Share

5: CLOUD

Dinama ko ang maligamgam na tubig na siyang umaagos sa aking hubad na katawan. Mabilis akong lumingon sa pintuan ng banyo ng magbukas ayon at hindi inaasanan na papasok doon si Thunder.

"A-anong ginagawa mo?" Kinakabahan na tanong ko.

"Why? I'm your husband Rainy. May masama ba kung sumabay ako sa maganda kong asawa?" Napalunok ako ng dahan-dahan siyang naglalakad palapit sa aking pwesto.

Nanlalaki ang aking mata ng makita ang naghuhumindig niyang sandata.

"D-dyan ka lang! Huwag kang lalapit!" Sigaw ko.

"Rainy."

"Rainyyy."

~~`~

"Hey" Kumurap ako ng dalawang beses at mabilis na bumangon. Tinitigan ko ang mga mata ni Thunder na nababakas ang pag-aalala mula sa berde niyang mga mata.

Panaginip lang pala.

"Nanaginip ka." Imik pa ni Thunder.

Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang mga kamay at marahan na tumayo. Hindi ko kayang harapin ngayon si Thunder dahil sa malaswa ko na panaginip.

Hindi naman siguro halata na pantasya ko s'ya di'ba? 

Nang makapasok ako ng banyo ay sinipat ko agad ang aking mukha dahil sa init na nararamdaman mula sa aking pisngi. Halos batukan ko ang aking sarili dahil sa pamumula noon.

Tumagal ako ng ilang minuto sa loob ng banyo at napagpasyahan ko ang lumabas. Ginawa ko lang ang aking morning routine bago tuluyang bumaba ng hagdan.

'Asan na kaya sila?' Mahinang bulong ko. Naglakad naman ako ng bahagya at nilinga ang paligid. Napahinga ako ng malalim ng matapat ako sa malawak na salamin na kung saan ay matatanaw ang kabuuan ng dagat.

Hindi ko kaya ang manahimik at mag sawalang kibo na lang. Alam ko na mali pero gusto ko pa rin alamin kung ano ba ang nangyari sa aking kakambal.

Isang palaisipan at maraming katanungan ang gusto ko malaman ngunit paano? Saan ako mag sisimula upang mahanap s'ya?

"Hija, nandyan ka pala." Mabilis ko na nilingon ang boses kung saan nagsisimula.

"Magandang umaga po." Pagbati ko at bahagya na yumuko upang magbigay galang.

"Umalis si Thunder." Naging laglag ang aking balikat dahil sa narinig. "Hindi pa alam kung makakabalik agad, may nangyari kasi sa kanyang kompanya kaya nagmamadali na umalis kanina kahit na madilim pa sa labas." Sunod pa na sabi ni Tita Tina.

"Ganun po ba?" Mahina ko na tanong at nilingon muli ang dagat.

"Pero hwag kang mag-alala, pwede ka namang mamasyal at pasasamahan na lang kita sa isa sa mga tauhan ng asawa mo." Nakangiti na sabi ng ginang at inakbayan ako.

Naglakad kami sa kung saan at dinala naman niya ako sa kusina. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang pagkain na nakahayin sa malaki at malawak na mesa.

"May okasyon po ba?" Namamangha ko na tanong habang napapalunok sa bawat pagkain na nakikita ng aking mga mata.

"Naku, wala hija. Natutuwa lang ako sa pagpunta niyo dito kaya nagpahanda ako ng ganyang kadami. Halika na at kumain." Yakag sa akin nito.

Mabilis ako na tumango at naupo sa upuan. Mahina pa na humahagikhik si Tita Tina dahil sa inasal ko.

"Nasaan po si Ti- daddy Arthur?" Tanong ko sabay lagok ng aking kinakain.

"Nangingisda siya kasama ng kanyang mga kaibigan, ni hindi man lang naisipan ang kumain palibhasa kasi ngayon lang sila ulit nagkita." Tugon niya sa akin na bahagya ko naman ikinatango bilang sang-ayon.

Parang normal lang sa kanila ang ganito, parang wala silang iniisip na mag-asawa.

Hanggang sa matapos kami sa pagkain ay hindi naman ako hinayaan ni Tita Tina na maghugas ng aming pinagkainan. Kaya ang ending ay nandito ako ngayon sa loob ng aming kwarto.

Napag isip-isip ko din na hindi ko naman kailangan ilugmok ang sarili ko dito dahil sa pag alis ni Thunder kaya napagpasyahan ko ang magpalit ng suot.

I wear swimsuit at see through, pinilit ko din na maperfect na isalaper ang aking mahaba na buhok.

Lumabas ako ng kwarto at nakasalubong ko si Yaya Linda habang kasu-kasunod ang bata na babae na siyang natitiyak ko na nasa trese o katorse anyos lamang.

"Aba at napaka sexy naman ng bata na ari." Napangiti ako sa sabi ni Yaya Linda at sinulyapan ang kanyang kasama. "Nga pala hija, si Lisa. Apo ko." pakilala ng matanda sa kasama n'ya.

Magiliw naman ako na ngumiti at kumaway.

"Hi. I'm Summer." Bakas ang gulat sa mata ni Yaya Linda, kahit ako ay hindi ko maiwasan ang mapangiwi dahil sa pagbubuko sa sarili. "Sa kabaliktaran, Rainy." Tumatawa na sabi ko at nakahinga naman ako ng maluwag ng bahagyang tumawa ang matanda na sinundan naman ni Lisa.

"Bakit po Rainy ang pangalan niyo?" Tanong ni Lisa.

"Malakas kasi ang ulan noong ipinanganak ako. Ayon ang sabi ni mama sa akin noon." Pagdadahilan ko kahit hindi ko naman talaga alam ang dahilan noon.

Summer ang pangalan ko then doon sa kakambal ko ay Rainy, tapos... Thunder? Di'ba nakakatawa ang tadhana.

Hindi na naman nagtagal ang aming usapan kaya napagpasyahan ko na ang lumabas. Naupo lamang ako sa tabi ng maalon na dagat at dinama ang katamtaman na init na tumatama sa aking balat.

"Akala ko pa naman magiging masaya ako ngayon." Buntong hininga ko.

Mahirap pa lang maging masaya kung hindi ikaw ang priority. Kung hindi kasiyahan ay isang kathang-isip lamang para sa mga taong hindi naman talaga mahal.

Ano ba ang kasal? Minsan nag dadalawang isip rin ako kung hanggang saan ba ang aking pagpapanggap. May hangganan ba? Kung oo, bakit hindi pa ngayon tapusin? Bakit hindi ko magawang tapusin?

Kahit naman bali-baliktarin iisa lang ang sagot.

Yung akala ko na ako lang ang magpupuno ng pagkukulang ng kakambal ko pero mali pala ako. May pagkakataon man na hilingin ko na h'wag ng bumalik si Rainy, nakokonsensya pa rin ako.

Huminga ako ng malalim at nagpasya na tumayo. Marahan akong naglakad sa gilid ng dagat habang hinahampas ng maliit na alon ang aking mga paa.

Hindi ko na namalayan na narating ko ang matao na lugar.

Lahat sila masaya, parang walang iniisip na problema. Lahat sila may mga magaganda at hindi matatawaran na ngiti na siyang nakapaskil sa kanilang mga labi.

Kung pwede nga lang hilingin sa isang makapangyarihan na genie na sana ako na lang sila, bakit hindi diba?

Teka, nagsisisi ba ako? No. I'm not!

Napailing ako na parang sira at napatawa. Sa kakaisip ng kung anu-ano ay hindi ko na namalayan ang papalapit na bola at tinamaan ako sa ulo dahilan upang bumagsak ako.

Nasapo ko agad ang aking noo at hindi alintana ang malamig na tubig-dagat na siyang tumama sa aking balat.

"Hey, miss. Are you alright?" Imik ng kung sino.

Pinispis ko lang ang aking noo habang nakasimangot. Nakaramdam din ako ng biglaang pagkahilo kaya nanatili ako na nakatungo at hindi pinansin ang lalaki.

"I'm sorry, may masakit ba sayo." Halos umusok ang aking ilong sa tanong pa nito.

Malamang! Sinong hindi masasaktan sa bola ng volleyball?

Nilingon ko ang lalaki na nagtanong upang masapak ng isa ngunit natigilan ako ng matanaw ko ang kulay berde n'yang mga mata. Mata na sa iisang lalaki ko lang nakikita.

"I'm Cloud. Get up, dadalahin kita sa pinakamalapit na clinic." sabi nito at sumilay ang mapuputi na ngipin dahil sa magaan na mga ngiti.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status