Walang ibang nasa isip si Emerald kundi ang ipaghiganti ang kaniyang sarili laban sa kaniyang half-sister na si Brenna at sa ina nito. Ngunit ang tanging tao na makakatulong sa kaniya ay ang kaniyang ex na si Trevor. Kung kaya’t mapipilitan siyang pakasalan ito. Anong mangyayari sa kanilang dalawa? Mauuwi ba sa totohanan o mananatili sila sa kanilang pagpapanggap bilang mag-asawa?
View MoreTHIRD POV“Nasaan si Trevor?” tanong agad ni Carlo nang makarating siya sa dining area ng kanilang mansion. Naabutan niya doon si Anna na nakaupo na at hinihintay siya.“Tinawagan ko na siya at ang sabi niya ay mag-oovertime siya sa opisina,” seryosong sagot sa kaniya ng asawa.Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Carlo. Hindi na niya alam kung anong gagawin sa panganay niyang anak. Simula kasi nang mawala ang asawa nito ay hindi na rin nila ito masyadong nakakausap. Lagi lamang itong nasa opisina at bibihira na niyang makita. Noong una ay hinahayaan niya lang muna ito dahil binibigyan niya ito ng panahon para magluksa. Ngunit ngayon ay ikinakabahala na niya ang inaakto ng anak.“Just give him some time, Carlo,” dugtong na sabi ni Anna na nagsimula nang sumandok ng pagkain.“Until when? Hindi siya maaaring maging ganoon habangbuhay,” iiling iling na sabi naman niya.“Mahal na mahal niya si Emerald ngunit makakalimutan din niya ito. Bata pa naman siya kaya paniguradong makaka
THIRD POV“Mabuti na lamang na mas pinili ni Trevor na huwag mangialam sa kumpanya,” pagbasag ni Haidee sa katahimikan. Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan ng kaniyang anak na si Brenna. At simula kaninang umaga ay ngayon lang sila magkakausap ulit ng anak.“Hindi ka na dapat pang mangamba dahil ikaw pa rin ang CEO,” sarkastikong sagot naman sa kaniya ni Brenna.“Brenna, sa halip na tayong dalawa ang magkakampi ngayon ay bakit parang kinakalaban mo na ako? Ano bang gusto mong mangyari?” hindi makapaniwalang sambit niya sa anak.Napailing naman si Brenna. “Honestly, hindi ko na rin po alam kung ano bang gusto ko. Kumpanya? Si Trevor? Si Papa? Ewan ko, Mama. Nawala nga si Emerald ngunit tila minumulto naman niya ako.”Napatigil sa pagkain si Haidee at saka takot na tumingin sa anak. “Minumulto ka rin niya?” hindi makapaniwalang tanong niya.“I mean, hindi siya tuluyang nawala dahil hindi ko pa rin makuha ang mga inagaw niya sa akin. Pero teka, what do you mean about minumulto rin?” b
THIRD POVHindi na nakapagsalita pa si Haidee dahil nilayasan na siya ng anak na si Brenna. Sa sobrang inis niya ay pinuntahan niya ang asawa na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakapagsalita. Naabutan niya itong gising kaya naman hindi na siya nag-aksaya ng oras.“Pwede bang kalimutan mo na ang anak mo sa labas? Si Brenna ang nasa tabi mo ngayon kaya siya na lang dapat ang pagtuunan mo ng pansin,” galit niyang sabi sa asawa.Tiningnan lamang siya ni Ricky. Ano pa bang aasahan niya gayong wala pang kakayahan na makapagsalita ito? Simula rin nang atakihin ito ay hindi na niya ito sinasamahan sa kwarto. Mas pinili niyang matulog sa guest room. Nagdahilan na lamang siya sa kaniyang anak na mas kailangan nila iyon kaya hindi na ito nagtanong pa. Bibihira na rin niyang bisitahin sa kwarto ang asawa at ngayon na lamang niya ulit ito nakita.“Nawalan ka na ng isang anak, Ricky. Sana naman ay huwag mong hayaan na pati ang anak mong si Brenna ay mawala sa ‘yo.”Pagkasabi niya no’n ay lumabas
FLASHBACKKatatapos lang ng meeting ni Trevor at kasalukuyan siyang naglalakad pabalik sa kaniyang opisina. Napansin niya ang kaniyang Mama Anna na nagmamadali sa paglalakad. Palingon lingon pa ito sa paligid kaya hindi na nagdalawang isip pa si Trevor na sundan ang ginang. Palihim siyang sumunod dito at nagtaka siya nang sa rooftop ng building ito nagpunta.“Hello. May ipapagawa ako sa ‘yo ngayon din,” narinig pa niyang sabi ng ginang na may kausap na sa cellphone nito.Ilang saglit pa ay muling nagsalita si Anna.“Pumuslit ka sa condo ni Trevor. Buksan mo ang kanilang LPG upang sa pag-uwi ni Emerald doon ay saktong sasabog ito. Kailangang mawala na ng babaeng iyon dahil nakakasagabal na siya sa lahat ng plano. Gawin mo itong malinis, palabasin na aksidente ang lahat. Maliwanag ba?”Hindi na tinapos pa ni Trevor ang usapan. Mabilis niyang nilisan ang rooftop at agad na nagderetso sa kaniyang opisina. Ini-lock niya ang pinto ng opisina niya at saka tinawagan ang asawa.“Emerald, nasaa
THIRD POV"Mama, nabalitaan mo na ba? Nasusunog ngayon ang building kung saan nakatira si Emerald."Lihim na napangiti si Haidee dahil sa narinig mula sa kaniyang anak. Matagal na niyang nais mawala sa landas ang anak ng kaniyang asawa. Ngayon lang niya tuluyang naisagawa ang plano sapagkat iyon ang tamang pagkakataon na muling palabasin na aksidente ang pagkamatay nito."Hindi ko alam ang mararamdaman ko, Mama. Ang sabi kasi ay na-trap sa building na 'yon si Emerald."Tumingin si Haidee sa anak at bahagya siyang nagulat dahil may bakas ng pag-aalala mula sa dalaga. Hindi iyon ang inaasahan niyang magiging reaksyon nito."Huwag mong sabihin na nag-aalala ka sa babaeng iyon?" hindi makapaniwalang tanong niya."Mama, galit ako sa kaniya pero ang inaalala ko ay si Papa. Masakit man sa akin ngunit alam kong masasaktan si Papa kapag nawala si Emerald," malungkot na sagot sa kaniya ni Brenna.Huminga ng malalim si Haidee at saka nilapitan ang anak. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito. "H
"Papa, nangyari na po ang gusto niyo. Ako na po ang CEO ng kumpanya niyo," nakangiting sabi ko kay Papa habang hawak ko ang kamay niya.Nakalabas na siya ng ospital at dito sa bahay niya siya nagpapahinga. Kumuha ako ng personal nurse niya at inatasan ko rin si Nanay Linda na bantayan si Papa. Palihim din akong naglagay ng CCTV sa kaniyang kwarto nang sa gayon ay mabantayan ko rin siya kahit nasa malayo ako. Noong una nga ay tinutulan ito ni Tita Haidee ngunit ang doctor na rin ang nagsabi na kakailanganin talaga ni Papa ng isang nurse.Ngumiti naman sa akin si Papa at kahit wala pa siyang kakayahan na makapagsalita ay alam kong masaya siya sa ibinalita ko. Gustong gusto ko nang makabalik ang kakayahan niyang makapagsalita dahil alam kong marami siyang nais sabihin sa akin.Dahil sa ikinabit kong camera sa kwarto niya, nakita ko kung paano siya sinigawan ni Tita Haidee dahil sa ginawa niya kaya ako ang CEO ngayon. Dinuro duro pa siya nito na halos ikadurog ng puso ko. Mabuti na lamang
THIRD POVMatapos ang meeting ay naiwan sa conference room ang mag-ina. Pareho silang nanggagalaiti sa galit dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Inuli ulit pang basahin ni Haidee ang mga dokumentong nagpapatunay na si Emerald ang major shareholder ng Villafuente Corporation. Kahit anong gawin niyang pagbasa sa mga ito ay legal at totoo nga ang mga nakasaad dito.“Sinabi niyong hindi niya maaagaw sa akin si Trevor at naniwala ako doon. Ngayon naman, ang company ni Papa, nasa kaniya na,” walang emosyong sambit ni Brenna.“Hindi ko alam kung paanong nakalusot ito sa akin. Napakatagal kong niligawan ang mga investors na ibenta sa akin ang shares nila,” dismayadong sabi naman ni Haidee.“Hindi niyo po ba nakikita, Mama? Sinadya ni Papa na ipagkatiwala sa kaniya ang kumpanya,” naiiyak na sambit pa ni Brenna.Naikuyom ni Haidee ang kaniyang mga kamao. Marahil ay matagal nang alam ng kaniyang asawa na may karelasyon siyang iba kaya gumawa na ito ng hakbang bago pa siya nito komprontahin. Hi
Matapos ang meeting ay lumabas na ako agad ng conference room. Binigyan ng board ang management ng isang araw upang ayusin ang magiging opisina ko upang makapagsimula na ako sa Villafuente Corporation. Agad ko rin namang ipinaalam kay Trevor na ako na ang CEO ng kumpanya ni Papa, at katulad ko ay alam kong magkahalong tuwa at takot ang nararamdaman niya. Mas lalo kasing nalalagay sa alanganin ang kaligtasan ko dahil sa pangyayaring ito. “Emerald, binabati kita,” nakangiting sabi sa akin ni Attorney Aranza na kasabay ko sa paglalakad. Bahagya naman akong napangiti. “Hindi naman po mangyayari ito kung hindi rin dahil sa inyo. Maraming salamat po dahil isa kayo sa mapapagkatiwalaan ni Papa,” seryosong sabi ko pa. “Ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang abogado niya, at bilang kaibigan niya,” nakangiting sabi naman niya sa akin. “Emerald!” Sabay kaming napalingon ni Attorney Aranza kay Brenna na humahangos palapit sa akin. Naroon pa rin ang galit sa mga mata niya kaya awtomatikong pum
“Are you ready?” Napatingin ako kay Trevor nang pumasok siya sa kwarto namin. Katulad ko ay nakabihis na rin siya dahil may mga meeting siya sa kumpanya nila. Ako naman ay nakabihis na rin dahil ngayong araw na ang board’s meeting para sa pag-elect ng bagong CEO ng kumpanya ni Papa. Katulad ng sinabi ni Attorney kahapon ay si Tita Haidee ang nagpatawag niyon dahil ayon sa kaniya ay wala nang kakayahan si Papa na patakbuhin ang kumpanya dahil sa kondisyon nito. Sa tuwing naiisip ko iyon ay mas lalo akong nakakaramdam ng galit sa stepmother ko. Sagad sagaran na ang panloloko niya kay Papa. “Hindi ako sigurado kung kakayanin ko ba ang responsibilidad ngunit kailangan kong gawin ito dahil mahalaga kay Papa ang pinaghirapan niya,” seryosong sabi ko. Lumapit sa akin si Trevor at mahigpit na niyakap. “Of course, you can do this, Emerald,” pagpapalakas ng loob niya sa akin. “Would you help me? I need your expertise in managing a business,” seryosong sabi ko pa. Isa rin sa dahilan kung baki
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.