Share

Kabanata 2

Kabanata 2 : Ang Anak

Lumipas ang maraming taon, ngunit tunay ngang ang edad ko'y hindi nag-iba, ngunit ang aking itsura kong totoo ay unti unti nang nakikita. Para sa isang gaya kong bampira— pakiramdam ko'y hindi ako tumatanda. Unti-unting pumuputla ang aking balat, ang aking mata'y unti-unti naring lumalabas ang tunay na kulay. Wala ng natira sa dati kong anyo. Dahil ramdam kong mayroon ngang tunay na nagbago.

Ang pagiging Mangkukulam ko'y— nanatili parin sa akin.  I live, faraway from the crowds. I never want to attract attention, especially someone, wo can't understand my situation.

Vampires and Werewolfs, doesn't exist in their minds. But the people behind the 'konseho' they believe that our existence will bring danger in there worlds. Sila ang tagapagbantay ng kasarinlan sa pagitan ng kagaya namin at ng mga mortal. Kabilang na dito ang iba't ibang angkan, ngunit ang iba dito'y hindi ko masasabing maasahan.

Kailangan maitago ang kagaya namin sa kanila, dahil hindi basta-basta ang kayang gawin ng isang mortal, sa mga kagaya namin. Kaya nilang pumatay, pumaslang at mas lalong kaya nilang gawin ang lahat, mawala lamang kami sa kanilang landas. Hindi sila magdadalawang-isip na alisin kami sa landas nila, sa oras na may lumason sa utak nila at isipin nilang puro kaguluhan ang dala namin sa kanila.

Delubyo ang hatid namin sa kanila, dahil iyon ang mga bagay na pinaniniwalaan nila. Ang nais lang naman namin ay mabago at manaig ang kasarinlan sa bawat isa.

Witches and Enchantrèss powerful beings that can control many elements. Kagaya na lamang ng mga mahikang laganap sa aming mundo. Ang mundo na tinatawag naming  "Eclipses". Mundo kung saan hindi mo mapaghihiwalay ang araw at ang buwan. Lugar kong saan, lahat kami ay malaya at walang inaapakan na nilalang. Lugar kong saan, lahat kami pantay-pantay sa paningin nila.

Ang mundo kong saan ako pinanganak. Kung saan ang aking Ina— doon rin pinanganak. Kung saan ang angkan ng aking ina ay doon nagmula.

Ang aking Lolo ay anak ng kapatid nang pinakamakapangyarihang bathala sa mundo ng "Eclipses" na si 'Alirina Sadiya' ang bathalang namahala sa pagitan ng mabuti at masama. Na kung iisipin galing ako sa angkan ng isang bathala, ngunit— nagkaroon lamang ako ng iba't ibang dugo.

Samanatalang ang ama ng aking ama ay umibig sa isang babaeng bampira. At doon nagsimula ang hindi matapos-tapos na gusot sa pagitan ng bawat pamilya. Ang aking ama ay kailanman hindi pumayag na angkinin ang trono o kahit maging ang korona. Naniniwala kasi siyang mas may nararapat pa kaysa sa kanya.

Ngunit ang pagtanggi niyang iyon ay nagbigay ng gusot sa bawat angkan, at nangunguna na rito ang angkan ng mga Terese. Naniniwala silang, nagbabalatkayo lamang ang aking ama, at ninanais niya talaga ang trono. Kaya naman, sinimulan nilang sindihan ang gusot, at ang umpisa nang gusot na iyon ay naging hudyat ng digmaan.

Ang angkan na kinabibilangan ng aking Lola ay gumamit na nang dahas— ayon sa naaalala ko.

Iyon narin ang nag-iisang katanungang tumatakbo sa isip ko, papaanong naalala ko ang lahat ng ito kung matagal na itong nangyari. Ang iba sa mga detalyeng naalala ko'y nanggaling pa sa aking panaginip.

Ang Lola kong, isa ring bampira. Isang mataas na opisyal nang kanilang uri, ngunit maging siya'y hindi pinakinggan. Mas ninanais nilang ituloy ang digmaan kaysa ang makinig sa isang opisyal na hindi naman raw tutulong sa kanila.

"Vamaila?"

"Apo, naririto ka ba?"

"Tulala ka nanaman." hanggang sa unti-unti akong bumalik sa tunay kong reyalidad. Ang malambing na boses ng aking tinuring na pamilya.

Tunay nga ang sinabi niya. Naging Kapatid ko siya, Ama, at ngayon bilang aking Lolo. Ngumiti lamang ako sa kanya bilang kasagutan, ngunit makikita sa aking mata ang lungkot na ilang taon ko nang nadarama.

"Nais mo bang dalawin ang anak ng Carlii?" napaigtad na lamang ako sa katanungan niyang iyon. Napatingin ako sa kanya, at namamangha ng tumitig. Si Lolo Gregorio lang pala. 

"Nanganak na siya, Vamaila. At kinakailangan namin ulit ang basbas mo. Naging tradisyon na ito ng pamilya, simula noong dumating ka sa buhay namin." alam ko na ang bagay na kanyang sinasabi. Kagaya ng palagi kong sagot sa kanya.

Ngumiti na lamang ako ulit, bilang pagtugon.

Ngunit........

Ang napapansin ko sa kanya'y unti-unti na nga siyang tumatanda. Pumuputi narin ang kanyang buhok, at ang kanyang balat ay nagiging kulubot na. Hindi ko narin mamukhaan ang kanyang mukha, bagama't dala-dala niya parin ang ngiting lagi kong nakikita.

Pinangalan niya nga sa kanyang anak ang pangalan na sinabi ko. At ang mga sumunod niya pang anak— ay hindi na ako ang pumili.

Nang ipanganak kasi ng kanyang asawa si Carlisle Gregoria Velasquez o mas kilala sa tawag na Carlii— ay kailanman hindi na ako nakabalik sa kanilang tahanan kung saan ako dating nanirahan.

Nasa isa na nga akong lugar kong saan ang paligid ay napakatahimik at wala ka ngang maririnig na kahit anong ingay, bukod sa mga huni ng ibon at iba pang hayop. Dinala ako sa lugar kong saan alam nilang malalayo ako sa kahit anong klaseng gulo at kapahamakan.

Naging malungkot ang bawat araw ko, sa tahanan na ito. Walang maingay, at tahimik nga ang buong paligid, bahagi na siyang kinababagot ko. Nais kong magkaroon ng kausap. Tunay nga sigurong nagbago na ako. Nawala na ang mga malalamig kong titig at tinig kapag may kumakausap sa akin.

Para akong pumasok sa eskwelahan at naturuan ang sarili kong magkaroon ng iba't ibang emosyon at ekspresyon sa katawan. Kagaya na lamang ngayong araw na ito.

At sa hindi ko inaasahan na pagkakataon, dumating nga si Tatay Gregorio dala-dala ang balitang ang kanyang anak ay nagsilang na nang isang batang lalaki. At nangako siya sa aking— ako muli ang magpapangalan sa panganay na anak niyang babae.

"Hindi naman po kaya siya magtataka kung bakit ako nandoon, ganong hindi niya naman po ako kilala." napangiti siya sa aking tinuran. Hindi ko alam, ngunit marahil ay dahil natuto na nga akong tuluyan sa pagsasalita ng pagiging magalang.

"Hindi ka naman niya matatandaan, dahil hindi rin naman nagtagal ang iyong itsura. Unti-unting nagbabago ang iyong anyo, at walang makakapansin apo, na ikaw ang batang si Vamaila noon, sa ngayon na ipapakilala ko." nakangiti niyang turan.

Hindi naman na ako nagtanong pa, at agad na lamang tumango sa kanyang sinabi. Wala narin naman akong magagawa dahil ako'y nababagot na sa bahay na ito.

——

Nang makarating kami sa Hospital— pinasuot niya agad ako ng isang mask. Pangtatakip sa aking ilong at bibig, maliban sa aking mata.

Ang hospital ay punong-puno nang iba't ibang klase ng dugo. Hindi maiwasan ng aking pang-amoy na lumanghap sa akin, kahit panandalian lamang.

Ito narin marahil ang isang kadahilanan kung bakit ako nilayo sa maraming tao. Ang pagiging bampira ko marahil ang dahilan kung bakit. Ang aking mga katangian— ay unti-unting lumalabas.

Minsan sa isang linggo, ako umiinom nang dugo ng Hayop, hindi dugo ng tao. Ito ang pinag-usapan namin ni Tatay Gregorio. Ako'y kanyang parurusahan kong ako'y hindi susunod sa kanyang bilin.

Kaya naman sa tuwing nakaka-amoy ako ng dugo ng tao— ay nakokontrol ko ang aking katawan at isip. Hindi ako basta-basta naakit, gaano man kabango ang amoy nito.

"Handa ka na ba sa pangalan na ibibigay mo, apo?" ang ngiti niyang kakaiba ang nagbigay sa akin ng kakaiba ring pakiramdam. Bakit tila yata may nalalaman siyang hindi ko alam.

Ngunit kahit ganoon, ang ngiti ring iyon ang dahilan kung bakit ako rin ay tumango at sumunod sa kanya papasok sa loob ng kwarto na kinalalagyan ngayon ng kanyang anak at apo.

Pagpasok namin sa loob nito'y, mga matang nanunuri na ang bumungad sa akin. Ang mga matang matagal ko ng hindi nakita.

Ang kanyang pangalawang anak na si Juanito. Ang kanyang Pangatlong anak na si Esteban. Ang bunso na si Aliferous. Pare-parehong lalaki ang sumunod, at tanging si Carlii lamang talaga ang babae, bagama't siya pa ang panganay.

Dumako ang paningin ko sa sanggol na nasa bisig ni Carlii. Bigla akong napatigil sa kinatatayuan ko, at tanging pinagmasdan lamang ang sanggol na nakikita lamang ngayon ng mata ko.

Nagkaroon bigla ng isang pangitain ang utak ko, sa anong paraan at bakit parang dinadala ako ng isip ko sa ibang taon.

His ocean blue eyes, gave some weird feeling I can't explain. But, staring at his eyes now makes my hearts want to melt— ang pakiramdam na ito'y parang kagaya sa isang lobong nahanap na ang kabilang bahagi niya.

"Gusto ko po siyang pangalanang Caelum, Lolo." dahil nakakita ako ng liwanag nang makita ko siya, at iyon mismo ang ibig sabihin ng pangalan niya.

Siya'y mismo nanggaling sa taas, kung baga, isa bang biyaya galing sa kalangitan na kanilang kinabibilangan. Na nais kong taglayin niya rin sana.

"Kung ganoon, iyon na nga ang ipapangalan sa kanya." walang kahit sino ang nagsalita, maliban na lamang sa asawa ni Carlii.

Isang halfbrid na Lobo. Walang dugo ng kahit anong pagiging babaylan, ngunit siya'y may dugo ng isang Lobo. Kung kaya't siguro iyon ang naging rason kung bakit ako nakaramdam ng kakaibang pakiramdam sa sanggol na ito.

"Bakit niyo hinahayaan ang batang iyan, magdesisyon sa kung anong pangalan ang ipapangalan sa anak ko?" matapang niyang katanungan. Ngunit kagaya na lamang nang parati kong ginagawa, nanatili lamang akong tahimik.

Tila nakaramdam siguro siya ng kakaibang pwersa.

Ano nga ba ang iba? Isa akong bampira habang isa naman itong dugong Lobo? Baka naman na amoy niyang iba ako, at iba siya.

Kung kaya't ganito na lamang siya magsalita sa harap ko?

"Hayaan mo na kaming magdesisyon para rito, Sebastian. Ito'y nakasanayan na nang buong pamilya." iyon ang naging kasagutan sa kanyang katanungan, at mabuti na lamang hindi na iyon nasundan pa ng ibang katanungan.

TO BE CONTINUED.

M. J | MissGorJuice

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status