LUMABAS si Julieanne ng bahay at nagpahangin sa hardin. Ang ganda ng liwanag na nagmumula sa buwan at ang mga bituin sa langit ay kumikinang. Ang masarap na simoy na malamig sa pakiramdam ni Julieanne.
Umupo siya sa swing at nagsimulang iugoy ito ng dahan dahan. Naalala niya ang kanyang Papa. Ilang buwan na noong sila ay iniwan nito. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya ang mga nangyari. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata saka tumingin sa langit ng may shooting star na gumuhit sa kadiliman ng langit."They said, na kapag humiling ka raw sa wishing stars ay magkakatotoo," sabi ng baritong boses na nasa likuran niya.Pinahid ni Julieanne ang mga luha sa kanyang mga mata dahil baka asarin siya ulit ng lalaking iyon na kahit hindi niya lingunin ay kilala na niya kung sino iyon."Naniniwala ka ba r'on?" tanong ni Julieanne dito na hindi tumitingin. Ngayon lang niya ito nakausap ng matino."Minsan," maikling sagot nito saka umupo sa katabing swing ni Julieanne."There are wishes that sometimes they are not meant to be granted. Hindi iyon natutupad dahil imposibleng mangyari," seryosong sagot ni John habang nakatingala sa kalangitan."Isa lang naman ang hiling ko. Gusto ko lang mayakap si Papa. Pero alam kong imposibleng mangyari iyon," naiiyak na sabi ni Julieanne. Napatingin si John kay Julieanne. Nakita niya itong umiiyak pero matapang pa rin ang anyo nito."That is what I like about her. Ang tapang niya kahit na gan'on lang siya," nanlaki naman ang mata niya ng sinabi niya iyon sa isip. "Wait, I like her?" tanong nito sa sarili. Never pa siyang nagkagusto sa isang babae. Ayaw man niyang tanggapin pero iyon ang nararamdaman niya ngayon.Tumayo si John at saka pumunta sa harap ni Julieanne. Pinunasan nito ang mga luha sa mga mata ng dalaga. Naestatwa naman si Julieanne sa ginawang iyon ni John at hindi nakapagsalita."Don't cry, kasi ang pangit mo," nang-iinis na sabi ni John kay Julieanne saka ngumisi ng nakakaloko.Tinabig naman ni Julieanne ang kamay ng lalaki dahil sa inis saka nagmartsa paalis papasok sa loob ng mansyon. Naiwan naman na nangingiti si John."Ang sarap mo talagang asarin," usal sabi ni John sa isip.Naiinis na pumasok sa kuwarto nilang magkapatid si Julieanne. Napansin ng kapatid niya ang mukha nito."Anong nangyari sayo, Ate? Bakit ganyan ang mukha mo?" curious na tanong ni Jane."Iyong apo ni Lolo Juan na arogante na, mayabang pa at saksakan ng suplado ay ininis na naman ako," nakataas ang kilay na sagot ni Julieanne. At nanlilisik ang mga mata sa galit."Alam mo Ate, huwag ka ng mainis kay Kuya John dahil sabi nga nila d'yan daw 'yan nagsisimula," sabi pa ni Jane. Ikinalingon naman ito ni Julieanne ang mga sinabi ng kapatid."Saan? Hindi ko maintindihan.""Hay, naku, Ate, iyan kasi aral ka ng aral kaya wala kang alam sa pag-ibig," sagot ni Jane."Naku, Jane. Sabihin mo nga sa akin may nagugustuhan ka na ba? Kasi parang sa ipinahihiwatig na salita mo. E, meron na.""Crush lang naman Ate. Fifteen na ako Ate, siyempre naman humahanga na din ako.""Iyong pag aaral mo ang atupagin mo at hindi iyong crush-crush na iyan," saway ni Julieanne sa kanyang kapatid. "Saka, sino ba iyong crush mo?" dugtong na tanong nito."Si Kuya John. Ang gwapo niya Ate tapos ang mga mata niyang kulay abo grabe ang gandang tingnan, nakakatunaw. Sobrang pointed ang ilong na parang mga kastila iyong nababasa ko sa mga pocketbook.""Nagkakagusto ka r'on sa mukhang tukmol na 'yon?" inis na tanong ni Julieanne. Sa dinami-rami ng puwedeng magustuhan ng kapatid niya ay bakit ang mayabang na si John pa."Masama ba, Ate? Siguro may gusto ka rin kay Kuya John, ano?" tuksong baling ni Jane sa kapatid. Napataas naman ang kilay ni Julieanne. "Huwag kang mag-alala, Ate. Kasi mas matanda naman sa akin 'yon. Saka mas bagay kaya kayo. Maganda ka tapos si Kuya John gwapo," lalo namang nagsalubong ang kilay ni Julieanne sa mga sinabi pa ng kapatid niya."Hindi kami bagay kasi mukha iyon tukmol! Tapos sobrang kapal ng mukha. May crush na rin akong iba," napataas ang balikat na sagot ni Julieanne."Sino 'yon, Ate?" usisang tanong ni Jane.Iniisip pa ni Julieanne kung sino nga ba ang nagugustuhan niyang lalaki. Napasubo siya sa mga sinabi niya. Wala pa naman siyang nagugustuhan dahil laging ginugulo ang isip niya ngayon ng aroganteng apo ni Lolo Juan.Nanlaki ang mga mata sa mga pumapasok sa utak ni Julieanne."Ayoko! Period!" malakas na sigaw ni Julieanne.Hindi nakatulog ng maayos si Julieanne magdamag. Puyat siya at nangingitim ang gilid ng mga mata. Nakita niyang tulog pa ang kapatid sa tabi niya kaya dali dali siyang bumangon at pumunta ng banyo para maligo.Araw ng Lunes, kailangan niyang pumasok ng maaga. Pupunta pa siya ng library para mag aral. Nang makapagbihis na si Julieanne ng kanyang iniform ay bumaba na siya ng hagdan para pumunta ng kusina. Tiningnan niya muna kung may luto ng pagkain ang Mama niya.Tiyempo naman na may nakita siyang nakatakip na pagkain sa mesa. Binuklat niya iyon at nakita ang sandwich. Kaya nagtimpla na siya ng kape saka kumain na lang sa kusina.Masayang natapos niya ang agahan niya at nagsimula nang maglakad palabas ng kusina. Tiyempo naman na tatapat na siya sa sopa nang mapansin na may nakaupo doon."Ang aga naman nitong nagising," sabi ni Julieanne sa isip niya.Katulad ni Julieanne hindi rin na katulad si John sa pag iisip kay Julieanne. Nakakapanibago, never pang may gumulo sa kanyang isipan na isang babae. At hindi ito mangyayari, hinding hindi siya maiinlove sa isang babae.Palabas na sana ng pinto si Julieanne nang may magsalita sa kanyang likuran."Hatid na kita sa University n'yo," prisinta ng lalaking nasa likod niya."Salamat na lang pero hindi na kailangan. Naglalakad lang naman talaga ako papasok sa University.""No, I insist. Saka may pupuntahan din ako. Kaya sabay na tayong umalis," buyo pa nito.Walang nagawa si Julieanne nang magpumilit si John na ihatid siya sa University. Habang nasa loob ng sasakyan ay walang imik si Julieanne."How old are you?" basag na tanong ni John."Seventeen," maikli nitong sagot na hindi nag abalang tumingin sa binata."Kailangan ka mag-eighteen?" tanong ulit ni John. Nakatingin lang din ito sa daan habang nagmamaneho."Next year pa," tipid na sagot ni Julieanne."May boyfriend ka na ba?" tanong ulit ni John. Hindi pa rin ito tumitingin sa dalaga.Ikinalaki naman ng mga mata ni Julieanne ang huling tanong ni John. Napapansin niya na kanina pa ito tanong ng tanong sa kanya. Humugot muna siya ng malalim na paghinga para pigilan ang inis sa loob niya."Ayokong sagutin ang tanong mo na 'yan. Masyado ng personal at privacy ko na abg unuirirat mo," nagtitimpi na sagot ni Julieanne.Doon napalingon si John. Suot nito ang shades niya kaya hindi niya kita kung kulay abo nga ba ang kulay ng mga mata nito gaya ng sinabi ng kapatid sa kanya."Sagutin mo na lang ng maayos ang tanong ko," may pagkademanding na sabi ni John."Bakit ka ba tanong nang tanong?" tanong din ng dalaga.Doon na nasukol ang binata. Bakit nga ba siya nagtatanong sa dalaga? Ang totoo gusto niya itong makilala at fiance na niya ito. Karapatan niyang malaman ang tungkol kay Julieanne. Ang mga sagot na nasa utak ni John pero hindi niya kayang sabihin iyon sa dalaga.Naramdaman ni Julieanne na tumigil ang sasakyan at napatingin sa labas ng bintana. Nasa harapan na pala sila ng University niya ng hindi napapansin. Nagtataka rin siya na alam nito kung saang University siya nag aaral."Salamat," Hindi na nito hinintay na magsalita si John saka pinihit ang pinto ng sasakyan at bumaba na si Julieanne.Maglalakad na sana siya para pumasok sa gate ng University nang maramdamang nasa gilid na niya si John."Umuwi ka na. Okay na ako rito," sabi nito kay John na nakairap ang mata. Saka nag-umpisa nang maglakad papasok sa gate ng University.Hindi nagsalita si John at sumunod ng lakad kay Julieanne. Hindi naman napapansin ng dalaga ang pagsunod niya kaya malaya niyang pinagmasdan ito habang naglalakad.Lahat naman ng madaanan ni Julieanne ay napapatingin sa kanya. Mapababae, bakla at kahit na mga lalaki ay lumilingon sa, kanya. Kaya nilingon niya sa kaliwat kanan niya kung sino ang kasabay niya maglakad. Nakahinga siya ng maluwag na wala naman pala siyang kasabay. Kaya nagpatuloy na siya sa paglalakad para pumunta sa library niya."Hi, Julieanne!" masayang bati ni Benny sa kanya. Lalapitan sana nito ang dalaga ng biglang umatras ito. Ikinagulat iyon ni Julieanne. Inamoy niya ang sarili bago kasi masama ang amoy niya. Kakamot kamot siya, ng ulo ng hindi naman siya mabaho.Hindi niya maintindihan ang mga tao na nakikita niya. Kaya lumingon na siya sa kanyang likuran. Doon niya napansin si John na nakatayo."Di ba sinabi ko na umuwi ka na?" inis na sabi ni Julieanne."Kami ang may-ari ng University na ito. At sa opisina ang punta ko," sagot ni John. Napahiya naman si Julieanne sa sagot nito. Sila nga pala ang may-ari ng University na pinapasukan niya."Assumera ka, Julieanne! Sinusundan ka niya, duh. Asa ka pa," pang-aaway ng sariling isip.Kaya kesa inisin siya ulit ni John ay nagmamadali na siyang naglakad papunta sa classroom nila. Walang lingon na iniwan niya doon ang binata.Hingal na hingal siya ng makaupo sa upuan sa loob ng library. Maya maya pa ay umayos na siya ng upo at kinuha ang libro sa bag niya. Nagsimula na siyang magreview, may exam pa naman sila mamaya. Ginulo na naman ni John ang utak niya.Hayss...."ANONG magandang nangyari sa pagstay mo sa Quezon sa loob ng isang linggo?" usisa ni William sa kaibigan. Ininom muna ni John ang nasa baso nitong alak.Parang nagbago ang kaibigan niya. The way he smiles and he look very serious. Hindi ito ang dating si John na walang babaeng kasama ngayong gabi na pumunta sa bar niya."Wala naman, bukod doon sa nakilala kong fiancee ko at ang pamilya niya," walang emosyon na sagot ni John habang nakatingin sa baso niya.Nagulat si William sa narinig."Woah! You're getting married? 'Di mo ata nabanggit sa 'kin na ikakasal ka na pala. At sino naman ang malas na babaeng 'yon?" nangingiting tanong ni William. Alam niyang, John don't like the idea of getting married or be in arrange marriage. Malas lang talaga ng babaeng pakakasalan ng kaibigan niya.Nangiti si John sa tinuran ng kaibigan niya."Apparently yes! And Lolo Juan wants me to marry the daughter of his best friend. The savior who saved my grandfather's life," may tuyang sabi ni John.A simple g
LUMIPAS ang ilang buwan at hindi na muna nagparamdam si John sa kanyang Lolo. It's been five month 'nong huli silang magkita. Hindi nito alam ang mga plano ng Lolo niya sa kanya pero sigururado itong ipakasal siya kay Julieanne."John, do you talk to your fiancee?" out of curiousity na tinanong ni Lucas ito sa anak habang kumakain sila ng tanghalian.Ito ang unang beses na magkasabay silang kumain na mag ama. Pareho kasi silang busy sa pagpapatakbo ng kani kanilang kompanya.Malihim masyado si John pagdating sa sariling buhay niya at sa mga gusto nitong gawin. And Lucas give freedom to John para ihandle ang sariling buhay. He trust John, kahit pa may mga ugali ang anak na ayaw niya."Yeah, Dad. But she is not aware na ikakasal kami.""Hindi pa rin ba sinasabi ni Papa?"John nodded and heaved a sigh."Wala naman akong alam sa plano ni Lolo. Ang alam ko lang ay magpapakasal kami ng anak ng bestfriend niya.""Okay. Nagulat din ako sa plano niya. I dont know that Papa believes in arrange
THE DEBUT PARTYPINAGMAMASDAN ni Alicia ang anak mula sa pintuan ng kuwarto nito. Ang laki na ng pinagbago ng anak niya sa pisikal na anyo. Napakaganda nito, lalo na ngayon na naayusan siya.Julieanne is now turning into a lady and a precious jewel. She is wearing a blush pink gown that emphasizes her curves. She is the most beautiful birthday celebrant tonight.Nilapitan niya ito saka hinawakan sa magkabilang balikat. Nakaupo ito at inaayusan pa din ng make up artist niya. Umalis naman sandali ang make up artist ng dalaga nang makita siyang papalapit para bigyan sila ng moment na mag ina."Anak, masaya ako na nakukuha mo ang mga bagay na hindi namin kayang ibigay sa inyo ng Papa niyo," nangingilid ang mga luha na saad ni Alicia kay Julieanne. "Ako at si Papa mo ay walang ibang hinangad kundi ang mapabuti kayo na mga anak namin. Binusog namin kayo ng pagmamahal kahit na wala tayong yaman. Sa mga magagandang nakukuha mo ngayon patuloy mo pa din naiapak ang mga paa mo. Huwag kang lumimo
The EngagementMalalim na ang gabi at nagkakasayahan na ang lahat. Masayang masaya din si Julieanne pati na ang kapatid niyang si Jane. Pero si Alicia ay hindi na mangiti at tahimik lang ito na nakaupo at pinagmamasdan ang mga anak.Maya maya pa ay pumunta si Juan Miguel sa gitna at kinuha ang mikropono."I know all of us are happy because a young lady Julieanne Alcantara is turning to be a beautiful woman. I always pray that God will grant all your dreams and wishes" panimulang sabi ni Juan Miguel."Julieanne come here beside me and you my Apo," tawag nito sa dalawa. Doon na kinabahan si Alicia. Hindi niya alam ang maramdaman ng anak kapag narinig iyon mula kay Juan Miguel."Gusto kong ipamalita sa inyong lahat ang nalalapit na kasal ng aking apo na si John Smith Samson at si Julieanne Alcantara," dugtong na sabi ni Juan Miguel. Lahat ay nagulat pati na din si Julieanne.Nanlaki ang mga mata ni Julieanne at nabigla sa sinabi ng matandang Samson."Kami, ikakasal ni John?" naguguluhang
KINABUKASAN ay laman ng lahat ng tabloid at balita ang announcement ng nalalapit na pagpapakasal nina Julieanne at John Smith Alcantara. Marami ang nagulat ang nagtataas ng kilay. May iba naman na iniisip pera lang ang habol ng dalaga kay John. Lalo't kilalang kilala ito na apo ng isang bilyonaryo. 'Di magtatagal ay ipapasa rito ang kayamanan ng Lolo nito."Daddy, do you see the news? John is getting married, Dad! Please do anything to stop it. I want John for me not other woman!" malakas na sigaw ni Claire habang nasa mesa. Ang bilis naman na ipapakasal si John sa iba. Hindi pa naging maganda anf huling pag uusap nila.Claire got insane over John. Hindi nito matanggap na bigla na siyang hindi kinausap ni John. Ang masama nito ay pinutol na ng binata ang kung ano mang namagitan sa kanila. At labis na ikinalungkot iyon ng anak na si Claire.Lubos siyang nasasaktan para sa kanyang anak. Hindi niya alam pano ito mababawasan man lang. Nagdesisyon ang matandang Samson na ipakasal ang apo n
Ang PamamanhikanIT'S Sunday, kagaya ng napag usapan ay umuwi muna ang mag iina sa kubo nila sa bukid. Unang araw nila Julieanne, Jane at Alicia sa kubo nila pagkatapos ng ilang buwang pagtira sa mansyon ni Juan Miguel. Kagabi pa sila na andoon at doon sila nagpalipas ng gabi.Ang ganda ng sikat ng araw mula sa malaking palayan na dating sinasaka ng Papa ni Julieanne. Ang sarap pakinggan ng mga ibong humuhuni at ang lilim sa ilalim ng mga puno na pahingahan nila Jane at Julieanne nuon.Ang sarap balikan noong mga araw na masaya pa silang buong pamilya. Kompleto at kasama ang Papa niya.Mamayang gabi pupunta ang mga Samson para pormal na hingin ang kamay ni Julieanne sa Mama niya. Walang pagsidlan ang saya sa mukha ni Julieanne na iniisip ang mangyayari mamayang gabi."Ate, mag almusal na tayo. Kanina ka pa diyan nakangiti sa may bintana. Anong meron?" may panunuksong tanong ni Jane.Tumayo naman at nilapitan ni Julieanne ang kapatid sa mesa. Umupo siya sa tabi ng kapatid at kumuha ng
SA ngayon doon muna tumira ang mag iina, sa kubo nila. Dahil sa pamahiin na hindi dapat na magkita ang dalawang taong malapit ng ikasal. Kaya kahit labag sa loob ni John ay pumayag na rin siya."Pare, problemado ka ata ngayon?" tanong ni William sa kaibigan na tungga ng tungga ng iniinom na alak."It's been two weeks I didn't see Julieanne. Para na akong mababaliw sa pagkamiss sa kanya," sagot ni John. Naiinis siya sa idea na kailangang hindi sila magkita ni Julieanne bago ang kasal. Millenial na, hindi na uso ang mga pamahiin. Lintek na pamahiin na 'yan!"Ang OA mo, Mr. John Smith Samson. Akala ko tuloy, kung ano na. Hayaan mo na pagkatapos nito, eh, habang buhay mo ng kasama si Julieanne," nakangiting wika ni William. Tinamaan talaga anf kaibigan niya sa dalaga. Hindi rin niya masisisi ito. Maganda na at mabait pa ang dalaga."Hindi, kasi limang buwan lang kami magsasama," nawika ni John."What do you mean na limang buwan?" naguguluhang tanong ni William."I suggest to Julieanne to
NAITAKDA ang kasal nila Julieanne at John Smith sa takot ni Juan Miguel na harangin ito ng mga Santiago. Kaya ginawa nila itong sekreto at hindi pinaalam sa publiko. Kailangan din nilang isipin ang kaligtasan ng mga Alcantara dahil sa banta ni Conrado."Anak, tandaan mo ang pag aasawa ay hindi kanin isusubo, kapag napaso ka ay iluluwa mo," payo ni Alicia sa anak na si Julieanne. Nasa simbahan na sila at hinihintay na lang ang hudyat ng wedding coordinator.Pumailang lang ang wedding song na pinili ni John sa buong simbahan.Nang bumukas ang puting tela ay iniluwa niyon si Julieanne. Suot ang kanyang trahe de boda na siya mismo ang pumili. It's a simple crepe wedding gown with V-neckline. Naglalakad siya hawak ang kanyang all white round bouqet of white roses. Ang church wedding na dapat sana ay naging beach wedding."This is it! Ang araw na hinihintay ko na maging akin lamang si Julieanne. She is everything to me. The only woman that my heart beat. Ang unang babaeng minahal ko kahit n