Sophia
Napahinga ako ng malalim habang nakatingala ako sa gusali kung saan ako magsisimulang magtrabaho bilang junior designer ng kumpanya.This is my first job at sobrang nakaka proud dahil sa isang malaki at kilalang kumpanya sa ibang bansa ako papasok.Bata palang ako ito na nag pangarap ko. Kaya naman kahit hirap ay nagpursige akong makatapos ng pag-aaral. Pinagsabay ko ang pagt trabaho at pag-aaral dahil wala naman akong aasahan kundi ang sarili ko.Nasa probinsya si inay at mahirap ang buhay kaya hindi option sa akin ang pagko kolehiyo pero nanindigan ako. Hindi pwedeng mapako ang buhay ko gaya ng inay. Kung hindi ako aalis, magiging kagaya niya lang ako.Bella Philippines.Napangiti ako. This is it, Sophia! Para sa pangarap! Naglakad na ako papasok ng gusali matapos kong isuot at company ID na binigay sa amin pagkatapos ng training namin. Alas otso ang pasok ko at pabor sa akin na malapit lang dito ang maliit na apartment na tinutuluyan ko kaya maaga ako ng trenta minutos. Dala na rin siguro ng excitement kaya napaaga ang gising ko.Nasa twelfth floor ang opisina namin kaya agad kong nilapitan ang elevator at naghintay sa pagbaba nito.“Sophia!” napangiti ako kasi kahit hindi ko lingunin, kilala ko ang boses na iyon.“Trevor!” sagot ko dito “ Aga natin ah!” sabi niya at saka pinitik ang noo ko“Tsk! Wag nga!” inis na sabi ko. Gawi kasi niya iyon sa twing nagkikita kami. Anak si Trevor ng landlady namin at isa siyang ramp model na unti unti ng nakikilala.Mabait siya at naging kaibigan ko na din. Siya ang takbuhan ko noon pag medyo short ako sa budget at palagi naman siyang handang tumulong.“Teka! Anong ginagawa mo dito?” “May go see ako dito!” masayang sabi niya kay naman natuwa ako para sa kanya“Wow! Goodluck ha! Uy pag kumita ka, libre mo ko ha!” biro ko dito kaya pinitik nanaman niya ang noo ko“Oo na! Mapagsamantala ka talaga!” sakay naman niya sa biroNapalingon kami sa elevator ng bumukas ito kaya sabay na kaming sumakay. Sa twentieth floor siya kaya mas nauna akong bumaba.“Good luck, Sophia!” habol niya pa sa akin bago sumara ang pintoHinanap ko ang cubicle kung saan nakalagay ang pangalan ko at nakita ko naman agad iyon. May ilang kasamahan na akong nandon at nakupo na sila sa mga pwesto nila.Unti unti ng nagdatingan ang iba pang kasamahan ko kaya nagsimula ng maging maingay. Yung iba matagal na sigurong magkakakilala bago napasok dito. Yung iba naman ngayon palang pinapakilala ang mga sarili nila.“Sophia!” masayang tawag sa akin ng isang tinig at ng mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Bev. Kasabayan ko ito sa training noon.“Bev!” tumayo ako nilapitan siya.“Wow! Nakapasa ka din pala! Sabagay magaling ka naman talaga!” puri niya sa akin“Ikaw din naman, mabuti nga at nandito ka! May makakasama ako.” sagot ko sa kanya Magkatabi lang ang cubicle namin kaya naman sakto lang para may nakakausap ako.Natahimik naman ang lahat ng pumasok si Mrs. Andrada. Siya ang incharge sa mga baguhang kagaya namin.“Settle down everyone!” Utos niya kaya isa isang nagbalikan sa upuan ang mga kasamahan namin“Okay, bilang parte pa rin ng training program niyo dito sa Bella Philippines, ibibigay namin sa inyo ang una niyong assignment. “ panimula ni Ma’am Andrada“You will be asked to design outfits na pwede nating isama sa darating na Summer Collection. Dalawang design ang required at kailangan maipasa niyo iyon mamayang hapon, understood?” “Yes Ma’am!” sabay sabay na sagot naminHindi pa nakakaalis si Ma’am Andrada ng pumasok sa pinto ang tatlong lalake na naka suit. Malalakas ang dating nila at masasabi kong napaka gwapo. Nagbulungan ang mga kasamahan ko habang ako naman ay nanatili lang ang mata sa tatlong makikisig na lalake sa harap namin.“By the way, juniors, this is Mr. Hendrix James Saavedra. Siya ang owner ng Bella Philippines at tagapagmana ng Bella International.” pagpapakilala niya sa lalakeng nasa harap. Nakapamulsa ito at dahan dahang iginala ang paningin sa amin. Nagsalubong ang mata namin for a brief moment, hanggang sa nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Napayuko naman ako dahil ayaw ko naman salubungin ang mga mata niya at masabihan ako ng bastos.“Nandito din si Mr. Lucian Philippe Segovia at Mr. Xavier Monteverde, mga co-owners din ng company.” dagdag pa ni Ma’am Andrada“Good morning po.” bati namin pero nanatili akong nakayukoHindi naman nagtagal ay umalis na din ang tatlong boss namin kaya nagsimula na kaming magtrabaho.Nag-isip muna ako kung anong concept ang gagawin ko bago ko simulan ang pag guhit. Balak kong mag design ng isang jumper suit na hindi maong ang tela. Gusto ko soft fabric tapos tinernuhan ko iyon ng shirt sa loob.Sinimulan ko iyong iguhit at makalipas ang dalawang oras ay nakumpleto ko naman ito. Maganda naman ang resulta sa palagay ko. Well, depende iyon sa titingin talaga.Inayos ko pa ang ilang detalye gaya ng kulay at kung anong tela ang babagay sa ganitong kasuotan.Napahilot naman ako sa batok ko. Dalawang oras palang naman akong nakayuko pero nakakangawit na.I continued scribbling hanggang sa nakaramdam ako ng pagka uhaw. Luminga ako sa opisina at natanaw ko ang sign na may pantry sa gawi na iyon. Kinuha ko ang lagayan ko ng tubig dahil naubos ko na pala ito.“Kuha lang ako ng tubig.” bulong ko kay Bev at tumango lang naman itoDumeretso ako sa pantry at nakita ko naman ang water dispenser doon. Sinalinan ko ito ng tubig at dahil sa pag iisip sa susunod na design ko ay hindi ko namalayang may pumasok pala.Muntik akong napahiyaw ng pagpihit ko ay nakita ko si Sir Hendrix na nakatayo at nakasandal sa pinto.“Sir?” gulat na sabi ko pero ngumisi lang siyaLumapit ito at umabot ng mug saka nagsimulang magtimpla ng kape kaya naman nagsimula na akong lumabas.“Sinabi ko bang umalis ka?” sabi nito kaya automatic na napahinto ang paghakbang ko“Ahm. Sorry po. May kailangan pa po ba kayo?” tanong ko sa kanya“Taga-saan ka?” umikot ito paharap sa akin sabay higop ng kape niya“Ahm. Dyan lang po ako sa malapit sir.” magalang na sagot koTinitigan niya ako at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng irita. Maraming masamang karanasan ang na encounter ko dahil sa mga lalaki kaya siguro buhat noon ay nakakaramdam ako ng inis sa mga lalaki lalo at nagpapakita sila ng interes sa akin.I can be their friend pero pag may iba ng dahilan ang paglapit nila ay napapaso na ako. Man hater nga daw ako sabi ng mga kaklase ko dati noong college pero okay lang sa akin yun dahil totoo naman yon.“How’s your design?” tanong nito sa akin. Required ba iyon sa mga boss namin? Ewan ko lang din“Ongoing pa po sir. Mamaya po complete na” sagot ko sa kanya“Okay. I will look forward to that. I saw your potential Ms. Sophia Angeles, kaya I am expecting a good one!” sabi nito at saka naunang lumabas sa akinAlam niya ang pangalan ko? Full name pa! Nagkibit balikat nalang ako. Hindi naman siguro nakakpagtaka iyon.Bumalik ako sa pwesto ko saka ko tinuloy ang pangalawang disenyo ko.It was a white summer dress na may konting print sa gilid with red and yellow colors. Manipis ang tirante nito at mahaba hanggang sakong, which is perfect pag nasa summer outing ka.Plaided ang baba nito at garterized ang bewang para lalong ma emphasize ang bewang ng magsusuot. Finishing touches nalang ang kailangan hanggang sa tawagin na ako ni Bev. “Lunch na tayo!” aya nito sa akin. Tumango lang ako sa kanya at sinabing may baon ako kaya dito nalang ako kakain“Sure ka?” tanong niya kaya tumango naman akoIlang saglit pa mag-isa nalang ako sa opisina. Inilabas ko naman ang baon ko at nagsimulang hawiin ang mga gamit ko sa cubicle.Ngayon palang ako nagsisimula magtrabaho kaya kailangan kong magtipid. May nanay, kapatid at pamangkin pa akong binubuhay sa probinsiya kaya kailangan maghigpit ng sinturon.Hindi pa man ako nagsisimulang kumain ay may nagsalita sa likod ko kaya napapitlag ako.“Why are you here alone?” tanong niya habang nakasandal sa desk at naka cross ang kamay sa dibdib niya“Kumakain po ng tanghalian?” obvious naman e tinatanong pa“May cafeteria sa baba, bakit hindi ka kumain dun?” tanong uli niya at kung diko lang amo ito makakatikim na sa akin ito“May baon po ako sir. Okay na po ako dito!”sabi koNagulat nalang ako ng kuhain niya ang baon ko at takpan. Tapos ay hinila niya ako sa kung saan.“Hala sir, sorry po! Bawal po ba ang kumain dito? Di naman po kasi nasabi sa akin!” Tuloy tuloy na sabi ko sa takot na sisantehin ako ngayong first day ko.Hindi naman kumibo si sir at deretso lang sumakay hanggang sa marating namin ang elevator. Hindi naman niya binibitiwan ang kamay ko kaya naiilang talaga ako.Pinindot niya ang letter P pero hindi namn siya nagsasalita.‘Ano ba trip ni sir?’SophiaPumasok kami sa office ni sir habang hawak pa rin niya ang pulsuhan ko. Hindi ko naman magawang bawiin dahil baka magalit ito sa akin at sisantehin ako.“Maupo ka.”utos niya sa akin kay sumunod na lang akoMaya maya pa bumukas ang pinto at iniluwa nun ang sa tingin ko ay sekretarya ni sir Hendrix. May dala itong paper bags at base sa amoy, pagkain ang laman nito.Inilapag niya iyon sa harap ko kasunod si Hendrix na naupo na din katapat na upuan. Inilabas niya ang mga nasa paper bags at inayos sa lamesa. Inabutan niya ako ng isang pack at kahit naman ayaw ko, napilitan akong kuhain.“Eat that! Malamig na yung baon mo. Hindi magandang kumakain ng malamig.” utos niya sa akin“Sayang naman kasi sir yun. Isa pa sanay po ako sa ganun. Hindi naman po kasi ako mayaman.” katwiran ko sa kanya“Eat! Ang dami mong sinasabi.” He started to eat habang nakatingin pa rin ako sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan ang trip ng amo kong ito.“Kakain ka ba o susubuan pa kita?” Hindi naman siya n
Sophia“Laway mo uy!”Napapitlag ako at napalingon at hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si Trevor na tila my inis sa mukha niya habang nakasunod ang tingin sa papalayong kotse ni Sir Hendrix.“Anong meron? Bakit kayo magkasama ng Presidente ng Bella?” tanong niya habang sinasabayan ako papunta sa apartment Ipinasa ko ang mga paper bag sa kanya para makuha ko ang susi sa bag ko.“Nagshopping ka ata?” tanong uli nito pero hindi ko na sinagot at dere deretso na akong pumasok sa loob habang kasunod naman si Trevor.“Sophia!” Inis na tawag nito dahil siguro sa hindi ko pagsagot sa kanya“Ano?” sigaw ko din sabay upo sofa“Ang sabi ko anong meron? Bakit ka hinatid ni Sir Hendrix?”“Siguro naisip niyang mahihirapan akong mag commute kaya hinatid ako.”simpleng sagot ko dito“Sophia, wag ka masyadong makipaglapit kay Sir Hendrix. Hindi mo kilala kung ano ang pagkatao niya!” Trevor warned kaya naman napaangat ang kilay ko“Nagmagandang loob lang yung tao, Trev. Wala naman siguro masama dun.”
Sophia“Sir? Huwag kayong magagalit ha?” tanong ko dahil hindi na ako kumportable sa mga ginagawa nito buhat kaninang umaga.Nakaupo na ako sa harap niya at pinapanuod siyang kumain habang ako? Umurong ata ang gutom ko sa sobrang pagkabigla sa mga nangyayari.“Ayaw mo ba ng ulam?” tanong nito habang nakatingin sa akin “ Why are you not eating, Sophia?”“Sir nagd drugs ka ba? Umamin ka nga sa akin?” medyo natakot pa ako dahil napataas ang kilay nito sa akin at halatang na offend sa tanong ko“Mukha ba akong addict, Sophia?” halata ang inis sa boses nito pero hindi naman ako nagpatalo“E bakit ba kasi Sir ganyan kayo kung maka asta? Kakikilala lang natin kanina tapos bigla sasabihin mo na gusto mo na ako? Kung di ka addict sir, malamang may sayad ka!” sagot ko dito “You dare tell your future husband those words? I’ m hurt!” anito pero nakangisi naman ito sabay iling“F-future husband?” natawa ako ng malakas dahil hindi ko talaga mapigilan.“Grabe ka sir ha!” sabi ko sabay sapo ng tiya
SophiaIsinama ako ni Ma’am Andrada sa isang opisina pagdating ko ng umaga na iyon. I tried to be normal kahit pa hindi ganun ang nararamdaman ko dahil na rin sa sobrang pagkalito ko sa mga ikinikilos ni Sir Hendrix.“From now on, dito ka mag- oopisina. May pupunta dito na magt train sayo para lalong maging malawak ang kaalaman mo.” Ma’am Andrada explained. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko dahil sa totoo lang nabibigla pa rin ako.“Ma’am?” sabi ko dito na may bahid ng pagtataka“Yes, Ms. Angeles? May problema ba?” “Wala po bang sakit si Sir?” nilakasan ko na ang loob ko dahil kailangan kong makahanp ng kasagutan sa mga tanong ko“Sakit? Ano naman ang magiging sakit ni Sir eh ang lakas lakas nga nun?” nagtatakang tanong din ni Ma’am.“Kasi Ma’am, para po siyang may tililing? Hindi po kasi normal yung mga kinikilos niya, lalo na po sa akin!” paliwanag ko dito at medyo hininaan ko pa ang boses ko dahil baka mamaya sumulpot na naman si kabute at mayari ako.Kabute! Tama! Yan
SophiaIsinama ako ni Coleen sa isang showroom na panay designs ng Bella ang nakadisplay.Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng mga damit. Umasa ako na sana isang araw makasama dito ang mga desgns ko.“Ang gaganda nila Coleen!” masayang sabi ko habang isa isang hinihipo ang mga damit. Pati ang mga tela nila ay hindi basta basta kaya naman hindi din basta basta ang presyo ng mga ito.“Draw your inspiration from this, Sophia. By the looks of it alam mo na kung anong klaseng mga damit ang nasa production ng Bella.” sabi nito Hinayaan ako ni Coleen na maglibot. Panay naman ang kuha ko ng mga detalye ng damit para kahit papano magkaroon ako ng idea. Isang oras ang ginugol ko doon para mapagaralan ang mga damit. “Okay ka na?” tanong nito ng lumapit ako sa kanya“Oo Coleen, maraming salamat!” sabi ko ditoBumalik na kami sa kotse at pinaandar niya ulit yon. “I saw your designs and I’m impressed! Tama si Hendrix, magaling ka at malaki ang potential mo.” masayang sabi sa akin ni Colee
SophiaUmuwi ako bandang alas-singko ng hapon pagkatapos ng office hours. Nagulat pa ako dahil may ibinigay sa akin si Ma’am Andrada na damit at sapatos. Ang bilin daw ng Kabute ay hintayin ko siya at susunduin niya ako. Naligo na ako pagdating ko sa apartment. I blow dried my hair at saka naglagay ng konting make up. Nasanay na ako maglagay ng ganito since nagtrabaho ako bilang waitress at required kasi iyon. Maganda ang kulay itim na gown na pinapasuot sa akin ni Kabute. Bagay na bagay din dito ang sapatos na 3 inches ang takong. Kulay pula iyon at sobrang kumportable sa paa.Itinaas ko ang buhok ko at hinayaang nakalugay ang ilang hibla. Nagwisik ako ng konting pabango. Regalo ito sa akin ni Trevor nung nakaraang Pasko. Nang makuntento na ako ay naghintay na ako sa sala sa pagsulpot ni Kabute. May purse na kasama ang gown. Sakto lang para sa lipstick at powder ko pati na ang phone. Kinuha ko na ito at sakto paglabas ko ng kwarto sy tumatawag na si Kabute.Hindi ko na iyon sinagot
SophiaNakatambay kami ni Kabute sa harap ng bay area pagkatapos naming umalis sa venue ng Fashion Show. Nadaanan namin ito at hiniling niya na huminto muna kami para makapag usap. Hindi naman kami bumaba ng kotse at hinayaan niya lang na bukas aircon at makina ng sasakyan.Nakatingin lang kami sa kawalan. Hindi naman siya nagsasalita kaya nanatili na lang din na tikom ang bibig ko. Kung may gusto siyang sabihin mauna na siya.“Seloso ako pagdating sayo, and I admit that!” napatingin naman ako sa mukha niya dahil sa biglaang pagsasalita niya“Pwede bang ipaliwanag mo sa akin ang nangyayari? Kasi hindi ko talaga maintindihan at para sa akin hindi normal.” tanong ko sa kanya dahil talagang gulong gulo na din ako“Matagal na kitang kilala, mi amor. Yun ang dahilan kung bakit palagi kong sinasabi na I am longing for you. I just want you to know that I exist.” umpisa niya“ Paano? Bakit ako hindi kita kilala?” usisa ko“ Nakita kita sa club ni Jakson Hernandez. Business partner ko siya sa
SophiaWala akong nagawa sa pagbuntot sa akin ni Hendrix mula sa simbahan hanggang sa palengke. Hindi ko naman magawang itaboy siya dahil nga sa pakiusap niya noong nagdaang gabi.Buhat ng malaman ko ang nangyari noong nakaraan ay nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya. Kung tutuusin, wala ka ng hahanapin kay Hendrix. Nasa kanya na ang lahat ng pangarap ng babae sa isang lalake. Naisip ko na bakit nga hindi ko hayaaang magkakilala kami ng lubos. Mukha naman siyang mabait. May mga ugali lang talaga siyang hindi ko gusto pero siguro naman, kung talagang sersyoso siya, mababago niya iyon.Isa pa, hindi pa ako pwedeng magmalaki ngayon. Kailangan ko ang trabaho ko at hanggang nagkakasundo kami, safe ang posisyon ko. Bonus nalang siguro kung magugustuhan ko din siya.‘choosy ka pa girl?’ sabi ng isip ko pero hindi ko na lang iyon pinansin“Mi amor, next time, sa grocery tayo mamili. Ang hirap dito sa palengke. Ang baho na tapos ang putik pa!” raklamo niya sa akin“Hindi ako mayaman para sa gr