Kabanata 14 Hindi lahat ng anak sa labas ay nabuo dahil sa pagkakamali. Ang iba ay sadyang nabuo dahil sa pagmamahal. Hindi lang tatlong beses na ikinuwento sa akin ni Mama na sila ang tunay na nag-iibigan ni Papa. Masaya sila noong una. Nangarap sila ng isang buong pamilya na pupunuin nila sa pagmamahal. Hindi nangyari ang lahat ng pangarap nila. Si Papa ay ipinangako ng mga magulang nito sa isang babae na galing sa isang mayamang angkan sa Quezon. Mayor na noon si Papa at gusto ng magulang niya na maging maganda at mabango ang imahe nila sa buong probinsya. Hindi tago sa publiko na matapobre sila. Pinagbantaan nila si Mama upang palayuin kay Papa. Naging matapang siya ngunit sa huli ay si Papa ang unang bumitaw. Ang pag-iibigan nila Papa at Mama ay nagtapos ng walang tutol na nagpakasal si Papa kay Donya Meliscia. Sa araw ng kasal ni Papa ay nalaman naman ni Mama na nagdadalang tao siya. Hindi na siya naghabol at lumipas ang mga taon ay tahimik kaming nanirahan sa Tiaong, Quezo
Kabanata 15"Anong meron?" tanong ko kay Papa. Unting-unti na nagsalubong ang aking mga kilay nang pumasok kami sa isang opisina.Nang tingnan ko ang paligid ng silid ay nakuha agad ng self portrait na nakabitin sa isang wall ang atensyon ko. Isa iyong picture ng Mayor. Walang katao tao sa silid ngunit nagtuloy-tuloy lang si Papa sa silid na para bang welcome na welcome siya sa opisina na ito.Kunot ang noo na sinundan ko siya sa mismong tanggapan ng mga bisita. Nakita ko ang pag-upo niya sa isang malambot na kulay berde na sofa. Ang kaniyang mga mata ay may kuryosidad na tumingin sa akin.He raised his right arm. Suddenly, the side of his lips turned up. I felt something unusual. What’s with the smile?Ang aking puso ay naramdaman kong tumibok nang mabilis dahil sa kabang nararamdaman. Ito ang unang beses na ngumiti siya sa akin. May dapat ba akong ipag-alala? Nalilito na napalakad ako palapit sa kaniya nang makita kong sinenyasan niya akong lumapit.Wala akong nagawa kundi ang umupo
Kabanata 16Sa pagtatapos ng seremonyas ng kasal ay natahimik ang lahat. Walang nagsalita, walang nagsabi sa amin ng masaya nilang pabati. Ibinaba nilang lahat ang mga baril na hawak nila.Walang kahit anong sinabi si Ròisìn at naglakad siya palabas ng opisina ni Mayor. Hindi siya pinigilan ni Papa pati na rin ang mga bodyguards niya. Pinabayaan nilang umalis si Ròisìn. Sinundan ko lang siya nang tingin at hindi rin siya pinigilan.Ramdam ko ang marahan na pagtapik sa aking balikat kaya mabagal na napatingin ako sa taong gumawa nito. Munting kasiyahan sa mata ang nakita ko sa kaniya, ngunit lungkot naman ang nararamdaman ko.Pinaalis ni Papa ang lahat ng nasa loob ng silid upang makapag-usap kaming dalawa."Governor, Is this the right thing to do?" I asked him.Ramdam ko ang kaunting pagsisisi. Ngayon ko lang naramdaman ang konsensya. Naging makasarili ako at ngayon ay alam kong nasasaktan ko si Ròisìn.Naguguluhan na ako. Dati ay wala akong pakialam sa nararamdaman niya ngunit ngayo
Kabanata 17Hindi na umuwi si Ròisìn."It's been three days pero hindi pa rin siya umuuwi. Eunice Paye, anong gagawin ko? Should I report it to the police? Nag-aalala na ako sa kaniya," mahina kong sabi sa kabilang linya.Napahawak ako sa noo ko habang naglalakad papunta sa may dining table. Kinakagat ko ang aking daliri at hinintay ang sasabihin ni Eunice Paye."Hindi ba siya nagpaalam sa'yo?" tanong niya sa akin. Umiling ako kahit hindi niya nakikita. Hindi ako umupo sa upuan, bagkos ay naglakad ulit ako pabalik sa living room."Hindi. Hindi siya nagpaalam sa akin," sambit ko at muli akong naglakad papunta sa living room.Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko dahil nakaramdam ako ng sakit sa sintido. Tumigil ako sa paglalakad at pagkatapos ay pinakiramdaman ang sarili. Nang huminto ang sakit ay tumuloy ako papunta sa living room at umupo sa sofa."You should report it. Hindi na normal sa isang lalaki ang mawala ng tatlong araw. Lalong-lalo na kung hindi nagpapaalam pwera na lang k
Kabanata 18Sa pagmulat ko ng mata ay si Rio na agad ang nakita ko. He's attentively looking at me. Umiwas ako sa kaniya ng tingin dahil sa pagkailang."Bakit ako nasa ospital?" Mahinang tanong ko sa kaniya habang tinitingnan ang kamay kong nangangalay dahil sa serong nakalagay."You fainted," tipid niyang sabi. Halata ko sa kaniyang boses ang pagkainis."Bakit ka nandito sa Manila? It's unusual, Rio. Bakit yata napasugod ka dito?" Hindi makapaniwala na tanong ko sa kaniya."Why is it unusual? Masama bang mag-alala sa'yo?" may diin at inis na sabi niya.Umiling ako at pagkatapos ay napangiti ng pilit. Hindi pa rin nagbabago. Mainitin pa rin ang ulo niya."Sinong nagsabi sa'yo na nasa ospital ako?" pag-iiba ko ng usapan.Malakas siyang napasinghal at pagkatapos ay tumayo siya mula sa pagkakaupo. Inilagay niya ang magkabilang kamay sa bulsa niya. Mariin niya akong tiningnan habang ako ay nakatingin din sa kaniya."I received a call though your phone. Hindi ikaw ang nakausap ko kaya nag-
Kabanata 19"Where did you go?" Bungad na tanong ko kay Ròisìn nang makita ko siyang pumasok sa loob ng bahay namin.Mabilis ko siyang pinasadahan ng tingin. Wala na ang suot niyang coat at nakabitin ito sa kaniyang kanang balikat. Ang kaniyang polo shirt ay may maliliit na gusot sa kwelo. Pansin ko rin ang buhok niyang sabog at hindi sinusuklay.Mas lalo kong naramdaman ang pagngitngit dahil sa galit. Bakit ganito ang ayos niya? Para siyang nakipaglaro sa hindi nakakasunog na apoy! Init ng katawan niya ay sa ibang babae niya ginagawa?"Work," Tipid niyang sagot sa akin. Ang kaniyang mga mata ay umiwas sa akin ng tingin.Kinagat ko ang aking ibabang labi at inis akong napabuntong hininga. Pumikit ako nang mariin bago ko siya nilapitan. Ngayon ay nagtatanggal na siya ng sapatos. Pabalang ko itong kinuha sa kaniya. Walang pag-iingat kong inilagay sa shoe rack ang kaniyang sapatos.Tiningnan ko siya ng mariin. "Three days? No, it's four days to be exact. Bakit hindi ka man lang umuwi?"A
Kabanata 20Pagkatigil ng sasakyan sa aming unahan ng bahay ay may kabilisan akong bumaba. Ang aking mukha ay nakasimangot habang sinasaraduhan ang pinto. Gumawa ng malakas na ingay ang pinto ng kotse dahil sa pagsara ko nito.Wala akong maramdaman na miski kaunting saya habang naglalakad ako papunta sa gate ng apartment namin. Napasulyap ako ng saglit sa kaniya. Naging mabilis ang pagkilos ni Ròisìn kaya naabutan niya akong nagbubukas ng gate.Ang kaniyang buong atensyon ay nasa akin at pansin ko ang malambot na ekspresyon ng kaniyang mukhang masarap paltukin.Binigyan ko siya ng isang nakakamatay na irap.Bakit ganito ang lalaking ito? Parang asong naging maamo.Nang tuluyan kong lakihan ang pagkakabukas ng gate ay pumasok agad ako. Alam ko na sumunod siya sa akin. Hindi ko na siya pinansin at tumuloy lang ako sa paglalakad papunta sa pinto ng bahay namin. Rinig ko ang pagsara ng gate.Kinuha ko ang susi sa aking bag at pagkatapos ay ipinasok ko agad ito sa butas na nasa door knob.
Kabanata 21"I'm leaving, Edraly. See you tonight," mahinahon niyang pagpapaalam sa akin.Ibinigay ko sa kaniya ang suit case na naglalaman ng mga documents at gamit niya sa opisina. Hindi naman ito mabigat kaya hindi ako nahirapan sa pagbubuhat nito. Tinanggap niya ito gamit ang kaliwang kamay."Keep safe," may maliit na ngiti sa mukha na sabi ko.Inayos niya ang kaniyang kwelyo gamit ang kanang kamay. Kita ko na nahihirapan siya. Aabutin ko sana ito at ako na ang gagawa ngunit natigilan ako sa paglapit sa kaniya. Bakit ko nga ba aayusin iyon? Medyo galit nga pala ako sa kaniya.Medyo lang? Marupok ka, Girl?Hindi ba't sinabi kong hindi?"Iyon lang?" tanong niya sa akin. Pansin ko sa kaniyang mukha ang pagkawili."What? Are you expecting for more?" nakakunot ang noo na tanong ko sa kaniya.Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at pagkatapos ay nagkamot siya ng ulo niya."Yes. Your husband is leaving." Halata sa boses niya ang matinding pagkadismaya."So?" nakahalukipkip na tugon ko