HINDI ko maiwasan ang titigan ito dahil animo hinihila ako ng mga titig niya. Nakipagsukatan na rin ako ng titig sa malamig ring paraan.
Doon lang naalis ang pagkakatitig ko sa kan'ya at pagkakatitig niya sa akin ng marinig kong tumikhim si Mr. Lim."Tamang tama ang dating mo son. Come here." Son? May anak siyang lalaki? I was thought, puro babae ang anak niya. Where this man came from? When I was a kid, nakilala ko ang mga anak niya na halos kaedaran ko lang. He has a 3 daughters, pero hindi ko alam na may anak pa siyang lalaki na sa tantiya ko ay nasa kan'yang med 30's na. Naglakad ito palapit sa ama. "By the way, Ms Lewis, I want you to meet my son Raden Lim." Pakilala nito. Kaya napatayo ako at nagbow rito. Nasanay na ako sa culture ng Japan. "And son, she is Miss Alexandra Lewis, ang sinasabi ko sayong malaking investor natin." Nauna akong naglahad ng kamay ng makalapit ito na tinitigan lang nito. Napataas ako ng isang kilay dahil sa attitude nito. Ibababa ko na sana ang kamay ko ng bigla niyang hulihin ang palad ko at pinagdaop ang mga palad namin. Muling umarko ang isang kilay ko sa ginawa niya. Napatigil pa ako ng may maramdaman ako. What is this fucking current that flows through my veins. Imbis na bawiin ko agad ang kamay ko ay hindi ko iyon binawi kahit na halos feeling ko mapuputol ang ugat ko. I need to act normal."Call me Alex." I said with a sweet smile. He just stared at me using his cooled and expressionless brown eyes. Saka ngumiti ng pilit. Tinaasan ko siya ng isang kilay saka binawi ang kamay ko. Napairap pa ako ng tumalikod ito saka umupo sa upuan na katabi ng ama nito. I don't like his gestures. I don't like the way he look at me. Nakakainis. Kaya hindi ko mapigilan ang suklian siya ng matalim na titig. Did he know my intentions for being here? Umupo na ako saka nag de-kwatro na rin ako. Nakita ko pa siyang nagsalin ng tea sa bakanteng teacup."I was thought, puro babae ang anak mo, Mr. Lim as my secretary's information about you?" Hindi ko mapigilang itanong. Nakita kung natigilan si Mr. Lim. And then he chuckled. "Oh, anak ko siya sa dati kong asawa, ayaw ng mommy niya dati na makasama ko ang anak ko, but 5 years ago his mom died because of illness and my son decided to leave with me since iniwan na rin ako ng pangalawa kong asawa at mga anak ko." Napataas ako ng isang kilay dahil sa sinabi nito. Hindi na bago sa akin ang kaalaman ko tungkol sa pamilya nito o sa ikalawang pamilya nito, but I pretend to be shock."Oh, I'm sorry to hear that Mr. Lim." Kunway guilty kong saad."Don't mind it, Miss Lewis, I already moved on." Napa-smirk ako ng maalala ang ginawa ko dati six years ago. Nagpadala ako ng litrato ni Bernardo na may kasamang babae sa kama. Sampung litrato na may iba't ibang babaeng kasiping marahil 'yon ang dahilan ng paghihiwalay nilang mag-asawa. Deserved. *** KINABUKASAN ay inimbitahan ako ni Mr. Lim para pasyalin ang isa pa kunong kompanya nito ang S Empire o Smith Empire na pag-aari ng pamilya ko dati. Hindi pa rin pala ito binago ang pangalan ng company. Hindi ko kasama si Enrique dahil bumalik ito sa Japan for business matters pero babalik rin naman ito bukas. Lulan kami ngayon ng kotse ni Mr. Lim kasama ang anak nito. Katabi ng driver sa driver seat nakaupo si Bernardo, samantalang katabi ko naman ang anak niya sa backseat na parang binagsakan ng langit at lupa dahil nakasimangot ito minsan at malamig pa rin ang mga tingin nito. Ano bang problema nito? Hindi ko mapigilan na mapalingon sa kan'ya. Nag-iisang linya ang kilay ko dahil diretso lang talaga ang tingin nito. "Pagpasensyahan mo na 'yang binata ko Miss Lewis. Talagang strikto 'yan." Natatawang sabi ni Mr. Lim. Marahil napansin ako nitong panay lingon sa anak nito at panay rin ang irap ko. Ngumiti lang ako at 'di na sumagot. Narinig ko namang bumuntonghininga ang katabi ko. Parang gusto ko na lang bumaba at mag taxi. Naiirita ako sa presensya ng lalaking ito. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan at baka alam nito ang mga plano ko. Umiling na lang ako saka iwinaksi ang mga isiping iyon. Humalukipkip lang ako saka bahagyang lumingon sa gawi ng bintana at tumingin lang sa labas. Pinanatili ko na lang ang pagiging kalmado ko. Muntik na akong masubsub sa likuran ng inuupan ng driver ng biglang huminto ang sasakyan na sinasakyan namin. Buti na lang ay may isang kamay na humarang sa harap ko para saluhin ang ulo kong muntik ng mabagok. Plastic pa naman ang likuran ng upuan ng driver, dagdagan pa na hindi ako naka-seatbelt. Lumingon ako sa may-ari ng braso. It's Raden's. Na-alerto ako ng marinig ko ang sunod sunod na putok ng isang armalite. Bubunot sana ako ng baril na nakakabit sa hita ko ng may maalala. Hindi nila dapat malaman na magaling ako sa mga ganito. Dapat manatili akong enosente sa mga mata nila. Bumuntonghininga ako. Nakita ko kung paano nag panic si Bernardo. Habang ako at ang anak niya ay kalmado lang. Hindi na rin kasi bago sa akin ang mga ganitong eksena dahil sa klase ng racket ko. Pero pinagana ko ang six sense ko para sa susunod na maaring mangyari. "What happened?" Kunway tanong ko. Sa gilid ng mga mata ko kita ko na ang pagka-alerto ni Raden. Dahil may iba nang tauhan nila Bernardo na nakikipagbalikan ng putok.Hindi pa rin tumitigil ang putukan sa labas. Patuloy pa rin ang pagpapalitan ng putok ang mga tauhan ni Bernardo sa mga taong nakasakay sa van at panay ang paulan ng bala. "Papa, dapa!" Sigaw ni Raden na ngayon ay kinakitaan ko na ng ibang emosyon ang mukha. May pag-aalala ng gumuhit roon ng tamaan ng bala ang windshield ng sasakyan namin. Nagulat pa ako ng hawakan niya ang batok ko at pinadapa. Kaya dumapa na rin ako, dahil tumatagos na ang bala sa loob ng sasakyan. Nakita kong bumunot ng baril si Raden saka padapang binuksan ang pinto at ginawang shield ang pinto ng kotse. At nakipag palitan na rin ng putok. Napasinghap ako ng biglang may humila sa braso ko ng puwersahan at pinalabas ako sa nakabukas na palang pinto sa gawi ko. Shit! Mapapasubo ako nito. Alangan namang hayaan kong saktan ako nito. "Alexandra!" Sigaw ni Bernardo ng makita akong kinaladkad palabas ng hindi kilalang lalaki. Tuluyan na nga akong nakalabas. Nakapaikot na ang braso nito sa leeg ko mula sa likuran ko at nakatutok ang baril sa leeg ko. "Putang ina ka! Bakit mo ako dinadamay dito?!" Pagmumura ko sa h*******k na lalaking ito. Tumingin muna ako sa sasakyan kung nakatingin ba si Bernardo pero nangunot ang noo ko ng diretso lang ang tingin nito sa harapan ng sasakyan at hindi na nakadapa matuwid na itong nakaupo. Pero mabuti na ngang gano'n, pero masama ang kutob ko. Wala na akong inaksaya pang oras buong lakas kong siniko ang tadyang ng lalaki dahilan para mabitiwan niya ako, saka mabilis kong tinuhod ang abdomen nito saka kinuha ang baril at tinutok sa kan'ya. "Hayop ka, pinasubo mo ako." Matigas na sabi ko sa lalaki. Na namimilipit sa sakit habang nakayuko. Sa lakas ng pagkakasiko at pagtuhod ko rito for sure nahihirapan na itong huminga. Nagtaas ito ng mukha. "Tumakbo ka na kung ayaw mong pasabugin ko 'yang utak mo." Banta ko rito sa malamig na boses. Bumalatay ang takot nito sa mukha saka mabilis na tumalikod at tumakbo. Pero bago pa man ito nakalayo ay binato ko ng buong lakas ang baril sa gawi nito. Umiikot-ikot ang baril papunta sa gawi nito hanggang sa dumapo iyon at sapol ang ibabang bahagi ng ulo nito na alam kung ikakahimatay nito at hindi nga ako nagkamali dahil bumulagta ang katawan nito. Napa-smirk ako. Sisiw! Mabilis akong bumalik sa loob ng kotse. Napalingon pa sa akin si Raden habang nagtatago sa pintuan ng kotse at pinapalitan ng magazine ang baril nito. May pagtataka sa mukha nito. Marahil ay nagtaka ito dahil nakita ako nitong kinaladkad ng kalaban at ngayon nakabalik sa loob ng wala man lang gasgas. Iniwas ko na ang tingin ko sa kan'ya at bumaling kay Bernardo na nanatili pa ring nasa harap ang mukha, at parang nanginginig. Napataas ako ng isang kilay I smell something wrong. Hanggang sa hindi nga ako nagkamali ng unti-unting itaas ng driver ang braso nitong may hawak na calibre 45 na baril at tinutok sa gilid ng ulo ni Bernardo. Mukhang may gulong kinasangkutan talaga itong si Bernardo at pati driver ay tina-traydor na siya, malakas ang loob ng mastermind nito. Tarantado kasi. Pero hindi ko hahayaang patayin siya ng traydor na driver na ito. Hindi ko pa siya nakikitang naghihirap. Kung mamamatay ang taong ito dapat sa kamay ko. Nakita ko ang paglipat ng daliri ng driver mula sa trigger guard hanggang sa mismong trigger. Akma na sanang kakalibitin niya ang gatilyo ng mabilis na umangat ang mahaba at nakatakong kong paa at sinipa ang kamay nitong may hawak ng baril. Buti na lang at malaki at maluwang ang kotse ni Bernardo kaya nakakakilos ako ng maluwang. Naiputok nga nito ang baril pero sa ibabaw naman. Mabilis na dumapo ang palad ko in slant position sa batok nito kung saan mabilis na nawawalan ng malay ang sino mang tatamaan doon. Pero nagulat ako ng medyo nanghina lang ang lalaki at hindi nawalan ng malay. Bagkos ay humarap ito sa akin at tinutok sa akin ang baril. Sa hula ko nakadrugs ang lalaking ito, nanlilisik ang mga mata nito at namumula. Kinalabit niya ang baril at pumutok iyon, buti na lang mabilis ang kilos ko kaya nakaiwas ako. Hinuli ko ang pulsuhan niyang may hawak na baril saka hinampas ko ang leeg niya sa pamamagitan ng palad in slant position. Na kinaigik nito. Pero hayop matigas pa rin kaya ang ginawa ko ay tinusok ko ng dalawang daliri ang mata niya na kinasigaw nito. Kaya nabitiwan niya ang baril na nasalo ko at mabilis ko iyong itinutok sa kan'ya na kinatakot ng huli. Pero hindi ko iyon kinalabit hinayaan ko siyang makalabas ng kotse. "Men Barilin niyo ang traydor na 'yan!" sigaw ni Bernardo mula sa nakabukas na bintana. Agad namang tumalima ang tauhan nito saka pinaulanan ng bala ang katawan ng driver. Napapailing na lang ako.HINDI na kami natuloy sa planong pagpunta sa S Building dahil sa insidenteng nangyari. Bumalik na lang kami sa opisina ni Bernardo. Panay pa ang pasalamat nito dahil sa pagliligtas ko sa buhay niya. Hindi na rin nito nabanggit kung sino ang mga iyon. Puro pasalamat at paghingi ng pasensya lang ang bukang bibig nito sa akin. Blessing in disguise rin ang nangyari, dahil for the second time mas lalo lang lalaki ang tiwala nito sa akin dahil hero na ang tingin nito sa akin ngayon. Nagdesisyon na akong umuwi dahil gusto kong mag shower. Nakasanayan ko ng pagtapos magbakbakan ay nagshoshower ako para lumamig ang ulo ko kahit na sisiw lang naman ang nangyari. Papasok na ako ng elevator ng maabutan ako ni Raden at sumakay na rin ito. Pagsara na pagsara ng pintuan ng elevator ay hinarap ako nito kaya hinarap ko rin siya. Nakikita ko ang marahas na titig nito sa akin na hindi ko sinukuan. Tinaasan ko pa siya ng isang kilay."What?" Nakataas ang isang kilay ko na tanong rito."Who are you?" Ma
"Hi beautiful evening for this beautiful señorita beside me." Napalingon ako sa may-ari ng baritunong boses na umupo sa tabi ng stool na inuupan ko. Naramdaman ko ang paninitig nito sa akin, kaya lumingon ako. Malaki ang katawan nito panot ang ulo. Balbas sarado ang mukha. Inirapan ko ito saka bumalik ang pansin ko sa iniinom ko. Dinampot ko ang pulutan na hindi ko alam ang pangalan saka hinatid sa bibig ko. "You look alone. Mind if I join you." Patuloy nito na hindi ko pinansin. Napakagat labi ako ng mariin ng humaplos ang malaki nitong kamay sa likod ko. Ramdam ko iyon dahil backless ang sout kong itim na dress na hanggang talampakan ang haba. Sleeveless rin iyon. Naramdaman ko rin ang kamay niyang gumapang sa balikat ko. Ininom ko ang laman ng isang shot glass na inisang lagok ko lang. Saka bumaling sa kan'ya. At mabilis ang ginawa kong kilos ng hawakan ko ang kamay niya mula sa balikat ko mabilis ko iyong inikot na parang pilipit. Saka sinampal ng malaya kong kama
NASA opisina ako ng mga sandaling ito -nasa condo ko lang ang opisina ko. Inaaral ko ang mga nakatambak na documents na galing pa ng japan para personal kong mapirmahan at mapag-aralan. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa tungkol sa documents ng biglang may narinig akong tatlong katok."Pasok," sabi ko saka muling binaling ang tingin ko sa mga papeles. Alam ko namang si Enrique iyon dahil siya lang naman ang katuwang ko sa trabaho at kakilala ko rito. Napasinghap ako ng muling mabaling ang tingin ko sa pinto habang papasok siya sa opisina ko, pasan-pasan ang maraming papel na halos hindi na makita ang mukha nito dahil natatabunan na. What the fuck! Kanina pa akong umaga dito anong oras na, gabi na hindi pa ako matapos tapos dito sa mga papel na 'to. May dumagdag na naman?Lumalim ang gitla ng noo ko ng pabagsak na nilagay ni Enrique sa ibabaw ng executive table ko ang mga makakapal na papel."What is this shit , Enrique?!" Hindi ko mapigilang mapabulalas ng mura."Mga pipirmahan mo
Enrique POV"Siguraduhin mo na masusunod mo ang lahat ng itinuro ko, huh." Bilin ko sa babaeng nakuha ko upang magpanggap na siyang tutubos sa S company building.Nakita ko siyang tumango.Nahirapan akong maghanap ng babaeng magpi-fit sa role na gagawin, ang role bilang si Brianna Smith. Mahirap maghanap ng sophisticated, makinis, may fierce look at talagang mayaman tingnan kapag nabihisan na babae na p'wedeng bayaran. Umabot pa ako ng ilang araw para makahanap. Buti na lang may nakita akong babae sa park na nakikipag malditahan sa mga bakla na hindi ko na rin inalam kung bakit. Nang ipakita ko ang 200 thousand cash sa kan'ya ay mabilis siyang umu-oo kapalit ng pagpapanggap niya at habang buhay na pananahimik. Magaling rin ito sa englishan kaya nagkasundo kami. Ang hindi ko lang bet ay ang kaartehan nito na pang world class akala mo naman kung sinong slapsoil, pero kere na rin 'to kaysa masira pa ang beauty ko kakahanap.Sa mga sandaling ito ay binabaybay pa namin ang daan pa
Alexandra Pov"Brianna Smith," bulong ko sa hangin saka isang malademonyong halakhak ang lumabas sa bibig ko."Parang hindi ka makamove-on sa nangyari kanina ah," sabi ni Enrique saka nagsalin ng wine sa sariling wine glass."Of course, naku Enrique kung nando'n ka lang for sure, matatawa ka. Makikita mo kung paano halos mawalan ng dugo ang mukha si Mr. Lim dahil sa putla ng marahil sabihin ni Mr. Sandoval kung sino ang tumubos ng building niya. And take note, nag-animo gulaman sa lambot ang tuhod niya na kailangan pa siyang alalayan ng anak niya dahil muntik na itong mawalan ng malay." Mahaba kong sabi saka muling humalakhak.Nakitawa na rin si Enrique. "Talaga? Sayang wala ako do'n kanina. Mag-e-enjoy siguro ako," aniya."For sure, dahil ako enjoy na enjoy!" Masayang sabi ko. Saka nagsalin ng wine sa baso ko."Cheers for today's successful mission!" Wika ko saka itinaas ang baso na may lamang wine."Cheers!" anang Enrique naman saka pinag-umpog ang baso namin. Tapos sabay na uminom
*** Handa na ako para sa party na gaganapin at dadaluhan ko. Sinabi ko na rin kay Enrique ang tungkol sa imbitasyon ni Raden. Nakasuot ako ng black off the shoulder ball gown na napapaligiran ng black sparkling beads. Naka-space bun style ang buhok ko. Itim rin ang maskara na gamit ko dahil masquerade party nga iyon. Animo hugis pakpak ang style ng Mask ko at may mga golden beads rin sa ibabaw na bahagi ng mask at naka high-heeled black boots ako. Mahaba ang gown ko na floor length kaya hindi makikita ang soot ko sa paa. Sinadya ko iyon dahil sa loob ng ballgown ko ay may isa pa akong damit na soot leather skinny iyon. Ang pang itaas ko naman pinailaliman ng leather tube. "Alexandra," tawag sa akin ni Enrique ng makapasok sa kwarto ko.Lumingon ako sa kanya. Lumapad naman ang ngiti nito saka pumalakpak. "Gorgeous! You really look great with black Alexandra. It suits your personality. " Puri nito. Napangiti ako saka tinanggal ang mask na soot ko. "I know Enrique. "
Pagkatapos kong masiguro ang ayos ko at maisuot ang black hand gloves ay lumabas na ako ng Cr. Nagulat pa ako ng makita kong papuntang Comfort room si Raden. Pero kalmado lang akong naglakad at nilampasan siya. Parang hindi rin naman ako napansin ng huli dahil diretso lang ang tingin nito habang naglalakad."Don't worry, Alex, your transformation is pretty good. Hindi ka niya makikilala," sabi ni Enrique kaya tumango lang ako.Paglabas ko sa pasilyo galing comfort room ay sumalubong sa akin ang dumadagundong na tugtugin. May mga tao na ring nagsasayawan sa gitna. Nakita ko naman si Takahashi na aliw na aliw pa rin sa mga babae niya. Wala na akong inaksaya pang oras at mabilis na kinuha ang dalawang baril sa magkabilang gilid ko at mabilis na pinaputukan si Takahashi. Tinamaan ito sa dibdib, siniguro kong hindi na ito mabubuhay dahil tinadtad ko ng bala ang katawan nito. Dahil sa ginawa ko ay nagkagulo ang mga tao roon.Rumesbak rin ang mga tauhan nito kaya nagtago ako sa poste ng h
Dumiretso ako sa opisina ni Mr. Lim matapos ang isinagawang board meeting kanina. Pinag-uusapan nila kung paano mapoprotektahan ang kompanya laban kay Brianna Smith. Without knowing na kaharap lang nila ang tinutukoy nila, fool pity Bernardo. Ano kaya ang magiging reaction niya oras na malaman niya na si Brianna Smith at ang babaeng pinagkakatiwalaan niya ay iisa. Hmmm, I can't wait for that to happen. "Hindi pa pala kita natatanong Mr. Lim about, how was your feeling since the day you almost collapse," nakangiti kong saad matapos akong sumimsim ng isang cup ng tea. Nasa harap ko siya ng mga sandaling ito at kitang kita ko kung paano siya namutla sa sinabi ko. Is he ashamed? Gusto ko lang naman maamuse ulit, dahil at this moment, pamumutla pa lang niya gusto ko ng pumalatak ng tawa. "A-ah, 'yon ba? Thank you for your concern Miss Lewis. I'm okay now," aniya."Good to hear…" "Sigurado ka bang umalis ka kagabi ng magkagulo sa party, Miss Lewis?" Napatigil ako sa biglaan