Share

The Kiss

Sa wakas! Natapos din ang dancing lesson namin ni Misty! Tinuruan niya akong mag lap dance, strip dancing, at nagbigay pa ng tips for seducing. Mabilis akong natuto dahil sumasayaw naman talaga ko kaya hindi matigas ang katawan ko- Ballroom dance nga lang. Kaso nahihiya pa rin ako magperform ng ganung sayaw! Hayy. Salamat na lang talaga at tapos na.

"Hi Sweetheart! Hi Sexy Misty!" Bati ni Vince habang naglalakad papunta sa table namin Misty. Kanina ko lang nalaman na Club pa tong lugar na to at si Misty ang may ari. Hindi ko yun namalayan kanina pagdating namin dahil pagpasok namin sa hallway ng lugar ay dumiretso kame sa hagdanan paakyat sa office ni Misty sa 2nd floor. Pagpasok kase sa hallway ay may dalawang pintuan na napapagitnaan ng hagdanan. Ang pinto pala sa kanan ay papasok ng Club. Ang nasa kaliwa ay private rooms daw ng mga natutupok ng apoy.

Naughty ko no? si Misty kase eh lakas maka impluwensya.

"Hello handsome" Bati pabalik ni Misty at s******p sa lemonade na iniinom namin.

"You’re late. 7 PM na." Walang emosyon kong sabi. Galit pa rin kaya ako sa kanya! Aba! Bigla na lang niya ako ipinasok dito at pinaturuan ng sayaw na napilitan naman akong aralin dahil kung hindi, hindi daw titigil sa Misty sa paulit ulit na pagsayaw at paghaplos sa katawan ko at katawan niya hanggang sa makuha ko! Kinikilabutan pa naman ako kase the fact na babae kame pareho. Dont get me wrong, okay? I’m not against lesbians, it’s just that I am not one of them kase kaya it doesn't feel right talaga! So ayun! Para matapos na lang agad, I did everything she wants.

"Aw. Sorry sweetheart. Bakit? Miss mo na ko agad?" umupo siya sa gitna namin ni Misty sabay akbay saamin.

Tss. Tsansing to eh!

"Of course not!" mataray kong sagot at tinabig ang kamay niya sa balikat ko.

Tumawa lang siya.

"So, magaling na ba tong estudyante mo?" Baling niya kay Misty.

"Ooohhh! She's perfect! In fact, she can give you a boner with a single touch! I almost wanna make out with her" Pagmamalaki ni Misty na may kasamang pagkagat sa labi.

Namula ang buong mukha ko. Kung mag usap sila parang wala ako dito!

"Really?" Ibinalik ni Vince ang tingin sa akin nang may nakakalokong ngiti sa mga labi.

"Noooo." Tanggi ko habang umiiwas nang tingin.

"Theeeeeen, maybe you have to take another session with Misty tom-" Sagot ni Vince na pinutol ko agad.

"No! Im already good enough! I don't need her!" Bigla kong saad. Tapos ay natigilan. Baka maoffend ko si Misty! Shit! Me and my stupid mouth!!!

Tumawa silang dalawa.

"Hindi pa rin pala nagbabago ang style mo sa pagtuturo Misty!" sabi ni Vince kay Misty.

"Yeah, Effective eh!" at ngumisi ang huli.

So sinadya ni Misty yun?! Yung mailang ako sa ginagawa namin para tandaan kong maigi kase alam niyang ayaw ko ng ulitin?! Nilaswaan niya talaga?!

"So, you did it on purpose?" Matigas kong tanong.

Tumigil sila sa pagtawa at lumingon sa akin.

"Yeah, but don't worry girl. Im more than willing to do it again. To touch you and to be touched." malanding saad ni Misty.

"No. no. no. I... I’m good." Pinamulahan ako ng mukha sa choice of words niya.

At tumawa ulit sila.

Hingang malalim.

Kinakabahan ako. Saka naiilang narin. Kase naman pag-uwi namin kahapon sa bahay matapos ang dancing lesson ko with Misty natuklasan kong pinalitan lahat ni Vince ang mga damit sa wardrobe ni Kristine! Kung dati ay may mga turtle neck blouse pa siya at medyo konserbatibong damit, Ngayon wala na! Lahat sexy at daring tulad ng suot ko ngayon.

Isang Black dress na malalim ang neckline which exposed the cleavage of my healthy mountains at haba na hanggang midthigh. Fit sa bewang na may lining na puti. Totoo namang napaka sexy ko suot ang mga dress na binili niya dahil ineemphasize nito ang mga curves ng katawan ko. However, I just felt that “this” wasn’t me. Pero kailangan ko makuha yung nawala sakin, so I guess I’ll have to stick to the plan.

Nakatayo ako ngayon sa tapat ng office ni Adrian hawak ang isang lemonade juice para sa kanya. This is it! Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko bago binuksan ang pinto at sexy lumakad papasok.

"Hi handsome!" Bati ko at ngumiti ng matamis kasama ang mapang-akit na tingin.

"Kristine! Wow, you look... g-great!" Nautal niyang sabi. Nakaupo siya sa likod ng desk niya tulad ng pwesto niyang madalas kong naaabutan sa tuwing bibisitahin ko siya.

Napakasipag talaga ng asawa ko.

"Great lang?" Nagpout ako na parang bata. "I brought you some lemonade pa naman tapos great lang" inilapag ko ang baso sa table niya at sadyang tinabig upang matapon sa desk niya. Well... pati sa kanya.

And now our plan begins...

"Oh! Shit!" Napatayo siya sa gulat ng tumapon ang juice sa desk niya pati na rin sa bandang harapan ng pantalon niya.

"OMG! I'm sorry Adrian! I'm so sorry!" Bulalas ko. Agad akong kumuha ng tissue sa pinakamalapit na tissue dispenser dito sa opisina niya.

"Here let me help you! "Taranta ko naman siyang pinunasan.

"No... Uhm... It's okay. I can do it." Sagot naman niya at muling umupo sa swivel chair niya. Lumapit ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pagtulong na punasan siya.

"I insist. I am really sorry..." Ani ko habang pinupunasan ang harapan ng pantalon niya. Bigla nalang akong may naramdamang matigas sa parteng pinupunasan ko. Wait! Don't tell me...

Nuon ko lang napansin na hindi na siya kumikilos kaya nag angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin.

Biglang nag-init sa loob ng opisina niya. Bahagya siyang sumulyap sa dibdib ko na alam ko namang natatanaw niya mula sa maganda niyang pwesto.

Nakaupo siya sa swivel chair habang ako ay nakayuko/nakatuwad paharap sa kanya. Ang kaliwa kong kamay ay nasa arm chair ng upuan niya habang ang kanan ay nasa harapang ng pantalon niya.

Nakikita ko sa mga mata niya ang pagnanasa. At damang dama ko naman ang pag-init ng hangin na pumapalibot sa amin. Unti-unti kong inilapit ang mga labi ko sa kanya.

Isang halik lang.

Kahit isang halik lang. Miss na miss ko na talaga ang lalaking ito. Sino ba namang mag aakala na darating ang panahong ito na kung saan kailangan ko pang akitin ang sarili kong asawa upang malimusan ng atensyon at pag-ibig niya.

Gahibla na lamang ang pagitan ng aming mga labi nang...

"Uhm- What's happening here?"

Mabilis kong inalis ang kamay ko sa armchair at pantalon niya at tumuwid ng tayo. Nataranta din si Adrian at agad tumayo.

Adrian’s POV

"Hon!!" Gulat kong sambit.

Shit! Muntikan ko ng halikan si Kristine! At muntikan na din iyon makita ni Maicah! Ewan ko ba kung anong nangyayari sa akin these past few weeks. I have this urge to touch her, to feel her, and to be always around her. It's weird kase the last time we met hindi naman ganito yung nararamdamn ko towards her. Actually, sigurado akong wala na akong nararamdaman nun.

"Aksidente ko siyang natapunan ng juice." Walang emosyong sabi ni Kristine sa asawa ko.

"Ohh... I thought ikaw ang bagong major stock holder ng kumpanya..." Sagot naman ni Maicah at lumakad papalapit sa akin. " Pero bakit parang Secretary ang kilos mo? Hindi ba't secretary niya dapat ang nagdadala ng juice sa asawa ko?"  dugtong pa ni Maicah.

Medyo intense ata ang eksena dito ah. Tsaka nakakapanibago kase Maicah is a very sweet person, and never siyang nang away at laging kontrolado ang emosyon at kilos niya pero this past two months, she seems so different. Kaya nga inakala ko na buntis na siya dahil sa pagbabago ng ugali niya pero mali pala ako.

Sasagot sana si Kristine ng maputol ito ng ilang katok mula sa pinto bago lumitaw doon si Judy.

"Sir, the board meeting is about to start in 2 minutes..." paalala nito.

Napabuntong hininga ako.

"Okay. Thanks Judy." Sagot ko at binalingan si Maicah. "I have to go hon... "

"Sure, I'll just wait here..." Sagot niya at ngumiti bago ako hinalikan ng mabilis sa labi.

Ngumiti lamang ako.

"C'mon Kristine! " Yaya ko kay Kristine.

"Susunod na lang ako. May kukunin lang akong mga files sa office ko." Sagot niya.

Tumango ako bago nagpatiunang lumakad palabas ng office.

Maicah’sPOV

Oha? Ako kaya ang tunay na Maicah! At POV ko lahat ng nauna! Hahaha. Syempre nililito lang kayo ni Ms. Author.

Sayang yung kiss.

Ang galing kaseng tu-mayming netong pekeng babaeng to eh.

Going back...

Susunod na sana ako kay Adrian palabas ng office ng magsalita muli si "MAICAH”..

"Are you trying to seduce my husband Kristine?" Sabi nito.

Napahinto ako sa paglabas ng pinto at muling humarap sa kanya.

"Let me correct your question before answering it. First of all, Adrian is MY husband not yours. Second, I am not KRISTINE. And for the answer, Yes, I am." Taas noo kong sagot.

Tumawa siya ng mapakla.

"Too bad... Kase kahit anong gawin mo ako, si MAICAH- ang mahal niya. Hindi niya ako pagtataksilan..." She smirked.

"YOU'RE PATHETIC!" Matigas kong saad. Naiiling na lang akong isipin na nakakayanan ng babaeng to mang angkin ng katauhan ng iba.

Tinalikuran ko na siya bago pa ako madamay sa pagka sira ng ulo niya.

Kaylangan ko na talaga madaliin ang pagbawi sa asawa ko...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status