"Ma'am, ten minutes na lang po magsasara na itong restaurant. Ipapaligpit niyo po ba itong mga pagkaing inorder niyo?"
Hindi ako sumagot sa waiter na kamakausap sa akin sa halip tiningnan ko ang relong pambisig para tingnan kung anong oras na. It's ten minutes before twelve. Kaya siguro magsasara na sina kuya.
"Ma'am?"mahinahong tawag niya sa akin. Pagtingin ko sa kanya niya nakita ko ang awa sa mga mata niya habang nakatingin sa akin kaya kahit na naiiyak man pinilit ko ang sariling ngumiti kay Kuya. I don't want him to pity on me.
I've been here since nine in the the evening. Wearing red one shoulder bodycon midi dress that I personally designed for myself for this occasion. To complete my look I wore black pumps and accentuate with black beaded purse. Nag-make up pa ako at nagkulot ng buhok. Pina-book ko ang isang VIP room para sana sa birthday celebration ko with him. But I guess, I will be celebrating my birthday alone. As usual...
Sabagay, hindi lang naman ito ang unang beses na nagcelebrate ako ng birthday mag-isa. Simula ngayon kailangan ko na talaga sigurong sanayin na ako lang talaga.
Hindi ka pa rin ba sanay, Adriana? I smirked at that thought.
"Five minutes Kuys." nakangiti kong sabi pero alam kong hindi ito umabot sa aking mata. Pinasigla ko pa ang boses ko pero alam ko lang din na niloloko ko lang ang aking sarili. Just give me time to sing for myself and blow my candle. Sayang naman itong aura ko.
Ano ngayong kung walang gustong bumati sa akin? Ano ngayon kung walang gustong maki-celebrate sa akin? E di ako ang babati sa sarili ko. Happy birthday self!
Happy 18th birthday Adrianna Averleigh Martinez! Ganda mo kaya girl! Laban lang!
"Five minutes lang Kuys, after this aalis din ako." nakangiti kong sabi sa kanya. Sumaludo pa ako para kunwari astig pero naiiyak na talaga ako. Hindi bagay, naka-dress pero astig-astigan.
Tumango siya saka tumalikod sa akin pero bago siya tuluyang makalayo muli ko siyang tinawag. "Kuys, please bring this food with you." sabi ko sabay turo sa mga pagkain.
"Sigurado ka, Ma'am?" nag-aalangan niyang tanong, ngumiti ako sa kanya saka tumango. Kesa naman masayang ang pagkaing nasa harapan ko mas mabuti pang ipamigay na lang. Hindi din naman kakain si River nito.
This is the reason why I don't like celebrating my birthday dahil ako lang din naman mag-isa.
Akala ko ngayon may makakasama na ako, yung pala wala pa rin. Pero ayos lang ganun talaga ang buhay e. Cheer up, Addy! Life should be celebrated. Sing for yourself girl!
Inayos ko ang cake sa aking harapan at sinindihan ang kandila gamit ang lighter na pinahiram sa akin ni Kuya kanina.
"River, come here." tawag ko sa alagang aso. River is my white pomeranian dog. I named my baby, River, dahil sa ilog ko siya natagpuan at muntik ng malunod. Kinawag ni River ang buntot niya saka kiniskis ang mukha niya sa akin. Buti pa itong si River, kahit kailan hindi ako iniwan.
Nang maayos na ang posisyon ni River sa kandungan ko saka palang ako nagsimulang kumanta.
"Happy birthday to me."
"Happy birthday to me"
"Happy birthday, happy birthday..."
"Happy birthday to me."
The song ended, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman. I was hugging river tightly na tila ba sa kanya ako kumukuha ng lakas. Hindi nagpumiglas ang aso ko , bagkus hinayaan niya pa akong yakapin siya na tila ba pinapalakas niya ang aking loob.
"Guess, tayong dalawa lang ulit ang magsi-celebrate ng birthday ko, River? Greet mo naman si mommy nak." kausap ko sa kanya at mukhang nakakaintindi ako dahil mahina itong kumahol sa akin.
"Aww, that's so sweet baby..." I whispered. Muli itong kumahol ng mahina.
Hindi ko na napigilan ang pangingilid ng mga luha and no matter how much I tried stopping my self from crying parang may sariling utak ang mga luha ko at kusa na lang itong nag-uunahan. Mga traydor talaga 'tong mga luha ko. Kainis!
"Happy birthday, Mommy. Don't cry river is here. Blow your candles na."I said acting as if river is the one talking to me. Siguro kung may makakakita man sa akin ngayon iisiping may tama na ako sa utak. Para akong baliw na nakangiti habang umiiyak.
"Thank you River. Next year ulit. Happy birthday mommy, nak."
River was too quick to comfort me. Humarap siya sa akin at marahang pinaraan ang ulo sa dibdib ko bago nilagay ang ulo niya sa aking balikat. My baby is hugging me.
"Thank you, love. Don't worry mommy is fine. I will get use to it eventually." I whispered softly and lifted my hand to support him. Just in time Kuya waiter came in. Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya. Tumayo na ako buhat si River saka ngumiti sa kanya.
"I'm going." I said smiling. Buti nalang at waterproof ang gamit kong make-up ngayon, hindi nagkalat. " I hope you enjoy the food Kuya. River say bye to Kuya." pinaharap ko ang aso sa kanya, ngumiti si Kuya sa amin saka kumaway kay river.
I sighed and hugged River again. Pinaharap ko siya sa akin, binalik sa posisyon niya kanina na nakayakap sa balikat ko. My dog is really like my baby and I'm so thankful that he's with me in times like this. Hindi man ito nagsasalita, hindi ko man nakakausap pero ayos na sa akin ang presensya niya.
"Bye Kuya, thanks for waiting." sabi ko sa waiter ng palabas na ako pero bago ako tuluyang makalabas tinawag niya ako.
"Happy 18th birthday, Ma'am. Don't be sad, great future is in store for you."
"Thank you Kuys!" I said smiling before I storm out the room hugging my dog. Buti nalang talaga at dinala ko si river kanina kundi mukha akong tanga ngayon. At least, kahit hindi ko nakakausap si river may karamay ako.
"12:05" I whispered, looking at my watch. "Tapos na birthday ko, nak, uwi na tayo."
Saktong may dumaang taxi, pinara ko at sinabi ko ang address ng bagong condo na regalo ng mga magulang ko para sa akin. Pantapal sa mga panahong gaya nito. Doon ako magpapahatid ngayon at simula sa araw na ito doon na din ako titira. Wala din namang silbi kung uuwi pa ako sa mansion dahil wala din naman akong madadatnan doon.
I took a deep breath and calm myself to erase that thought 'coz I'm starting to feel the bitterness slowly consuming me. Not tonight, bukas na lang.
On the way to my condo, I was looking outside at the dark sky. Mukhang makikiramay din sa akin ang kalikasan at wala akong makitang mga bituin. Tahimik na si River sa balikat ko, siguro natutulog na ito.
"I'm sorry River, dinamay ka pa ni Mommy." bulong ko sabay halik sa ulo niya. Maliit lang itong gumalaw saka muling siniksik ang mukha sa aking leeg.
Pagdating sa building diritso lang akong naglakad. Marami pang tao sa paligid, yung iba nawe-wirduhang tumingin sa akin. Siguro dahil sa buhat kong aso sa balikat habang ganito ang suot kong damit.
Mabigat ang bawat hakbang ng paa ko. Inikot ko pa ng isang beses ang paningin sa paligid hoping na sana humabol siya. Hindi man doon sa restaurant na ni-reserve ko para sa amin at least kahit dito na lang sa bago kong condo. Pero hindi ko siya nakita.
Well, baka nga may mas mahalagang bagay siyang inaasikaso ngayon.
Kailan kaya darating ang araw na ako naman. Yung ako lang at wala ng kahati pa. Yung hindi na ako makikipag kompetensiya sa iba. Yung ako lang talaga lalo na sa kanya. Pagod na akong isiksik ang sarili ko. Pagod na akong palagi na lang second option. Hindi ba pwedeng ako lang?
"Kalma Addy, kalma..." I breath in and out to calm myself.
Pagdating ko sa loob ng condo dumiritso na ako sa silid. Pinahiga ko si River sa higaan niya bago ako dumiritso sa banyo para maligo. Matagal akong natapos dahil hindi ko namamalayang napapatulala ako. Kung hindi ko pa naramdaman ang ginaw ay hindi ko pa namalayang matagal na pala akong nakababad doon.
Hanggang sa natapos at nakapagbihis na ako, lutang pa rin ang aking isip . Hindi ko maiwasang isipin kung bakit hindi siya dumating. Nakalimutan niya bang kaarawan ko ngayon? O napagod na siya sa akin?
Humugot ako ng malalim na hininga, baka sakaling gumaan ang aking pakiramdam pero lalo lang atang bumigat. Kinuha ko ang cellphone para manood na lang ng kung ano-ano dito, pampaantok na rin. Wala ni isang bumati sa akin, sabagay hindi ko din naman nilagay sa f******k ang petsa ng kaarawan ko. Pati ang mga 'kaibigan' ko nakalimutan din sigurong birthday ko ngayon.
Pagod na yung mga mata ko pero gising na gising pa ang diwa ko hanggang sa naisipan kung e-stalk ang account niya sa i*******m. I don't know if he's active on social media pero sinubukan ko pa rin.
Unang larawan pa lang muntik ko ng nabitawan ang cellphone ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at nanginig pa ang aking kamay. Kaya pala wala siya dahil may kasama siyang iba.
In the photo I saw him in a bar sitting in the counter talking to a girl. Okay lang sana kung ibang babae, dahil baka parte lang ng trabaho niya pero hindi e. Hindi...dahil ang babaeng kausap niya ay ang nag-iisang kong kapatid. The famous Ariella Martinez. I didn't know that she came back.
Lumunok ako ng ilang beses dahil biglang nanuyo ang aking lalamunan. Mabilis kong naramdaman ang pagguhit ng pait dito. Nanlalabo na din ang aking paningin dahil sa pinipigilang luha.
"With my favorite man with three heart emojis" ang caption ng larawan nilang dalawa ng kapatid ko kung saan naka-tag ang lalaki. It was posted an hour ago pero umabot na sa ilang libo ang likes at comments. May larawan ding kuha three hours ago. They are having dinner in one of his friends resto at ganun din pinutakte ito ng comments affirming how the both of them are of perfect match.
They have so many photos posted. And I can't deny the fact that they look good together, bagay nga silang dalawa. Looks like they're enjoying each other's company.
Now I understand...
Hindi ko na tinapos ang pang-e-stalk sa account niya. Pinatay ko ang cellphone at lumabas sa terrace para magpahangin.
Yakap ko ang sarili habang dinadama ang hangin panggabi, hinayaan ko ang mga luhang mamalisbis sa aking pisngi. Ang sakit pala...
Akala ko ako yung girlfriend, pero bakit ang bestfriend ang kasama? Akala ko ako na yung magiging priority niya pero dumating lang si Ariella nakalimutan niya na ako?
My cries and sobs became louder. No matter how many times I said to myself that it's okay if she'll come back I still end up being like this, hurt. I trusted him, I believed in his words but he broke it.
"Adrianna..." I froze when I heard his voice calling me from behind. Kahit hindi ko pa siya lingunin kilala siya ng puso ko. Isang lalaki lang kilala kong nagmamay-ari ng boses na ito.
Pasimple kung pinunasan ang luha sa aking pisngi bago ako humarap sa kanya.
"Hi!" I cheered. Mabilis akong lumapit sa kanya saka pinulupot ang kamay ko sa leeg niya.
"I miss you, Mine." I whispered. I'm about to cry but I blinked many times to stop myself. Hindi ako pwedeng umiyak sa harapan niya. He's not used to see me crying. I don't want him to worry.
Yung hinanakit ko sa kanya ay biglang naglaho ngayong andito siya sa harapan ko. Yung mga salitang binuo ko sa utak ko kanina pangsumbat sa kanya ay biglang nawala sa utak ko dahil lang sa presensya niya. Well I guess, ito ang nagagawa ng pag-ibig.
"I love yo--"
I was cut off when he held my hand and remove it from hugging him. I stilled, hindi agad ako nakagalaw. I didn't expect him to do that but still I acted that it's fine. Maybe he's tired and he wants to rest inside.
I managed to smile but it quickly faded when I saw no emotion on his face.
"Are you tired? Come on, let's go insi--"
"Let's break up." he said coldly and turned his back from me after saying that.
My mouth parted in shock. Parang bigla akong sinaksak sa dibdib. Ganun lang kadali sa kanya ang lahat? Prank ba to? Is this kinda joke or what? Dahil kung nagbibiro siya hindi ako natutuwa.
Naguguluhan man sinundan ko siya, diristo ang lakad niya papunta sa sala. Inilibot ko pa ang tingin sa loob ng condo ko baka sakaling parte lang ito ng surprisa niya pero wala akong makitang kakaiba. Pagbaling ko sa kanya, diritso lang ang tingin niya sa akin.
"Sit down, Adrianna." he said and motioned the sit in front of him.
I gulped harshly. Ngayon niya lang ako tinawag gamit ang pangalan ko. He used to call me 'mine' our endearment.
Confused but still I followed him. Umupo ako sa upuan katapat niya pilit pinapakalma ang sarili, pilit sinusupil ang sakit na nagsisimula ng kumalat sa aking dibdib.
"I'm here to give this back to you." aniya sabay abot sa akin ng bracelet na niregalo ko nung kaarawan niya. Umiling ako saka hilaw na ngumiti, naramdaman ko pa ang bahagayang panginig ng labi ko kaya mabilis ko itong tinikom.
"It's yours, my gift. Keep it." halos walang lumabas na boses sa akin.
Dahil hindi ko tinanggap ang binigay niya basta niya na lang to hinagis sa mesa dahilan kaya nahulog ito sa sahig. Nanginig ang kamay ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo ko ng pulutin ko ang bracelet.
I saved my money to customized the bracelet which I personally designed for him tapos ganito niya lang itapon?
"What happened?" I managed to speak. Mabilis kong pinalis ang luha sa pisngi ko at diritso akong tumingin sa mga mata niya. He's stiff and cold, gone is the gentle stares he's showing me before.
"Is this some kind of a prank?" I asked in a low voice.
"Huh!" he scoffed and smirk. "I'm tired pretending that I like you. I can't do it anymore. You're not my type."
Para akong nabingi sa sinabi niya. Yung puso ko kumakawala sa king dibdib at sunod-sunod ng nag-uunahan ang mga luha sa aking pisngi.
"Your attitude sucks, you're such a brat. I'm tired following your whims." He continue with no remorse on his face.
Yumuko ako dahil lahat ng sinabi niya totoo, siguro nga napagod na siya kakaintindi sa akin. Akala ko kasi ayos lang sa kanya.
"Kaya walang gustong mag-alaga sayo dahil masyado kang pabigat. Lahat ng gusto mo, gusto mong masunod. Pagod na akong unawain ka, pagod na ako kakasunod sayo. I'm quitting."
"How about us? Akala ko ba---"
"You're on your own now. I'm done with you." he said with finality.
I nodded. Tinakpan ko ang bibig para pigilan ang hikbing gustong lumabas dito saka tumungo. Naramdaman kong tumayo na siya, hindi ako tumingin. Hindi ko kayang tingnan ang mga mata niya.
I never expected that it will turn out like this. Maayos pa ang usapan namin kahapon pero bakit bigla na lang naging ganito?
He's right. I'm on my own now. Hindi ko naman pwedeng ipilit ang sarili ko sa kanya. Kung ang mga kinikilala ko ngang magulang ayaw sa akin siya pa ba? Nang lumakad siya palayo sa akin saka ko pa inangat ang ulo. Hindi niya man lang ako nilingon, diritso ang lakad niya sa may bandang pintuan at ng mahawakan niya ang seradura, tinawag ko siya.
"Did you try loving me?"
He gave me that cold stare . Akala ko hindi siya sasagot pero bago ko pa iiwas ang tingin ko sa kanya bigla siyang nagsalita.
"No! You're not my type, Adrianna." He said with a stern look.
I nodded and managed to smile even with tears in my eyes. Tumayo ako, pinalis ang mga luha at nakangiting naglakad palapit sa kanya. Kunot noo siyang tumingin sa akin pero hindi ko na pinansin. Ako na ang kusang nagbukas ng pintuan para sa kanya.
"Thanks for your time, Mr. Montenegro. Guess this is goodbye. I hope you find the one for you, the one who will suit your taste." I said and motioned him to go out.
" Anyway thanks for the nice birthday gift. I'll never forget this. " And before he could utter any words I closed the door in his face.
"Adrianna, from now on this will be your house."I looked around without saying anything. Their house is big but ours is bigger. The furnitures are classy, they have a grand staircase in the middle going to the second floor and there's a huge chandelier hanging. The maids on their uniform are on the side looking at us. This house is not new to me. I've been here before my parents both died in an accident. We're on the way to our rest house in Batangas when that happened. I am the only one who survived. They said I'm lucky. How can I be lucky if I'm left alone? I'm only eight. If I could only wish, I will wish to be with them. I don't want to be left here. I don't want to live with mom's sister, but I don't have a choice. She's the only relative I have.If only I'm allowed to stay in our house with my nanny, I will choose to stay there. But the police and those people from the government came, they can't allow me to stay alone at a very young age. I need a guardian and that is my aunt
She can take anything from me, I don't mind at all. Wag niya lang akong sasaktan gaya ng ginawa niya sa akin noong unang araw na tumuntong ako dito sa bahay nila dahil kahit mas matanda siya sa akin hindi ako magdadalawang isip na patulan siya. Habang lumalaki kami lalong lumalayo ang loob namin ni Ariella sa isa't-isa. I mean we're not that close before but more so now. Ariella sees me as her karibal, sa damit, sa pagkain, sa atensyon ni Daddy Art, sa mga katulong, sa kaibigan, sa lahat ng bagay. Palaging kaagaw ang tingin niya sa akin. Pagkatapos kung magpahinga sa silid, naisipan kong mag-swimming. Today is friday, bukas walang pasok. I have enough time to relax. Mamaya pagkatapos kong mag-swimming gagawa ako ng mga bagong designs ng damit. I dreamed to to be a fashion designer someday. Kaya ngayon palang nagsasanay na akong gumawa ng mga iba-ibang desinyo ng damit. Pagbaba ko ng hagdanan tahimik na ang bahay. Hindi ko alam kung nasaan ngayon si Ariella, maybe in her room or ma
Monday came, maaga akong nagpahatid sa school. Good thing nasa ibang campus na si Ariella kaya hindi na kami magkasabay ngayon sa iisang sasakyan. Dati kasi nung nasa isang campus pa kami, maaga palang bad trip na ako sa kanya. Ewan ko ba kahit na anong pilit ko sa sariling magpakabait sa kanya siya talaga yung nang-dedemonyo sa akin. Even if I'm just quiet inside the car, siya talaga yung gumagawa ng paraan para maasar ako sa kanya. At kapag wala naman akong reaksyon lalo itong naiinis sa akin. Kaya nga nung nagcollege na siya para akong nabunutan ng tinik. Pero mas matatahimik siguro ang buhay ko kung matutuloy si Ariella sa ibang bansa. Narinig kong nagsasaya ang mga kasambahay kagabi dahil aalis daw si Ariella pagkatapos nitong semester. May modelling offer ata ito sa ibang bansa. Whatever! Wala akong pakialam kung anong pagkakabalahan niya sa buhay basta wag niya din akong pakialaman sa buhay ko. "Good morning, Addy. How's your sleep?" Napairap ako sa kawalan ng bumati ang
Pagkatapos niyang sabihin yun ay basta niya na lang ako nilagpasan. Mabilis akong napayuko at hindi ko na tiningnan kung sino ang lalaking yun. Pag-angat ko ng tingin nakita kong nakaangat ang kilay nung mga babae sa ibang section. Nagtataray na naman ang mga pangit sa akin."Ano? Ngayon lang kayo nakakita ng artista? Ang aarte kala mo naman ang gaganda, may pa taas-taas pa ng kilay, bunutin ko yan isa-isa e. Mga ulol!" sabi ko sabay irap sa kanila. Nakataas ang kilay kong tumalikod sa kanila. Mga maldita, mga pinaglihi sa sama ng loob. Seriously, I really don't know what's wrong with these girls? Wala naman akong ginawang masama sa kanila. Kung inggit sila sa akin dahil kay LA, kahit isaksak pa nila ang lalaking yun sa bituka nila wala akong pake. Hindi ba nila nakikita na ayaw ko ngang dumidikit ang lalaking yun sa akin? Tapos jojowain ko pa? Ang liliit talaga ng mga brains nila, palibhasa mga kulang sa pansin.Imbes na pupunta pa akong washroom pinili ko na lang ang bumalik sa l
"Bwesit na X na yan. Bakit ba hanggang ngayon hindi pa rin yan nahahanap? Pati tuloy si Sir Montenegro pinapahanap sa atin."Nakakarindi na ang kadaldalan ni Donna. I don't know if she's joking or what. Natapos na lang ang next subject namin hindi pa rin ito matahimik. Kanina pa ito nagrereklamo dahil hindi niya nasagot ang quiz namin kay gurang na nagpabida. Bida-bida talaga wala pa namang naituro. Ito namang si Donna, muntanga din ang simple lang naman nung question, hindi pa nasagot. Finding X. Walang katapusang paghahanap kay X. Ilang beses na itong ni-review ni Miss Castro sa amin, hindi lang siguro nakikinig ang babaeng 'to. Bakit pa ba kasi hahanapin yang si X? Kung ayaw magpakita e di wag."Stop finding x, Donna kung ayaw magpahanap and don't ask me why! Lintek lang! Kung ayaw magpahanap, wag ng hanapin.""Huh?" naguguluhan niyang tanong sa akin. "Hakdog!" pang-aasar ni LA."Wala!" Sabi ko saka umupo sa bench sa tambayan namin na malapit sa cafeteria. Umupo din si Donna at
Pagkatapos akong halikan ng matandang gorilla lumipat kami sa isa sa mga VIP room sa resto ni Kuya. Ayoko sana pero wala akong nagawa. Hindi ko alam na may ganito pa palang room dito sa resto. Kapag kasi kumakain ako dito doon lang ako sa labas, sa malapit sa may bintana kung saan kita ko ang magandang tanawin sa labas. Sakto lang ang laki ng room, malinis at maganda ang interior tsaka maganda ang lightings. Di na ako magtataka kung bakit maganda, alam ko kasing architect si Kuya Zach, siguradong siya ang nagdesign nito. Nagtataka lang ako kung paano nalaman ni Gors ang room na 'to. Pero sabagay friends naman sila ni Kuya Zach, siguro madalas siya dito, hindi ko lang alam."Stop looking at me." maldita kong saway sa kanya. Kanina pa ito nakatitig sa akin. Muntanga!Hanggang ngayon hindi pa rin humuhupa ang inis ko sa matandang gorilla na to. Ang kapal pa ng mukha niya, sukat ba namang buhatin ako sa gitna ng karamihan. Hindi man lang nahiya! Paano na lang kung may mga kaklase akong
"River, baby, mommy's here..."As soon as my pet dog heard my voice, he ran to welcome me and move around my feet. I named my dog River since I found him near the river, abandoned and almost drown. He's my white pomeranian dog, my sweet and clingy baby dog."How's my handsome baby? Mommy missed you so much." he barked cutely kaya napangiti ako. "Come here, I have a pasalubong for you, bigay ni daddy pangit mo." Pinakita ko sa kanya ang bagong damit na binigay ni Gors para sa aso ko, na naging aso na namin. " Kumawag ang buntot ni River at tumalon talon pa ito, excited ang aso sa pasalubong ng daddy pangit niya.Binuhat ko si River at hinaplos ang ulo saka hinalikan. "I miss you, baby, miss mo ba si Mommy?"malambing kong tanong sa kanya, tumahol ito kaya napangiti ako at muling humalik sa ulo niya."Good boy, kaya love ni mommy ang River na yan eh. Tara doon tayo sa room natin baby.""Weirdo! Pati aso kinakausap." I stopped on my track when I heard someone talking behind me. Hindi na
At dahil sa kapilyahang ginawa ko kagabi, wala akong mukhang maihaharap kay Gors ngayong umaga. Lintek naman kasi itong malanding utak ko, kung ano-ano ang pumapasok. Pwede ko naman sanang patayin na lang yung tawag niya pero nagpadala pa talaga ako sa kapilyahan nitong utak ko. Yan tuloy hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon.What the hell Adrianna? Nakakahiya ka! Ikinahihiya kita. Gusto kong kutusan ang sarili ko. Daig ko pa ang lasing na wala sa tamang pag-iisip sa ginawa ko kagabi. Talagang inakit ko pa si Gors. Ano nalang kaya ang iisipan ng gurang na yun sa akin ngayon? This is so frustrating. Hindi naman ako ganito pero bakit ngayong bumalik siya bigla na lang ding lumabas yung malanding side ko at tinatalo nito ang kainosentihan ko. Omg! I can't! It's so embarrassing. Hindi ko mai-imagine na nagawa ko yun! Ano yun? Live show? I just hope na hindi siya ang maghahatid sa akin sa school ngayon kundi napaka-akward sa aming dalawa.Ugh! I hate you Adrianna. Next time magtand