Share

Kabanata 2

Inilibot ni Giovanni ang paningin sa paligid pagkababa niya ng kotse.

"I'll take it from here, Mr. De Luca," baling niya kay Mr. De Luca.

"Ah..." Mr. De Luca chuckled nervously, as if he's about to said something that might disappoint or change the mood of Giovanni.

"Don't worry, Mr. De Luca, nakadeposito na ang pera sa account mo. Pinasobrahan ko na rin," nakangiti niyang nilingon si Mr. De Luca.

"Oh, oh, yes, of course," Mr. De Luca laughs. "Thank you! Thank you!"

"Luigi, gusto kong malibot ang buong mansiyon. I want to familiarize every corner of this house," pagkuwa'y baling naman niya kay Luigi.

"Hindi ko man lang pala nakuha ang buong pangalan mo, Mr. Conti. How rude of me," nakatawa pa ring saad ni Mr. De Luca.

"I prefer people calling me mister. But since you asked for it," muli, nilingon ni Giovanni si Mr. De Luca, "Let me introduce myself properly, I'm Romeo Conti, the Rosso's masked mafia boss," nakangiti niyang pagpapakilala.

"Oh..." tanging nasambit na lamang ni Mr. De Luca.

Nang makaalis na si Mr. De Luca ay tila nakahinga na rin nang maluwag si Giovanni.

"He's hard to be with," Giovanni sighed.

Napangiti na lang naman si Luigi at ang ibang nakarinig.

"By the way, Luigi, may mga CCTV camera na bang nakasabit sa bawat sulok ng mansiyon na ito?" Tanong ni Giovanni na nagsimula ng maglakad papasok sa loob.

"Isara na ninyo ang gate at hindi lang iisa ang magbabantay!" malakas na sigaw ni Luigi sa mga tauhan nila bago sagutin ang tanong ni Giovanni.

May mga kasama na sina Giovanni at Luigi na nagpunta roon sa Italy at lahat ay miyembro ng Rosso habang ang iba naman ay sadya ng naghihintay sa mansiyon na iyon. Kung titingnang mabuti ay napakarami ng tao ni Giovanni, magmula sa security hanggang sa mga taong pinagkakatiwalaan niya pa kabilang nga si Luigi.

"Lahat ng ipinag-utos mo, boss, ay nagawa lahat," sagot ni Luigi habang naglalakad na sila ni Giovanni sa loob ng mansiyon.

Tumango-tango si Giovanni at tinanggal na rin nito ang maskarang suot. Makikita ang kasiyahan sa mukha niya habang naglilibot. Dinampot niya pa ang pigurine ng isang anghel na nakadisplay doon at bahagyang ngumiti.

"Anong sunod na plano, boss?" pagtanong ni Luigi.

"Any news about their casino?" balik-tanong naman ni Giovanni na nakatitig pa rin sa pigurin ng anghel.

Mahinang umiling si Luigi.

"They're good at hiding about their evilness, then," tila dismayadong sagot ni Giovanni bago maingat na iniayos ang pigurin sa kinapapatungan nito.

"Sino pala ang papalit sa pwesto ni Paolo, boss?"

"I don't know anyone who's a lawyer that we can trust," he sighed. "Because honestly, I didn't expect what happened with Paolo."

"Well, I have someone in mind... Kung papayag ka, boss," may pag-aalangang suhestiyon ni Luigi.

Tinapunan niya ng tingin si Luigi. "Arturo Vitale?" iyon ang nasa isip niyang natitiyak niyang nasa isipan din ni Luigi.

"Yes, boss. Alam kong hindi natin siya mapagkakatiwalaan talaga, pero alam naman natin kung ano ang ginawa sa kaniya ng mga Bal—,"

"You don't have to remind me that," pagputol niya kay Luigi. Hearing those things again, makes him sick.

"Siguro ay mas okay kung susubukan natin si Arturo, boss... I mean, he's a worthless lawyer as of now. Iyon ay dahil kina Don Rocco. Kaya nasisigurado kong sasang-ayon siya sa atin," pangungumbinsi ni Luigi.

"At anong alam mo tungkol kay Don Rocco?" matiim ang titig na ibinigay niya kay Luigi.

Bumuntonghininga si Luigi. "Bata pa ako ay naririnig ko na ang pangalang Don Rocco, boss. At hindi naman lingid sa inyo na marami na ring nasabi sa akin ang nasirang Don Lorenzo. At hindi rin lingid sa inyo na may mga nasaksihan na rin ako. At marami na rin kayong nasabi sa akin," mahaba nitong paliwanag kay Giovanni.

"Arrange me a meeting with Arturo Vitale. Pagkatapos ay isusunod na natin ang unang hakbang para mapasok ang King of Knives," pagtatapos na ni Giovanni sa usapan nila ni Luigi.

************

Palinga-linga ang isang lalaki na kabababa lamang sa isang puting taxi. Nasa mid 50's ang edad nito at mayroon itong bigote at balbas. May kalakihan din ang tiyan nito at nakasuot lang ito ng simpleng pulang t-shirt at asul na pantalon. Naka-tsinelas lamang ito at mahahalatang may hinahanap ito sa paligid.

"Arturo Vitale?"

Napalingon ang lalaki na tinawag ngang Arturo.

"Sino ka?" kagyat na tanong ni Arturo.

"Ako ang tumawag sa 'yo. Sumunod ka sa akin," nakangiting sagot ng lalaki kay Arturo na walang iba kundi si Luigi.

"I'm not following you, young man. Not unless you tell me what do you want from me," matigas na saad ni Arturo.

Natatawa namang nilingon muli ni Luigi si Arturo.

"Come on, Atty. Arturo Vitale... Sisirain ko ang excitement kapag sinabi ko kaagad sa iyo. Isa pa ay hindi ako ang makakausap mo. At saka, sa kalagayan mo ngayon, I don't think you're in the right place to demand anything," ngisi ni Luigi.

"Who the hell are you?" naningkit nang bahagya ang mga mata ni Arturo na may halong pagtataka. Sa paraan kasi ng pananalita ni Luigi ay parang kilala na siya nito matagal na.

"Kung ayos lang sa 'yong umuwing maraming katanungan, puwede kang hindi na lang sumunod sa akin. Pero kung gusto mong masagot lahat ng tanong na tumatakbo riyan sa isipan mo, susunod ka na sa akin," ipinamulsa pa ni Luigi ang dalawang kamay bago niya talikuran si Arturo at magsimula ng maglakad.

Kahit may pag-aalinlangan, nanaig kay Arturo ang kagustuhang masagot ang pagtataka. Mabilis niya na lamang na sinundan si Luigi. Tiningala niya pa ang hotel na papasukan nilang dalawa. Naalala niya pa nang makausap niya nga si Luigi kaninang pagkagising niya sa cellphone.

"Hello, Arturo Vitale? You need to see me."

Iyon ang mga eksaktong salita na narinig ni Arturo nang sagutin niya ang kaniyang cellphone. Ni hindi man lang siya nakapagsalita at namatay na kaagad ang tawag. Kasunod niyon ay nakatanggap siya ng mensahe na nagsasabi kung saan siya pupunta. Dahil na rin nga sa curiosity, napagpasyahan niyang pumunta at mas lalo lang siyang nabaon sa pagtataka nang marinig na nga ang mga sinabi ni Luigi.

"Don't worry, Attorney, wala kaming masamang balak sa 'yo," biglang sabi ni Luigi nang nasa loob na sila ng elevator.

"Matagal ko ng hindi naririnig ang ganiyang tawag sa akin..." mahinang sagot ni Arturo na may bakas ng galit.

"Yes, we know. Because of Don Rocco," mabilis namang sagot ni Luigi.

Kunot-noong napatitig si Arturo kay Luigi.

"You will have your answers," pagngiti lang ni Luigi.

Pinili na lamang ni Arturo ang hindi umimik nang bumukas na ang elevator. Tahimik na lamang itong sumunod kay Luigi.

Kaagad na binuksan ni Luigi ang pinto ng kuwartong sadya nila roon. Isang nakatalikod at nakaupong lalaki at may red coat na suot ang bumungad sa kanila.

"Boss, he's here," sambit ni Luigi at pinapasok na nga si Arturo kasunod siya.

Nang maisara na ang pinto ay saka pa lamang tumayo ang lalaking tanging tinatawag ni Luigi ng boss, si Giovanni.

Napakunot noo naman si Arturo nang makitang nakamaskarang pula si Giovanni.

"Hello, my friend, Arturo," pagbati ni Giovanni.

"I'm not your friend unless you tell me who are you," may katapangan namang sagot ni Arturo.

"Hmmm... Saan ka nga ba dinala ng katapangan mong iyan, Atty. Arturo Vitale?" may sarcasm na tanong ni Giovanni.

"Tama na ang lahat ng introduction na ginagawa ninyo, sabihin niyo na ngayon kung anong kailangan niyo sa akin," matapang muling sabi ni Arturo.

"Be my Consigliere," mabilis ng sagot ni Giovanni.

Ilang sandali pa ay naipaliwanag na kay Arturo ang tungkol sa Rosso at sa kung bakit nanaisin ni Arturo na maging parte ng Rosso. Si Arturo ay biktima rin ni Don Rocco wala rin itong hindi gagawin makaganti lamang sa don...

**********

"This will be your room, Consigliere," wika ni Giovanni.

Nasa mansiyon na sila noon at opisyal na nga nilang kasama si Arturo sa Rosso. At dahil wala naman ngang maayos na tirahan si Arturo ay doon na ito titira at iyon din naman ang gusto ni Giovanni.

"Boss, sigurado ka bang ngayon mo na gustong marinig ang mga impormasyong alam niya? Masyado nang malalim ang gabi. Mula nang dumating tayo ay hindi ka pa nagpapahinga," mayamaya ay saad naman ni Luigi.

"Ikaw naman, Luigi, masyado mo akong inaalala. Ang bata-bata mo pa para ma-stress sa akin, ha," tumawa nang bahagya si Giovanni.

"Kaunti lamang naman ang alam ko tungkol sa ampon ni Don Rocco, kaya mabilis lang ang ito," bigla namang singit ni Arturo.

Sa nagsisilbing opisina ni Giovanni sa mansiyon na iyon sila nag-usap usap. Binuksan ni Arturo ang laptop nito at may mga larawang ipinakita kina Giovanni.

"This is Lucca Baldini, adopted of Don Rocco. Alam naman na siguro ninyong hindi gusto ng mga Baldini ang pagkakaroon ng matinding pagmamahal sa mga babae o ang magkaroon ng pamilya. Pinaniniwalaan ni Don Rocco na kahinaan iyon," umpisa ni Arturo. "Siya ang kasalukuyang namumuno sa King of Knives at sa lahat ng business nila including the casino. Walang nakakaalam kung nasaan si Don Rocco maliban sa kaniya."

Tahimik lang naman na nakikinig sina Giovanni at Luigi. Alam na kasi nila ng tungkol sa hindi alam kung saan makikita si Don Rocco. Alam nilang may iba na ngang namumuno sa King of Knives at si Don Rocco nga ay tila alikabok na lamang na naglaho. Iyon ay dahil ineenjoy na ni Don Rocco ang buhay nito malayo sa gulo kaya kay Lucca na nito ipinagkatiwala ang lahat.

"Ito naman si Daria, ang babae ni Lucca," ilang larawan ng babaeng si Daria ang ipinakita ni Arturo mula sa laptop.

"Woman only, right?" tanong ni Giovanni.

"Dapat. Pero ayon sa nalaman ko, he's into her. Mukhang hindi niya naiwasan ang nagawang iwasan ni Don Rocco," sagot ni Arturo.

"What do you mean?" si Luigi naman ang nagtanong.

"Naniniwala ako na napamahal na si Lucca sa babaeng ito. Mukhang mas itinuturing niyang girlfriend ito kaysa sabihing babae niya lamang," paliwanag ni Arturo.

"Puwede siyang magamit laban kay Lucca," pagtango-tango ni Luigi.

"Exactly. Maaari ring alam niya kung nasaan si Don Rocco," nakangiting sagot ni Arturo.

"My Delilah..." mahina namang anas ni Giovanni.

"So, what's the plan?" pagkuwa'y tanong ni Arturo.

"Luigi will tell you what to do tomorrow," sagot ni Giovanni.

"Can you tell me why you can't remove your mask?" bigla ay tanong ni Arturo kay Giovanni.

"Hmm..." Giovanni snapped his fingers. "Let's say, gusto ko munang matiyak kung mapagkakatiwalaan ka nga namin. That's why I can't reveal may face yet. Because my face has a big role to do tomorrow... And I can't risk it to someone I am not so sure kung kakampi ko ba talaga o hindi. Nag-take chance lang kami sa 'yo... And I hope, it will work between us," mahaba niyang sagot kay Arturo.

"Bakit niyo pa ako kinuha kung pagdududahan niyo rin naman pala ako?" Nananantiya ang mga matang tanong ni Arturo.

"Let's say, we really need someone who has an unsolved issue with Don Rocco. And it happens to be you," wika ni Giovanni.

Hindi na umimik si Arturo. Muli namang tinitigan ni Giovanni ang larawan ni Daria na nasa laptop. Hindi niya ipagkakaila na nakakabighani naman talaga ang ganda ng babae kaya hindi na siya magtataka kung napaibig dito ang Mafia boss ng King of Knives...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status