Share

The Mafia Boss Wrath 5

“ NAKAKAINIS! Sir Vernon is a cold man, wala siyang pakiramdam. Napakasungit pa,’’ ngitngit ni Avyanna ng makauwi siya galing sa office na pinagtatrabahuhan niya. Pasado alas otso na siya ng makauwi siya, bukod doon ay ang daming ipinagawa sa kaniya, ng binatang CEO. Kanina nga lang ay pinagbuhat siya ng sobrang daming files upang dalhin sa kabilang department. Punishment daw iyon sa kaniya dahil sa pagiging madaldal niya. Kaya ganoon na lamang ang pagkainis ni Avyanna sa boss niya. Gayunpaman ay ayaw niyang na fired bilang secretary, gusto niyang patunayan na kaya niyang tiisin ang ugali ng CEO.

Naupo si Avyanna sa gilid ng kama niya, hawak-hawak niya ng kaniyang cellphone. HINIHINTAY niya kasing tawagan siya ni Harold Chan, kanina kasi ay hindi sila nakapag usap ng maayos.

Isa sa problema niya ay ang bagong rules ng boss niya, kilangan niya kasing pumunta sa condo nito dahil kailangan niyang asikasuhin ang binatang CEO sa pagpili ng susuutin sa pagpasok sa opisina. Isa daw iyon sa rules ng binata dahil isa siyang secretary ay kailangan niya iyong sundin. Ayaw ni Avyanna sa rules ng boss niya, hindi kasi siya mapalagay sa ganoong set-up.

Napangiti siya ng biglang mag vibrate ang cellphon niya, pero napawi rin iyon ng mabasa ang pangalan ng boss niya sa screen ng cellphone niya.

HIndi niya sinagot ang tawag ng binata dahil ayaw niyang marinig ang sasabihin nito sa kaniya. Iniisip miya kasi na uutusan na naman siya ng binata kaya ayaw niyang sagutin ang tawag.

“ Bahala ka dyan Sir Vernon,” bulong ni Avyanna. Inilapag niya ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng kama at siya’y’ tumayo.

Nagtungo siya sa banyo upang maglinis ng katawan, ang plano niya kasi ay matulog na lamang ng mas maaga upang may lakas bukas sa pakikipag argumento sa boss niya.

____

SAMANTALANG nakailang ulit ng napapamura si Vernon dahil sa hindi pagsagot ni Avyanna sa tawag niya. Alam ng binata na inis na sa kaniya ang dalaga dahil sa punishment na pinagawa niya. Pero kulang pa nga iyon, nagsisimula pa lamang ang laro. Nagsisimula pa lamang siya sa paghihiganti, kaya pahihirapan niya ang dalaga hanggang sa gusto niya.

Hinarap niya ang kaibigan ng magsalita ito mula sa likuran niya. Nagbago ang postora niya at seryoso niyang tinignan si Kyle ang kanang kamay niya. “ What are doing here, Kyle? inilapag niya ang cellphone sa mamahaling sofa sa bahay niya. Tumayo si Vernon upang kunin ang isang folder na naglalaman ng mga mamahaling impormasyon. Tuwing gabi ay nagtatrabaho pa rin siya, hindi bilang isang CEO, kundi bilang isang mafia boss.

Iniabot niya ang folder kay Kyle ng hindi nagsasalita. Nababadtrip siya dahil sa secretary niya.

“Wala ka bang pagkain d’yan, bro? Kanina pa kasi kumakalam ang sikmura ko,” saad ng kaibigan sa kaniya. Umismid naman siya dahil sa pagiging masiba ng kaibigan. May pera naman kasi ito at kayang kaya na makabili ng pagkain.

“ Did you see food in front of me?” Vernon asked sarcastically. Kyle act like a kid, dahil sa tanong sa kaniya nito.

“Wala nga akong nakikitang pagkain sa harap ko, bro. Pero may kusina ka naman at siguradong may mga pagkain doon,” nakangising saad nito sa kaniya. Vernon ignore it.

“I don't have stock food in my refrigerator,” Vernon said.

Parang bata naman na napabusangot ang kaibigan dahil sa sinabi niya. “ Ibang klase ka, Vernon Huxley. Masyado ka naman matipid, samantalang ang yaman- yaman mo,” sarkastikong saad ni Kyle sa kaniya.

Vernon look at Kyle in a serious face. “Can you read the files now? I have a lot of works, huwag ka ng dumagdag pa.” Iritang Ani ni Vernon sa kaibigan, Kyle laughing. “ Okay dude, huwag masyadong highblood. Bahala ka, hindi ka na magkaka-jowa niyan dahil sa pagiging seryoso mo,” biro sa kaniya nito. Hindi naman niya iyon pinansin at kaniyang dinampot ang baril sa gilid niya at kaniyang itinapat sa ulo ng kaibigan.

Lalong natawa ang kaharap dahil sa inasta niya. “Oh, easy lang, masyado ka namang highblood.” Kyle sat down on the single sofa, and he open the folder. He reads the files seriously. Inilapag muli ni Vernon ang kaniyang hawak-hawak na baril ng magseryoso na ang kaibigan.

“Smuggling?” sambit ng kaibigan. Tumango siya at pagkakuwan ay sumandal siya sa headboard ng sofa. “ I need to kill him, right?”

“ Yes, you can play with him,” ngumisi si Vernon matapos niyang sabihin iyon. Ang tinutukoy niyang may pasimuno ng smuggling sa bansa ay ang isang Mayor. Isang mayor na kinikilala ng lahat, dahil sa pagiging matulungin nito sa kaniyang kinasasakupan. Ngunit sa kabila ng magandang ipinapakita nito sa kaniyang nasasakupan ay kabaliktaran ng totoong ugali nito.

“Nakakatamad makipaglaro, V. Kung gusto mo samahan mo akong makipaglaro kay Mayor,” hirit ng kaibigan sa kaniya. Tinaliman naman niya ito ng tingin dahilan upang manahimik ito.

“Who's your boss? Me, right?”sarkastikong saad ni Vernon. Wala talagang pinipiling oras ang kaibigan niya pagdating sa biruan. Kahit sa seryosong usapan ay nagagawa nitong magbiro, kahit na tutukan pa ito ng baril sa ulo. “Do you want to die, K?

Umakto ang kaniyang kaibigan na tila aatras sa isang labanan, bumuntong hininga naman siya dahil sa ka abnormalan nito.

“Be serious, K. You are not a child… anymore. You act like a baby, ” bored niyang sabi sa kaibigan. Hindi naman maipinta ang itsura nito dahil sa sinabi niya. Palihim siyang natawa dahil sa naging reaksyon ng kaniyang kaibigan. “ What’s that face?!

“Ganiyan ka nasa akin babe…” emosyonal na sambit ng kaibigan sa kaniya. Siya naman ngayon ang hindi ma ipinta ang mukha. Kung kanina ay ang kaibigan niya ang hindi na maipinta ang mukha, ngayon naman ay siya na. “ Hindi mo na ako mahal? You bullying me.”

Napatayo si Vernon dahil sa pinagsasabi ng kaibigan. “ What the? Are you out of your mind, Kyle?! Can you stop calling me “BABE”,” iritang sabi niya. “ Im not your lover or what,” inis na sabi niya. Akma niyang tatalikuran ang kaibigan ng maalala niya na may ipinapagawa siya dito. “ Gawin mo ng maayos ang ipinapagawa ko sa ‘yo, huwag kang magpapakita sa akin kapag pumalya ka,” huminto siya sa pagsasalita. Maya- maya ay bigla siyang ngumiti, “ If you are failed… you need to back your resto to me.”

Matapos niyang sabihin iyon ay iniwan na niya ang kaibigan ng hindi nagpapa-alam. Vernon go to his room, and he plan to take a both. Ng marinig niya ang malakas ng pagkatok ng kaibigan sa labas ng pinto. Imbis na pagbuksan niya ito ay pinili na lamang niyang pumasok sa banyo upang maligo.

KINAUMAGAHAN maagang nagtungo si Avy {AVYANNA} sa condo ni Vernon. Hindi naman sya nahirapang mahanap ang condo ng binata dahil eksaktong address ang binigay nito sa kaniya. Ng nasa pintuan na siya ng condo ng binata, ay sakto namang pagbukas ng pintuan. Napa-atras ang dalaga dahil sa pagkabigla.

“Oh, you are here.”

“Ah, o-o,” utal na sabi ng dalaga sa kaniya. Paano ba naman ay naka half naked lamang ang boss niya, habang dumadausdos pa ang butil-butil na tubig sa katawan nito. Bagong ligo ang boss niya, hindi maiwasang mainis ni Avy. Sapagkat lumalabas ng naka half naked ang binata ng hindi man lang inisip ang magiging reaksyon ng taong makakakita sa kaniya.

Sinulyapan ng binata ang dalaga ng mapansin niya na hindi ito nakatingin ng maayos sa kaniya. Maya-maya ay napangisi siya, napansin naman ng dalaga ito.

“You like my abs?” napamaang ito matapos sabihin ng binata iyon. “Puwede mong hawakan pero may bayad,” dugtong pa ng binata. Naiwang nakatulala ang dalaga sa labas ng condo ng binatang CEO. Hindi maproseso sa kaniyang isipan ang sinabi ng binata sa kaniyà.

“Ano ako manyakis?”

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Gem Alexia Doria
next New reader here
goodnovel comment avatar
Ms.Ivymadrama
excitred na ko sa next na mangyayari.. he..he abs talaga ang ginawang may bayad..!.........️ I like it very much.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status