Gagawin ni Bivianne Cordova ang lahat para lang maging isang perfect na anak. She'll aim for the top all the time, kahit na sino pa ang makabangga niya. Academics? Sisiguraduhin niyang hinding-hindi na siya matatalo pa ni Yeshua Tada sa number one spot sa buong school. Sports? Hinding-hindi na niya hahayaang matalo pa ng Fahrenheit Academy sa futsal. And she'll do all that to please her mom. Ngunit nang ipakilala ni Zenith Cordova sa kaniya ang isang lalaki, nagkaroon ng kalituhan sa kaniyang puso. She didn't want to date that guy with marriage in mind. Dahil isa lang ang gusto niyang makasama at pakasalan. Makakaya niya kayang suwayin ang ina sa unang pagkakataon para makasama si Oxem? O susuko na lang ito sa mga pagsubok na kanilang kahaharapin?
view moreBivianneHuminga ako nang malalim bago kumatok. I know that there’s a 50-50 chance na makita ko siya rito pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi kabahan. This is where he leaves, after all. Kapag may mahalaga silang game ay natutulog siya rito kasama ang mga player niya.I’m not a stalker. Alam ko lang ang mga ganitong detalye dahil isa ako sa mga sponsor ng team nila. Hindi ko maiiwasang malaman sa tuwing may game sila na may involved na pera. Doon din kumikita ang company namin.Nang magbukas ang pinto, nahigit ko ang hininga ko. That 50-50 chance just became a hundred.“How may I help you, Ma’am Cordova.” Ma’am Cordova. Great. Just like how my employees call me.“Is Khaianne here? I got a delivery for him.” Inangat ko pa ang box para ipakita sa kaniya.Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa hawak ko. “Dapat ay pinadala mo na lang sa isa sa mga tauhan mo. No need to deliver it yourself.”Agad akong nag-isip ng dahilan. “This is a gift for my brother. Kaya natural lang siguro na
BivianneI convince myself na kaya lang ako pupunta ay para panoorin ang kapatid ko. Wala siyang kinalaman sa pagpunta ko sa game. I just want to support Khaianne at alam kong magpupunta rin si Leo. Parang sila pa nga ang magkapatid at hindi kami.Mom is now happily married with a guy named Keam, Juanito’s brother, her first love. Masyadong mahaba ang story, pero Keam is a good guy. Noong una ay hindi ako payag sa relasyon nila. Pero nang makilala ko sila ng anak niya, wala na rin akong nagawa.And Khaianne is my twenty-year-old brother. Bata pa siya noong una kaming magkakilala kaya agad kaming napalapit sa isa’t isa despite having different dads and moms. Sobrang sweet niyang kapatid kaya nga nahulog ‘tong si Yeshua.And I can’t believe these two had history two years ago. Ayon kay Yeshua ay masyado pa siyang bata para sa kaniya kaya sila naghiwalay, but I wonder about that.Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya nang magsimula ang game. I played this game before kaya kahit papaano
BivianneI mustered all my courage and dialed Oxem’s number. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang nakahawak sa phone. Ilang linggo kaming hindi nagkita at nag-usap. Ni hindi ko pa nga alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.Pero nangako akong mag-uusap kami. At sa pag-uusap na ‘to, kailangan kong sabihin sa kaniya na hindi kami pwedeng magsama at buo na ang pasya ko.Tumunog ang phone ko hudyat na sinagot na niya. Pero walang sumagot ni isa sa ‘ming dalawa. Para bang naghihintayan lang kaming dalawa kung sino ang unang magsasalita. O baka pareho kaming natatakot kung ano ang maririnig namin sa isa’t isa.Kaya naman naisipan ko nang mauna. “Let’s break up.” Natawa ako nang marinig ko na mismo ang boses ko. “Hindi nga pala tayo pwedeng mag-break dahil wala pa namang tayo.”He didn’t find my joke funny, though, dahil hindi siya natawa. Kung tutuusin, parang sobrang lamig pa ng boses niya mula sa kabilang linya. “Is it because of that guy? Totoo ba ‘yong sinabi niya? Ikakasal na kayo?
BivianneI wasn’t sure what happened for the next couple of weeks. Bahay-school-company lang ang pinupuntahan ko at paminsan-minsan ay pumapasok ako sa academy. Nagpupunta pa rin si Ma’am Cynthia gaya dati pero hindi na gaya noon ay tahimik na kami. Puro aral na lang ang ginagawa namin.Inaaral ko na ang pasikot-sikot sa kompanya ni mom. Tinuturuan ako ni Sofie, the secretary mom hired for me. Gaya pa rin noon ang relasyon namin ni mom. Hindi pa rin niya ako kinakausap kung hindi kailangan pero alam kong nagbago ‘yon. She’s telling me about everything that’s going on with the company now, but through the papers Sofie is giving me.I know that this is a huge leap in our relationship. Ngayong sinasabi na niya sa ‘kin ang nangyayari sa kompanya niya ay isa lang ang ibig sabihin. She trusts me. May tiwala na siyang tutulungan ko siya para maisalba ang kompanya.And it was worse than I expected. Maraming shareholders ang nag-pull out sa company dahil sa isang project ni mom na nag-fail. A
BivianneIlang saglit pa bago nag-sink in ang sinabi niya sa ‘kin. “Mom, hindi pa ako pumapayag sa kasal na ‘to.”“Did I give you a choice?” Tinaasan niya ako ng kilay bago minuwestra ang pinto. “Now, go out there, and wait for me. Lalabas na ako mayamaya lang.”“Mom, I can’t marry a guy I just met!” bulalas ko. “I don’t even know him. Paano kung masama pala siyang tao? Paano kung saktan niya ako?”“Do you think I’ll choose him if he’s a bad guy? Of course, I did a background check on him. He’s decent. At least more decent than your monkey.”Pinigilan ko ang sarili ko na sigawan siya at sabihing hindi unggoy si Oxem. She won’t listen to me. She didn’t before, and she wouldn’t ever.“Now, go out there, and do as I say. Hear me?”Wala akong nagawa kung hindi ang tumalikod at sundin siya. So much for dinner tonight. So much for fitting a wedding dress. Sa oras na i-announce ni mom sa lahat ang tungkol sa kasal, alam kong wala na akong ibang choice kung hindi ang pumayag. Dahil kung hindi
BivianneMy mom’s away again. Hindi ko na ulit siya nakita matapos niyang ipakilala sina Juanito at ang anak niyang pakakasalan ko raw. Ni hindi niya pinaliwanag kung ano ang nangyayari. At hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon para makatanggi.I always knew that she’s going to punish me. But not like this! I didn’t expect na ipakakasal niya ako sa iba. This is just too much!Hindi ko pa rin sinasabi kay Oxem kung ano ang nangyari sa bahay. Miski si Yeshua ay walang alam. Paano ko masasabi sa kanila? Matapos ang mga nangyari, wala akong lakas ng loob para ipaalam sa kanila na ikakasal ako sa iba.Gusto kong tumutol sa plano ni mom, pero paano ko magagawa ‘yon kung wala na naman siya rito sa bahay? Para bang alam niyang tututol ako kaya umalis na siya agad bago pa ako makaangal. Dapat ay sinabi ko na sa kanila noong may pagkakataon ako. Mas mabuti nga siguro kung kina Juanito ko mismo sasabihin.Pero bago ko pa man ‘yon magawa ay muli kong nakita si mom. This time, nag-aagaha
Bivianne“What are we going to do now?” tanong ko habang yakap pa rin siya. “Mukhang gusto talaga ni mom na magkalayo tayo, given that she sent someone to spy on you too.”He continued caressing my arm. “Hindi mo kailangang mag-alala. We’re not giving up, right? Para lang ‘tong long distance relationship. We can still talk to each other. Sneak out like this.”Napangiti ako pero hindi umabot sa mga mata ko. “But I don’t like this. Ni hindi ko masasabi sa lahat ng tao ang tungkol sa ‘tin.”“Nothing wrong with that, too. Mas maganda nga kung magiging private ang relasyon natin. Hindi naman kailangang malaman ng lahat ang tungkol sa ‘tin as long as we have feelings for each other.”Doon na ako tuluyang napangiti. Tumingala ako upang makita siya. Ngunit bago pa man ako makapagsalita ay isang marahas na katok na ang narinig namin mula sa pinto.Mabilis kaming napaupo at binundol ng kaba. Nagkatinginan pa kami bago siya tumayo. “Stay here. Ako na ang titingin kung sino.”Hinila ko siya sa br
Warning: Slight SPGBivianneKinakagat ko ang kuko ko habang nakatingin sa orasan. At nang pumatak ang alas dos ng umaga ay saka ako sumilip sa labas ng room ko. Sinigurado kong hindi na babalik si Pinky dahil sinabihan ko siyang huwag na akong iistorbohin sa pag-aaral ko. Tiyak na susunod naman siya.At sa mga oras na ‘to, tiyak na hindi na ganoon kahigpit ang pagbabantay ni Chester. Sa mga ganitong oras ay naninigarilyo na siya sa may garden sa baba habang nakatingin sa bintana ng kwarto ko.Kaya naman sa may bintana ako sa banyo lalabas para tumakas. Sinabihan ko na rin si Oxem kung saan ako hihintayin. Matapos kong maayos lahat sa loob ng kwarto ko ay dumeretso ako sa banyo kung saan nag-aabang ang mahabang kumot na binilot ko upang gawing tali.Dahil hindi naman ako ganoon kataba at katangkad ay nagkasya ako sa bintana. Kinailangan ko lang talagang magsuot ng manipis na damit dahil saktong-sakto lang talaga ang katawan ko. Maliit lang kasi ang bintana namin dito.Sinilip ko muna
BivianneLunes ng umaga, mas umayos na ang pakiramdam ko. Kumikirot pa rin ang mga sugat ko sa tuwing nabubunggo, but it’s already bearable. Mukhang hindi naman na ako mahahalata nito nina Yeshua at Oxem.Nang makalabas ako ng room ko, kumunot agad ang noo ko nang makita ang hindi pamilyar na mukha. Nakasuot siya ng isang suit sa napakainit na panahong ‘to. Nakasuot pa siya ng sunglasses kahit nasa loob naman siya ng bahay namin.“Ahm…” Pinaningkitan ko siya ng mga mata. “And who are you?”“Chester Sullivan, Ma’am Bivianne.”Tinaasan ko siya ng kilay nang iyon lang ang sinabi niya. “And you’re supposed to be what?”“Ako po ang bago niyong driver, ma’am.”Napaawang ang bibig ko. “What about Mang Kiko?” Binundol agad ako ng kaba hindi ko pa man naririnig ang sagot niya.“Kung ang tinutukoy mo po ay ang driver niyo noon, pinatalsik na po siya ni Ma’am Zenith.” Napaawang lalo ang bibig ko. “Ako na po ang bago niyong driver at personal bodyguard.”Mabilis akong nagmartsa papunta sa kwarto
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.