DUMIRETSO muna si John sa bar ng kaibigan na si William. Si Claire ay nagpaiwan na muna sa bahay nila. Dahil matagal din sila na hindi nagkasama ng buong pamilya nito.Umorder siya ng isang bote ng whisky. Gusto niyang magpakalunod sa alak ngayong gabi. Binabagab ang konsensiya niya sa mga masasamang pinaggagawa niya sa asawa."Pare, andito ka na naman. Huwag mong lunurin ang sarili mo sa alak. Wala kang makukuhang sagot d'yan sa mga tanong mo," bungad nasabi ni William sa kaibigan at umupo sa harap nito."Gusto ko lang uminom," pagrarason ni John."Dalawa lang ang dahilan kung bakit ka pumapasyal sa bar ko. Una, kapag naghahanap ka ng bagong babae. Pangalawa, kapag may problema ka. Hindi kita makikita rito kapag ayos ka."Madalas niyang makita ang kaibigan kapag nagha-hunting ng babae. 'Di ito nahihirapan dahil kusang lumalapit kay John ang mga babae. Pero 'nong ikasal ay nagbago, bihira na ito pumasyal."Naiisip ko lang 'yong mga nangyari, sa amin ng asawa ko," ani John."Hindi ko a
PAGKAGISING ni John ng umaga ay hinanap ng mata niya ang asawa. Bumangon siya sa higaan at napahawak sa kanyang sentido. Masakit na masakit ang ulo niya.Siyang pagbukas ng pinto ay ang papalapit na si Julieanne na may dalang tray ng pagkain."Kumain ka na, saka inumin mo ang gamot pagkatapos. Alam ko na masakit ang ulo mo dahil sa hang over. Si Claire pala hindi pa ata uuwi baka bukas pa raw," mahabang sabi ni Julieanne. Habang tahimik na nakatingin lang si John sa asawa.Maaliwalas ang mukha ni Julieanne. Hindi mababakas ang hirap ng kalooban sa mga pinaggagawa ng kanyang asawa. Natandaan niya ang sinabi ng Mama niya noong bago palang sila ikasal ni John.Kaya nagtitiis siya pero kung hilingin ni John na maghiwalay sila ay tatanggapin niya. Gusto niya pa rin na kompleto ang pamilya niya na binubuo kasama ang anak nila at si John.Tumayo si John at pumunta ng banyo para maligo. Hinanda na rin ni Julieanne ang damit niya na nakalagay sa ilalim ng maliit na sopa sa loob ng kuwarto nila
"J.S, you can't do this to me! Please, I am begging you, don't leave me," umiiyak nagmamakaawa ang babaeng nakaluhod sa harapan ni John Smith.A womanizer and a playboy who hates women. Ang nilalapitan at tinitilihan ng maraming kababaihan. Maswerte ang babaeng napiling makasama ng isang John Smith Samson."I'm sorry, Rica. I told you before that I don't want commitment. But you become possessive and assume that we have a relationship," sabi ni John sa babae.He doesn't want commitment. Every time na nag-eexpect na ang babae na commited siya sa kanila ay doon niya ito iniiwan. He thinks love and commitment are not important things para sa kanya. Mas importante sa kanya ang kanyang yaman at pagiging isang sikat sa larangan ng business world.Iniwan ni John ang babae na iyak ng iyak. Pagkatapos ng isang taon nilang paglabas labas ay saka niya ito iiwanan. After that, pupunta siya sa bar para maghanap ng bagong prospect."Dude, I know why you are here," may tuyang sabi ni William sa kaib
LUMIPAS ang dalawang buwan at unti-unti nang naghihina si Jose. Nangangayayat na ito at hindi na kayang tumayo. Nakahiga na lang ito sa higaang kawayan sa kuwarto nilang mag-asawa."Juan Miguel, malapit na akong mawala dito sa mundo," nanghihina na sabi ni Jose."Huwag kang magsalita ng ganyan, kaibigan. Mabubuhay ka pa ng maraming taon kasama, ang pamilya mo," naging magkaibigan sila pagkatapos ng aksidente ni Juan Miguel sa daan."Tanggap ko na, kaibigan. Mawawala na ako, ang ikinatatakot ko lang ay ang pamilya ko. Maaga ko silang mauulila," malungkot itong tumunghay sa kaibigang si Juan Miguel. Bumangon si Jose sa pagkakahiga at umupo. Hinawakan naman ni Juan Miguel ang kamay ng kaibigan."Huwag kang mag alala sa pamilya mo. Ako na ang bahala sa kanila. May pangako ako sayo noon at tutuparin ko iyon dahil napakalaki ng utang na loob ko sayo," ani Juan Miguel."Wala kang utang na loob sa akin. Ginawa ko lang ang dapat kong gawin kapag may nangangailangan ng tulong ko," saad ni Jose.
LAGING naiispatan na laging magkasama sina Claire at John. Laman sila ng mga diyaryo at news sa telebisyon. Ilang buwan na rin ang relasyon nila, hindi nga lang alam kung matatawag nga ba na relationship as girlfriend and boyfriend sila dahil kay John na ayaw magpatali sa babae."John, kayo na ba ng anak ni Senator Santiago?" tanong ni Lucas sa anak nang umuwi ito sa mansyon nila. May sariling condo si John at doon din siya madalas umuuwi.Claire is just someone who he can release his pent-up desires with when he's feeling the intensity of his passions, and there is nothing special or profound between them. Their connection is purely physical, devoid of deeper emotional involvement or attachment."You know me Dad. Hindi ang klase ni Claire ang itatali ako sa isang relasyon," may uyam na sagot ni John sa ama."I'm warning you, John. Claire is not an ordinary woman. Alam mo na anak siya ng isang kilalang pulitiko. Baka sa ginagawa mo eh mapapahamak ka," banta ni Lucas."I know what I'm
BUMABABA ng hagdan si Julieanne. Nahuli siya ng baba dahil sa marami pang ginawa sa loob ng kuwarto nilang magkapatid. No, the real reason is ayaw niyang makita ang pagmumukha ng lalaki na 'yon. Naalibadbaran siya at inis na inis sa binata.Dahan-dahan siyang bumababa at pinakikiramdaman kung nasa dining pa rin sila kumakain. Ayaw niyang magkrus ang landas nila kaya nagpahuli na siya kumain. Busog pa naman siya sa kinain niya kanina sa canteen ng University."Julieanne, bakit ang tagal mo? Kanina pa kami naghihintay sayo sa hapag," bungad na tanong ni ni Alicia na ikinagulat ni Julieanne.Nanlaki ang mga mata na hindi pa pala sila nagsisimulang kumain."Halika na. Anak, di ba turo ko na masamang pinaghihintay ang grasya," aya at sabi pa ni Alicia."Sorry po, mama," nahihiyang sagot ni Julieanne sa ina. Hila-hila siya ng kanyang mama papunta sa dining area. Yumuko na lang siya para hindi niya makitang lalaking nakasagutan niya kanina."Maupo na kayo," aya ni Juan Miguel sa mag-ina nang
LUMABAS si Julieanne ng bahay at nagpahangin sa hardin. Ang ganda ng liwanag na nagmumula sa buwan at ang mga bituin sa langit ay kumikinang. Ang masarap na simoy na malamig sa pakiramdam ni Julieanne.Umupo siya sa swing at nagsimulang iugoy ito ng dahan dahan. Naalala niya ang kanyang Papa. Ilang buwan na noong sila ay iniwan nito. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya ang mga nangyari. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata saka tumingin sa langit ng may shooting star na gumuhit sa kadiliman ng langit."They said, na kapag humiling ka raw sa wishing stars ay magkakatotoo," sabi ng baritong boses na nasa likuran niya.Pinahid ni Julieanne ang mga luha sa kanyang mga mata dahil baka asarin siya ulit ng lalaking iyon na kahit hindi niya lingunin ay kilala na niya kung sino iyon."Naniniwala ka ba r'on?" tanong ni Julieanne dito na hindi tumitingin. Ngayon lang niya ito nakausap ng matino."Minsan," maikling sagot nito saka umupo sa katabing swing ni Julieanne."There are wishes that
"ANONG magandang nangyari sa pagstay mo sa Quezon sa loob ng isang linggo?" usisa ni William sa kaibigan. Ininom muna ni John ang nasa baso nitong alak.Parang nagbago ang kaibigan niya. The way he smiles and he look very serious. Hindi ito ang dating si John na walang babaeng kasama ngayong gabi na pumunta sa bar niya."Wala naman, bukod doon sa nakilala kong fiancee ko at ang pamilya niya," walang emosyon na sagot ni John habang nakatingin sa baso niya.Nagulat si William sa narinig."Woah! You're getting married? 'Di mo ata nabanggit sa 'kin na ikakasal ka na pala. At sino naman ang malas na babaeng 'yon?" nangingiting tanong ni William. Alam niyang, John don't like the idea of getting married or be in arrange marriage. Malas lang talaga ng babaeng pakakasalan ng kaibigan niya.Nangiti si John sa tinuran ng kaibigan niya."Apparently yes! And Lolo Juan wants me to marry the daughter of his best friend. The savior who saved my grandfather's life," may tuyang sabi ni John.A simple g