Share

Chapter 5

Alas otso na ng gabi at ito parin ako hindi makatulog. Nanatili lang akong nakatitig sa kisame at nag iisip tungkol sa buhay nilang mag asawa.

Mabuti nalang at magkaiba ang kwarto namin ni Theo lalo na at hindi ako sanay na may katabing lalaki sa kama, halata talagang hindi talaga sila okay dahil magkaiba sila ng kwarto at saka dito din kasi ako nagising nung napunta ako dito. Minsan naiisip ko kung may time din ba kayang magkatabi silang matulog?

Ito na ba talaga ang bagong buhay ko? Hindi ako makapaniwala na posible din pala na mapunta ka sa katawan ng ibang tao.

Sa dami kong mga tanong ay halos mabaliw na rin ako dahil walang sinomang tao lang din naman ang makakasagot sakin.

Bigla akong kinabahan at napaupo sa kinahihigaan ko dahil biglang bumukas ang pinto. Napasilip ako ng kunti pero wala akong nakikitang tao.

Teyka! May multo ba dito? Malaki pa naman ang bahay nato kaya posible rin.

Nanliit ang mata ko habang tinitigan ang pintong dahan dahang bumukas. Agad kong hinila ang kumot ko para tabunan ang buong katawan ko.

"Sino yan!" kinakabahan ko pang sabi at biglang tumigil ang pagbukas ng pinto. Kalahating bukas lang ito at hindi na tuluyang binuksan ng maayos ang pinto.

Ilang segundo lang ay may isang maliit na ulo ang sumilip.

"Kaiden??"

Ilang segundo pa itong hindi gumalaw at kahit medyo madilim ay ramdam ko ang pagtitig nito sakin. Maya maya lang ay nag step to the right pa ito dahilan ng makita ko ang kabuuan niya, may bitbit pa itong laruan na kotche-kotchehan.

Napangiti ako bigla dahil sa ka cute-tan niya. Kaya naman pala natagalan sa pagbukas ng pinto dahil mas mataas pa ang kinalalagyan ng door knob kompara sa height niyang maliit.

"Mama?" tawag nito sakin na halatang natatakot.

"Yes baby?" Nanatili lang ako sa pwesto ko dahil baka mas lalo itong lumayo sakin. Hihintayin ko nalang na ito na mismo ang lumapit sakin.

"Can I go inside?" napangiti ako dahil sa ka cute-tan ng boses niya. Baby pa talaga.

"Oo naman, pwedeng pwede"

"Di ka magagalit?" natigilan ako ng bahagya.

"Ha? Bakit naman ako magagalit?"

Binuksan ko ang ilaw ng lamp shade na nakapatong sa mini table na nakapwesto sa gilid ng kama. Mas nakikita ko na ngayon ang mukha niya. Napansin ko ang pag aalinlangan niya at bahagyang pagnguso.

"Come here Baby" yaya ko pa at pinagpapagan pa ang kama ko.

Dahan dahan siyang naglakad papalapit sa kama ko na siyang ikinangiti ko. Medyo nahirapan pa siyang umakyat sa kama ko kaya naman ay tinulungan ko siya pagkatapos ay nag indian sit ito sa kama habang kaharap niya ako.

Ngumiti ako sakanya.

"Bakit? May kailangan ka ba?" malambing kong tanong sakanya.

"Mama are you really telling the truth? Di ka na po ba nag la-lie?"

Napabuntong hininga ako. "Can you sit here?" Turo ko pa sa pwesto kong saan malapit sakin. Tinitigan niya ako pero agad din naman niyang sinunod. Pagkaupo niya sa gilid ko ay agad ko siyang niyakap na siyang ikinatigas pa ng katawan niya. Halatang natatakot pa na baka may gawin ako sakanya.

"Don't worry, simula ngayon Mama will take care of you okay? Kung ano man yung nangyari dati I hope you will forget it , hindi mo man tuluyang mabura iyon sa isipan mo but I will do my best to heal your heart" tinuro ko pa ang dibdib niya kung saan ang puso niya.

Napatingala ito sakin para tignan ang mukha ko kaya naman ay kinalas ko ang pagkakayakap sakanya.

"Hmm?"

"Promise?" ngumiti ako sakanya.

"Promise, cross my heart pa" nag draw pa ako ng cross sa dibdib ko and for the first time I saw his sweet smile. Niyakap niya ako at isinubsob pa niya ang mukha lalo sakin. Niyakap ko siya pabalik. Ang gaan sa pakiramdam na unti unti ko ng nakukuha ulit ang loob ng bata.

Ilang segundo lang ay nagsalita ito.

"Mama I am afraid"

"Saan ?"

"Baka bumalik ka nanaman sa dati"

Hindi ako makasagot.

"Mama can you please stay like this?" Hinagod ko ang buhok niya at niyakap ng mahigpit to secure him.

"Sure Baby. As long as I am here"

As long as I am in this body, walang mangyayaring masama.

"But you are here, hindi ka naman aalis diba?"

Tanging pagtango nalang ang nagawa ko lalo na at ayaw kong magbitiw ng salita na walang kasiguraduhan. Wala akong idea kung hanggang kailan ako mananatili sa katawan na ito at mas lalong hindi ko alam kung makakabalik paba ako sa dati kong katawan kung sakaling buhay pa ba ako.

"Kaiden"

Tumingala ulit ito sakin para tignan ako, naghihintay sa sasabihin ko.

"Anong klaseng pananakit ang nagawa ko sayo?" tanong ko bigla dahil matagal na rin akong na cu-curious kung anong ginawa ni Audrey sakanya at halos gilitan na ako ng leeg ni Theo sa tingin niya sakin sa tuwing sinasabi niya ang pananakit ni Audrey kay Kaiden

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin. Akala ko natakot nanaman siya bigla sakin pero hindi pala. Tinuro lang naman niya ang gilid ng tiyan niya at saka sa may braso niya.

"Here Mama oh, dito mo ko palaging pinapalo"

"Talaga?"

Tumango siya. "May dugo pong lumabas dito nung kinurot niyo po ako" tinuro niya pa ang tagiliran niya. Biglang nanikip ang dibdib ko.

"Can you tell me why I did that to you?" medyo naguluhan siya kung bakit ko siya tinatanong pero sinagot niya parin.

"Kasi gusto kong makipag play sayo at pinilit kita. Di ko naman sinasadya Mama na mabasa yung cellphone mo. Sorry po"

Napaluha ako bigla sa sinabi niya. Alam kong wala ako don nong nangyari iyon pero nasasaktan ako para sakanya. Bakit nagawa iyon ni Audrey? Parang hindi siya nanay!

Mababaw lang ang luha ko lalo na at malapit ako sa mga bata, nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko silang nalulungkot doon sa bahay ampunan kaya nga ginawa ko ang lahat para pasiyahin sila doon. Masaya din ako dahil may mga taong mabubuti ang loob na nagbibisita doon dati at nagbibigay samin ng masasarap na mga pagkain, mga laruan at mga damit. Walang katumbas ang saya namin sa ipinamalas nilang kabutihan kaya lumaki akong nangangarap na maging katulad nila.

Kaya habang nakikinig ako kay Kaiden ay diko maiwasang maiyak nalang dahil hindi ko lubos maisip na may isang Ina rin pala na kayang saktan ang kanyang anak ng dahil lang sa mababaw na rason.

"Mama are you okay po?"

"N-no" napailing ako. "I am not okay and I really feel bad dahil nagawa ni Mama sayo yun. You dont have to say sorry kasi ako dapat ang humingi sayo ng sorry. Sorry dahil naging masama akong Mama sayo but Mama will do her best para makabawi sayo. Can you give me the chance?"

Napatango ito sakin. Tumayo ito na siyang ipinagtaka ko. Nagulat nalang ako ng pinahiran niya ang mga luha ko sa pisngi pagkatapos ay hinawakan ito at pinaharap sa mukha niya.

" Wag ka nang umiyak Mama. Magiging good boy din po ako para di ka na magalit, okayy?" Napatawa nalang ako dahil sa ka cute-tan niya. Napayakap nalang ako sakanya at ganon din siya sakin.

I will do everything to make this kid happy, kung ano paman ang nagawa ni Audrey sakanya ay gagawin ko ang lahat at iparamdam sakanya kung ano ba talaga ang pakiramdam na may isang Ina na nag aalaga at nagmamahal sayo na hindi kailanman nagawa ni Audrey sakanya.

***

Tinitignan ko ang repleksyon ko ngayon sa salamin. Kakatapos ko lang maligo at magbihis pero hindi ko parin magawang lumabas pa ng banyo. Ilang araw na rin akong nandito at hindi parin ako nagsasawang tignan ang pagmumukha ni Audrey. Aminado akong walang wala talaga ang ganda ko kompara sa ganda niya, yung tipong dadaan lang siya ay masusundan mo talaga siya ng tingin, mukha palang ay masyado ng nakaka attract.

Di kona kailangan pang magtaka kung bakit maraming mga lalaki ang nagkakadarampang naghahabol sakanya. Maliban nalang siguro kay Theo but speaking of Theo, sa ilang araw na nandito ako ay halatang iwas sakin ang lalaki. Lagi rin naman siyang wala dahil abala siya sa kompanyang hindi ko alam kung ano pero infairness bumabawi siya kay Kaiden sa tuwing nararamdaman niya sigurong wala na siyang time sa anak niya.

Marami daw negosyo ang pamilya nila ayon kina Manang at ibang kasamahan dito sa bahay. Syempre naghanap talaga ako ng paraan para kahit papano ay may alam din ako kahit kaunting background man lang tungkol sakanila.

Minsan nakakasalubong ko si Theo dito sa bahay pero tanging pagkadisgusto lang yung nakikita kong tingin niya sakin sa tuwing nakikita niya ako. Automatikong nag sasalubong agad ang kilay niya pag nakikita niya ako. Pakiramdam niya halos lahat ng ginagawa kong paglinis dito sa bahay at pagluluto ay puro pagpapanggap lang daw.

Sa huli ay hindi ko nalang siya pinapansin at isinawalang bahala nalang ang mga salita niya tungkol sakin. Ayaw ko siyang patulan baka mas lalo lang masira ang image ko sa paningin niya.

Napag-alaman ko rin ang buong pangalan niya. Matt Theodore S. Guevarra, 27 years old at isang anak ng kilalang fashion designer ang Nanay niya samantalang ang Papa naman niya ay kilala rin dahil sa iba't iba nitong negosyo. Tatlo silang magkakapatid at si Theo ang bunso.

Tanging yon lang naman ang nalaman ko dahil baka magtaka sina Ate Ruby at iba pang kasambahay dito sa bahay kung bakit nagtatanong ako tungkol kay Theo.

"Mama! Mama!"

Napaayos ako bigla sa mukha ko nang marinig ko ang yapak ni Kaiden na kakapasok lang sa kwarto ko. Agad akong lumabas ng Cr at kita ko ang paglilibot ng paningin niya na halatang hinahanap ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status