Share

6: IS HE JEALOUS?

"Hindi mo naman kailangan na dalhin pa ako sa clinic, Cloud."  nahihiya na sabi ko.

"I insist." Sagot n'ya sa akin habang hawak ako sa magkabilang balikat.

Tumigil ako sa paglalakad at tumayo ng maayos.

"I'm okay. Malayo sa bituka at kaunting bukol lamang ito." Natatawa ko na sabi kahit ang totoo'y naiinis na ako sa kanyang kakulitan.

"Okay fine, but let me buy you lunch." Halos mapangiwi ako sa kanyang sinabi.

Upang matapos na ang araw na ito ay wala naman akong nagawa kundi ang sumama kay Cloud.

Nakakatawa man isipin ang pangalan pero parang inudyok talaga ng panahon at pagkakataon na makilala namin ang isa't-isa.

Kulang na lang ay isipin ko na weather lover ang mga magulang namin kaya ganito ang naging pangalan namin.

Hindi ko naman masasabi rin na boring kasama si Cloud, pero sa isang tulad ko na may asawa na iniisip ko pa na isa itong kataksilan kay Thunder. Pero pano ako magtataksil kung hindi naman niya ako mahal. Ako lang din naman ang nagmamahal ng palihim sa aming dalawa.

Wala rin naman si Thunder kaya hindi naman siguro ito masama, lalo na’t may dahilan naman kung bakit umabot sa ganito.

Nagcheat ba ako? NO WAY!

“Salamat ng marami Cloud sa masarap na pagkain, pero mauuna na rin siguro ako baka kasi hinahanap na ako ni Mommy.” Nakangiti na sabi ko at tumayo na.

Dumampot pa ako ng tissue na nakapatong sa mesa at pinunasan ng bahagya ang aking mga labi.

“Ihahatid na kita.” Sagot n’ya sa akin at nagpunas din s’ya ng kanyang labi gamit ang tissue.

“No, it’s okay.” Pagtanggi ko.

Napaurong naman ako ng kaunti ng lumapit s’ya sa akin at sinapo ang aking pisngi. Kasunod noon ang paglapat ng hinlalaki n’ya at may kung anong pinunasan sa gilid ng labi ko.

“Rainy.” Mababa at buo na tono mula sa likuran ko.

Halos takasan ako ng loob at kaluluwa dahil sa tono na 'yon.

“Oh! Thunder!” Bati ni Cloud sa asawa ko.

Magkakilala sila?! Bakit ba hindi ako inform?!

“Let her go.” Muli ay imik ni Thunder. Nagmamadali ako na kumilos at lumapit kay Thunder. Napansin ko pa ang mga mata nito na bumaba sa suot ko.

“Ta-tara na.” Yakag ko kay Thunder at hinawakan ito sa braso.

“Rainy, ako na ang maghahatid sayo. Delekado kung sa pinsan ko ikaw sasama.” Tumatawa pa na pahayag ni Cloud. Naloko na talaga!

Lumapit si Cloud sa kinakatayuan namin at hahawakan sana ang kamay ko ng tabigin ‘yon ni Thunder.

“Ako na ang bahala na maghatid sa kanya, sa BAHAY KO.” May diin at pabulong na sabi ni Thunder kay Cloud.

Mabilis naman na kumalabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Kaba na parang kinikilig at kaba na parang anytime ay gagawa na ng sunog ang mga mata nilang nagsusukatan ng tingin at halos mag alab na parang apoy.

Bahagya ko na hinila ang damit ni Thunder at doon lang naputol ang kanilang tinginang dalawa.

Hinigit ako ni Thunder palabas ng hotel at dali-dali na isinakay sa sasakyan. Malakas n’ya na isinara ang pinto ng kotse na halos ikatalon ng puso ko.

Nang makasakay s’ya ay mabilis n’yang pinaandar ‘yon at ilang saglit pa ay nasa harap na kami ng bahay ni Tita Tina.

“Get out.” Malamig na sabi niya kaya hindi na ako nag aksaya ng oras at mabilis na lumabas.

Halos tumakbo ako papasok ng loob at mabilis na umakyat sa loob ng kwarto naming dalawa. Itinapon ko agad ang aking sarili sa kama at binalot sa makapal na kumot ang katawan ng tumama sa balat ko ang malamig na hangin na siyang nangagagaling sa aircon.

“H’wag ka masyadong magtitiwala Rainy.” Napabalikwas ako ng tayo at naupo ng marinig ang boses ni Thunder.

Akala ko magagalit s’ya, pwe! Hindi pala.

“Nakasuot ka pa ng ganyan, ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?” Napakagat ako sa aking labi dahil sa kanyang sinabi.

“May masama ba? Kailangan ba na nakapanjama ako pag lalabas?” Maang-maangan ko pa. “Malapit tayo sa dagat, yan nga oh! Tanaw na tanaw mula dito, anong inexcpect mo na isusuot ko?” Sunod ko pa na sagot.

“Hindi ako nakikipag biruan sa’yo.” Walang buhay n’yang balik na sagot at lumabas na ng silid.

Halos manggalaiti ako sa galit dahil sa sinabi n’ya. Ano bang meron sa suot ko? Maganda nga e, sexy naman ako. Virgin pa.

Imbis na magmukmok at itiim ang galit na nasa aking dibdib ay nagpalit na ako ng aking damit, nag sando lang ako at maong short. Nabasa kasi ako kanina noong matumba ako dahil sa tama ng bola at mabungin din ang aking katawan.

Naglagay ako ng light make up bago nahiga muli sa kama.

Ano bang gagawin ko? Hindi na ako nasisiyahan sa araw na ito!

Kinuha ko ang aking cellphone ng mag vibrate ayon, sa f******k lang pala. Nanlalaki ang aking mata ng makita na nag add friend sa akin si Cloud.

Pesteng yawa oh!

Nahanap n'ya f******k ko! For real!

"Give me your phone." napaangat ako ng tingin sa nagsalita.

Ni hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala s'ya sa kwarto at nandito na sa tabi ko.

"Why?" tanong ko.

Ngunit imbis makakuha ng sagot mula sa kanya ay mabilis n'yang hinanggit ang cellphone na s'yang hawak ko.

Kunot ang aking nuo ng mapansin na nakakunot na din ang nuo ni Thunder. Ibinato nito ang kanyang cellphone sa kama at mabilis na nilisan ang kwarto.

Ano na namang nangyari sa ungas na ‘yon?”

Naiiling ako at kinuha ang cellphone na  nahulog sa baba. Malakas kasi ang pagkakahagis kaya tumalbog ‘yon sa kama at nahulog sa sahig.

Hayss!

Halos mapatawa naman ako ng mapansin na nag locked pala ang cellphone at 30 seconds bago mabuksang muli.

“Kapag minamalas nga naman.” Hagikhik ko at binuksan ang cellphone. Ang password kasi nito ay ang pangalan n’ya. ‘Thunder’

Ganun naman siguro talaga kapag mahal mo ang isang tao ay doon na lang din iikot ang mundo mo. Na parang halos lahat ng bagay na pagmamay-ari at gamit mo ay may kinalaman sa tao na ‘yon o dawit ang pangalan noon.

Gets n’yo ba? Kung hindi ayos lang naman. (HAHA)

Halos maitapon ko naman ang cellphone sa kung saan ay may tumawag ‘dun ngunit mabilis din namatay.

“Message from Cloud Revamante”

"Hi Rainy."

Halos mangasim naman ang aking mukha sa message ni Cloud.

Rereplyan ko ba?

Kamuntikan na naman kasi makita ni Thunder yung kanina, salamat na lang at bigla ko pa lang napindot ang power off button.

Swerte pa rin ako kahit papaano.

"Give me your fuck*ng damn phone!" umalingaw-ngaw ang buo at malamig na boses ni Thunder sa buong silid.

Halos mapanganga ako ng makita si Thunder at dahil sa gulat ay hindi ko na din namalayan na nakarating s'yang muli sa pwesto ko bago mabilis na kinuha ang aking cellphone.

May pinipindot ito doon hanggang sa sumigaw na lang bigla ito ng hindi ko inaasahan.

"STOP BOTHERING MY WIFE OR ELSE I OBLIGED TO KILL YOU!"

Nagseselos ba s'ya?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status