Share

The Billionaire's Secret Love
The Billionaire's Secret Love
Author: RIDA Writes

Chapter 1

"J.S, you can't do this to me! Please, I am begging you, don't leave me," umiiyak nagmamakaawa ang babaeng nakaluhod sa harapan ni John Smith.

A womanizer and a playboy who hates women. Ang nilalapitan at tinitilihan ng maraming kababaihan. Maswerte ang babaeng napiling makasama ng isang John Smith Samson.

"I'm sorry, Rica. I told you before that I don't want commitment. But you become possessive and assume that we have a relationship," sabi ni John sa babae.

He doesn't want commitment. Every time na nag-eexpect na ang babae na commited siya sa kanila ay doon niya ito iniiwan. He thinks love and commitment are not important things para sa kanya. Mas importante sa kanya ang kanyang yaman at pagiging isang sikat sa larangan ng business world.

Iniwan ni John ang babae na iyak ng iyak. Pagkatapos ng isang taon nilang paglabas labas ay saka niya ito iiwanan. After that, pupunta siya sa bar para maghanap ng bagong prospect.

"Dude, I know why you are here," may tuyang sabi ni William sa kaibigan. His friend William own this bar kaya malaya niyang ginagawa ang gusto niya.

Napangisi lang si John saka nagpalinga lingat sa buong paligid ng bar na iyon.

"Pare, I know you know me."

"Well, hindi naman kita makikita sa bar ko kapag may babae ka pang kinakalantari."

"Ang sama naman ng tingin mo sa akin," napakunot ang noo niya sa sinabi ni William.

"Parang hindi ko kilala ang isang John Smith. The great womanizer and a heartbreaker," ani pa ni William.

Sino bang hindi nakakakilala sa isang John Smith Samson? Sa kabila ng masamang reputasyon sa mga babae ay marami pa ring mga babae na nagkakandarapa rito. Ang pamilya nila ang isa sa nagmamay-ari ng maraming lupain at mga negosyo sa buong bansa. Ang numero uno sa listahan ng Most Wealthy Family in the whole Asia.

Nang may lumapit sa kanilang isang seksing babae. Hapit na hapit ang suot nito. Maarte itong naglalakad that her hips are swaying left and right.

"Hi! I'm sorry if I interrupt both of you," malanding sabi nito.

Napatingin naman si William sa babaeng nasa harapan nila. Maganda at sopistikadang babae ito. At kung hindi siya nagkakamali ay galing din ito sa prohimenteng pamilya.

"No, it's okay. Can i have your name?" sagot ni John na kumindat pa sa babae.

Para naman kinilig ito sa ginawang iyon ni John. The handsome John Smith is talking to her.

"Claire Santiago," walang pakipot na pakilala niya sa sarili. Sabay lahad ng kamay nito kay John para makipagkamay.

"I think you know my name. Do I need to introduce myself?" may pagkamayabang na tanong ni John saka kinuha ang kamay ng babae at hinalikan ito sa kamay.

Napataas ang kilay ng kaibigan nitong si William.

"What a hokage!" nasabi ni William sa loob loob niya.

"Ah, you are the daughter of Senator Santiago, right?" tanong ni William nang makilala ito. Tumango nang nakangiti si Claire kay William.

"Dude, I got to go. Mukhang magiging busy ka na. Enjoy the night," sarcasm paalam nito sa kaibigan. Saka tumalikod na ito sa dalawa na malagkit na nagtitinginan. Hindi naman pinansin ni John ang kaibigan na naglalakad papalayo sa kanila.

"Won't you mind if we go somewhere else?" tanong ni John na nakangisi.

"No, I won't, and I like that!" excited na sagot ni Claire.

Tumayo na si John at hinapit sa beywang ang babae na kakakilala pa lang niya. Dire-iretso silang lumalabas ng bar ng kaibigan.

Masayang kumakain ang buong pamilya ni Jose. Pero ang totoo ay malungkot siyang nalaman ang tungkol sa kanyang malubhang sakit.

Ang pamilya niya ang kayamanan niya kahit salat sila sa hirap ay pinalaki nila ng asawa niyang si Alicia nang maayos ang mga anak. Hindi niya malaman kung paano ipapaliwanag sa mga anak ang kalagayan niya.

"Pagkatapos nitong kumain, Julieanne at Jane ay pumunta kayo sa sala. May pag uusapan tayo," utos ni Jose sa mga anak habang hawak ang isang kamay ng asawa.

Mahal na mahal niya ang mga anak at ang kanyang asawa. Kailan lang niya nalaman ang sakit niya nang magtingin siya sa doktor sa bayan. Gusto sana niyang maging maayos ang buhay ng kanyang pamilya bago man lang siya mawala pero parang kinakapos na siya sa oras.

Pagkatapos maghugas ng pinggan ni Jane, ang bunsong anak nina Jose at Alicia ay ipinagtimpla niya ng tsaa ang ama. Nakaugalian na nitong uminom ng tsaa pagkatapos kumain.

Nakatira ang pamilya ni Jose sa isang malilit na pamayanan sa Quezon. Napapaligiran sila ng bukid na sinasaka ni Jose. Nakikitirik lang sila sa lupang kinatitirikan ng kanilang kubo.

Nakaupo na ang mag asawa at si Julieanne ang panganay na anak ng mag asawa ng Alcantara sa isang mahabang upuan na kawayan na gawa mismo ni Jose.

Lumalapit naman si Jane na dala ang tsaa ng ama. Inilapag niya ito sa isang lamesita na kawayan din. Saka umupo sa tabi ng kanyang Ate na si Julieanne.

"Mahal na mahal ko kayo. Alam niyo iyan. Kung anong paghihirap ko para maitaguyod ang pamilyang ito," panimulang sabi ni Jose, may lungkot sa kanyang mga mata na pinagmamasdan ang mga anak at asawa.

"Pa, mahal na mahal ka rin namin ng mga anak mo," sabi din ni Alicia at hinawakan sa kamay ang asawa.

May namuong luha sa mga mata ni Jose. Masakit sa kanya na iiwanan niya ang kaniyang pamilya. Napakabata pa ng mga anak niya at mga nag aaral pa. Nangangamba siya sa magiging buhay nila kapag nawala na siya.

"Papa, bakit po kayo umiiyak?" nagtatakang tanong ni Julieanne.

"Masaya si Papa na mababait kayo mga anak. Pinalaki namin kayo ng Mama niyo ng maayos at may paggalang at respeto sa lahat. Sobrang ipinagmamalaki ko kayo mga anak ko," ani Jose.

"Papa, parang kinakabahan ako sa mga sinasabi mo," saad ni Alicia na natatakot sa mga sinasabi ng asawa.

"May nangyari po ba Papa?" naguguluhang tanong ni Julieanne sa ama.

Malungkot na tumango ng ulo si Jose. Nagbabadya ang luha sa mga mata ng haligi ng tahanan ng pamilya Alcantara.

"May sakit si Papa. Ang sabi ng doktor masyado na daw huli para ipagamot pa ako," hindi na kaya ni Jose na tapusin pa ang sasabihin at ibinitin ang iba pang sasabihin.

"A-ano d-daw pong s-sakit niyo, Papa?" namamaos ang boses na tanong ni Jane.

"Cancer sa baga," napayukong sagot ni Jose. Itinago na niya ang pagiging mahina niya sa kanyang mga anak.

Kinabig ng yakap ni Alicia ang asawa saka umiyak ng umiyak sa balikat nito. Natatakot siya bigla sa posibleng puwedeng mangyari. Hindi puwede na mawala ang asawa niya sa kanila ng mga anak niya. Hindi niya kakayanin.

Nag iyakan na rin ang magkapatid na sina Julieanne at Jane kapwa niyakap nila ang bawat isa. Puno ng pangamba ang mga mata nila.

Walang tigil pa rin sa pag iyak si Julieanne. Nalaman nila mula sa, kanyang Papa na tatlong buwan na lang ang itatagal nito kasama nila. Hindi niya lubos maisip na iiwan sila ng kanilang ama.

Marami pa siyang gustong gawin para sa Papa niya. Gusto niyang bumawi dito at ibigay ang lahat ng gusto nito na hindi nila narasanan. Ibigay ang magandang buhay para sa mga kanyang mga magulang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status