BINUKSAN KO ang bintana ng kotse ko saka nilabas ang kamay kong may bitbit na baril. Kinalabit ko ang gatilyo ng baril ko upang patamaan ang sasakyan nila. Habang ang isa kong kamay ay nasa manibela. Gumanti sila ng putok kaya mabilis akong yumuko. Muntik pa akong mabangga sa papalapit na sasakyan pero agad rin naman akong nakailag. Hindi na ako nagpaputok at sinundan ko na lang sila. Habang sila ay patuloy sa pagpapaputok sa akin. Panay ilag lang ang ginagawa ko. Naririnig ko pa ang balang tumatama sa hood ng kotse ko. Hanggang sa tumigil na sila sa pagpapaputok. At nagpatakbo ng nagpatakbo lang sila ng sasakyan. As if they’re leading me the way…. sa daan pabalik sa factory? Hindi ako p’wedeng magkamali, ito iyong daan na dinaanan ko kanina papunta sa factory. They are playing with me again. “Damn it!” mura ko. Nagtagis ang mga bagang ko dahil sa gigil habang iniiisip na pinagkakatuwaan ako nila Enrique. Hindi ko talaga sila mapapatawad na ginagago nila ako ng gan
KALANSING ng bakal na hawak ko at ng espada ni Enrique ang naririnig sa loob ng factory. Habang sinasangga namin ang sandata ng isa’t-isa para hindi kami matamaan. “Let’s stop this, Enrique. Let’s live a new life… you have your sister. ‘Wag mong pangibabawin ang galit mo. Kung tinatakot ka lang ni Wem, okay na. Hindi mo na kailangang matakot sa kaniya. He died and you’re free,” pangungumbinsi ko sa kaniya habang nakikipagtagisan ng lakas ang naka-X naming sandata. Sa pag-asang bubuksan niya ang puso niya at hindi na kailangan pang saktan namin ang isa't-isa. Pero mukhang wala iyong epekto sa kaniya.“You know how much I hate Bernardo, Alexandra! You know how much I wanted him to die. You know the reason why at umasa ako sa pangako mong ipaghihigante mo rin ako. Pero ano? You fall in love with his fucking son and forgive him that easily. You forget me! You forget me, you forgot your promises to me! And now you’re protecting him?!” Sumbat niya sa akin habang nangingilid ang luha sa
NAKAILANG shot na ako ng hard brandey, pero hindi pa rin mawalawala ang mga tanong at alalahanin sa isip ko. Hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko sa mga sandaling ito. Naghahalo ang takot at galit ko sa sarili ko. What will happen after all of this? Ni hindi ko alam kung paano haharapin si Alexandra. What if we lost our baby? How can I deal with it? How can I possibly handle it? Paano kung galit siya sa akin dahil nahuli ako? Masisira ang utak ko kakaisip. Kahit saang anggulo ko tingnan kasalanan ko lahat ng ito. Nagmatigas ako eh. Wala akong ibang magawa kun'di ang magsisi na lang. Tinungga ko na ang natitirang laman ng beer mug ko at inubos ang laman niyon. Pabagsak kong nilapag ang baso sa counter kasabay ng pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko. Agad ko iyong pinahid, pero patuloy pa rin ang pagtulo.“One more, please,” utos ko sa bartender na nasa harap ko at abala sa pag-mix ng beverages na order ng ibang customer. Agad naman niyang iniwan ang ginagawa at tumalima sa
HINDI ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kama na hinihigaan ni Alexandra kanina. Wala na siya roon, tanging binunot na swero lang ang nakalapag sa hospital bed. Wala si Alexandra. Kanina tumawag sa akin si Papa para ipaalam na hindi niya naabutan si Alexandra nang bisitahin niya ito. Nagtanong na rin kami sa mga nurses na naroon naka-duty pero hindi nila napansin ang pag-alis ni Alexandra. Wala ni isang nakakaalam. Kusa na lang tumulo ang luha ko. Sa ikalawang pagkakataon nagkamali na naman ako ng desisyon. Hindi ko pala dapat siya iniwan kanina. Sana pala nanatili ako. Sa ikalawang pagkakataon, nagsisisi na naman ako. Saan ko siya hahanapin? Saan ako mag-uumpisa? Talagang sinukuan na niya ako. “Anak…” narinig kong sambit ni Papa sa pangalan ko na noo’y nasa likuran ko na pala. Tinapik niya ng tatlong beses ang likod ko kaya mas lalo lang tumulo ang luha ko.“Susuko na ba ako, pa? Hindi ko na alam kung lalaban pa ba ako? Baka kasi hanggang dito na lang talaga a
“LOLO, oh ano ayos ka na ba talaga? Baka mamaya niyan may maramdaman na naman kayo. Sabi ko naman sa inyo manatili muna tayo sa ospital,” mahinahong sabi ko sa abuelo ko nang pahigain na siya ng kaniyang personal nurse sa kaniyang kama. Kararating lang namin galing hospital. Lumabas na kami dahil nagpupumilit si Lolo na lumabas na. Ayaw raw niyang manatili ng matagal sa hospital dahil pakiramdam niya ay mas lalo siyang magkakasakit.“Apo Brianna, mas magiging malakas ako at mapapabilis ang recovery kapag nandito ako sa bahay. Nandito naman si Melanie eh,” aniya pa. Natutuwa ako sa sarili ko dahil kahit tawagin na ako ng lolo ko sa totoo kong pangalan ay wala na akong galit at sakit na nararamdaman.“Mga matatanda talaga oh matitigas ang ulo,” kunwa’y sermon ko sa kaniya. Narinig ko naman siyang natawa. “Hayaan mo na matanda na eh,” himig nagbibirong sabi nito.“Maam, mukhang kanina pa po may nagdo-doorbell,” anang pinay nurse sa akin. Napatingin ako sa kaniya. May doorbell
[THE TIME BEFORE RADEN AND BRIANNA O ALEXANDRA REUNITE] HABANG NAKATAGO sa likod ng kotse ay minadali kong lagyan ng magazine ang gamit kong calibre 45 na baril at mabilis na nakipagpalitan ng putok. Masyado silang maraming armas at ako lang ang mag-isa. Nauubos agad ang bala kaya ang baby armalite naman ang kinasa ko. “Bwes** naman ‘to! Bakit kasi ito lang ang issue na baril eh. Naghihirap na ba ang government dito sa Russia? Kaya ang mga kriminal dito happy go lucky na lang,” reklamo ko. Naubos pa naman lahat ng armas ko noong sumabog ang condo na tinitirhan ko sa Pilipinas dahil kay Enrique. Hindi ko na rin matrace kung saan binibili ni Enrique dati ang mga baril na kailangan ko. Hindi na ako makatiis kaya gumapang na ako sa ilalim ng kotse ko at kinuha ang tinatago kong Machine Gun, ito na lang ang meron ako. Mabilis akong lumabas at pinatong ang stand sa hood ng kotse at saka kinalabit ang trigger ng baril at walang takot na pinagbabaril ang mga kalaban na nagtatago sa lik
“Anak, tumakbo ka na magtago ka,” umiiyak na turan ni Laura Smith sa kanyang anak na noo’y hindi matigil sa pag iyak. Habang umiiyak ang anak ay panay naman ang pahid niya sa luha ng kaniyang anak gamit ang malayang kamay ng Ina.Nanghihina na si Laura dahil sa tinamung sugat sa tagiliran nito, nang walang awa siyang pinaputukan ng baril ng isang hindi kilalang lalaki. “No, mommy! I can’t!” Mangiyak ngiyak na sabi ng batang si Brianna naa noo’y nasa sampung taong gulang pa lamang. Panay ang iling nito. Ayaw niyang iwan ang kanyang ina, hawak hawak pa nito ang kulay brown na stuff toy na owl na bigay pa ng kan'yang ina noong kaarawan niya. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa kaniyang laruan.Tinitigan ng bata ang ina at mula rito ay bumaling ang tingin niya sa likurang bahagi ng ina kung saan nakahandusay sa 'di kalayuan ang kanyang daddy at ang kambal nitong kapatid. Mas lalong umagos ang kaniyang luha sa nakita, naliligo ng sariling dugo ang mga ito habang dilat ang m
15 years later.**Alexandra POV SINIPAT ko ang itaas ng pintuan na may nakasabit na numero, pagkatapos ay dinukot ko sa bulsa ko ang isang maliit na puting papel kung saan nakasulat ang room number ng kuwartong inukupa ni Mr. Yamamoto. Nang masiguro kong ito nga, pinihit ko ang siradora ng pinto, napa-smirk pa ako ng malamang bukas iyon kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tuluyan ko nang binuksan ang pinto. “Ahhh…” ungol ng isang babae ang agad na bumungad sa akin, pagbukas ko ng pinto.“Yeah! Fuck me harder, oh shit,” anas ng babaeng hindi magkamayaw sa kakaungol.Napabuga ako ng hangin saka umiling. Hinanap ko ang pinanggalingan ng ungol, nakita ko ang isang kwarto na nakaawang ang pintuan. Maingat akong naglalakad patungo sa pinto. “Oh, I’m cumming baby, fuck!” anang isang lalaki na medyo nanginginig pa ang boses.Hinayaan ko muna siyang abutin ang langit bago ko siya ihatid sa impyerno. Sumandal muna ako sa door jam saka binunot ang calibre 45 na baril mula sa tagiliran