako dito at kanina pa. Para akong manika na nakadisplay sa isang shelf at nakikita ng mga taong dumaraan sa sidewalk. Usap-usapan na ang bawat myembro nila mayroong tigreng tattoo sa kanilang mga katawan. Hindi ko yun nakita sa matandang uklubin kaagad… Hangang sa matuklasan ko na nga lang… ng kinaluskos niya ang kanyang jacket na hindi mo pagkakamalan na mamahalin, ay hindi mo mapagkakamalan na isa pala siya sa pinakamayaman at makapangyarihang matanda sa mundong ito.
Napabuntong-hininga na lamang ako.
Ang Asik Quinn Mafia gang, ay napakatanyag na grupo sa boung mundo. Kahit ang batas ng kahit ano-anong bansa hindi nila sinasamba. Ngunit gumagawa naman sila ng maayos na bagay, kaya lang ang prinsipyo nga ng grupong ito, kung ano man ang ibigin nila, ay mapupunta sa kanila. Ang mga negosyo nila at hindi makataong gawain ay natural nang iisipin ng mga taong kagaya ko na wala nga sanang koneksyon tungkol sa kanila. Ang negosyo nila natural nang nagkalat sa iba’t-ibang bansa at kontinente. Lahat ng kompanyang namamayagpag, may kinalaman ang grupong ito. Yung iba nilang negosyo pinapatakbo bilang legal at maayos na isinasagawa, ngunit yung iba naman ay di aayon nga sa batas ng makatao.
Sa totoo lang puro imagination ko lang naman kung gaano talaga kayaman at ka-impluwensya ang grupo ng Matandang uklubin. Wala akong kaalam-alam sa kanilang negosyo at napaka-obvious noon. Puro lang talaga imagination.
Wala namang naging patunay o proof na sila ang nasa likod ng human trafficking, prostitutions, mga kababalaghan na nangyayari sa paligid, drugs, arms trade… and some forced situation na kagaya ngayon na nangyayari sa akin. Dahil siguro walang epekto sa kanila ang batas at kinakatakutan ng mga autoridad.
Kung totoo man o hindi ang usapan na naririnig ko tungkol sa kanila, may hindi nga magandang mangyayari sa akin. I am about to marry one of the Asik Quinn Member, at yun pa ang hahalili bilang leader ng grupo. Ewan ko kung saan ako dadalhin ng sitwasyon na ito, ngunit kahit kailan hindi ako nangarap na mangyayari ito sa aking buhay.
Kaya my dear groom sana nga hindi ka na pumunta dito. Kundi magiging kalbaryo ang dalawa kong buwan, kasama ka. Ayoko sa lahat ang mga taong hindi marunong rumespeto, at mga manloloko.
Ngunit ang tanong pupunta ba si Damian Quinn dito, o makakansela ang lahat ng ito dahil sa kanya. Pero ang hinihiling ko nga sana hindi nga sumipot ang lalaking yun. Dapat lang na patayin ang kalokohan ng matandang uklubin na yun.
@Death Wish
CHAPTER 2: A Missing Groom(Megan POV)Isang nahihirapan na tango naman ang itinugon sa akin ni father. Sana nga hindi siya napa-ihi sa takot dahil sa ginawa ngang pagtutok ng baril sa kanya. At ako, kailangan ko din maging masunurin father, para nga manatili ang ulo ko sa aking katawan. Kung hindi, baka maubos ang pasensya ng matandang uklubin na yun, at magkaroon pa ng Massacre.“Nasaan na ba ang batang yun?!” Bulyaw na nito na hindi na nga magandang maghintay pa siya ng kay tagal. Tama lang yan Tatang, kasi ako kanina pang gusto ngang maupo sa sahig. Maubos na sana ang pasensya mo at makansela na ang kasal na ito. “Makakatikim na talaga sa akin ang batang yun sa katigasan ng ulo niya. Secretary Lucas, sabihin mo sa akin nasaan na siya?!”“Kumilos na Old master Quinn ang mga tauhan para hanapin at sunduin siya.” Magalang naman na sagot ng lalaking may salamin.Kagaya ba ni Secretary Lucas, gwapo ba din yang si Damian Quinn? Kasi ni hindi man lang ako pinakitaan ng isang larawan, ka
CHAPTER 3 This Wedding Must Stop(Megan POV)“Sa wala kang malay. Ginising lang kita. Gawin mo ang kailangan mong gawin, son.” At tinalikuran ang kanyang anak para bumalik sa kanyang upuan.“Well… Fuck.” Narinig kong mura ni Damian, at hinila ang isang tauhan at sa damit nito pinunas ang kanyang kamay. Lumapit naman si Secretary Lucas para i-abot sa kanya ang puting panyo. Habang pinupunasan ni Damian ang kanyang mukha, napatitig ito sa akin at ngumisi. Saka itinapon sa direksyon ni Lucas ang panyo na ikinasalo naman nito.“Who is she?” Damian asked as he pointed a finger at me.“Your bride Master Damian.” Mababang boses na sinagot ni Secretary Lucas.“Tss. She is not my bride.” Tangi kaagad ni Damian. Kahit ako, tatangihan ko rin siya kung may choice ako diba? Okey lang. Tangihan mo lang ako, para nga hindi na matuloy ang kasalan na ito. Saka nakakaloka lang, nangyayari ito sa akin? Ako lang ang bride na tinangihan ng kanyang groom sa harapan mismo ng altar.Sige lang Damian, break o
Chapter 4 (Megan POV)Pagdating ko sa supermarket, kaagad kong hinila ang cart at nagmadali sa bawat section na may kailangan ako bilhin. Sa may awa naman talaga ang diyos, may natira pa naman sa akin sa mga promo packs. Kaya naman hindi ko inaasahan na kaliwa-kanan ang bitbit kong grocery bags. Resulta nga sa kasipagan kong kumuha ng mga produktong makakamura ako. At natutuwa ako sa aking ginagawa. Para sa akin isang successful achievement na naman ito.Pero ang bigat talaga ng mga dala ko. Hiling ko na sana balang araw ako naman yung manalo sa mga pa-raffle promo na namimigay daw ng scooter. Sus, mapapadali talaga ang buhay ko sa mga pang-araw-araw na ginagawa ko. Ngunit sa tagal ko ngang humuhulog ng mga entry, kahit kailan hindi ako na swerteng nanalo sa mga pa-raffle na yan. Kaya ang second option ang mag-ipon, pero sa ngayon ang pag-iipon hangang isipan na lang muna.Sa totoo lang hindi naman talaga ako ipinanganak sa isang mahirap na pamilya. Nanirahan ako sa loob ng labing-pi
Chapter 5(Megan POV)Hindi ako makapagsalita sa aking narinig mula sa lalaki. Hindi na nga maganda ang paningin ko kay Paul. Sa sakripisyo kong ginawa, ito lang talaga ang isusukli niya sa akin? Nakita naman niya na kanya-kanyang tumalikod ang mga matatanda naming kapatid at iniwan nga ang lahat ng responsibilidad na ito sa akin. Dahilan nila, mayroon silang kanya-kanyang pamilya.“Isang daang libong dollar, yan lang ang utang ni Paul.” Mahinahon kong sabi… At ang halagang yun nilalang lang ko lang talaga? Akala mo naman meron akong pambayad. “Ngunit yung ibang utang ng mga kapatid ko, wag kayo dito maningil. Hanapin niyo sila.”“Hawak namin sila.” Kaagad na sagot ng lalaki na napaka-demonyo nga tignan. “Nga pala hindi na ako nakapagpakilala sayo. Ako nga pala ang isa sa debt collector ng pamilyang Quinn, tawagin mo na lang ako Metal.”“Metal. Bagay sa pang mental. Ano ang sinabi mo? Hawak niyo ang mga kapatid ko.”“Lahat. Pati ang pamilya nila. At kung hindi mababayaran ang utang ni
Chapter 6 (Megan POV)Mag-isa nga akong pumasok. Wag naman sana na may mangyari sa aking masama dito… Gaya ng ginagawa sa pelikula na kapag pinapasok mag-isa ang isang dalaga sa silid, may hindi magandang mangyayari sa kanya.Hindi kagaya ng nadaanan naming mga silid, na nakababa ang lahat na kurtinang napakahaba… Medyo nasilaw ako sa liwanag na pumasok sa bintana. Palubog na ang araw… Ngunit nakuha naman kaagad ang attention ko ng isang napakalaking chandelier. At ang silid na ito ay napakalaki para hindi ko nga kaagad makita kung may tao ba sa silid na ito.“Miss Megan…” Gising sa akin ng isang matandang lalaki, ngunit ang suot nito para sa isang butler na lubos ngang nirerespeto. Siya na ba? Ngunit mali ako… Dahil ngumiti ito ng bahagyang sa akin, at kahit pilit appreciate ko na yun. “The Old Master Quinn is this way.” Lahad niya ng kamay sa direksyon na kailangan ko pa atang puntahan.Lumapit ako. At nakita ko naman ang isang lalaking parang nakaupong nakatalikod ito sa aking pan
Chapter 7 (Megan POV)Matatamis pakingan ang salitang lumabas sa bibig ni Tatang, ngunit napakapait nito tangapin. Natutuwa siya dahil alam niyang wala akong kalaban-laban sa kanya, at wala talagang chansa na papayagan niya akong makalabas ng buhay dito sa territoryo niya.Saka napakalayo ng mga sinasabi niya kesa sa ginagawang reaction ng kanyang katawan. Hangang sa may kinuha siya kulay itim na bagay, at halos hindi ako makapagsalita… Dahil kinasa niya ito sa harapan ko, at nilapag sa may mesa.“Pakakasalan mo ang anak ko. Ayon na din sa kontrata na pinirmahan ng mga kapatid mo.” Nanlaki ang mga mata ko ng marinig yun.“Kontrata?” Ano naman ang kinalaman ko sa kontrata. Sila ng mga kapatid ko ang nag-uusap at hindi ko nga kailangan ma-involve sa bagay na kagaya nito. Anong kalokohan ang mayroon sa kontrata?Napatango si Tatang at isinandal ang kanyang likuran sa upuan, saka sinenyasan ang butler, lumapit ito sa kanya at binigay ang ilang kulay asul na folder. Yun… Yung mga folder n
Chapter 8(Megan POV)“Miss Megan, maari ba naming makuha ang detalye sa dati niyang physician?” tanong sa akin ng Nurse. At kaagad naman nagflash sa isipan ko yung doktor at ang katuwang nito ay ang gwapong Nurse na si Miguel.Binigay ko naman ang detalye tungkol sa doktor ni Papa, at maya-maya lang napatayo ako sa aking kina-uupuan ng may pumasok na mga doktor, at nakabuntot sa kanila si Miguel. Hindi na naman ako makapagsalita, lalo na ng binati ako nito ng isang ngiting, parang matutunaw ang buo kong pagkatao. Alam kong labis siyang nagtataka kung bakit bigla na lang andito sa mamahaling hospital si Itay. Ngunit narinig ko sa usapan na mananatiling doktor ni itay ang ina-assist ni Miguel. Ibig bang sabihin nito, makikita ko parin si Miguel.Maganda na hindi maganda… Nalilito ako sa pakiramdam kong ito. Masaya dahil makikita ko si Miguel, ngunit kung makita ko naman ang puso ko, hindi mapakali.“Miss Megan.” Kuha ng attention ko ni Cindy, at mas lalong lumapit ito sa akin, para mah
Chapter 9(Megan POV)Hindi nga ako nagkamali. Lumanding kami sa gusaling yun, at sa rooftop… Sinalubong ako ng ilang mga tauhan ng pamilyang Quinn. Akala ko ba magiging independent ang paninirahan namin dito sa penthouse?Unang bumaba si Metal, habang yung Secretary naman ni Damian, nagpa-iwan dahil nga nagmamatigas nga ang lalaking yun sa kanyang ama. Kering-keri mo yan Damian. Sabihin mo at patunayan mo kung gaano mo kasi kamahal yang si Maddie Maddison mo.Eh bakit sa tuwing nailalathala ng isipan ko ang pangalan na yan, bakit kumukulo ang dugo ko? Hehehe. Ewan ko. Parang naging kaaway ko ata sa nauna kong buhay yang si Maddie Maddison.Sa pagbaba ko naman at inalok ni Metal ang kamay niya sa akin para alalayan ako, di ko na pinansin at nagkusa ako.“Thank you.” Pang-iinsulto ko sa kanya. Ngunit, parang mapapatalon ako sa gulat dahil si Cindy, ang sama nga ng paningin sa akin.“Andito ka pala.”“Sumunod kayo sa akin Miss Megan.” Walang emotion na sinabi niya, habang mas inis naman