TASHA Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang nangyari kahapon. Sobra-sobrang takot ang nararamdaman ko. Galit na galit siya. At hindi ko pa rin alam kung anong ikinagagalit niya. Mukhang ginawa na niyang hobby talaga ang sindakin ako. Wala sa loob na napahawak ako sa aking dibdib. Naiiyak pa rin ako sa tuwing maalala ko ang galit niyang mukha. Ang tila nag-aapoy niyang mga mata. Ang pagsalya niya sa akin sa pader. At ang-- Bakit niya ginawa 'yon? Inalala ko lahat ng mga nangyari kahapon. Ang mga posibiling nagawa ko na maari niyang kinagalit. "Anong ginawa n'yo pa ni Zyron?" 'yon ang galit na galit niyang tanong sa akin. Paulit-ulit na nagre-replay sa isip ko. Iniisip niya ba na nilalandi ko ang kapatid niya? Napasimangot ako. But then, the emotions I was suddenly saw in his eyes flashing back at my head. Ayaw kong manghinala at mag-assume. But the idea keeps tickling my brain. Is he jealous? Pero bakit? I shookt my head! Bakit naman siya magseselos? "Bakit kanina ka
ZATURNINO“Boss, ang sakit talaga. Tinutoo mo e,” ang daing ni Lucio. Hawak ang puting tela na kinababalutan ng dinurog na yelo.Idinadampi-dampi sa pasang tinamo nito mula sa mga suntok ko.Humagikhik si Samuel.“Ikaw naman kase, alam mo nang nakakadurog ng buto ang mga suntok ni Boss nagpresinta ka pa! Tibayan mo lang ang loob mo Lucio, saktong burado na 'yang mukha mo, makapagpatayo ka na rin ng mansyon n’un. “ Ang pang-aasar ni Samuel na sinudan pa ng halakhak.Plinano ko talagang takutin ng husto si Tasha, para mapasunod ko siya sa gusto ko.Nangingiti akong inipit ang sigarilyo sa bandang sulok ng labi ko. Napahithit ng malalim. Inipon ko ang usok nu'n sa loob ng isa kong pisngi at paatas na ibinuga ang makapal na usok!“Pero Boss, tama ‘yong plano mo e! Effective nga! Napakapit at napayakap si Miss Beautiful sa’yo!”ang napakagat labi nitong ini-aksyon pa ang pagyakap sa akin ni Tasha.Hindi ko mapigilan ang pagkawala ng ngiting tagumpay mula sa labi ko.She’s so young and
TASHAKanina pa siya dito sa silid ko. Nang ilapag niya ako sa aking higaan, kasunod noon ay ang pag-upo niya sa tabi ko. Nakasandal ang likod niya sa head board ng kama ko. Habang nakaunat naman ang mga binti nito. Malaki ang kama ko para sa akin. Pero sa nakikita ko ngayon, naging sobrang liit nu'n para kay Senyorito Zat.Naging sunud-sunuran na lamang ako sa gusto niyang gawin.Nang kabigin niya akong muli sa dibdib niya payakap ay hindi na ako umimik. Nagawa ko pang idantay ang isang palad ko sa bandang dibdib niya.Sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Naririnig ko iyon dahil bahagyang nakadantay rin ang aking ulo sa dibdib niya. Ewan ko pero nakakaramdam ako ng kaginhawaan sa posesyon namin.Nagugustuhan ko rin ang init na nagmumula sa katawan niya.Kanina nang saktan ako ni ate Joyce ay bigla na lamang itong dumating. Pakiramdam ko nga kanina pa siya naroon e. Lumabas lamang 'ata ito nang sampalin ako ni ate Joyce. He came at the right time kase, na parang nakasubayba
TASHASabado ng hapon ng magpaalam ako sa butihing may bahay ni Gob at kay Nanay Gloria na siyang tumatayong taga pangasiwa ng buong mansyon. Normally, tuwing Linggo ang day off ko. Ngunit sinubukan kong magpaalam kung puwede na ba akong umalis ng Sabado ng hapon.Pumayag naman sila at walang naging problema.Gusto kong kahit paano ay makapaglagi ako sa bahay ng matagal-tagal. Kailangan ko rin dumaan sa botika para bilhin ang ilang mga gamot ni tatay para sa loob ng isang buwan.Nagtabi na rin ako para sa iipunin kong pangtubos sa lupa ni Tatay. Ito ang unang beses na sumahod ako. Masarap pala sa pakiramdam na mahawakan ang perang pinaghirapan kong pagtratrabahoan sa loob ng isang buwan.Ramdam ko ang saya at pagmamalaki sa aking sarili. Ang hawak kong pera na bunga ng aking pinagpaguran.Mula sa mismong bayan ay ilang kilometro na lamang ang layo ng aming Barangay. Nagpasya akong maglakad na lamang. Kayang-kaya ko naman lakarin e, kesa umarkila pa ako ng trysikel. Karamihan kasi sa
TASHA"Naku, ang gaganda naman ng pagkakagawa. Parang pang professional baker 'yan a!" ang palatak na ani Nanay Gloria. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa kanyang mukha habang nakatingin sa mga na-bake kong cake.Saktong kakatapos ko lamang lagyan ng icing cream sa ibabaw at mga berries naman bilang design ang red velvet cake na bi-nake ko."Hindi lang maganda ang pagkaka-design Nanay Gloria, aba napakasarap din!" ang puri naman ni Manang Sol. Nakangiti akong nilingon ito at nakita kong halos paubos na ang kinuha nitong slice kanina sa nauna ko nang ginawa.Napagpasyahan kong mag-bake ng apat na cake. Isang red velvet cake na paborito ni Senyorito Zat. Isang chiffon cake na gusto ko naman ibigay kay Samuel at Lucio. At dalawang cheese cake naman para sa mga kasamahan ko at para kay ma'am Suzane, Zackie at Zyron."Maraming salamat, Manang Sol." Ang nakangiti kong sabi. Nabanggit ko sa kanila ang nangyari sa akin.Nang hold up-in ako ng isang lalake at kung paano ako nailigtas n
TASHATanghaling tapat na ngunit hindi pa ito lumalabas ng silid niya. Kanina pa ako tapos sa ibang gawain ko sa mansyon. At tanging kuwarto lamang nito ang natitirang trabaho ko sa pang-umaga. Nagdadalawang isip ako kung kakatokin ko na ba ito at gigisingin o, aantayin ko na lamang hanggang sa magising ito at makababa?Hindi ako makapag-desisyon.Pero naisip ko, paano kung masama ang pakiramdam nito?Paano kung nilalagnat, natrangkaso? Baka mamaya n'yan, tumitirik na pala ang mata niya wala pa kaming kamalay-malay!Pero dadapuan ba ng sakit 'yong taong iyon?Sa ugali nu'n kahit siguro sakit mangingilag sa kan'ya e!Kailan man ay hindi ko pa nararanasan ang pumasok sa kuwarto nito nang tulog pa siya.Sinisiguro ko lagi na gising na ito at wala na sa kan'yang silid bago ko linisin ang kan'yang kuwarto. Madalas din na naman mangyari na kapag gising na siya ay tatawagin ako nito para ipalinis ang kuwarto nito.At habang naglilinis ako ng kuwarto niya ay naroon lamang ito at pinano
TASHA"Mukhang okay ka na naman yata e," ang nakangusong puna ko sa kanya.Ayaw pa rin niya akong pabalikin sa normal kong trabaho. Hiniling nitong alagaan ko pa raw siya ng mga ilang araw pa. Pero paano naman ang ibang mga gawain ko, na si Lena na halos ang umaako?Nakakahiya na sa kan'ya. Nahihiya na rin ako kay Ma'am Suzane. Kahit pa napansin kong tila wala itong pagtutol at wala rin masabi sa mga gusto ni Zat na mangyari.Ewan ko ba. Pakiramdam ko, hindi nangangahas ang may bahay ni Gob na kontrahin ang panganay na Villamar.Bakit kaya? Natatakot rin kaya siya, tulad ng iba?Si Zackie, napansin ko rin na ilag ito kay Zat. Si Zyron lang yata ang nakikita kong malakas ang loob na kontrahin at sagot-sagutin minsan ang nakakatandang kapatid.Si Gob naman ay laging wala sa mansyon. At kung narito man siya, kapansin-pansin na nag-iiwasan silang mag-ama.At kung hindi naman ay makikita silang nagtatalo.Napasimangot ako nang maalala rin ang dalawang nakakabatang Villamar.Nahihiya
TASHA"Irog ko, nilalagnat na naman ako," ang pagdradrama na naman nito pagkapasok ko pa lang ng kuwarto niya. Nakanguso sa akin ito na parang bata at nakabalot na naman sa comforter nito.Napasimangot ako. Nangangamoy bawang ang buong kuwarto niya! Tinignan ko siya ng masama saka inirapan.Kung ano-anong kalokohan ang naiisip talaga ng gurang na ito para makapagpapansin lang e. "Tumayo ka na nga d'yan. Nangangamoy bawang ka na naman. Igigisa na talaga kita!" ang inis kong sabi sa kanya. Nakita ko ang pag-ngisi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Biglang nalusaw ang ngisi niya at napanguso ulit. Medyo napipikon na rin ako sa pagiging isip bata nito!Noong nakaraan ay halos mapaniwala talaga ako nito na muli siyang timaan ng lagnat. Pero ang gag* sandamakmak na bawang pala ang sinaksak sa kili-kili nito.Sino kaya ang hindi lalagnatin no'n? Sa dami ba naman ng bawang ang isasaksak mo, sa kili-kili mo!Di talagang para kang sinisilaban sa init n'yan. Napakasira ulo talaga!Turo