Thank you so much po😘 I really enjoyed reading your reviews. Appreciated ko po talaga!
WEDDING DAY "Ano?!" gulat niyang reaksiyon nang sinabi sa kaniya ni Lorenzo ang lahat. "Keep your voice down, Ms. Aguilar. I told you this one because my grandfather trusts you so much." Tila hindi niya makuha ang sinabi ng lalaki. Hindi siya makapaniwalang plano itong lahat ni Don Lorenzo! Naloko silang lahat ng Don! Siguro'y accomplice rin nila si Vester Huesca na siyang nagsabi ng mga kasinungalingan tungkol sa operasyon. "Hindi ba dapat ay sabihan natin si Donya Emilia? Ano? Hindi naman pala totoong malala ang kondisyon ng Don! Kailangan niya lang pala ng pahinga. Kaya bakit hindi pwedeng sabihin sa iba? Sabihan natin si Donya Emilia. Buong araw siyang umiyak para lang sa wala?" "Haven't you heard what I said, Ms. Aguilar? We need to catch the culprit who plotted the incident. He's still on the run. Lola shouldn't know about this. Lolo won't allow her to get involved. We should plan this thoroughly without creating much turmoil." "So, sinasabi mo sa'kin ngayon na ikakasal tay
KIDNAPPED “Don’t be nervous and act normal.” Lorenzo looked at the worried face of his bride. He was actually stunned seeing her walking down the aisle earlier. Hindi niya ito nakita sa loob ng isang linggo na paghahanda nila dahil naging abala siya sa kanilang plano at ganoon din sa problema sa kompanya. Ngayon na nakita niya ito, she looks blooming. Na-appreciate niya ang kagandahan nito. She can actually look innocent and beautiful in her wedding gown. "Nandito ba talaga sila?" He looked around and heard one of his trusted men communicating with him against his earpiece that they spotted a suspicious man. "It's okay. Calm down," he whispered in Maya's ears. He feels her tension. He's pretty sure that M
SAFE Matagal bago bumalik ang ulirat ni Rosell. Halos hindi niya maimulat ang mga mata sa sobrang sakit ng kaniyang ulo. Pinakaramdaman niya ang sarili at doon kinapa ang likod ng kaniyang ulo na sumasakit. Naramdaman niya na nabasa ang kaniyang kamay at nang tignan iyon pulang-pula ito sa kaniyang dugo. Dahan-dahan siyang napabangon at sandaling umikot ang kaniyang paningin. Hindi pa siya nakakabawi at napatingin siya sa malaking salamin sa kaniyang harapan. Ang sariwang dugo ay dumaloy pababa sa kaniyang mukha. Agad niya itong pinahid— inalala ang huling nangyari sa kaniya bago siya nawalan ng malay. Napahawak siya sa kaniyang ulo hanggang sa may napagtanto. Si Maya! Kailangan niyang tulungan si Maya! Kahit nahihirapan ay sinubukan niyang abutin ang pintuan at buksan ito. Ilang
WORRIED Inaamin niyang gumaan ang kaniyang pakiramdam nang dumating si Lorenzo. His embrace made her feel safe. Ngunit nandodoon pa rin ang kaniyang takot at pangamba. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang kaniyang pinagdaanan sa kamay ng mga lalaking iyon. Nang makita ang mga itong nakabulagta ngayon sa sahig at duguan ay hindi niya alam kung ano’ng iisipin. Dapat lang ba’ng mamatay ang mga ito? Nararapat ba ang parusang ginawa sa kanila? Tuwing sumasagi sa isipan niya ang ginawa ng mga ito sa kaniya, hindi niya mapigilang matakot. Paano kung hindi dumating si Lorenzo? Ano ang mangyayari sa kaniya? “Maya!” Napabitaw siya sa yakap ni Lorenzo nang marinig ang pamilyar na boses. Laking gulat niya nang makita si Kael na papalapit sa kanilang pwesto. Bakit nandito ang kaniyang kaibigan? Isn’t he working in their family’s legal firm? Ano’ng ginagawa niya rito? “Kael…” Hindi pa nakakalapit si Kael ay agad na hinarang ni Lorenzo ang katawan upang hindi niya makita ang kaibigan. Doon niy
PAGTATAMPO “Wala nga ‘to, Maya. Ako pa ba?” tinapik pa ni Rosell ang sariling ulo. “Nasaktan ka na naman dahil sa’kin. Pangalawang beses na ‘to,” malungkot niyang hayag habang nakatingin sa benda ng ulo ng kaibigan. “Ano’ng pangalawang beses? May nangyari din ba noon na hindi ko alam?” biglang sabat ni Kael. Halos mapatampal sa noo si Rosell dahil sa kaniyang kapabayaan. Siya nama’y hilaw na napangiti. Muntik na nilang makalimutan na kasama pala nila ngayon si Kael at hindi nito alam ang tungkol sa nangyari noon sa bar ni Simon. Ang pagkakadroga sa kaniya at ang muntik nang pananamantala sa kanila ng kaibigan. Nagsenyasan sila ni Rosell para gumawa ng irarason. Hindi nila pwedeng sabihin iyon kay Kael lalo na’t padalos-dalos ito sa mga ikinikilos. “Wala lang ‘yon. Natamaan lang ako ni Maya habang naggagapas ng mga damo sa hacienda,” pagsisinungaling ni Rosell na bumenta naman sa lalaki. “Nagtatrabaho pa rin kayo dun? You should have taken a break or find a more decent job. Your
TWO LINES Sa nanginginig na kamay ay itinaas niya ang pregnancy test na sikreto niyang pinabili kay Derlyn. Naalala pa niya ang bakas ng pagtataka sa mukha ng batang kasambahay. “Bakit pa po kayo magpapabili ng pregnancy test?” takha nitong tanong. “G-gusto ko lang makasiguro, Derlyn. Sige na, please. Pumuslit ka na lang kapag abala pa sila sa pamimili ng grocery o sa palengke. Maghanap ka ng pharmacy at bilhan mo ‘ko ng limang pregnancy test stick. Please. Huwag mong ipaalam sa iba. Mapagkakatiwalaan naman kita, ‘di ba?” “Sige po, Ate Maya. Makakaasa po kayo sa’kin.” Ngayon ay nasa harap niya ang panglimang stick. Panglimang subok niya sa pregnancy test. Nanlumo siyang napaupo sa inidoro at sunod-sunod na tumulo ang kaniyang luha. Ganoon pa rin ang resulta. Dalawang pulang linya. Napailing siya at hindi makapaniwala. Siguro’y sira lang ang limang pregnancy test stick na kaniyang pinabili. Sira lang ang mga ito. Mali lang ang resulta. Napahinga siya malalim bago nabitawan ang pr
ANGRY “You left our wedding ring?! Saan ka pumunta at kailangan mo pang iwan ang singsing mo? You even colluded to one of our maids just to get out. Don’t even deny it ‘cause I’ve checked the security cameras.” “Huwag mo ng idamay si Derlyn dito. Huwag mo siyang sisantehin dahil sumunod lang siya sa utos ko. Kung may pagagalitan ka man, ako lang ‘yon dahil plano ko ang lahat.” “Shut up, Ms. Aguilar. I never told you to speak up, unless I finish talking.” “Hindi mo naman kasi ako pinakikinggan! Bakit ba napakakitid ng utak mo?!” lakas-loob niyang sabi rito. Natigilan si Lorenzo sa kaniyang sinabi. Si Gilbert naman sa gilid ay pinigilan ang nagbabadyang nitong ngiti dahil sa pagdilim ng mukha ng lalaki. No one ever insulted Lorenzo especially on his rationality and thinking. On the contrary, he’s always praised for being a genius and critical-thinker. Ngayon lang siya sinabihang makitid ang utak. “What the? You really dared telling me that? Ikaw pa ngayon ang nagagalit na ako ang b
EMBARRASSED Several questions were asked to her by the police. Wala rin siyang pinalampas na impormasiyon ayon sa kaniyang naaalala. She mentioned about the boss named “King” and the plan of killing her after the supposed rape. Lorenzo just stood there on the side while she’s being interrogated. Masama pa rin ang tingin sa kaniya. “Thank you, Mrs. Tanaleon for helping us out in the investigation,” wika ng chief of police. She almost cringed hearing her getting addressed as “Mrs. Tanaleon.” It doesn’t sound real. “Walang anuman po. Maraming salamat din po.” Bago pakawalan ang pulisya ay kinausap pa itong muli ni Lorenzo. Hindi na niya inalam kung ano iyon dahil seryoso ito. Nang umalis ang mga ito saka na siya binalingan ng lalaki. “I’m gonna stay at the hospital today.” Napaismid siya. Ibig sabihin ay aalis na naman ito para puntahan si Valerie. “Hindi ko naman tinatanong.” “Why are you so grumpy? Kay lolo ako pupunta, hindi sa iba.” “Wala naman akong sinabi,” pagkakaila niy