Share

Chapter 2

Mahigit ilang oras na rin bago umalis ang lalaki at mahigit ilang oras narin akong nakatulala ngayon sa balkonahe. Pagkatapos niya kasing umalis ay napagdesisyonan kong maglibot sa malaking bahay nato. May iba akong nakakasalubong na mga kasambahay at halos lahat sila ay mukhang hindi ko close, minsan ay natataranta pa sila pag nakikita ako kaya ang tanging ginawa ko nalang ay ngumiti sakanila.

Halos maubos narin lahat ng braincells ko kakaisip kung bakit nabuhay pa ako ulit at sa katawan pa ng babaeng to.

Napabuntong hininga nalamang ako. Kung pwede lang na manatili dito sa balkonahe ay gagawin ko talaga, maliban sa sariwa ang hangin dito ay nakikita ko rin mula dito ang iilang mga puno't halaman na nasa labas. Pansin ko rin na walang masyadong bahay na malapit sa bahay nato. Mukhang isang private subdivision yata ito.

Eh?

Napalingon ako sa paligid dahil tila parang may narinig akong humihikbi. Napatayo ako sa kinauupuan ko sa sahig at napagdesisyonang umalis muna rito sa balkonahe. Binuksan ko ang sliding door at lumingon sa kabilang hallway.

Naglakad ako papunta sa isang kwarto na may medyo bukas ang pinto. Sinilip ko ang loob at nakita yung cute na poging bata na nakatayo sa gilid ng kanyang kama. Yakap nito ang kanyang medyo may kalakihang laruan na kotche-kotchehan na kulay red.

Humihikbi ito at parang kakagising lang. Siguro naputol ang pagtulog niya. Dahan dahan kong binuksan ang pinto na siyang pagtahimik niya. Sandali siyang natigilan at napatitig sakin.

"Hello" magiliw kong bati sakanya pero mukhang natakot yata siya sakin at dali dali siyang tumakbo sa kabilang side ng kama para magtago.

Naglakad ako papunta roon at sinilip siya. Nakaupo siya sa sulok at pilit na isiniksik ang katawan sa gilid ng kama.

Mas lalo siyang natakot at humikbi.

"Shhh, wag kang matakot sakin hindi naman kita sasaktan eh"

Napailing lamang siya at ayaw maniwala.

Nalungkot tuloy ako. Naalala ko ang sarili ko sakanya. Lumaki ako sa bahay ampunan dahil halos kaedad ko lang din siya nong iniwan ako ng mama ko at naiwan sa papa kong lasenggero at halos nasa akin ang pagbubuntong niya ng galit kaya bugbog sarado rin ako non ni papa. Naglayas ako hanggang sa wala na akong masyadong maalala, basta ang naalala ko nalang ay nasa bahay ampunan ako at maayos ang buhay ko roon dahil hindi ako nag iisa. Marami akong mga nakilala at naging kaibigan doon na katulad kong wala ng magulang o dikaya wala ng nag-aalaga sakanila.

"Gusto mo bang lumabas? Hali ka, laro tayo? Marami akong alam na laro" pagyaya ko sakanya at dahan dahang lumapit pero mas lalo lang niyang isiniksik ang katawan sa sulok na para bang isa akong multo na gusto siyang kunin. Napabuntong hininga nalamang ako. Alam kong mahirap talaga makuha ang tiwala ng isang bata lalo na pag may nagawa kang hindi nila nagustuhan ay automatikong may mamumuong takot roon sa utak at puso nila sa tuwing nakikita nila ang taong nanakit sakanila.

"Kaiden? Tama ba ako? Kaiden ang name mo diba?" hindi niya ako sinagot at nanatili paring hindi naka tingin sakin at nakayuko habang yakap ang sarili niyang katawan.

"Baby? Tingin ka sakin please, promise wala akong gagawin. Look oh hindi na ako malapit sayo" dahan dahan niyang iginalaw ang kanyang ulo at tinignan ang pwesto kung saan nakaupo rin ako. Literal na lumayo talaga ako sakanya, mga isang metro lang naman ang layo.

"I know na hindi naging mabuti ang pag aalaga sayo ng original mommy mo pero hindi naman ako ganon" medyo naguluhan siya sa sinabi ko. Napalabi nalamang ako.

Kung ang tatay nga ng bata ay hindi naniniwala sa pinagsasabi ko pati ba naman ang anak? Pero bata naman ito siguro may pag asa pa na maniwala to sakin.

"Kaiden, makinig ka sakin okay? Hindi ako ang mommy mo, I mean, Oo katawan ito ng mommy mo pero ang nasa loob nito ay ako " nanatili lang siyang nakatingin sakin. Napatampal nalamang ako sa noo ko. Anak ng! Naiintindihan niya kaya ako? Maski ako ay naguguluhan na sa mga pinagsasabi ko. Bahala na nga, wag nalang akong mag explain. Magpanggap nalang ako na ako nga talaga ang original mommy niya na sinusubukang magbagong buhay.

"Kaiden, Alam kong masama ang mommy mo ay! I mean naging masamang ina ako sayo pero can you give me another chance? Promise hindi kita bibiguin. I will be a good mother to you at babawi ako sa lahat ng mga nagawa kong hindi mabuti sainyo"

Napakurap lang siya at napaayos ng upo. Ginaya niya pa ang pag upo ko na naka indian sit  lang dito sa sahig. Napangiti ako sa ginawa niya pero hindi ko rin matanggap na parang inaako ko ang mga kasalanan ng original mommy niya at ako pa mismo ang gagawa ng paraan para magkaayos sila ulit.

"Pwede ba akong lumapit sayo?" Mahinahon kong sabi ngunit umiling lamang ang bata. Ngumiti ako at napatayo.

"Okay, naiintindihan ko. No pressure" nakangiti kong sabi sabay tayo. Naglakad ako papuntang pinto pero bago ko iyon isara ay nilingon ko ulit siya.

"Gusto mong bumaba? Kain tayo ?"

Nakatitig lamang ito sakin at ilang segundo lang ay tumango ito.

***

"Manang?"

Medyo nagdalawang isip pa akong tawagin siya dahil baka may lihim din itong galit sakin o di kaya takot pero mabuti nalang dahil medyo nagulat lang siya at kalaunan ay ngumiti pagkatapos.

"Bakit po Ma'am? May kailangan po ba kayo?"

Napalingon ako kay Kaiden na nakatayo sa likuran ko.

"Magluluto sana ako, pwede po ba akong magluto dito?"

Medyo nagulat pa siya sa sinabi ko at tila parang hindi makapaniwala sa narinig niya mula sakin.

"Ano kamo Ma'am?"

Napangiti ako at sinabi ulit yung sinabi ko.

"Naku pwedeng pwede naman po, bahay niyo naman ho ito" ramdam ko ang pagdalawang isip niya na sabihin iyon at mukhang naghahanda na masigawan. Hindi ko na lamang iyon pinansin.

"Ah sige po Manang"

"Ano po bang lulutuin ko Ma'am Audrey?" natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako sanay na tawaging Audrey.

"Ay ako po ang magluluto" ngiti kong pagtatama sa sinabi niya. Nagulat ulit siya.

"H-ho? Sigurado po ba kayo Ma'am?"

Tinignan ko lamang siya at ningitian. Ngiti na nagsasabing 'ako pa? marunong kaya akong magluto'

***

"Wow Ma'am hindi ko talaga inexpect na marunong ka palang magluto" masiglang sabi ni Keira na isa sa mga labandera dito. Palangiti ito at siyang pinakamaingay sa mga kasambay dito. Mga nasa edad 28 na ito at may dalawang anak na nasa probinsya.

Napansin ko ang pagsagi ni Ate Ruby kay Keira, halatang natatakot na baka mapagalitan ko sila. Ganon ba talaga ka kasama ang ugali ni Audrey na halos lahat sila ay sinisigurado na maayos ang mga salita na lumalabas sa bibig nila?

"Pagpasensyahan niyo na talaga itong si Keira Ma'am, bago pa kasi siya rito kaya——

"Ha? Ano kaba ayos lang" ngiti kong sabi habang nagpatuloy sa niluluto kong sinabawang manok. Medyo hindi nila iyon inaasahan at napangiti nalamang lalo na si Ate Ruby na siyang isa sa mga labandera rin dito. Kanina ko rin nalaman na si Manang Nelita pala ang Head dito at siyang nag a-assign sa mga gawaing bahay at nagbabantay sa mga kasambahay, kumbaga siya ang nag momonitor.

Nagulat nga ako kasi akala ko mga nasa edad sengkwenta palang siya pero hindi pala. 58 na pala si Manang Nelita, hindi lang halata samantalang itong si Ate Ruby ay nasa 39 na.

"Kailan ka nga pala dumating dito Keira?"

"Hala si Maam nakalimutan na"

"A-aray!" hiyaw pa ni keira ng kurutin siya ni Ate Ruby sa gilid ng tiyan niya.

"Ikaw talaga keira! Ayos ayusin mo yang dila mo baka magalit si Ma'am"

Napatawa nalamang ako na siyang ikinatigil nila. Hindi siguro sila sanay na tumatawa ako. Hindi ko alam kung bakit ako natutuwa sakanila.

"Nung Abril papo ako dumating dito Ma'am" napakunot ang noo ko.

"Anong buwan na ba tayo ngayon?" Nagkatinginan silang dalawa at bahagyang nagtaka.

"June na po Ma'am" sagot naman ni Ate Ruby. Natahimik nalamang ako. June? Sa pagkakaalala ko ay Month of June din nong nasagasaan ako non. Malinaw iyon sakin dahil bago ako nasagasaan ay hawak ko ang cellphone ko non at tinignan ang oras at saktong sa ibaba ng oras ay may date na nakalagay din doon.

Posible rin ba kayang makita ko ngayon ang katawan ko ngayon kung saan ako nasagasaan?

"Ma'am? Ayos lang ba kayo?" Tanong sakin ni Keira na mukhang nag aalala. Ngumiti lamang ako. Sa ngayon ayaw ko munang pag isipan ang tungkol sa nangyari sakin baka mabaliw pa ako ng tuluyan.

Tinikman ko ang sabaw at napatango. Ayos na ang lasa para sakin. Nagkuha muli ako ng sabaw at itinapat iyon kay Keira.

"Tikman mo nga Keira kung okay lang ba ang lasa"

"H-ho" siniko muli siya ni Ate Ruby at agad naman tumalima si Keira na siyang ikinatawa ko nalang.

"Ayos lang ba?"

Nanlaki ang mata niya at napatango-tango.

"Ma'am nag aral po ba kayo ng cullinary? Ang sarap po" napatawa ako pagkatapos ay si Ate Ruby naman ang pinatikim ko at pati siya ay nagustuhan rin ang lasa.

"Yay! Sige na maghain na tayo" masigla kong sabi na siyang ikinatuwa rin nila dahil sa wakas ay kakain na kami.

Tinulungan nila ako sa paglagay ng mga plato at saktong dumating na si sina Manang Nelita at Baby kaiden. Pagkababa kasi namin ay itong si kaiden ay nagyayang lumabas ng bahay kaya nilakad muna siya pansamantala ni Manang habang nagluluto ako.

"Hi Baby Kaiden, upo ka dito nagluto ako ng chicken na may sabaw" lumapit ako sakanya para sana buhatin at paupuin kaso napayakap ito bigla ng mahigpit kay manang at natakot pa sakin. Hilaw na napatawa si Manang na mukhang nag aalala sa magiging reaksyon ko.

"P-pagpasensyahan  niyo na po si Kaiden Ma'am, ano kasi ang bata, hindi po kasi sanay si kaiden—

"Ayos lang po Manang" putol ko nalang sa sasabihin niya dahil halatang nahihirapan siya sa kung ano ang sasabihin niya. "Ikaw nalang po muna ang bahala sakanya ,mukhang ayaw niya nga talaga sakin" nakangiti kong sabi samantalang siya ay napatango nalang at pinaupo na ang bata.

Pagkatingin ko sa mesa ay napakunot ang noo ko at saktong dumating sina Ate Ruby at Keira na nagdadala ng petsil. Nagtaka sila at halatang kinakabahan sa naging reaksyon ko.

"Bakit dalawang plato lang po ang nilagay ninyo?" Nagtataka kong sabi. Naguluhan sila sa sinabi ko.

"Akala po namin kakain po kayo ni Kaiden Ma'am" sagot naman ni Keira.

"Oo naman, kakain kami pero kayo?"

"Po?"

Nagkatinginan silang tatlo. Napabuntong hininga ulit ako.

"Tawagin niyo na lahat ng mga tao na nandito sa bahay, sabay tayong kakain"

"P-pero"

Tinignan ko siya. " Kaya nga marami akong niluto diba? Hindi rin naman namin ito mauubos ni kaiden" mahinahon kong sabi. Magsasalita na sana si Ate Ruby pero napansin ko ang pagpigil sakanya ni Manang Nelita.

"Sige po Ma'am " sang-ayon nito at umalis na para tawagin pa ang iba pa nilang kasamahan.

"Ayos lang po ba sainyo Ma'am na makisabay sa inyo sa mesa?" bulong pa sakin ni Keira na halatang lumapit pa talaga sa sakin para hindi siya marinig ni Manang o ni Ate Ruby, takot siguro siyang makurot ulit.

"Oo naman, mas mabuti nga yun para masaya"

Napalayo siya sakin ng bahagya at sinuri ang pagkatao ko na siyang pinagtaka ko.

"Alam niyo po Ma'am? Hindi naman pala kayo masungit eh" tinignan ko lamang siya at naghihintay sa susunod niyang sabihin.

"Bago lang po ako dito pero halos lahat ng chismis nila dito tungkol sayo ay halos hindi maganda, sabi nila m*****a ka raw, ma attitude. Naniwala nalang ako kasi nung bagong dating ko rin dito eh ikaw ang unang nakasalubong ko pero inismiran mo lang ako at pinag taasan pa ng kilay hehe"

"Basta wag lang kayong magsabi sakanila ah? At saka ang nagchismis non ay yung mga dating kasambahay na nagresign na kaya kalimutan niyo nalang ho maam hehe"

"Talaga?" tanging nasabi ko nalang at halos hindi na ma sink in lahat sa utak ko ang mga pinagsasabi niya dahil kung ano-ano na ang pinagki-kwento niya sakin.

***

Tunog lang ng mga nagkakalansingang mga kutsara at tinidor ang naririnig ko. Hindi ko inaasahan na ganito katahimik sila kumain . Ang inexpect ko ay masaya kaming magkwekwentuhan at magtatawanan habang kumakain katulad ng mga nangyayari samin doon sa bahay ampunan. Dahil ba sa ako na ngayon si Audrey? Dahil ba nandito ako kaya naiilang sila?

Akala ko marami sila pero hindi pala. Tinignan ko sila isa isa at inaalala ang mga pangalan nila. Si Manong Ben na taga ayos at taga bisbis ng halaman at  puno dito sa mansion. Si Kuya Roberto na isang driver dito sa Mansion, Sina Ate Ruby at Keira na taga laba at plantsa dito sa bahay, hindi naman sila araw araw naglalaba kaya halos sila na rin ang nagtutulungan para maglinis dito At si Manang Nelita na taga asikaso sa gawaing kusina at iba pang mga gawain.

Tumikhim ako ng malakas at medyo nagulat ako dahil nagsitigil silang kumain at napalingon sakin. Napataas ang dalawa kong kamay.

"Chill lang kayo" pagpapakalma ko sakanila, para kasi silang kinabahan. Nagkatinginan silang lima. Samantalang si Kaiden naman ay naghihintay sa gagawin ko.

Huminga muna ako ng malalim.

"Alam kong masama ang image ko sa paningin ninyo. M*****a, ma attitude, suplada? Masungit? Isali na natin ang mangkukulam , bruha" sabi ko habang deni-demonstrate ang mga sinabi ko gamit ang kamay ko. Sila naman ay maiging nakikinig at sinusundan ang galaw ng kamay ko.

"Can you also give me another chance? H-hindi man ako aware or hindi ko alam kung ano pa ang mga pinanggagawa ni  Aud— I mean pinanggagawa ko! Gusto ko lang sabihin na I am very sorry, walang halong ka plastikan. Gusto kong magsimula ulit at magbago, kalimutan lahat ng mga kademonyitang ginawa ko at maging isang mabuting tao....M-may pag-asa paba ako sa inyo?"  

Kahit na wag na don sa lalaking tatay ni Kaiden. Bahala siya, ang sakit niyang magsalita.

Napakurap lang sila ng ilang beses at nagdadalawang isip na magsalita.

"Sige go lang. Wag niyong kimkimin yan. Open ako sa lahat ng mga feedback ninyo mapa negative pa yan o positive " napasandal ako sa upuan ko at napa crossed arm habang hinihintay lahat ng mga sasabihin nila.

" A-aba segi ho Ma'am kung yan po ang gusto niyo. Wala naman po akong hinanakit sainyo at saka hindi ko naman ugaling mag tanim ng galit" napangiti ako sa sinabi ni Manong Ben na nasa edad 50 na rin.

"Ako rin ho Madam, no problem ka sakin. Automatic delete nayun" maypasaludo pang ginawa si Kuya Roberto na siyang ikinatawa ko.

"Me too Ma'am, baguhan lang naman ako dito kaya wala naman akong masyadong kademonyohang na encounter say—Aray!"

Nabatukan ito ni Ate Ruby.

"Hoy ikaw porke gusto ng maging mabait ni Ma'am" napatawa ako.

"Ayos lang po Ate Ruby"

Nakabusangot ang mukha niyang tinignan ako.

"Marami napo kayong mga binitawan na masasakit na salita sakin Ma'am pero wala na akong magagawa doon ,sino lang naman ako? Kasambay niyo lang naman po. Pero kung totoo napo talaga iyan edi sige po. Prankang salita po, ilang beses niyo na po itong sinabi na magbabago kana pero sa lahat na pagkakataon na iyon ay ngayon lang po kayo nagluto at nagpakain samin dito mismo sa mesa"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Maghihintay nalang  ako kung hanggang saan lang po yang pagbabago niyo basta po magsabi lang po kayo kasi baka masigawan niyo nanaman ako gaya ng dati"

medyo may pagkaalinlangan pa niyang sinabi iyon habang nakayuko lang, ayaw tignan ang magiging reaksyon ko.

"Walang problema sakin yon, na appreciate ko ang paglabas niyo ng hinanakit niyo sakin" nakangiti kong sabi na siyang ikinatango niya.

Napalingon ako kay Manang Nelita na tahimik lang at naghihintay sa turn niya.

"Ako naman hija, kung iyan ang gusto mo basta wag mo nalang uulitin ang pananakit sa bata" tinignan niya si Kaiden. Natigilan ako at napalingon din kay kaiden na nakasimangot akong tinignan na para bang sinasabi niyang 'You're a bad mother!'

"Hindi napo talaga yun mauulit. Promise yan, itatak ko pa sa baga at atay ko"

"Pfft!" Pigil na tawa pa ni Keira at ayon, nabatukan nanaman ni Ate Ruby.

Theo's POV

This is very hard for me.

Nangako ako kay Kaiden na maglalaro kami ngayon pero hindi ko nanaman natupad. Masyado pa akong busy ngayon lalo na at may kaunting problema sa isa sa mga negosyo ko.

Mabilis kong ipi-nark ang kotche sa labas. Hindi na ako nag-abala pa na ipasok pa ito sa loob ng gate , si Kuya Roberto na ang bahala doon. For now I just want to say sorry to my son at ibigay ang pasalubong kong paborito niyang pizza at ice cream.

I couldn't help but think of Audrey as I made my way into the house, is She still here? Tsk as if, she's definitely at a bar hanging out and having a good time. Even though I'm still mad at her from earlier and want to make her responsible for the pain that he caused me, I can't help but feel guilty especially after seeing her cry of  what I said. This is why I hate myself.

Sa lahat ng ginawa niya ay nagawa ko paring makaramdam ng guilt dahil sa pag-iyak niya. As if she's not the devil brat and just someone who don't know where she is.

I was stunned to hear laughter coming from the kitchen, so I went to find out who it is.

It sounds music to my ears, isang tawang halakhak na ngayon ko lang narinig.

I stopped and stared.

It's Audrey.

******************

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status