Share

Kabanata 21

Nakangiting sinalubong ni Giovanni si Lucca. Umaga noon at sinabihan siya ni David gabi pa lamang na darating na nga si Lucca at kailangan niya umanong maghanda dahil isasama siyang muli sa casino. Tingin niya ay iyon na ang simula ng sinasabi sa kaniyang sasanayin na siya sa casino.

"Welcome back, boss," ang salubong ni Giovanni.

Tinapik lang naman ni Lucca sa balikat si Giovanni bago ito nagtuloy sa silid nila ni Daria. Napasunod naman ng tingin si Giovanni at nakita niya ang paghalik at pagyakap ni Lucca sa babae nang bumukas ang pinto sa silid ng mga ito.

"Ayos ka na ba?"

Kaagad na napalingon si Giovanni sa pagpasok naman ni David sa mansiyon kasama si Carlo.

Tumango si Giovanni habang nakatitig kay Carlo. Bakas pa ang mantsa ng pagkakabugbog ni Lucca rito.

"Maghanda-handa ka na at mukhang malapit ka ng tuluyang pagkatiwalaan ni Lucca," wika ni David.

Napakunot-noo si Giovanni.

"Come on, don't tell me... Ang alam mo ay pinagkakatiwalaan ka na nga talaga ni kuya?" taas naman ang ki
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status