Matapos ang lahat, ang underground gang sa Ora ay isang grupo lamang ng mga mapagpanggap. Nakakuha sila ng kontrol sa mga tao sa paggamit nila ng baril, violence, at malaking benepisyo. Kahit maraming tao ang sumama sa kanila, sobrang layo nila sa mga Southern pagdating sa pagkakatiwalaan. Ang mga taong nagtatrabaho sa Southern ay malalakas, matatapang na lalaki. Mas mahalaga sa kanila ang hustisya, at kahit makaligtaan nila ang kahit isang rule, matatangal na sila agad. Ito lang ang nag-iisang rason kaya nagtatrabaho si Strix kasama ang mga Southern.…Isang merchant ship ang naglalakbay sa malawak na dagat.Nang pumasok ang lalaki sa cabin para sa dinner niya, nakaupo si Nollace sa dulo ng kama at pinapalitan ang mga bandage niya. Puno ang hangin ng amoy ng gamot at dugo.“Gising ka na, sir.” Nilagay ng lalaki ang dinner sa mesa sa gilid ng kama at magalang na umupo sa gilid. “Wala kang malay ng ilang araw dahil sa taas ng lagnat mo. Maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?”Hab
“Syempre, alam ko naman na hindi ka ganun.” Binaba ni Maisie ang tinidor niya at sinabi, “Titingnan ko muna si Daisie.”Nakaupo si Daisie sa kama at nakahawak siya sa kaniyang hita. Madilim ang kwarto dahil sinara niya ang mga kurtina at hindi niya binuksan ang ilaw. Nang pumasok si Maisie, naningkit ang mata ni Daisie dahil sa liwanag na pumasok sa kwarto. Lumapit si Maisie sa kaniya. Nang makita niya ang namamagang mata ni Daisie, tinanong niya, “Bakit ka nagtatago sa kwarto mo at umiiyak?”Pinunasan ni Daisie ang mata niya at umiling. “Hindi ako umiiyak.” Umupo si Maisie sa gilid ng kama at hinaplos ang pisngi ni Daisie, “Huwag ka na umiyak. Hindi pa patay si Nollace pero pinaglalamayan mo na siya ngayon.”May biglang lumabas sa mata ni Daisie at tinanong niya, “May pinagkaiba ba iyon?”“Syempre, meron. Nawawala lang naman siya. Hindi natin alam kung buhay ba siya o patay tapos nawawalan ka na ng pag-asa?”“Sinasabi ng mga tao na pag mataas daw ang paniniwala mo, mas malaki
Nagbabasa ng balita ang lalaki. Inangat niya ang kaniyang tasa nang lumapit sa tainga niya ang kaniyang servant. “Nakabalik na si Master Cameron, sir.”Nag-hum ang lalaki at mabagal na inubos ang tsaa niya. Inangat niya ang kaniyang mata para tingnan ang gwapong lalaki sa courtyard niya habang nakalagay ang kamay sa likod, na nakaangat ang kilay at sinabing, “Na-miss mo ako, pops?”Nilagay ng lalaki ang takip sa tasa niya at kumunot. “Wala ka ng manners ngayong nakita mo na ang mundo?”Napunta ang tingin niya kay Nollace na nakatayo sa likod niya at tumigil siya. Tumalikod siya sa mga papel at agad na tumayo habang sumisigaw, “Diyos ko! Isa lang ang pinapagawa ko sa'yo, pasaway. Sabi ko kumita ka ng pera, pero ang gulo lang ang kaya mong makuha, hindi ba? Lagi kang nag-uuwi nang kung sino-sino!”Naningkit ang mata ni Nollace pero wala siyang sinabi.Umikot siya sa likod ng lalaki at nagsimulang masahiin ang balikat niya. “Whoa! Kalma, Dad. Niligtas ko siya habang nasa dagat ako, o
Syempre, walang problema sa Skull Club na makatrabaho si Donald. Ang problema nila ay sa dad niya ilang taon na ang lumipas, hindi ang anak. At saka, mahilig magpaulan ng pera si Donald—mas pabor siya sa kapangyarihan kaysa sa kayamanan. Kung mauubos ang lamang ng wallet niya para madala ang mga kaibigan niya sa magandang lugar, gagawin niya yon nang hindi kumukurap.May katotohanan sa paraan niya. Kung naging matipid siya, hindi aangat nang ganito ang entertainment business niya. Sino ba naman ang Skull Club para tumanggi sa malaking alok ng pera?Sa tulong ng Skull Club at pagkakakilanlan niya bilang anak ni Matthews Sr. kaya siya naging malaya siya sa Eastern Island. Doon, sinabi niya kung sino siya—kaysa magtago—para masiguro ang kaligtasan. Basta nasa Isla siya, walang kapangyarihan ang pulis para hulihin siya.Walang interes na ngumiti si Nollace. “Hindi mo siya tinulungan?”Nilagay ni Sunny ang tasa sa mesa. “Tinulungan ko si Matthews Sr. dahil sakim lamang siya. Hindi siya
Tumabi ang mga lalaki, pinakita ang daan patungo sa barko. “Oras na para sumakay sa ride niyo, ma'am. Aalis na ang barko pagkatapos ng 15 minutes.”Mas excited pa si Sandy lalo na kunin ang alok. Dinala siya ng mga tauhan sa kaniyang kwarto bago agad na tinanong, “Pasensya na sa abala, pero kailangan niyong ibigay ang phone niyo sa amin, ma'am.”Nagtaka si Sandy. “Why?”“Nag-aalala si Mr. Matthews na baka may nag bug sa phone mo para malaman kung nasaan siya. Mas mabuti nang patayin mo ang phone mo at ibigay mo sa amin bago tayo makarating sa Eastern Island.”Nagdalawang isip ang babae pero naalala niya kung gaano kaingat si Donald at sumunod siya.Umalis ang liner sa pier. Mukhang malayo na ang dalampasigan habang nasa kwarto si Sandy. Hindi siya mapakali. Binuksan niya ang pinto at lumabas ng corridor bago pumunta sa deck.Dalawang lalaki ang magkausap habang naninigarilyo pero agad napagtanto ni Sandy na hindi sila ang kaninang escort niya. Hindi rin sila mukhang Orasian.Hin
Ang dagat lalo na ang 10-odd-mile na layo lang ang nakikita nila, wala itong katapusan. Kahit na ang swimmer ay mapapansin na nawawalan sila ng lakas habang naghahanap ng lupa o tulong, kasama ang init ng katawan nila na unti-unting kinukuha ng malamig na tubig. Lalo na pag walang sapat na paghahanda at kagamitan, sigurado na ang kamatayan.Hinawakan ng dalawang bodyguard si Sandy sa lahat ng makakaya nila pero mahirap ang pangyayari na yon. Nabasa ng pawis ang kamay ni Sandy habang dumudulas sa braso.Lumapit si Colton sa railing at sumigaw, “Nagpapakamatay ka ba!?”Walang emosyon na tumawa si Sandy. “Mas gusto ko pang mamatay kaysa makita ko kayong magyabang!”Nagulat si Colton. “Sandali—”Umalis ang babae sa pagkakahawak sa abot ng makakaya niya. Nawala siya sa balanse sa pwersa, at bumagsak siya, diretsong nahulog ng dagat sa baba.Nilamon siya ng tubig.May dumating na mga speedboat mula sa kalayuan. Dalawang helicopter ang umikot sa taas ng dagat, papalapit sa barko ni Col
“Sayang ang ilang araw na pag iyak ngayong alam na natin na buhay si Nollace, hindi ba?” sabi ni Waylon.Tumayo si Colton. “Kailangan ko na pumunta sa opisina.”Tinanong siya ng kapatid niya. “Kumusta si Freyja?”Natigil si Colton maglakad. Mahirap mabasa ang tono niya nang kaniyang tanungin, “Bakit mo tinatanong?”Tumawa si Waylon. “Akala ko ayos lang para sa kapatid na mag-alala tungkol sa kalagayan ng sister-in-law niya.”Sinabi sa kaniya ni Colton na ayos lang si Freyja bago sila sabay na umalis sa mansion.Sa kalayuan, sa tahimik na lawa, isang lumang gazebo ang makikita sa malinaw na tubig. Hawak ni Nicholas ang fishing rod sa kamay niya at coffee mug sa kabilang kamay. Sa malapit ay may nakahandang pagkain sa mesa. May nakabantay na mga bodyguard sa gazebo, sinisigurado na walang sisira sa kapayapaan nila.Nakapangalumbaba si Daisie. Tahimik siyang nakatayo sa pwesto niya nang halos kalahating oras na ngayon, pero hindi niya pa nakikita na may mangyari sa fishing rod. Hab
May biglang naalala si Daisie at ngumuso. “Kung ligtas siya, bakit hindi niya ako tinawagan o bumalik?”Hindi ba niya alam kung gaano siya nag-alala? Akala niya ay hindi niya makikita ulit si Nollace.Bumuntong hininga si Waylon. “Hindi ligtas na makasama ka habang buhay si Donald.“Daisie, nakatuon lagi ang atensyon ni Nollace sa mga detalye. Hindi niya ilalagay sa panganib ang buhay niya kung hindi siya sigurado. Gusto ka niyang makasama kaya kailangan niyang alisin ang lahat ng harang. Kailangan mo siyang pagkatiwalaan.”Yumuko si Daisie.Alam niya ang nasa isip ni Nollace. Po-protektahan siya lagi nito. Kahit ano pang gawin niya, kahit na may pagkukulang siya, hindi niya sasaktan si Daisie. Hindi niya kailangan maging perpektong lalaki basta si Nollace siya.Hinagis ni Nicholas ang pain sa tubig na nagsimulang bumaba at mabagal na sinabing. “Maswerte ang bata na iyon.”Tumawa si Waylon. “Oo nga. Paano ka makakatakas kung hinila ka sa ilalim ng tubig? Iniligtas pa siya ni Mr.