Pagsalakay
Kung ang tingin ay isang punyal marahil ay kanina pa kami pinaulanan ng hindi mabilang na punyal sa 'rami ng mga matang tila katulad ng agila. Mabilis at matalim.
Hindi naman inaasahan ang ganoong pagtatagpo ng dalawang tao at sa mismong napaka-importante pang okasyon. Hindi tinanggap ng Senyora ang paglahad ng hari bagkus ay yumuko ito't nagbigay ng galang at respeto.
At kahit wala na ang aming presensya ng Senyora roon ay hindi pa rin nakakalimot ang mga taong nakasaksi sa nangyaring kaganapan.
Samantala naman ay dumito muna kami sa isang bakanteng panuluyan. Personal na pagmamay-ari ng hari, at ngayon nga'y magkaharap sa isang lamesa ang dalawang may kilalang posisyon sa bayan at sa kaharian.
Mga piling kawal naman ang nagbabantay sa labas. Habang narito naman sa loob ang Senyora, ang hari, ang personal nitong na taga-sunod o kanang-kamay, at ako na nakayuko lamang na nakikinig sa dalawang taong pinag-uusapan ng lahat.
"Akala ko'y hindi mo papaunlakan ang aking imbitasyon, Varrella," panimula ng hari.
Komportable itong nakaupo habang matiim na nakatitig sa Senyorang aking pinagsisilbihan. Kung kanina'y may paggalang ang Senyora sa pinakamataas na pinunong kaharap, ngayon ay nagtaas lamang ito ng kilay saka sumimsim sa pilak na kopitang nasa harapan.
"Hindi ko rin alam na may kaalaman ka sa ganoong drama, kamahalan." Natawa nang marahan ang hari sa inusal ng Senyora.
Nilapag naman ng Senyora ang kanyang kopita sa lamesa at tiningnan ang kamahalan. Kumpara kanina na halos hindi makatingin ng deretso sa hari, ngayon naman ay tila komportable pa itong nakikipag-usap sa pinuno ng lahat.
"Nais ko lamang makita ang iyong reaksyon."
"At, paniguradong magkakalaman ang mga balita dahil doon," komento ng Senyora.
Napailing naman ang hari pero naroon pa rin sa labi nito ang ngisi.
"Wari ko'y pinag-uusapan na ang pagdating mo rito. Hindi pa man ako dumarating ay mabilis kong narinig ang pangalan mo. Hindi ka ba naasiwa o nagkakaroon ng anumang sama ng loob?"
Napailing at nanuya lamang ang Senyora sa tinuran ng Hari.
"Sa panahon ngayon ay mabilis at matatalim na ang dila ng mga taong makikitid ang isip. Hindi sila mag-a-aksaya ng oras at pagod para alamin ang katotohanan hangga't nais nilang paniwalaan ang mali," litanya ng Senyora. "Ipagpaumanhin mo kamahalan ang mga salitang aking sinambit ngunit hindi ako interesado sa mga taong maliliit ang utak."
Ngumiti lamang ang hari.
"Tunay ngang wala pa rin kukupas ang iyong mga salita, dating pinuno ng konseho," kapagkuwan ay tumayo ang hari. Tila magpapaalam. "Kung ga'yun ay maging maayos ang inyong pananatili rito. Mayroon pa akong kailangang bisitahin. Kung may kailangan ka ay magsabi ka lang sa mga tauhan dito."
Sumunod naman ang Senyora sa pagtayo.
"Maraming salamat sa mungkahi ngunit kaya na namin ang aming mga sarili," ani Senyora saka yumuko.
Napatango na lamang ang hari. Sumulyap ito sa akin at yumuko rin ako tanda ng paggalang. Ibinalik ng hari ang tingin kay Senyora saka na nagpaalam kasama ang kanang-kamay na taga-sunod nito.
***
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong namangha sa mga tanawin tuwing gabi sa kapital ng Dayura. Ibang-iba ito sa bayan ng Satrosa.
Dahil wala akong naririnig na mga kakaibang ingay ng kamunduhan. Sa halip ay mga pagtatanghal ng mga musikero, at salamangkero ang nakikita ko.
Napahinga ako nang malalim sapagkat hanggang tanaw lang ako. Natigilan ako't napaluhod sa sakit.
"Saan ba lumilipad ang iyong isip, Yonahara! Umayos ka!" Malakas na sabi ni Senyora.
Ang buong akala ko ay hindi na kami hahantong sa ganitong sitwasyon pero nagkamali ako. Sa tingin ko'y plinano na ito ng Senyora.
"Masusunod po, Senyora..."
Sinunod ko ang utos niya't hinawakan ko ng parehong kamay ang kahoy na espada. Inayos ko ang aking pagkakatayo. At muli kami'y nagpatuloy.
Hindi ko alam kung saan at paano siya nakakuha ng lugar para sa ginagawa namin. Lalo na ang mga gamit namin na espadang kahoy.
Inabot kami ng ilang oras.
Sa pananatili namin sa Kapital ng Dayura. Masasabi kong ito ang pinakamaganda at mahirap sa lahat ng mga naranasan ko. Marami na rin akong mga natutunan. At napakasaya ko sa bagay na natuto akong magbasa at magsulat. Hindi man katulad ng mga eksperto, para sa akin maayos na dahil hindi na ako masyadong walang-alam hindi tulad noon.
Marami pa ang mga nangyari. Hindi masukat at maipaliwanag ang lahat. Ang tanging alam ko lang, sobra akong nagagalak. Dahil sa ilang taong papalit-palit ng pinagsisilbihan ko, si Senyora Varrella lamang ang nagbubukod-tangi.
Bagama't palaging siyang kakikitaan ng seryoso at walang ekspresyon. Siya lamang ang hinayaan akong matuto sa mga kaalamang para sa mga matataas na antas na tao.
Ang ginawa ng Senyora ay mahigit pa sa labis na. Nakakagalak para sa isang alipin na katulad ko, na palaging sinasabihan na isang pabigat lamang sa lahat, ang makaranas ng ganitong oportunidad.
Hindi ko inaasahan na magtatagal pa kami. Hanggang ang oras ay naging araw-araw. Inabot ng linggo, at buwan. Hanggang sa nalalabi na lamang ang panahon ng tag-tuyo, malapit nang dumating ang panahon ng niyebe.
Bagay na minsang kinakatakutan ko noong hindi ko pa nakikilala ang Senyora. Ang panahon ng tag-lamig para sa aming alipin ay maihahalintulad sa kamatayan.
Depende sa aming pinagsisilbihan kung mabibigyan ba kami ng pagkain, damit panlamig, at matutulugan kahit sa kanilang kwadra lamang.
Hindi ko lubos maisip na magagawa kong lampasan ang lahat na iyon. Tila may kung ano sa pakiramdam habang rumerehistro pa rin sa akin ang mga nagdaang karanasan at alaala. Talagang hindi ako makapaniwala.
"Ha!"
"Atake!"
"Ya!"
"Depensa!"
Pareho na kaming naglalaban ngayon ng Senyora. Nagagawa ko nang sabayan ang bilis, galaw, at estilo ng niya.
Umabante siya't pumusisyon sa pag-atake. Ang kamay ay mahigpit ang hawak sa espadang kahoy, habang ang isa ay tila tumatantiya ng opensa o depensa.
Ako naman ay pumosisyon na rin. Mataman at deretso ang mga titig ng bawat isa sa amin. Humahanap ng butas, at tyempo kung saan at paano mag-uuna.
Hanggang sa nagsimulang sumugod ng may punto ang Senyora, na kaagad ko ring nadepensahan gamit ang kahoy na espada. Umikot pa ang Senyora, ang estilo ng galaw ng braso't kamay tila nagtatanghal hindi nga lang sa entablado kun'di sa ganitong pagsasanay.
Ang parehong paa ay tila nagkaroon ng distansya sa ere mula sa lupang tinatapakan. At nang humarap siya'y kasabay din niyon ang pag-atake niya. Mabilis ang pangyayari at hindi ko agad nadepensahan ang sarili mula sa ginawang pag-abante.
Napahiga na lang ako sa lupa't medyo namilipit sa sakit sa braso't tagiliran. Pagtapak ng mga paa ni Senyora'y agad na niya akong dinaluhan. At katulad nga n'ung nakaraan. Muli na naman niya akong sinigawan at sinabihan.
"Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na maging matalas ang iyong isip! Sa oras ng lunos ay iyong sarili lamang ang tutulong sa 'yo, lalo na sa katayuan mo." Nakagat ko ang pang-ibabang labi.
Kahit masakit ang tinanggap sa atake ng Senyora ay pinilit kong tumayo. Subalit, laking palaisipan pa rin sa akin. Nakuha ko na para ito sa sarili ko. Para sa proteksyon.
Ngunit, para saan? Mula kanino? Anong dahilan ng puspusan niyang malaman ko ang pakikipaglaban? Ang paghawak ng espada?
"Pero Senyora... para saan po ba talaga itong pagsasanay? Hindi ko po naiintindihan..."
Naguguluhan ako. Gusto kong malaman ang kasagutan pero nananatiling nakatikom lang ang mga labi niya.
Maliban sa mga hininga namin ang siyang naririnig, katulad ng dating ginagawa ng Senyora ay hindi ako nito sasagutin. Aalis at magiging dagdag kwestiyon muli para sa akin.
Kaya't hindi ko alam kung saan ako nagkaroon ng lakas ng loob para tawagin siya.
"Senyora Varrella!"
Makapigil-hininga ang aking ginawang pagtawag. Kasabay ng paghabol ko sa aking hininga dahil sa ginawang kapangahasan at hindi sinasadyang pagtaas ng boses, napahinto rin siya. Dahan-dahang lumingon, ang kanyang matalim na ekpresyon ang sa akin ay sumalubong.
Ang kilay, mata, at ang itsura'y tila hindi makapaniwala kung totoo ba o peke ang kanyang narinig.
"Anong sinabi mo?"
"S-Senyora..." Nautal kong sabi.
Humarap sa akin ang Senyora at akma akong lalapitan subalit kapwa kami napatigil sa narinig na pagsabog sa labas. Niyanig niyon hanggang sa lupang tinatapakan namin.
Kapagkuwan, kasabay din niyon ay ang biglang pagbukas ng pintuan. Tumambad sa amin ang isang kawal na kasama ng hari. Sugatan, habol ang hininga at mukhang nagmadali para pumunta rito.
"Senyora Varrella... M-May sumalakay!" Nagulat kami sa sinabi ng kawal. "Sinasalakay na nila ang buong kapital!"
Parehong nanlaki ang mga mata namin ng Senyora.
At sa muling pagkakataon, nakita ko ang pagkabahala't pag-aalala ng Senyora habang may inusal siyang pnagalan.
"Ang Hari..."
Pangunahing KonsehoAng kaharian ng Asyreum ang pinakamataas sa lahat ng kaharian sa Emperyo ng Boris Horatia. Sa yaman, kalakalan, agrikultural, at sa usapang pandigma. Maliban sa maruruming reputasyon nitong kasali na ang paglelegal sa batas nang pagkakaroon ng alipin. Ang Asyreum ay hindi ko maitatangging naging tahanang kinamulatan ko.Hindi ko man gaanong naramdaman ang pagiging tahanan nito o matanaw ang kabuuan ng kaharian. Ang bayan ng Satrosa-ang bayang malaki ang konektado sa nasabing kaharian, ang mismong mga taong katulad ng katayuan ko, naging isa iyon sa mga rason ko upang ilaban ang buhay kahit na alam kong napaka-imposibleng lumayo mula sa antas na mayroon ako-ang pagiging isang alipin.Aminadong masyadong marahas ang mga naranasan kong paghihirap dahil sa aking katayuan sa simula pa lang ng aking buhay hanggang sa makilala ko ang Senyora.Hindi
Ang Hayop at DemonyoSimula n'ong nagkaroon ako ng kamuwangan sa mundo. Saksi na ako sa mga pasikot-sikot ng mga tao. Lalo na kapag dumating ang puntong minsan ay may ginagawa silang karahasan at kamunduhan.Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong pinagtangkaan. At sa tuwing sila'y susubok ay pawang may himalang palagi iyon nauudlot. Natatandaan ko pa ang araw na iyon. Isang maharlika ang bumili sa akin sa isang pamilihan ng mga alipin.Sa unang pagpapakilala nito'y para itong maamong tupa. Makisig at mapapansin na hindi makabasag-pinggan sa bait ng pakikitungo nito sa akin. Maging ang boses ay magaan sa pandinig ngunit sadyang may katotohanan pa rin ang mga sabi-sabi. Huwag palilinlang sa panlabas na anyo hangga't hindi mo pa sila nakikilala ng lubos.Mahimbing pa ang aking pagkakatulog. Sa buong pag-aakala kong magiging masw
Maharlika"Senyora, kaunting tiis na lang po. Makalalabas na tayo," anang ko habang inaalalayan ko siya sa paglalakad.Narito kami ngayon sa sirang palasyo ng Hari. Binabaybay na namin ngayon ang mahabang pasilyo papunta sa mismong silid ng Hari. Wala akong nalalaman tungkol sa pasikot-sikot, kaya ang Senyora ang nagsasabi sa akin ng direksyon."Sa kanan," aniya, saka kami lumiko.Akala ko ay maglalakad pa kami ng mahaba. Bumungad sa amin ang pa-arkong pintuan, natanaw din namin ang nabuksang pinto.Sandali kaming napatigil nang nahinto sa paglalakad ang Senyora. Binalingan ko ng tingin ang Senyora at doon ko nakita ang malamlam na mga mata niya. Sabay na lumandas muli ang kanyang luha.Parang may tumusok sa aking dibdib sa mga mata niyang tinat
Muling PangakoAng nakakaantig na himig ang kumiliti sa aking pandinig upang maimulat ko ang aking mga mata. Liwanag. Liwanag na hindi kay sakit sa mata kung tatanawin. Bumangon ako at nilibot ng tingin ang paligid.Ang himig ay nagpatuloy. Tila ba ang puso ko'y naantig sa mga nakikita at naririnig. Napakagaan sa pakiramdam na parang ako'y idinuduyan habang lumulutang sa alapaap.Mga punong kay dalisay na nakukulayan ng natural nitong kulay na berde. Mayroon rin nag-iisang puno sa 'di kalayuan.Napakagandang puno. Napakatayog. Ang mga dahon ay banayad na nahuhulog sa kalupaan sa tuwing nagpaparamdam ang hangin at isinasayaw iyon. At sa ilalim lamang ng puno ay taong siyang may instrumento. Ang banayad na himig na kay sarap sa pandinig ay nanggagaling sa kudyaping hawak nito.Nakatalikod ito sa akin. Ang buhok nito ay aabot hanggang sa kanyan
HariKung may maikukumpara lamang ako, iyon ay ang nangyayari sa akin ngayon. Magmula nang magising ako ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin, lalo pa at ilan na ang mga tao ang pumasok sa silid. Wala rin akong ideya kung nasaan ako at kaninong panuluyan ito.Basta't natagpuan ko na lamang ang sarili na sinisilbihan na ng tatlong serbidora. Sila'y pinaliguan ako sa mahalimuyak na amoy rosas na tubig sa malaking batya na kahoy.Pinababad din nila ako sa isang batya ng gatas at ngayon ay nakatayo ako sa harapan ng malaking salamin—na halos kayang makita ang kabuuan ko—kasama ang mga babaeng serbidora na tinutulungan akong magpalit ng damit.Halos hindi ko na makilala ang sarili nang muli tingnan ko ang repleksyon sa salamin. Nakaupo na ako ngayon, sinusuklayan nila ang mahaba at may maalon kong buhok.H
Pulang NiyebeSa tana ng buhay ko, lahat na mga Maharlikang nakilala ko—maliban sa Senyora at Haring Kaan—ay mapagmataas, mapanghusga at halos karahasan ang naging saksi sa bawat yugto ng buhay na mayroon ako.Lahat sila'y may pangungutyang tingin sa mga katulad kong nagmula lamang sa mababang antas. Sa tagal ng buhay ko bilang alipin ay puro takot at pangamba ang nararamdaman. Naging saksi at naranasan ko mismo ang kanilang pagmamalupit. Mapapisikal man o emosyonal.Iyon ang naging pananaw ko bago ko makilala ang Senyora. Dati-rati'y ang pag-aakala ko ay lahat na Maharlika'y purong masasama ngunit nang makilala ko ang Senyora. Hindi ko maitatanggi na naging mahigpit siya subalit siya ay naiiba.Palagi niyang ibinibilin sa akin na huwag akong magpadala sa aking kahinaan.
DesisyonNakabalik na kami sa Bahay-panuluyan. Wala akong imik na tumungo sa aking silid. Ipinagpasalamat ko ng lihim na hindi nila ako tinanong pa.Saglit akong napailing.Ang Hari? Wala naman itong pakialam sa akin o sa kung anuman ang nararamdaman ko. Ito na yata ang nakilala kong malamig pa sa niyebe kanina.At wala rin naman akong inaasahang simpatya mula sa kanya. Ayos na sa akin na pumayag ito sa pakiusap ko, kahit pilit."Binibini, tingnan niyo 'to, umuulan ng niyebe!" masayang sabi ni Dera, habang nakatigin siya sa bintana na gawa sa kristal. "Magsisimula na ang tag-lamig!"Saglit akong tumingin doon pero mas lalo ko lang tinakpan ng unan ang mukha ako. Naaalala ko ulit ang mga nangyari.Nakakalungkot at nakakagalit. Wala akong magawa, wala akong maisip na paraan para matulungan sila.
KasalKung isa lamang ako sa mga babaeng mula sa maayos na antas ng buhay, may isang pang pangarap lang ako hindi lang ang kalayaan. Pangarap na hinahangad ng mga kababaihan—ang makasal sa taong itinitibok ng aming puso. May kalayaan pumili at magmahal.Ngunit ito na ang aking hinaharap at wala na akong magagawa pa. Alam kong may kaakibat na kapalit ang desisyon kong ito, at iyon ay ang kalayaan ko. Subalit kung ang kapalit naman niyon ay ang pagiging malakas ko—ang magkaroon ng kapangyarihan, magagawa ko ang nais ko.Nais kong ibalik ang lahat sa ayos. Gusto kong tulungan ang mga taong inosente. Hindi ko alam kung bakit ko napagdesisyonan ang ganitong hakbang. Ang alam ko lang ay hindi sila nararapat sa ganoong sitwasyon. Hindi nila dapat maranasan ang mga naranasan ko.Siguro'y hibang na kung isipi