NAGULAT si John nang magising siya na si Claire ang katabi. Sa sobrang pagod hindi na niya namalayan na nakatulog pala siya. Napahawak siya sa kanyang sentido saka bumangon.Pinihit niya ang pinto ng kuwarto nilang mag asawa at nakitang natutulog pa ang asawa. Hindi nito alam na gising na si Julieanne. Naramdaman ni Julieanne ang kamay ng asawa na yumakap sa kanya."I'm sorry, wife. Hindi ko gusto na saktan ka," mahinang usal ni John habang yakap si Julieanne. Napaiyak na naman si Julieanne. Ang sakit sakit na ng kalooban niya pero hindi niya kayang magprotesta o tutulan ang mga ginagawa ng kanyang asawa at si Claire."Masyado mo ng pinapababa ang sarili mo, Julieanne," naiiyak na sabi nito sa sarili.Matamlay na bumangon si Julieanne sa kama nilang mag asawa. Tulog pa si John. Ito na naman ang routine niya bilang dakilang asawa.Pumunta na si Julieanne sa kusina saka sinimulang magluto. Pinilit niyang ngumiti dahil ayaw niyang pumangit ang lasa ng pagkain na niluluto niya dahil sa l
NAGMAKAAWA siya sa Lolo Juan niya para hindi na kunin at ihiwalay sa kanya si Julieanne. Natuwa siya nang bigyan siya ng isa pang pagkakataon. Mahal na mahal niya ang asawa niya at hindi niya kakayanin na mawala ito ng tuluyan at malayo sa kanya.Kaya tinapos niya ang trabaho ng maaga ngayong araw. May pangako siya kay Julieanne na ilalabas niya ang asawa ngayong gabi. Kaya masaya siyang iniligpit ang mga gamit niya saka kinuha ang kanyang coat sa sandalan ng swivel chair niya.Lumabas na si John ng opisina niya at pumunta sa baba sa parking lot.Sakay na siya ng sasakyan. Excited na siyang umuwi at makita ang asawa. Nang makarating si John sa building ng condo niya ay pumunta na siya ng elevator pataas sa eight floor kung saan ang unit niya.Pagkabukas niya ng pinto ay narinig niyang nagsisigawan sina Claire at ang asawa. Dali dali na siyang pumasok sa loob para awatin ang dalawa. Pero laging gulat niya nang mapaupo si Claire sa semento."Aahh! Aray!" malakas na daing ni Claire. Hawa
NAKAUWI si Julieanne nang gabi na. Pagkapasok niya sa loob ng unit ay nakita niya ang asawa at si Claire na magkatabing nakaupo sa sala at nanunood ng T.V. Naakbay pa ang isang kamay ni John kay Claire."Saan ka galing?" tanong ni John na hindi pa rin umaalis sa tabi ni Claire. Kahit na nakita na siyang nakatingin sa kanila."Ah, naligaw ako tapos nagtanong tanong ako kaya ngayon lang ako nakauwi," pagsisinungaling ni Julieanne."Naligaw ka? Kagabi ka pa hindi umuuwi!" galit na sabi ni John. Napayuko si Julieanne at itinatago ang pamumula ng mga mata."If I know, baka may lalaki na iyang inuuwian," singit na sabi ni Claire. Nakangisi ito habang nasa telebisyon ang mata.Napatayo si John at napakuyom ng palad ng marinig iyon. Nilapitan niya si Julieanne at hinatak sa braso."Hubby, nasasaktan ako!" malakas na daing ni Julieanne."Kapag hindi ka tumigil sa ginagawa mo masasaktan ka talaga sa akin!" galit na singhal ni John at hinila na ang asawa papasok sa kuwarto nila. Napaiyak si Jul
DUMIRETSO muna si John sa bar ng kaibigan na si William. Si Claire ay nagpaiwan na muna sa bahay nila. Dahil matagal din sila na hindi nagkasama ng buong pamilya nito.Umorder siya ng isang bote ng whisky. Gusto niyang magpakalunod sa alak ngayong gabi. Binabagab ang konsensiya niya sa mga masasamang pinaggagawa niya sa asawa."Pare, andito ka na naman. Huwag mong lunurin ang sarili mo sa alak. Wala kang makukuhang sagot d'yan sa mga tanong mo," bungad nasabi ni William sa kaibigan at umupo sa harap nito."Gusto ko lang uminom," pagrarason ni John."Dalawa lang ang dahilan kung bakit ka pumapasyal sa bar ko. Una, kapag naghahanap ka ng bagong babae. Pangalawa, kapag may problema ka. Hindi kita makikita rito kapag ayos ka."Madalas niyang makita ang kaibigan kapag nagha-hunting ng babae. 'Di ito nahihirapan dahil kusang lumalapit kay John ang mga babae. Pero 'nong ikasal ay nagbago, bihira na ito pumasyal."Naiisip ko lang 'yong mga nangyari, sa amin ng asawa ko," ani John."Hindi ko a
PAGKAGISING ni John ng umaga ay hinanap ng mata niya ang asawa. Bumangon siya sa higaan at napahawak sa kanyang sentido. Masakit na masakit ang ulo niya.Siyang pagbukas ng pinto ay ang papalapit na si Julieanne na may dalang tray ng pagkain."Kumain ka na, saka inumin mo ang gamot pagkatapos. Alam ko na masakit ang ulo mo dahil sa hang over. Si Claire pala hindi pa ata uuwi baka bukas pa raw," mahabang sabi ni Julieanne. Habang tahimik na nakatingin lang si John sa asawa.Maaliwalas ang mukha ni Julieanne. Hindi mababakas ang hirap ng kalooban sa mga pinaggagawa ng kanyang asawa. Natandaan niya ang sinabi ng Mama niya noong bago palang sila ikasal ni John.Kaya nagtitiis siya pero kung hilingin ni John na maghiwalay sila ay tatanggapin niya. Gusto niya pa rin na kompleto ang pamilya niya na binubuo kasama ang anak nila at si John.Tumayo si John at pumunta ng banyo para maligo. Hinanda na rin ni Julieanne ang damit niya na nakalagay sa ilalim ng maliit na sopa sa loob ng kuwarto nila
"J.S, you can't do this to me! Please, I am begging you, don't leave me," umiiyak nagmamakaawa ang babaeng nakaluhod sa harapan ni John Smith.A womanizer and a playboy who hates women. Ang nilalapitan at tinitilihan ng maraming kababaihan. Maswerte ang babaeng napiling makasama ng isang John Smith Samson."I'm sorry, Rica. I told you before that I don't want commitment. But you become possessive and assume that we have a relationship," sabi ni John sa babae.He doesn't want commitment. Every time na nag-eexpect na ang babae na commited siya sa kanila ay doon niya ito iniiwan. He thinks love and commitment are not important things para sa kanya. Mas importante sa kanya ang kanyang yaman at pagiging isang sikat sa larangan ng business world.Iniwan ni John ang babae na iyak ng iyak. Pagkatapos ng isang taon nilang paglabas labas ay saka niya ito iiwanan. After that, pupunta siya sa bar para maghanap ng bagong prospect."Dude, I know why you are here," may tuyang sabi ni William sa kaib
LUMIPAS ang dalawang buwan at unti-unti nang naghihina si Jose. Nangangayayat na ito at hindi na kayang tumayo. Nakahiga na lang ito sa higaang kawayan sa kuwarto nilang mag-asawa."Juan Miguel, malapit na akong mawala dito sa mundo," nanghihina na sabi ni Jose."Huwag kang magsalita ng ganyan, kaibigan. Mabubuhay ka pa ng maraming taon kasama, ang pamilya mo," naging magkaibigan sila pagkatapos ng aksidente ni Juan Miguel sa daan."Tanggap ko na, kaibigan. Mawawala na ako, ang ikinatatakot ko lang ay ang pamilya ko. Maaga ko silang mauulila," malungkot itong tumunghay sa kaibigang si Juan Miguel. Bumangon si Jose sa pagkakahiga at umupo. Hinawakan naman ni Juan Miguel ang kamay ng kaibigan."Huwag kang mag alala sa pamilya mo. Ako na ang bahala sa kanila. May pangako ako sayo noon at tutuparin ko iyon dahil napakalaki ng utang na loob ko sayo," ani Juan Miguel."Wala kang utang na loob sa akin. Ginawa ko lang ang dapat kong gawin kapag may nangangailangan ng tulong ko," saad ni Jose.
LAGING naiispatan na laging magkasama sina Claire at John. Laman sila ng mga diyaryo at news sa telebisyon. Ilang buwan na rin ang relasyon nila, hindi nga lang alam kung matatawag nga ba na relationship as girlfriend and boyfriend sila dahil kay John na ayaw magpatali sa babae."John, kayo na ba ng anak ni Senator Santiago?" tanong ni Lucas sa anak nang umuwi ito sa mansyon nila. May sariling condo si John at doon din siya madalas umuuwi.Claire is just someone who he can release his pent-up desires with when he's feeling the intensity of his passions, and there is nothing special or profound between them. Their connection is purely physical, devoid of deeper emotional involvement or attachment."You know me Dad. Hindi ang klase ni Claire ang itatali ako sa isang relasyon," may uyam na sagot ni John sa ama."I'm warning you, John. Claire is not an ordinary woman. Alam mo na anak siya ng isang kilalang pulitiko. Baka sa ginagawa mo eh mapapahamak ka," banta ni Lucas."I know what I'm