Share

Introduction

ANG PANGALAWANG TALATA

There's no— immortal.

Walang taong namumuhay nang higit pa sa isang daang taon. Maliban sa akin— I'm an half vampire, half witch— and I'm not happy about it.

I'm not powerful as they think. Hindi ako kasing galing ng mga magulang ko. Hindi ko nga magawang ilabas ang kapangyarihan ko. Unfortunately, hindi na nila ako magagawang turuan, dahil wala naman na akong mga magulang na aakay at magpapalaki sa akin.

But everytime the moon and sun collide, the whole creatures— afraid of me. Tuwing sasapit ang 'Eclipse' lagi na silang natatakot at nagtatago. Malayo sa— akin.

I'm afraid— I can't control my powers, iyon ang dahilan kong bakit hindi din ako lumalabas ng aming tahanan. Iyon ang buhay na kinalakihan ko pagkatapos akong ampunin ng isang matandang lalaki, at tinuring ko na ring pamilya.

Maliban sa apo niyang lalaki— doon ko nalaman na ang pamilyang kumupkop sa akin ay isang— tagapagbantay ng kapayapaan sa pagitan ng anak nang liwanag, at kampon ng mga dilim sila ang tinatawag nilang — 'babaylan'

Mga tagapagbantay nang kapayapaan sa pagitan ng mabuti at masama. At— naisama ako sa pamilyang iyon. Nakalimutan ko kung sino at ano ako, panandalian kong naranasan kong ano nga ba ang totoong gampanin ko sa mundong ito.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na maging malaya kahit isang sa maikli lamang na panahon, kasama na roon ang makasama ang taong minamahal ko, kahit— sa panandalian lamang na pagkakataon.

Ngunit nag ago ang lahat simula noong magkaisip ang batang inalagaan ko, at iyon ay walang iba kung hindi si Caelum. Nawala na ang masasaya niyang ngiti, maging ang kanyang nararamdaman, at tila nagkaroon ng pader sa pagitan namin pareho na dalawa.

“You can't join us! Baka bigla mo na lamang kaming traydorin at kumampi ka sa— kakalabanin namin.” iyan ang parating sinasabi ni Caelum. Ang apo ni Lolo Gregorio.

Ang lalaki na akala ko magkakaroon ng kung anong ambag sa buhay ko, na magpapadali lahat ng bagay na pahirap sa buhay ko, ngunit mukhang nagkamali ako, dahil hindi iyon ang nararanasan ko.

Labing pitong taong gulang na ako, ngunit ngayon ko lamang iyan nalaman. Ilang taon na nga ba ako ulit nawala. Isa? Dalawa? Apat? Pitong taon? Ganoon na ba ako katagal nawala, kaya hindi ko nalaman ang tungkol dito, o baka naman matagal nang may ganito, ngunit ayaw lamang ipaalam sa akin.

Baka naman may nangyari na kakaiba ngunit hindi nila iyong sinabi sa akin, at nagawa na lamang nilang itago dahil ang akala nila hindi na ako babalik sa kanila. At hinayaan na lamang nila itong mangyari, dahil ang akala ulit nila ay wala na itong lunas pa.

———

“Baka nakakalimutan mo, Vamaila! Isa kang mangkukulam at bampira! I can kill you, but unfortunately Lolo protecting you always? Kung bakit ka pa kasi inampon?!” hindi ko alam kung magagalit ba ako malulungkot sa sinabi niya, naiisip ko pa lang na aalis at mawawalay kay Lolo— naiiyak na ako.

Ayaw ko ng bumalik sa dating ako na walang pakiramdam, at walang kahit anong emosyon ang pinapakita, natatakot ako na baka isang araw— maging ganoon ako ulit.

Natatakot ako!

Natatakot akong bumalik ako ulit sa dati na walang kulay ang mundo na kinagagalawan ko, na ang lahat ng makikita ko ay dilim lamang.

Natatakot ako na baka isang araw, mawala na ang pamilya na iningatan ko sa halos ilang taon. At mawalan ako ng pamilya na matatawag.

“Anak, pasensya na pero— mas makakabuti kong umalis kana. Hayaan mo't ako na bahala sa kanila. Wag mo ng palalain pa ang sitwasyon, hindi ko rin kayang mawala ang anak ko sa akin. Pasensya na ulit, Vamaila pero mukhang hindi ko na matutupad ang pangako ko kay Ama. Mas mabuti kong gawin ito, kaysa sa mahuli ang lahat at ang anak ko naman ang tuluyang mawala sa akin.” iyon ang nakiki-usap na tinig nang kanyang ina.

Wala akong nagawa kung hindi... tanggapin na lamang ang katotohanan na ako'y tuluyan na ngang mamaalam sa kanila. Ngunit, hindi ako doon tumigil.

Kagaya nga ng sabi ko, ayaw ko maramdaman ulit ang mga kinakatakutan kong mga emosyon.

Do you wanna know, what kind of emotions I feel before? Loneliness, Sadness, Despair, Pain, Miserable, and all the negative feelings I felf before.

But that was before.

“Pero hindi ko kailanman babawiin ang pangakong sinabi ko kay Lolo. Tutuparin ko parin iyon, kahit— hindi niyo na ako kailangan.” sabi ko sa kanya bago ako tuluyang nagpaalam.

Humanap akoㅡ ng malilipatan malapit sa kanila.

Noon parati ako ang nakikita niyang mali. Laging ako ang nakikita niyang may kasalanan. Ngunit lahat nagbabago. Hindi naman lahat nanatili sa kung sino at ano ka noon, minsan kailangan mo rin magbago, hindi dahil kagustuhan kundi kailangan.

Bigla akong bumalik sa nakaraan na hindi naging ganoon kaganda. Maraming mga pagsubok ang kailangang pagdaanan. May mga oras na akala mo hindi mo kakayanin, at parang gusto na nang katawan mong sumuko. Ngunit, sa huli mas ninanais ko parin na makinig sa gustong sabihin ng isip at puso ko.

PERO sa tuwing naririnig ko ang mga salitang iyan galing sa kanya, pakiramdam ko bumabalik ako sa dati— nababalik ako sa nakaraan.

“I promise, titignan ko lang, hindi ako makikialam.” ngunit pakiramdam ko kahit anong pilit ang gawin ko hinding-hindi niya kayang pagbigyan ang gusto ko.

“No, I won't!” madiin niyang sabi. Alam ko sa sarili kong nasasaktan ko. Kahit anong pilit na pagpipigil ko sa sarili kong wag siyang sasaktan, kahit sa paraan lang nang pagkakatitig ko, mukhang hindi ko magagawa.

“Kapag hindi mo ako pinayagan na sumama sa iyo ngayon, may mangyayaring masama! Sige na, Caelum! Kahit ngayon lang, pagbigyan mo na ako!” paulit-ulit akong nagmamakaawa na sumama sa kanya, dahil may pakiramdam akong may mangyayaring hindi maganda, pero anong ginawa niya?

“No! Vamaila! Tigilan mo na ang pagmamakaawa, dahil hindi din naman ako maaawa! Hinding-hindi na ako makikinig sa iyo!” alam kong may pinanggagalingan lahat nang mga galit niya, pero alam namin pareho ni Lolo na wala akong kasalanan.

I glare at him, once again. Nakakuyom na ang mga kamay ko, handa nang manakit kung sakali mang hindi ako nakapag pigil!  Wala akong makitang kahit anong problema sa pagsama sa kanya, ang gusto ko lang naman ay tumulong sa kanya.

Ngunit parang ako pa nakikita nilang masama. Ako pa ang mali sa mga mata niya.

“What now? Sasaktan mo na ako? Gagamitin mo na kung anong demonyong kapangyarihan mayroon ka? What? You will hurt me? ” hindi ko alam pero, nanghahamon ang naging tinig niya. Tunog na hindi ko kailanman na nagugustuhan.

“Try me Vamaila, and I will send you back, on the place where the hell you came from.” that wasn't a good idea, kaya naman nanatili na lamang akong tahimik, kahit alam kong hindi iyon kayang tanggapin nang sarili ko.

It was never a good idea, lagi niyang ginagamit ang kanyang sarili, sa tuwing nauuwi sa ganitong usapan, ang simpleng pag-uusap namin. Dahil alam niya sa mismong sarili niya, at sa mismong sarili kong hindi ko siya kayang masaktan o magawang magalit man lamang.

But just like what I said. I have changed. I did change. Dahil iyon ang kailangan ko.

Kailangan kong baguhin ang sarili ko, upang hindi ako maging mahina, hindi ako magmukhang kaawa-awa.

At marami akong dahilan kong bakit kinakailangan kong magbago. Marami akong hinarap na maraming pagsubok at paghihirap, mula sa pamilyang kinabibilangan ko.

Ang inakala kong pamilya na kukupkop sa akin ay gagamitin lang pala ako sa isang masamang hangarin.

I always remember how my Mom and Dad thought of me, being someone who can they trust and ally. At ganoon din ang paraan na pagpapalaki ni Lolo Gregorio sa akin. Ang maging mabait sa lahat, ngunit wag masyadong sosobrahan.

Nagbago man kung sino at ano ako ngayon, ngunit hindi ko kinalimutan kong paano ako tinulungan at tinuruan ni Lolo, kaya naman kahit nasasaktan na ako sa mga pananakit nila, hindi man sa pisikal, ngunit kahit sinasaktan nila ako ng emosyonal, hindi parin nila ako mapapaalis sa kung saan ako natututo sa lahat nang nalalaman ko ngayon.

Hinding hindi ako aalis, maliban na lang kung magkukusa ako, at kung palalayasin nila ako. Ganoon din naman, kapag nawala ang kaisa-isang taong kailangan kong bantayan rito, aalis na ako? Dahil ano pa bang silbi ko rito kung wala na rin lang akong kailangang gawin o kahit ang bantayan.

Hindi ko naman inaasahan na magkakamali ako sa unang pagkakataon, sinubukan ko silang sabihan! Ngunit hindi sila nakinig!

Ang mga magulang niya ang nawala, at hindi ko iyon naging kasalanan! Kung sana lang nakinig sila sa mga babala ko! Hindi sana iyon mangyayari sa kanila. And the worst thing scenario happen is, sinisi niya ako.

“Ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat nang iyon! Anong ginawa mo? Tinawag mo ba ang mga bampirang iyon para patayin ang mga magulang ko! Hah! Sumagot ka! Sinasabi ko na nga ba't isa ka sa mga may gustong saktan ang aking pamilya. Tama nga siguro marahil ang sabi ni Thalia, isa kang malas sa buhay namin.” isang nakakabinging katahimikan ang sumagot sa mga tanong niya.

Hindi ako sumagot, kahit ang pumatol man lang kahit may kapangyarihan naman ako.

Kung ganoon— mas pipiliin niyang maniwala kaysa sa akin na nagpalaki at nag-alaga sa kanya.

“Babalik na lamang ako sa Mundo kong saan nararapat talaga ang kagaya ko. Wag kang mag-alala ito na ang huling pagkakataon na makikita mo ako. Dahil sa susunod marahil, nakalimutan na kita. Maging— maligaya ka sana sa mga landas na tatahakin mo.” iyon ang mga katagang huli kong sinabi bago ako nilamon ng tunay na kadiliman. Kung saan ang totoong mundo ko— ay siyang naghihintay sa akin.

M. J | MissGorJuice

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status