Share

Have Fun!

"Aaaaaaahhhh!!!" Tili ko. Pagkapasok na pagkapasok ko ng pintuan ng condo ko ay inilabas ko lahat ng tinitimpi kong inis sa office. Isinigaw ko ito ng malakas.

Ngunit natigilan ako ng mapukaw ang atensyon ko ng isang mahinang tawa mula sa taong nakaupo sa couch ko.

"Let me guess..." Simula nito. Tiningnan ko lang siya ng masama bilang tugon. He just chuckled "Inasar ka ni Kristine, no?"

I rolled my eyes at him.

Padabog akong umupo sa tabi niya. Doon ko lamang napansin na may hawak siyang puting folder.

"Ano yan?" Usisa ko.

Binuklat niya ang hawak na folder at itinuon doon ang atensyon.

"Base dito, Graduate ka ng Business Administration. Isa kang nerd nung college bago maikasal kay Adrian. Tahimik, mabait at kontrolado ang kilos at emosyon, blah! Blah! Blah! .." litanya niya.

Nangunot ang noo ko.

"Pinaimbestigahan mo ko?" Tanong ko.

"Uh... yeah?" Painosenteng sagot naman ni Vince.

"For what?!"

"Listen, sweetheart, every girl has two sides. The first is nice, pretty, and sweet. The other is the wild, brave and selfish. You and Kristine are exactly the opposite." Paliwanag niya.

"And?"

"And I don't believe na wala ka ng ibubuga... Mabait din si Kristine pero dala ng pangangailangan, kinailangan niyang iharap ang two sides niya."

"So, you want me to do the same?" Tanong ko.

"You want to have Adrian back, right?" Sinagot niya rin ako ng isang tanong.

Sandali akong nag-isip. Buhay ko ang nakasalalay dito. Buhay na inagaw sa akin. Kung hindi ko ito makukuha pabalik, wala na ring saysay ang lahat ng meron ako ngayon. Ano bang handa kong gawin para sa taong mahal ko?

LAHAT.

Tumango ako.

Tumayo si Vince sa tabi ko at may kinuhang isang paper bag sa mesa. Tapos ay muli siyang lumapit sa akin at inabot ito.

"Let's do this." He smirked.

Hindi ko alam kung anong binabalak nitong lalaking ito pero tinanggap ko ang paper bag at inilabas ang laman nun.

Isang pulang mapang-akit na dress.

Totoong napakaganda nito. Isang tube dress na hapit sa katawan, sa tantya ko ang haba nito ay hanggang ilalim ng pang upo ko. Sexy ngunit hindi naman bastusin. Paniguradong kaiinlove-an ng sino mang babaeng pagbibigyan nito.

Gumuhit ang isang malapad na ngiti sa aking mga labi habang tinititigan ang pulang dress.

I’m standing in front of the "Blue Glass" bar. Ayon kay Vince, ito daw ang paboritong bar ni Adrian. Matapos niyang ibigay saakin ang paper bag kanina ay agad niyang ipinasuot ang dress at nagsabing may pupuntahan kame. Hindi ako nagtanong ng kung anu-ano pa, may tiwala naman ako kay Vince. Ngunit ngayong nakatayo na ako sa harapan ng isang high class na bar kung saan nasa loob ang lalaking aakitin ko ay nakaramdam ako ng kaba.

"Go inside sweetheart, and show me what you've got!" Sabi ni Vince mula sa tabi ko sabay tapik sa pang-upo ko.

Umakyat ang dugo sa ulo ko sa hiya at pinandilatan ko siya ng mata.

But he just chuckled.

"C'mon sweetheart! Tandaan mo na oras ang kalaban mo dito. You have to get him and your life back before it's too late..."  He winked.

Humugot muna ako ng malalim na hininga tapos ay binanat ang mukha upang magplaster ng isang matamis na ngiti.

"THIS IS IT!" Sabi ko sa sarili ko at humakbang na papalapit sa entrance ng bar. Iniabot ko ang membership card ko sa isa sa mg bouncer sa pinto. Chineck niya muna bago ako pinatuloy sa loob.

Thanks to Vince dahil naiayos na niya ang lahat para sa akin. Alam kong pinaghandaan niya ang gabing ito kaya hindi ko dapat siya biguin.

Nang makapasok ako ay sinalubong ako ng patay-sinding makukulay na ilaw sa paligid at dumadagundong na masasayang tugtugin.

Isang alaala mula sa nakaraan na parang tubig sa ilog na rumagasa sa aking isipan...

******FLASHBACK******

"Loosen up Maicah! C'mon! This is OUR night!" Sabi ng Jessa. Ang matalik kong kaibigan nung first year college.

"Oo nga naman Maicah! Here... shot ka! Birthday ko kaya magenjoy tayo!" Dugtong pa ng isa kong kaklase. Totoong birthday ng kaklase ko ngayon kaya gumimick kame sa labas.

Tinanggap ko ang basong inaabot niya at uminom ito. Hanggang sa napasarap na ang pag iinom namin at nagsimula na akong malasing.

Tunay ngang kapag lasing ang tao ay doon lumalabas ang lahat ng totoo sa kanya.

Nagpakasaya ako ng gabing iyon! Uminom, sumayaw, at nakipag away. Nagsuka, Nag-road trip at nakipagkilala sa iba't ibang tao. Para akong pakawala ng gabing iyon. Halos hindi ko na nga maalala ang eksaktong mga nangyari. Hanggang sa nagising na lamang ako sa kwarto ko kinabukasan.

Galit na galit si Mommy at Daddy sa akin. Naaalala ko pa ang mga sinabi nila...

"Im so disappointed in you Maicah! Isang gabi lang ay nagawa mong sirain ang tiwalang ibinigay namin sayo!" Wika ni mommy. Nakaupo pa rin ako sa kama ko dahil sa hang over habang sila ay nakatayo sa paanan ng kama ko. Bakas sa mukha nila ang disappointment at galit.

"Look at those pictures! Nakakahiya ka! Para kang pakawala! Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan ko? Na ang mala perpekto kong anak ay nasa loob pala ang kulo?!" Galit na inihagis ni Daddy sa harapan ko ang tablet. Dinampot ko ito at tinignan ang mga larawan ko!  Hindi lang basta larawan ko bagkus larawan kung saan may kayakap akong lalaki! Larawan nung sumuka ako sa bar! Larawan nung nakipag away ako at marami pang iba!

May sadyang kumuha ng mga larawang iyon at ipinakalat sa internet!

Naiiyak ako. Ano ba tong nagawa ko?

"Amy! Kausapin mo yang anak mo! Hindi ako pwedeng magkaanak ng babaeng pakawala! Ayusin mo yan! Kung ayaw mong ako ang umayos diyan!" Saad ni Daddy at lumabas na ng kwarto ko.

At iyon na ang una at huling beses na nagpakatotoo ako. Akala ng lahat perfect ako. Isang nerdy type student na nagto-top sa klase, mabait, maganda, mahinhin, pino, at kontrolado ang kilos maging emosyon.

Pero hindi ako yun. Yun ang 'Maicah' na gusto nila Mommy at Daddy na maging ako. Daddy is so distant from me kahit nung bata pa ako pero mas lumayo siya ng mangyari ang iskandalong iyon. Kaya sising -sisi ako. Mula noon pinangako kong gagawin ko ang lahat para hindi na ulit madisappoint ang Mommy at Daddy ko.

Itinago at ibinaon ko na sa kaibuturan ng pagkatao ko ang side ko na wild, easy-go-lucky, and adventurous.

*****End Of Flashback*****

Pero ngayong gabi, ipapakilala ko ang side na yun sa kanya...

"ADRIAN!" Sambit ko nang mamataan ng aking mga mata ang kanina pa nito hinahanap sa loob ng bar...

Nasa bar section si Adrian at tahimik lamang na umiinom. Pabilog ang bar section dito na hinahati lamang ng mga botelya ng alak na nakadisplay sa gitna. Mala-yin and yang ang style ng bar section, the other half was all colored black even the bartender's uniform while the other half is white.

Adrian is sitting on the black side of the bar section so I decided to take the white side.

"Five glasses of Tequilla please..." Nginitian ko ang bartender at umupo sa isa sa mga stool.

Mula sa pwesto ko ay natatanaw ko ang gwapo kong asawa. He is wearing his usual polo and slacks and yet he still looks so HOT. Nang ilapag ng bartender sa harap ko ang order ko ay sunod-sunod ko itong sinaid.

Oo! Tama kayo. Nagpapakalasing ako. Kailangan ko yun para lumakas ang loob ko. Ilan pang shots ng matatapang na inumin ang inorder ko bago ako nagdesisyong lapitan si Adrian.

Ngunit bago pa ako makalapit ay isang blonde na babae ang nauna ng nakalapit sa kanya. Sandali ko silang pinanood. May ibinubulong ang babae kay Adrian at nakita ko namang pinagapang nito ang kamay niya sa hita ng asawa ko. TSS! Ang landi ng babaeng to ah!

Hindi na ko nagpatumpik tumpik pa at lumapit ako sa kanila.

Mula sa likod ni Adrian ay hinawakan ko siya sa balikat at hinarap sa akin. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat ngunit bago pa siya makapagbitaw ng salita ay nailapat ko na ang mga labi ko sakanya.

Hindi siya gumalaw ng ilang sandali dulot ng pagkagulat ngunit ginamit ko ang mga sandaling iyon upang paglalimin pa ang halik.

Oh God! Namiss ko ang lalaking ito! Ang mga halik niya, ang presensya niya, at lahat-lahat! Nang makabawi sa pagkagulat ay ako naman ang nasorpresa ng tugunin niya ang mga halik ko. Nakalalasing ang halik niya... tulad kung paano ko ito naaalala.

Pareho kameng naghahabol ng hininga ng humiwalay ang aming mga labi.

"Oooookaaay. WHAT THE FUCK WAS THAT!?!" Mataray na sabi ng blonde na babae. HAH! andito pa rin pala to sa tabi namin! Akala ko nagwalk out na sa inis!

"I- ..." Hindi malaman ni Adrian ang isasagot.

"Uhm. I'm sorry? I'm his wife." Taas noo kong sagot.

Nahugot ng babae ang hininga niya sa narinig niya at dali daling umalis sa harapan namin.

I giggled.  Nang ibaling ko ang tingin ko kay Adrian ay nakatitig lamang siya saakin na para bang tinubuan ako ng pangalawang ulo.

"So how was that?" Pabiro kong tanong at umupo sa tabi niya.

"I... uhm... I..."  Nauutal siya.

Lalo akong natawa. "I was just kidding, no need to answer that..." I winked. Wooo! Para na kong lutang. Ang gaan ng pakiramdam ko! Epekto na siguro to ng alak.

He sighed. "What are you doing here, Kristine?" Usisa niya.

I smiled seductively and leaned closer to him...

"Same as your reason why you're here Mr. Lopez..." Bulong ko sa tenga niya tapos ay inilayo ko ng konti ang mukha ko upang matitigan siya sa mata. " To have FUN..."

Nakita ko naman siyang napalunok sa ginawa ko. SHOCKS! Pati pag galaw ng adam's apple niya ang HOT pa rin!

Bakit ang gwapo ng asawa ko?!

I’ve got to get this MAN back to me!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status