SAMANTHA WALTON screamed after her driver stopped the bridal car she was in.
"Oh My Gosh! What is it, Mang Narding?"
She almost fell off her seat because of what happened. For God's sake! Kailangan ng dobleng ingat dahil ikakasal pa naman siya ngayong araw at ito na nga't papunta na sila sa simbahan.
"Pasensya na po señorita, may itim na kotse po kasing humarang na lamang bigla sa daraanan natin." Halata sa tinig ng matanda ang kaba.
A loud gunshot was heard shortly. Samantha gasped as she saw Mang Narding flinch from the gunshot wound to his shoulder and noticed the shattered glass on the side of the driver's seat. Another gasped escape her mouth when the car door opened. She could not help but scream in fear as the stranger pointed the gun at her.
MEANWHILE...
SOMETHING fluttered in Gareth's chest, the moment he saw the strange look on his mother's face as she walked towards him. Gareth knew, it was a bad news. Hindi niya kayang mag-entertain ng masamang bagay sa ngayon, lalo na't ngayong araw ang kasal nila ng kaniyang kasintahan na si Samantha Walton. Nasa simbahan na nga siya at hinihintay na lamang ang pagdating ng dalaga.
"Bakit po 'nay?" may halong kaba ang tinig ni Gareth, habang pinagpapawisan ng malamig. Inayos niya ang makapal na salamin na kaniyang suot.
"A-anak..." mahina at nauutal na usal ng kan'yang ina. Nanginginig ang kamay at may iniabot na puting papel kay Gareth.
Kinuha ni Gareth ang pirasong papel. "Ano po ito?" usisa niya sa ina na nag-umpisa nang umiyak.
"Basahin mo ang nakasulat, anak. Para malaman mo..." anang kaniyang ina sa pagitan ng mga hikbi.
Habang nanginginig ang kamay, marahang binuklat ni Gareth ang nakatuping papel. Nang mabasa ang nakasulat doon ay nagsimulang pumatak ang mga luha ng binata, marahan siyang napaluhod sa sahig ng simbahan, dahil tila nawalan ng lakas ang kaniyang mga tuhod. Wala na siyang pakialam sa mga taong nasa paligid niya at tila naguguluhan sa mga nangyayari. Muling naglaro sa isip niya ang nabasa...
"Sorry, Gareth. I can't make it."
-SAMANTHA
Maliwanag ang mensaheng iyon. Hindi na darating si Samantha ngayon. Hindi na siya nito nais pakasalan, walang kasalang magaganap. Napapikit si Gareth sa sakit na nararamdaman nang mga sandaling iyon. Sakit at kahihiyan na hindi lamang siya ang makakadarama, pati na rin ang mga taong mahal niya.
"Kuya..." ang tanging nasambit na lamang ni Gail, ang bunso niyang kapatid. Awang-awa ito kay Gareth.
"Anak tumayo ka diyan. Hala sige na huwag ka rito umiyak, umuwi na tayo. Hindi darating si Sam." Pilit na pinatatag ni Aling Estrella ang boses niyang basag dahil sa pag-iyak.
Gareth felt a tap on his shoulder, he knew who it was. It was Mang Castor- his father.
"Hala sige at Tumayo ka riyan, Gareth. Tara na anak at sa bahay tayo mag-usap," banayad na turan nito sa kaniya. Hindi gaya ng kaniyang ina, ang ama niya ay walang bakas ng luha sa mga mata, pero makikita roon ang sakit at awa patungkol sa anak.
Marahang tumayo si Gareth at yukong-yuko na naglakad palabas ng simbahan. Nakasunod sa kaniya ang mga magulang at ibang kamag-anakan.
"Masyado kasing ambisyoso, magpakasal ba naman sa isang heridera."
"Ayan ang napapala ng mga matatayog ang pangarap. Umuuwing luhaan."
"Nahibang kasi siya, akala niya e papakasalan siya ng isang matayog na katulad ni Samantha Walton."
Iilan lamang iyan sa mga bulungan na nadidinig ng binata habang papalabas ng simbahan. Mga salitang tila patalim na tumatarak sa kaniyang dibdib, mga patalim na nag-iiwan ng marka sa kaniyang puso.
Imbes na dumiretso ang binata sa kanilang bahay, tumakbo siya patungo sa hacienda ng mga Walton. Nais pa rin niyang makausap si Samantha, nais niyang tanungin kung bakit hindi ito sumipot sa simbahan. Marami siyang nais itanong sa dalaga.
Nasa bukana pa lamang siya ng hacienda, nakita na ni Gareth ang papalapit na magarang sasakyan ng mga Walton, alam niyang nasa loob nun si Sam, kahit pa tinted ang mga salamin ng kotse. Si Sam lang naman kasi ang gumagamit ng kotseng iyon. Humarang siya at nagsisisigaw. Tumigil naman ang sasakyan.
"Sam, mag-usap tayo. Bumaba ka!" may halong pagmamakaawang sabi ni Gareth sa dalaga. "Sam! please kausapin mo ako!"
Ilang segundong pagmamakaawa at sa wakas ay may bumaba. Pero hindi si Sam iyon, kung hindi si Donya Thesa, ang madrasta ni Samantha. Kasama nito ang anak na si Carmela.
"Gareth,bakit ka narito? Patungo pa lang kami sa simbahan e, medyo na-late na nga," bungad sa kaniya ni Donya Thesa na may pag-aalala sa mukha. Alam ni Gareth na galing pa sa Canada ang dalawa.
"Nasaan ho si Samantha?" mahinang tanong niya sa Donya.
Nangunot ang noo ni Donya Thesa at napatingin sa anak. "Hindi ba't umalis na ang Ate Samantha mo?" May halong pagtataka ang tinig nito.
Sunod-sunod na napatango si Carmela. "Ang sabi niya sa amin kaninang tumawag e patungo na siya sa simbahan," mahinang sabi ni Carmela na tila naguguluhan sa mga nangyayari.
"Nagpadala ho siya ng sulat sa akin, ang sabi niya ay ayaw na niyang ituloy ang kasal namin," ani Gareth sa garalgal na tinig.
Nanlaki ang mata ni Doña Thesa. "Ano?! Nahihibang na ba si Samantha?! Hala sige, Carmela kunin mo ang cellphone mo at tawagan mo ang ate mo!" Utos ni Doña Thesa sa anak.
Lumayo naman si Carmela at tinawagan nga si Samantha. Pero maya-maya pa ay bumalik din sa kanila. "Mommy, out of coverage naman ang cellphone ni Ate Sam," ulat nito na may awa sa mga mata nang balingan si Gareth.
"H-Hayaan niyo na lang ho siya kung iyan ang desisyon niya." May pilit na ngiti sa labi ang binata, kahit sa totoo lang ay nais na niyang umiyak muli.
"Pasensya ka na, Gareth. Hayaan mo kapag nakita ko ang batang iyon ay malilintikan talaga sa akin!" Nahimigan ng binata ang galit sa tinig ng Doña.
"Hayaan niyo na lang ho siya. Aalis na ho ako at maraming salamat." Hindi na hinintay pa ni Gareth ang sagot ng Doña at tumalikod na siya.
ANG TANGING nagawa na lamang ng pobreng si Gareth ay umuwi na lamang sa kanilang kubo. Mabigat ang mga paa sa paglalakad, hindi na siya makaiyak, tila namamanhid na ang kaniyang buong katawan.
"G-gareth," sabi ni Aling Estrella na bakas sa mukha ang pag-aalala.
"Matutulog ho muna ako, Inay." Tsaka niya nilampasan ang ina. Ayaw muna niya ng may kausap, gusto niyang mapag-isa.
Pumasok ang binata sa kaniyang silid at marahang humiga sa maliit na papag na naroon.
Napatingin sa may butas-butas nilang pawid. Napatawa siya ng pagak. Kaya ba siya biglang iniwan ni Samantha ay dahil na-realize nito na hindi sila magkatulad ng mundo? Na masyadong malayo ang antas ng kanilang pamumuhay.
Pero alam naman ni Samantha kung gaano kataas ang pangarap niya. Pinapatapos at iginagapang lamang niya si Gail sa college at kapag nakapagtapos na ito ay siya naman ang mag-aaral. Nainip ba ang dalaga sa pag-unlad niya?
"SAMANTHA sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Halata sa boses ni Gareth ang kakaibang kaba. Dalawa lamang sila ni Samantha sa isang tree house na sakop ng Hacienda Walton. Ang hacienda na pagmamay-ari ng pamilya nina Samantha. "Oo, Gareth. Angkinin mo na ako ngayon..." mapang-akit ang tinig ng dalaga, pero hindi maitago ng mga mata nito na tila may bumabagabag dito. "P-pero maari naman nating gawin ito pagkatapos ng ating kasal. Ikakasal na tayo sa susunod na linggo," sambit ni Gareth at hinawakan sa kabilang pisngi ang katipan. Ginagalang niya ang dalaga at nais sana niya itong angkinin pagkatapos niya itong iharap sa altar. "Please?" May himig pakiusap ang tinig ni Samantha. Lalong may kung anong pagdududang nadama ang binata. Kilala niya ang kasintahan, hindi ito ganoon at masyado itong konserbatibo, ba't ngayon ay tila nagmamadali itong magpa-angkin sa kanya? "Hindi kita maintindi--" naputol ang pagsasalita ni Gareth nang bigla
After Five Years... "GIVE me a kiss, c'mon!" tawag ni Samantha kay Graciella. Lumuhod pa siya at sinalubong nang tumakbo ito papalapit sa kaniya. "You're so sweet, Graciella!" ani Samantha rito at niyakap ng mahigpit ito. Ganoon din ang ginawa ng limang taon na si Graciella. Kinarga niya ang anak at nagtungo sila sa malawak na living room ng kanilang mansion. Ang masion nila rito sa manila na halos kasinlaki ng mansion nila sa hacienda. "Oh, ang aga mo yata, hija? Akala ko ba ay may meeting ka?" Napatingin si Samantha sa kaniyang madrasta na pababa sa matarik na hagdan. Mapostura ito at halos suot yata nito ang lahat ng alahas. Habang hawak nito sa kabilang kamay ang mamahaling Prada bag nito na hiningi sa kaniya bilang regalo sa ika 50th birthday nito noong nakaraang buwan. Mukhang may lakad ang kaniyang madrasta at himalang hindi kasama ang anak na si Carmela. Nginitian niya ang madrasta. "Umurong ho sa meeting ang foreign investor na ka
ISANG putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid dahilan upang mapapitlag at manginig sa takot si Samantha. Kita ng dalawang mata niya ang pagkabasag ng salamin sa gilid ng driver seat at napasigaw nang makita na lamang niyang bumulagta ang isang lalaki na nasa driver seat, dahil sa tama ng baril sa may balikat nito. Patuloy ang malakas na pagsigaw ni Samantha at halos mawalan na siya ng ulirat sa tindi ng takot na kaniyang nararamdaman nang mga sandaling 'yon. "Mang Narding!" Sigaw niya sa lalaking nakaupo sa driver seat at tila wala ng malay dahil sa tama ng baril. "Who are you?!" maya-maya pa ay gilalas na tanong ni Samantha, matapos sapilitang binuksan ng isang nakamaskrang lalaki ang pintuan ng sasakyang kinalululanan niya. Alam ni Samantha, kahit magsisigaw siya ay walang makakarinig sa kaniya. Liblib ang bahaging kinaroroonan nila. Walang masyadong dumadaan na sasakyan. Natatakot siya dahil malaki ang katawan ng lalaki at may dalang baril na
"IKAW na muna ang bahala kay Graciella, Toneth ah? May aasikasuhin lang ako," banayad na bilin ni Sam kay Toneth- ang yaya ng kaniyang anak. "Yes po, Ate Sam. Mag-ingat po kayo," anito naman na may ngiti sa labi. Kung pagmamasdan talaga ay hindi mukhang Yaya si Toneth, dahil sa taglay nitong ganda na gustong-gusto niya. Ilang beses na nga niyang inalok ito ng puwesto sa kompanya nila, pero mas pinili nitong maging yaya ni Gracie, bagay na ipinagpasalamat naman niya, dahil kampante siya ritong iwanan ang kaniyang anak. Nginitian niya ito pabalik at sinulyapan pa ng minsan si Graciella na mahimbing pa rin ang tulog nang mga oras na iyon. Marahan siyang lumabas mula sa silid ng anak at bago tumungo sa garahe ay kinuha niya muna ang kaniyang tumbler na may kape. Oh yes, she's a coffee sucker. Pakiramdam niya ay hindi kumpleto ang araw niya kung hindi siya makakainom ng kape. Anyway, bibili siya ng bagong office table niya ngayong araw, nais niyang palitan na ang
MULA sa pagkakayukyok sa kaniyang mesa, marahang iniangat ni Sam ang ulo nang marinig si Martina sa Intercom. Nakaidlip siya dahil na rin siguro sa pagod these past few days. Bigla tuloy siyang nahiya sa kaniyang sarili, dahil wala sa karakter niya ang mag-idlip idlip sa oras ng trabaho. "Yes, Martina?" "A certain Mr. Sebastian is looking for you, Ms. Walton." Nangunot ang noo ni Sam. He is not familiar, sa pagkakaalam niya ay wala siyang appointment sa Mr. Sebastian na sinasabi nito. "Sebastian? Sebastian who?" "Gareth Sebastian." Biglang tila may lumagabog sa dibdib ni Sam nang marinig ang buong pangalan na iyon. Naroon na naman ang pamilyar na kabang nararamdaman niya sa tuwing maririnig o mababasa ang pangalan na iyon. Anong ginagawa ni Gareth Sebastian sa kaniyang opisina? Napalunok muna nang sunod-sunod si Samantha. She cleared her throat before talking again. "Kindly ask him to set an appointment first, Martina. I am busy
"OPEN naman," naisabulong ni Sam sa sarili nang makapasok sa cafe adriatico. Sino naman kasing mag-aakala na open ito e walang katao-tao at sobrang tahimik ng lugar, mula sa labas hangang sa loob. Iginala pa niya ang paningin at naghahanap ng mapagtatanungan, nang may isang unipormadong lalaki ang lumapit sa kaniya, tila isa itong crew doon, malawak itong ngiti sa mga labi habang papalapit sa kaniya. "Miss Samantha Walton, right?" Tanong nito. Medyo natigilan siya dahil hindi niya expect na alam nito ang pangalan niya. Pero sa huli ay marahan tumango na lamang siya. "Sumunod ho kayo sa akin," anito at nagpatiuna nang maglakad. Tahimik lamang siyang sumunod, habang pasimpleng iginagala ang paningin sa paligid. Wala talagang ibang tao maliban sa kaniya at mangilan-ngilang mga crew na may kanya-kanyang ginagawa. Is it possible that Gareth rented the whole place? Ang tanong ni Sam sa kaniyang isipan. "This is your
"MOMMY!" Kasabay nun ay ang pagsalubong ng yakap ni Graciella sa kaniya. Tila isang mahika ang yakap ng anak, nawala bigla ang bigat at lungkot na dala-dala niya kanina lamang. "It's already 11pm, sweetie. Bakit hindi ka pa natutulog?" Napanguso ang anak. "Hinihintay kita, Mom. I can't sleep e," anito. Napangiti si Sam, naglalambing lamang ang anak kapag ganoon, kaya hindi na niya ito pinagsabihan. Madalang lang naman itong matulog ng late, usually 8pm ay tulog na ito talaga. "Okay, wait mo ako sa room mo. Kakain lang ang mommy at maglilinis ng katawan at tatabihan na kita, okay ba iyon?" Sunod-sunod na tango ang natanggap niya mula kay Gracie at nagtatakbo na ito patungo sa silid nito, sinenyasan naman niya si Tonet upang sundan ito para may kasama ang anak habang wala pa siya. Mukhang wala pa ang stepmother niya at si Carmela, dahil tahimik pa ang mansion. Tila naenjoy ng mga ito ang bakasyon, ah. Nan
SI GARETH ang bisitang hindi niya inaasahan. Guguluhin na naman ba siya nito? "What are you doing here?" Kinabahang tanong ni Sam sa lalaki at wala sa loob na napatingin sa anak na abala sa pagkain. "Let's talk, Samantha." -Gareth Bakit pakiramdam ni Sam ay isang utos iyon at hindi pakiusap? Napaka-arogante talaga ng lalaking ito. "Sa labas tayo mag-usap. Huwag dito," matigas niyang sabi kay Gareth. Ayaw niya kasing marinig ni Graciella ang kung ano mang pag-uusapan nila ng lalaki. Tiyak kasi na hindi maganda sa pandinig na naman ang idudulog nito. "Let's talk here." Matigas ring pahayag ni Gareth na ikinairita ni Sam. Bahagya pa itong lumapit sa table niya habang nakapamulsa. Napapikit nang mariin si Sam upang pigilin ang inis na nais nang umalagpos. "Who is she?" Biglang napatingin si Sam kay Gareth na ngayon ay malayang pinagmamasdan si Graciella na inosente namang nakatingin dito. Si Marti