Pangunahing Konseho
Ang kaharian ng Asyreum ang pinakamataas sa lahat ng kaharian sa Emperyo ng Boris Horatia. Sa yaman, kalakalan, agrikultural, at sa usapang pandigma. Maliban sa maruruming reputasyon nitong kasali na ang paglelegal sa batas nang pagkakaroon ng alipin. Ang Asyreum ay hindi ko maitatangging naging tahanang kinamulatan ko.
Hindi ko man gaanong naramdaman ang pagiging tahanan nito o matanaw ang kabuuan ng kaharian. Ang bayan ng Satrosa-ang bayang malaki ang konektado sa nasabing kaharian, ang mismong mga taong katulad ng katayuan ko, naging isa iyon sa mga rason ko upang ilaban ang buhay kahit na alam kong napaka-imposibleng lumayo mula sa antas na mayroon ako-ang pagiging isang alipin.
Aminadong masyadong marahas ang mga naranasan kong paghihirap dahil sa aking katayuan sa simula pa lang ng aking buhay hanggang sa makilala ko ang Senyora.
Hindi maikakailang nakaramdam din ako ng pagod, lungkot, pagkukuwestyon at pagkamuhi sa mga taong naglapat ng mga alaalang hindi ko kailanman makakalimutan.
Mga alaalang puno ng pagpapahirap, sakit, at pag-aabot sa katapusan kahit ang nais ay mabuhay pa. Subalit sa pagkakataong ito, ngayon ay naiiba mula sa aking mga naranasan at nasaksihan... o maari ring sabihin... mas naging karumal-dumal ito sa aking mga mata.
Dahil ang kahariang dati'y magiting ngayon ay tila maihahalintulad na sa bayan kong kinamulatan at minsan nang kinamuhian. Ang dating maliwanag, malinis at puno ng saya sa Kapital ng Dayura. Ngayon ay naging isang malaking bayan ng Satrosa.
Mga malalaking apoy na tumutupok sa mga matatayog na istraktura na minsan kong hinangaan. Ang mga matatanda, dalaga at binata na kakakitaan noon ng saya, pagkasabik at kalayaan sa kanilang mukha, ngayon ay nabahiran na nang matinding takot, dalamhati at galit sa kanilang mga mata.
Ang mga bata naman, kung noon ay maligaya pa silang nakakapaglaro. Ngayon ay hindi na maawat ang kanilang pag-iyak sa tuwing mararamdaman nila ang sakit mula sa mga latigong sumusugat sa kanilang mga murang katawan.
Makailang ulit na ipinikit ko ang mga mata sa mga kaganapang nakikita. Ang ibang mga mamamayan ng Dayura, kasama ako at ang Senyora ay parehong nakaluhod, at nakayuko sa takot na kami ay pagdiskitahan ng isang kawal sa ibang kaharian.
Sa tindig, sa kasuotan pa lang ay hindi lamang ito simpleng kawal. Ang kanilang sagisag ay serpente, naghahalo ang kulay ng puti at berde-walang iba kun'di ang Kaharian ng Emblem.
Sa Emperyo ng Boris Horatia, binubuo iyon ng tatlong kaharian. Ang Asyruem, Emblem, at Solayde.
At ang Kaharian ng Emblem-kilalang tahimik at mailap ngayon ay naging katulad ng kanilang sagisag.
Mapanuklaw na katulad ng isang ahas!
Nasa loob kami ng isang sirang simbahan dulot ng mga pagsabog kanina. Ang tanging natitira ay ang sementadong pader at sira-sirang bubong nito.
Sigaw, pagmamakaawa, at ingay ng dahas ang namayani sa pandinig sa lahat ng mga naririto.
"T-Tama na po... maawa po kayo... t-tama na po..." Umiiyak na sabi ng batang lalaki. Nakahiga na ito sa lupa. May mga pasa't sugat sa parehong paa.
"Sana'y naisip mo 'yan bago mo sinubukang tumakas, bata."
Muli ay sinipa nito ang sikmura ng bata at napaigik ito sa sakit.
Nanginginig ang buong katawan ko sa kaawa-awang batang walang magawa kun'di indahin ang sakit.
Hindi ko ito kaya... Ilang ulit akong umiling. Tiningnan ang kawal na may mala-demonyong ngisi, at sa batang halos papikit na.
Hindi. Hindi ko na kaya...
Dahil hindi ko makayanan tingnan pa ang mga dahas na hindi nila dapat maranasan. Akmang lalapit ako nang pigilan ako ng Senyora.
Tiningnan ako ng matalim ng Senyora. Nagmamakaawa akong tumingin sa kanya.
"Gusto mo bang mapahamak? Para sa..." Napailing siya. Hindi tinuloy ang sasabihin.
Hindi ko masabi kung nagmamakaawa o nagmamatigas lang ba ang Senyora. Sa mga mata niyang ipinapakita ay hindi katulad ng dating walang emosyon, tila ba nag-aalala. Bagay na ngayon ko lang nakita. Simula nang mabalitaan niya ang biglaang pagsalakay ng ibang kaharian.
Ang Hari kaagad ang rumehistro sa kanyang isip maging sa kanyang pag-usal. Ganito ring mga mata ang naipakita niya.
Hinawakan nang mahigpit ng Senyora ang braso ko. Subalit determinado akong gawin ang nais. Tama na ang maging duwag.
Napasinghap ang Senyora sa ginawa kong pagpipiglas. Sinubukan niya akong abutin ngunit huli na nang dumistansya na ako. Lakas-loob kong tinulay ang pagitan patungo sa batang ngayon ay halos hindi na makagalaw dahil sa hapdi ng natamong sugat.
"T-Tama na! Pakiusap! Itigil niyo na!" matapang na sabi ko.
Niyakap ko ng may pag-iingat ang bata at tiningan ng deretso ang kawal. Hindi inaasahan na mamamagitan ang isang alipin na katulad ko.
Ngunit katulad ng isang bingi. Bingi-bingihan lamang ang isang kawal sa harapan ko't malakas na nagbigay sa akin ng sampal. Kasabay niyon ay ang paghila nito sa aking buhok.
Narinig ko pa ang singhapan ng lahat sa likuran. Napangisi naman ang kawal. Mahigpit nitong hinawakan ang baba ko saka inilapit sa kanya upang magpantay ang mga tingin namin.
"Isa kang matapang na alipin. Kakaiba ka," anito na may ngisi sa mga labi, saka ako nito binitawan ng marahas.
Namanhid ang bandang parte ng mukha ko mula sa pagkakahawak ng kawal. Ininda ko ang sakit.
Hindi ako nagpatinag bagkus ay diretso kong tumitig sa kawal at mas matapang pa na nagsabi, "hindi ko alam na ganito pala kababa ang mga kawal ng Emblem. Kahit bata ay pinapatulan niyo-Ah!"
Napapikit ako sa muling pagsampal nito.
"Tahimik!" Mariin na hinawakan nito ang mukha ko. Nanggagaliiti ang mga tingin na binigay nito pero tinapatan ko iyon ng tapang. "Hindi ko alam na ganito katapang ang mga alipin ng Asyreum. Nakakatawa lang na nagtatapang-tapangan ang isang katulad mong pang-init laman lamang."
Nagtagis ang ngipin ko. Nanginig sa mga narinig. Mas napangisi ang kawal. Nanunuyang hinaplos nito ang pisngi ko't pinalandas pababa sa aking leeg.
Ngunit hindi niya inasahan, maging ang nasa likuran ko ang aking ginawa.
Dinuraan ko ang lalaking kawal sa mismong mukha nito. "Isa kang duwag."
"Mapahangas!"
Nalasahan ko ang dugo sa aking labi dahil sa suntok nito.
"Yonahara!" Narinig ko pa ang pagtawag ng Senyora. "Tigilan niyo na! Tama na!"
Ngunit kahit ang Senyora ay hindi pinakinggan ng lalaking kawal. Sa halip ay hinugot nito ang espada mula sa bewang at tinutukan ang leeg ng Senyora.
"Mananahimik ka o gusto mong sa'yo 'ko iuuna?" pagbabanta pa nito.
Dahilan niyon ang pagkabahala ng ibang narito.
Tinitigan ng Senyora ang lalaking kawal. "Ngayon ko lang nalaman na gumagamit ng dahas ang pagkaduwag niyong mga taga-Emblem. Nakakapanghinayang lamang na sa ganitong uri niyo ipinapakita ang lakas ng inyong kaharian-o kahinaan nga ba?" May pagkanuyang usal ng Senyora.
Nangingitngit namang masamang tiningan ng kawal ang Senyora. Hinawakan ng kawal ang leeg nito.
"Kung ganoon ay nasaan ang inyong Hari? Nasaan ang ipinagmamalaki niyong magiting... hindi duwag?"
Humalakhak ang kawal. Nakikipagtagisan ito ng tingin sa Senyora.
"Hindi katulad niyong mga Emblem ang makakapagpabagsak sa aming Kaharian. Dahil hindi kami tulad niyo... kailangang nariyan ang Hari upang may maisabing kayo ay malakas. Kami, kaya naming lumaban!"
Pagkasabi niyon ay may kinuha ito sa kanyang buhok.
Mula sa pagkakapuyod ng buhok ng Senyora ay parang naging mabagal ang sandali. Tila isang alon ang paglugay ng mahabang buhok nito, at unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang bagay na iyon.
Isang manipis at mahabang gawa sa pilak. Sa hawakan ay may disenyo ng pakpak ng kalapati na gawa sa mamahalig bato, sa dulo naman ay ang hindi inaasahang matulis na bagay na maaring makakitil ng sinuman.
Subalit ang gawaing iyon, ang pag-asa namin ay nahinto. Isang pamilyar na boses ang nagpatigil sa Senyora.
"Subukan mong ituloy, Senyora Varrella, mawawalan ng buhay ang aliping pinangangalagaan mo."
Parang nahinto ang sariling paghinga ko nang maramdaman ko ang espadang nasa leeg ko. Napaluha't napapikit ako sa hapdi.
Nanginginig akong tumingin kay Senyora na ngayon ay hindi lang pagkagulat ang naroon sa mga mata kun'di pag-aalala at pagkamuhi sa taong nasa likuran ko.
"Isa kang traydor, Pangunahing Konseho."
Ang Hayop at DemonyoSimula n'ong nagkaroon ako ng kamuwangan sa mundo. Saksi na ako sa mga pasikot-sikot ng mga tao. Lalo na kapag dumating ang puntong minsan ay may ginagawa silang karahasan at kamunduhan.Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong pinagtangkaan. At sa tuwing sila'y susubok ay pawang may himalang palagi iyon nauudlot. Natatandaan ko pa ang araw na iyon. Isang maharlika ang bumili sa akin sa isang pamilihan ng mga alipin.Sa unang pagpapakilala nito'y para itong maamong tupa. Makisig at mapapansin na hindi makabasag-pinggan sa bait ng pakikitungo nito sa akin. Maging ang boses ay magaan sa pandinig ngunit sadyang may katotohanan pa rin ang mga sabi-sabi. Huwag palilinlang sa panlabas na anyo hangga't hindi mo pa sila nakikilala ng lubos.Mahimbing pa ang aking pagkakatulog. Sa buong pag-aakala kong magiging masw
Maharlika"Senyora, kaunting tiis na lang po. Makalalabas na tayo," anang ko habang inaalalayan ko siya sa paglalakad.Narito kami ngayon sa sirang palasyo ng Hari. Binabaybay na namin ngayon ang mahabang pasilyo papunta sa mismong silid ng Hari. Wala akong nalalaman tungkol sa pasikot-sikot, kaya ang Senyora ang nagsasabi sa akin ng direksyon."Sa kanan," aniya, saka kami lumiko.Akala ko ay maglalakad pa kami ng mahaba. Bumungad sa amin ang pa-arkong pintuan, natanaw din namin ang nabuksang pinto.Sandali kaming napatigil nang nahinto sa paglalakad ang Senyora. Binalingan ko ng tingin ang Senyora at doon ko nakita ang malamlam na mga mata niya. Sabay na lumandas muli ang kanyang luha.Parang may tumusok sa aking dibdib sa mga mata niyang tinat
Muling PangakoAng nakakaantig na himig ang kumiliti sa aking pandinig upang maimulat ko ang aking mga mata. Liwanag. Liwanag na hindi kay sakit sa mata kung tatanawin. Bumangon ako at nilibot ng tingin ang paligid.Ang himig ay nagpatuloy. Tila ba ang puso ko'y naantig sa mga nakikita at naririnig. Napakagaan sa pakiramdam na parang ako'y idinuduyan habang lumulutang sa alapaap.Mga punong kay dalisay na nakukulayan ng natural nitong kulay na berde. Mayroon rin nag-iisang puno sa 'di kalayuan.Napakagandang puno. Napakatayog. Ang mga dahon ay banayad na nahuhulog sa kalupaan sa tuwing nagpaparamdam ang hangin at isinasayaw iyon. At sa ilalim lamang ng puno ay taong siyang may instrumento. Ang banayad na himig na kay sarap sa pandinig ay nanggagaling sa kudyaping hawak nito.Nakatalikod ito sa akin. Ang buhok nito ay aabot hanggang sa kanyan
HariKung may maikukumpara lamang ako, iyon ay ang nangyayari sa akin ngayon. Magmula nang magising ako ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin, lalo pa at ilan na ang mga tao ang pumasok sa silid. Wala rin akong ideya kung nasaan ako at kaninong panuluyan ito.Basta't natagpuan ko na lamang ang sarili na sinisilbihan na ng tatlong serbidora. Sila'y pinaliguan ako sa mahalimuyak na amoy rosas na tubig sa malaking batya na kahoy.Pinababad din nila ako sa isang batya ng gatas at ngayon ay nakatayo ako sa harapan ng malaking salamin—na halos kayang makita ang kabuuan ko—kasama ang mga babaeng serbidora na tinutulungan akong magpalit ng damit.Halos hindi ko na makilala ang sarili nang muli tingnan ko ang repleksyon sa salamin. Nakaupo na ako ngayon, sinusuklayan nila ang mahaba at may maalon kong buhok.H
Pulang NiyebeSa tana ng buhay ko, lahat na mga Maharlikang nakilala ko—maliban sa Senyora at Haring Kaan—ay mapagmataas, mapanghusga at halos karahasan ang naging saksi sa bawat yugto ng buhay na mayroon ako.Lahat sila'y may pangungutyang tingin sa mga katulad kong nagmula lamang sa mababang antas. Sa tagal ng buhay ko bilang alipin ay puro takot at pangamba ang nararamdaman. Naging saksi at naranasan ko mismo ang kanilang pagmamalupit. Mapapisikal man o emosyonal.Iyon ang naging pananaw ko bago ko makilala ang Senyora. Dati-rati'y ang pag-aakala ko ay lahat na Maharlika'y purong masasama ngunit nang makilala ko ang Senyora. Hindi ko maitatanggi na naging mahigpit siya subalit siya ay naiiba.Palagi niyang ibinibilin sa akin na huwag akong magpadala sa aking kahinaan.
DesisyonNakabalik na kami sa Bahay-panuluyan. Wala akong imik na tumungo sa aking silid. Ipinagpasalamat ko ng lihim na hindi nila ako tinanong pa.Saglit akong napailing.Ang Hari? Wala naman itong pakialam sa akin o sa kung anuman ang nararamdaman ko. Ito na yata ang nakilala kong malamig pa sa niyebe kanina.At wala rin naman akong inaasahang simpatya mula sa kanya. Ayos na sa akin na pumayag ito sa pakiusap ko, kahit pilit."Binibini, tingnan niyo 'to, umuulan ng niyebe!" masayang sabi ni Dera, habang nakatigin siya sa bintana na gawa sa kristal. "Magsisimula na ang tag-lamig!"Saglit akong tumingin doon pero mas lalo ko lang tinakpan ng unan ang mukha ako. Naaalala ko ulit ang mga nangyari.Nakakalungkot at nakakagalit. Wala akong magawa, wala akong maisip na paraan para matulungan sila.
KasalKung isa lamang ako sa mga babaeng mula sa maayos na antas ng buhay, may isang pang pangarap lang ako hindi lang ang kalayaan. Pangarap na hinahangad ng mga kababaihan—ang makasal sa taong itinitibok ng aming puso. May kalayaan pumili at magmahal.Ngunit ito na ang aking hinaharap at wala na akong magagawa pa. Alam kong may kaakibat na kapalit ang desisyon kong ito, at iyon ay ang kalayaan ko. Subalit kung ang kapalit naman niyon ay ang pagiging malakas ko—ang magkaroon ng kapangyarihan, magagawa ko ang nais ko.Nais kong ibalik ang lahat sa ayos. Gusto kong tulungan ang mga taong inosente. Hindi ko alam kung bakit ko napagdesisyonan ang ganitong hakbang. Ang alam ko lang ay hindi sila nararapat sa ganoong sitwasyon. Hindi nila dapat maranasan ang mga naranasan ko.Siguro'y hibang na kung isipi
Paglisan Madali lamang natapos ang seremonya para sa kasal. Hindi ko nga alam kung kasal ba talaga ang nangyari. Sa isang simpleng simbahan ng Ladare ginanap ang kasal. Isang pari, ang kanang-kamay niyang si Harrion, at ang ilang serbidora ang naging amin saksi. At dahil nagmula ako sa mababang uri, ang Hari na ang nag-alay para sa seremonya. Isang tradisyon na ng mga taga-Ladare kapag may ikinakasal ang magbigay ng dowry o alay para sa kanyang mapapangasawa. Maaring pera, hayop o mamahaling bagay. Katulad ng binigay sa akin ng malamig na Hari. Binigyan ako ng Hari ng isang kwentas, gawa sa ginto ang mahabang tali nito, habang ang pinaka-ornamento ay ang makintab na jade na hugis luha. Simple lamang ang seremonya at hindi ko naman iyon iniinda. Inaasahan ko naman na magiging ganoon ang kahihinatnan dahil nakik