Share

When the f---ing world ends
When the f---ing world ends
Author: jjangpot

Chapter 1

Before anything else, I would like to remind you that this story contains sensitive and mature contents such as violence, trigger warning, self harm, mental health and other such customs. If you are sensitive to this kind of topic then I advise you to stop reading this.

Please read at your own risk 。◕‿◕。

Chapter 1

Habol ko ang aking hininga habang tumatakbo kasabay ng pag-dribble sa bolang aking hawak. My brown skin slightly sparkled because of my sweat. Huminto ako sa pagtakbo nang may humarang sa daanan ko. I tsk-ed saka inilibot ang paningin ko.

"Ty!" Napatingin ako sa gilid hindi kalayuan mula sa amin at doon nakita ko ang kaibigan kong si Bernard. "Dito Ty!"

Walang pagdadalawang isip na ipinasa ko ang bola sa kaniya at agad ulit kaming nagtakbuhan upang suportahan si Bernard. He's running towards the ring habang nakasunod lang ako sa likuran niya.

Nang sakto na ang layo sa pagitan niya at ng ring ay agad siyang tumalon at agad ko rin namang hinawakan ang short niya dahilan upang matanggal ito. Leaving him with his Spongebob boxer.

Napuno ng tawanan ang buong court habang si Bernard ay pilit na inaagaw ang short niya sa akin. Iyon ang plano ko kanina, I just thought that it would be so hilarious and I'm not wrong.

"Tang ina ka talaga, Tyson! Kaya ayaw kong naniniwala sa pagmumukha mo e, gago ka," aniya habang sinusot ang short niya habang ako ay hindi na makahinga sa kakatawa.

"Spongebob? Seriously? What are you. A second grade?" All of us turned our head to the door nang may biglang magsalita. We saw Jenny walking towards us. Napangisi ako nang makita ang namumulang mukha ni Bernard.

He scratched his reddish ear before saying, "N-nasa labahan na kasi lahat ng matinong boxer ko."

Tumaas ng kilay ko habang nakangisi sa kaniya kaya inambahan niya ako ng suntok. I chuckled at his reaction habang naiiling.

"Sus, huwag ka na magpaka-plastic Bernard. Tayo-tayo lang naman ang mga nandito," pagsingit ni Andrei sa usapan.

Bernard gritted at his teeth saka pinanlakihan kami ng mga mata na halos sumigaw na ng 'Tumigil kayo' na tinawanan lang namin. Jenny did not saw his face dahil abala siya sa isang supot na dala niya.

"Tama na nga 'yan, mga ulupong. Bumili ako ng tubig." Itinaas niya ang supot saka kumuha ng isang bote para ipakita sa amin. "Kumuha na lang kayo."

Ibinaba niya ang supot sa sahig na agad namang pinagpistahan ng barkada maliban sa aming dalawa ni Bernard. Pinagpatuloy ni Jenny ang paglalakad patungo sa amin na may dalang isang bote ng tubig.

She stopped in front of me. Nakaupo ako sa sahig kaya kailangan ko pang tumingala upang makita ang bote ng tubig na inaabot niya sa akin. Nakita ko si Bernard na nag-iwas ng tingin sa amin ng gawin niya iyon.

"Oh," she said.

I shook my head. "No thanks. Hindi naman ako nauuhaw."

I smiled at her pagkatapos ay tumayo. Tinapik ko ang balikat niya saka nag-uunat na naglakad patungo sa iba pa naming barkada. Tinapik ko ang balikat ni Michael saka nakisali sa usapan nila.

Unconsciously, my eyes went back to Jenny and Bernard. Ngayon ay hawak na ni Bernard ang boteng binibigay sa akin ni Jenny kanina at iniinuman iyon. They are talking now na ikinangisi ko.

Bernard likes Jenny. Alam naming lahat iyon maliban kay Jenny. Kulang na lang ay ibato na ni Bernard ang sarili niya sa kaibigan naming iyon pero hindi niya pa rin napapansin. But I am not oblivious of Jenny's feelings for me, alam din naming lahat iyon pero pinili ko na lang na hindi magsalita.

I like Jenny but not in a romantic way. Halos sabay kaming lumaki. Parang kapatid ko na rin siya kaya sa simula pa lang ay naka-ekis na ang pangalan niya sa listahan ng mga babaeng puwede kong paglaruan. Isa pa, I don't want to be caught up in a cliche love triangles, like dude, that's just lame.

Umiiling kong iniwas ang tingin sa kanila saka itinuon ang buong atensyon sa pakikipag-usap kanila Michael. Nakatuon ang buong atensyon namin kay Matthew na ikini-kuwento ang buhay ng paboritong alaga niya raw dati.

"Manok iyon e. Sobrang mahal na mahal namin ni Papa iyon. Hanggang ngayon nga may picture pa kaming dalawa sa cellphone ko." Pinipigilan kong matawa dahil mukhang seryoso siya sa ikini-kuwento niya. "Tapos noong 10th birthday ko, e di nagising ako, 'di ba? Pumunta agad ako sa kulungan ni Roostie."

"Teka, sino si Roostie?" singit ni Kino.

"Iyong manok nga," sagot naman ni Matthew. Hindi na namin napigilang matawa dahil doon. "Tahimik na kasi kayo!" saway niya sa amin pero maging siya ay natatawa rin naman.

"Iyon nga! Pumunta nga ako sa kulungan niya 'di ba? Tapos hindi ko siya nakita doon. Pumasok ako sa bahay para itanong kay Mama kung nasaan si Roostie kasi minsan kinukuha din iyon ni Papa sa kulungan. Pero pagpasok ko nadatnan ko si Mama. Nakangiti siya ng malaki sa akin ta's sabi niya 'Happy birthday, anak. Halika, naluto ko na iyong handa mo'. E 'di masayang-masaya ako noon kasi may handa. Pagupo ko sa lamesa nakita ko iyong fried chicken tas may menudong manok pa at adobo. Tinanong ko siya, 'Ma, ba't andami kong handa?' nginitian niya lang ako tapos bigla kong naalala si Roostie na wala sa kulungan niya. Tumingin ako kay Papa ta's nakita kong mangiyak-ngiyak siya habang kinakain iyong fried chicken."

Nagkatawanan kami dahil sa kuwento niya at halos hindi na ako makahinga. Pinunasan ko ang luha sa aking mata habang nakahawak sa tiyan. Nasa ganoong senaryo kami nang biglang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang klase.

Lahat kami ay napamura dahil kailangan pa naming magpalit ng uniform kaya mabillis naming nakalimutan si Roostie at kumaripas ng takbo patungo sa shower room.

Nang matapos ay tumakbo na agad kami patungo sa mga room namin. Halos sumpain ko na ang buong school dahil hindi man lang sila nagpatayo ng elevator. Hinihingal tuloy ako. Third floor pa lang ang nararating ko, nasa fourth floor ang classroom namin.

I groaned in frustration saka mas lalo pang binilisan ang pagtakbo. Muntik na akong matumba nang may mabangga ako. Tumilamsik ang mga papel na dala niya pero wala na akong oras para tulungan siya. Strict pa naman ang teacher namin ngayon, hindi kami puwedeng ma-late kung hindi ay papatayuin kami noon sa labas habang may bitbit na upuan.

"Sorry Miss!" sigaw ko na lang saka kumaripas ng takbo nang hindi nililingon ang nakabangga ko.

Pagdating ko sa room ay nakahinga ako ng maluwag dahil halos magsabay lang kami ni Ma'am Guinoo sa pagpasok sa room. Hapong-hapo akong umupo habang tinatanggal ang unang dalawang butones ng aking uniporme mula sa leeg ko.

"Magandang hapon," agad na wika ni Ma'am Guinoo. Hindi ako nakasabay sa pagbati nila dahil hinahabol ko pa rin ang hininga ko. Kasalanan 'tong lahat ni Roostie.

Makalipas ng ilang minuto, sa wakas ay nakalma ko na rin ang paghinga ko. Kinalabit ko si Ethan na nasa harapan ko upang humingi ng tubig na agad naman akong binigyan.

Nasa pinakadulo ang puwesto ko kaya naman napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Dumungaw isang babae saka dahan-dahang ipinasok ang sarili niya sa loob. She's short, parang 4'9 lang yata ang height. Bilugan ang mukha at mahaba ang unat at itim na buhok, may bangs din siya na halos tumakip na sa mga mata niya.

Nagtagumpay siyang makapasok sa loob pero nang bitawan niya ang pintuan ay napangiwi ako nang makalikha iyon ng isang malakas na tunog. Nakita kong ipinikit niya ang kaniyang mata dahil sa iritasyon nang ibaba ni Ma'am Guinoo ang librong hawak niya para harapin ang klase.

"Sinong late?" tanong nito.

Mula sa pagkakayuko ay dahan-dahan na tumuwid ng tayo ang babae saka nag-aalinlangang nagtaas ng kamay.

Tumaas ang kilay ni Ma'am Guinoo. " Bakit ka late?"

"Uhm... K-kasi po Ma'am may..." I'm sure that she's talking pero wala akong marinig dahil sa sobrang hina ng boses niya. Tinitigan ko siya habang nakakunot ang noo. Ngayon ko lang siya nakita. Although she looks familiar and that's weird kasi akala ko kilala ko na lahat ng kaklase ko. Is she really our classmate?

"Ano? Hindi kita marinig!" Napaigtad kaming lahat nang biglang sumigaw si Ma'am. Iniyuko noong babae ang ulo niya saka napakagat na lamang sa labi. She's playing with her hands na para bang doon niya nire-release ang stress niya. "Anong sabi ko? Hindi ba sabi ko ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang mga late comers?!"

"S-sorry po. M-may inutos po sa akin si Ma'am Reyes tapos medyo natagalan lang po ako kasi may nakabangga—"

"Enough! I don't need your explanation. Where's your seat?" Itinuro niya ang upuan na nasa tabi ng bintana. "Kuhanin mo, pumunta ka sa labas at buhatin mo. Huwag mong ibababa hangga't hindi natatapos ang klase ko. Makita ko lang na nasa baba iyan at ie-extend ko an oras ng parusa mo hanggang next subject."

Napangiwi ako dahil sa parusang ibinigay niya. Hindi man lang ginaanan, babae kaya iyon at higit sa lahat ay maliit pa. Makakaya niya kaya iyon?

The girl sighed as she walked her way towards her seat. She looked at me na ikinagulat ko dahil biglang tumalim ang tingin niya pagkatapos ay umirap. Nag-marcha siya palabas habang ako ay hindi pa rin makapaniwala sa inasal niya. Bakit kasalanan ko, parang kasalanan ko? Wala naman akong ginawang masama sa kaniya kasi positive ako na hindi ko siya kilal—

Nanlaki ang mga mata ko nang may ma-realize. Siya iyong babaeng nakabunggo ko!

"Shit!" bulong ko. Nilingon ko ang nakasaradong pinto kung saan siya lumabas at napakamot sa batok. Kasalanan ko nga!

Buong klase ay pasulyap-sulyap ako sa labas kung nasaan iyong babae. I suddenly felt guilty. Ginulo ko ang buhok ko saka muling sumulyap sa labas. Hindi ko nakikita ang kabuuan niya pero nakikita ko ang paa ng upuan na nakataas sa isang maliit na siwang sa itaas na bahagi ng classroom namin.

I sighed. I have to apologize to her.

Nang matapos ang klase ay nagsipag-lapitan sa akin ang iilan naming mga kaklase habang ako ay sumusulyap sa pintuan para tignan kung nakapasok na ba siya. Nakita kong kinakausap pa siya ni Miss Guinoo sa labas.

"Grabe talaga si Miss Guinoo. Buti hindi ka nahuli, Ty," napatingin ako kay Katrina na hinarangan ang tingin ko sa pinto.

"Ah. Oo nga," saad ko na lang saka itinagilid ang ulo ko.

Sakto namang nakita kong papasok na ang babae dala ang upuan niya. Binuhat niya iyon hanggang sa orihinal nitong puwesto pagkatapos ay inunat niya ang kaniyang katawan. Pinaikot-ikot niya pa ang balikat niya at pinisil-pisil ang kaniyang braso na mas lalong ikina-guilty ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang magtagpo ang mga mata namin. Her chocolate brown eyes are cold, para bang sobrang bored niya na sa buhay. Hindi matangos ang ilong niya at maninipis ang kaniyang maputlang labi. Sa hindi malamang dahilan ay iniwas ko ang tingin ko. Biglang uminit ang paligid especially iyong pisngi ko.

"Ayos ka lang, Ty? May lagnat ka ba? Namumula mukha mo oh," ani Katrina.

Napatingin ako sa kaniya. "Ha?"

"May sakit ka, Ty?" Lumapit si Macy sa amin dala ang isang pencil case. "May biogesic ako dito."

"Hindi naman. Wala akong sakit." Muli akong tumingin sa direksyon ng babae at nakita kong nakaupo na siya at nagsusulat sa isang weird at itim na notebook. Mga bungo at pulang rosas ang nakadikit na disenyo rito. Nakayuko siya habang nagsusulat kaya natatakpan ng unat at itim niyang buhok ang kaniyang mukha sa paningin ko.

"Sure ka?" tanong ni Macy.

"Sandali lang ha," sabi ko sa dalawa saka tumayo. Akmang maglalakad ako patungo sa babae nang biglang dumating ang sumunod naming subject teacher.

Napakamot ako sa ulo ko saka muling umupo.

"Mamaya na nga lang," bulong ko sa sarili ko.

Pero hanggang mag-isang linggo ay hindi pa rin ako nakakahingi ng tawad. Matapos ang araw na iyon ay hindi na siya pumasok ulit.

Malalim akong nagbuntong hininga habang sabay kaming naglalakad ni Bernard patungo sa school. May hawak siyang pulang face towel na pinapaikot niya sa kaniyang daliri. Lumingon siya sa akin nang marinig ang buntong hininga ko.

"Ang lalim noon ah," aniya. "Let me guess, babae ba?" Tinignan ko siya ng masama na tinawanan niya lang.

"Wow! Did I just pissed off the almighty Tyson Guevarra?" namamanghang saad niya. Ang buong atensyon ay nasa akin na ngayon. "Ano bang nangyari? You're acting weird lately."

"Define weird," nababagot kong saad.

"Weird like parang palagi kang may hinahanap?" patanong niyang sagot. "What happened to you dre? Na-ghost ka ba?" natatawang dagdag niya pa.

I sighed again. "So there's this gi—"

"Oh!" natigil ako nang bigla siyang sumigaw at may itinuro sa harapan namin. "Kit! Kit!" Nilingon ko ang itinuturo niya at napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang pamilyar na babae na iyon.

She turned her head to look at us at muling nagtagpo ang mga mata namin. Just like last time, her eyes are cold pero mas malamig yata ang mga ito ngayon. And it seems like they are almost... Empty?

Tumakbo si Tyson palapit sa kaniya. "Ayos ka na ba? Teka, papasok ka na?"

Tumango siya, ni hindi man lang nagsalita. Lumapit ako sa kanila pero parang nawala yata iyong communication skills ko dahil nakatunghay lang ako doon habang pinapanood silang magusap. Well, more like, nagtatanong si Bernard na sinasagot niya lang ng tango at iling.

"Sure ka ayos ka lang ha." Muli siyang tumango bilang sagot. Bernard sighed. "Sige na, sige na nga. Hindi na kita guguluhin."

Tinitigan niya si Bernard saka walang sabi-sabing pinagpatuloy ang paglalakad.

"Sino iyon?" tanong ko.

Ipiniling ni Bernard ang ulo niya para tignan ako. "Si Kit? Kaklase mo 'yon ha. Hindi mo kilala?"

Umiling ako bilang sagot.

"Sabagay, hindi naman kasi siya katulad ng mga babaeng halos mamatay na para lang mapansin mo," aniya habang umiiling.

"Sabi ko na nga ba naiiinggit ka sa ka-guwapuhan ko," nakangisi kong saad.

"Ulol!" sagot niya saka pinakyuhan ako.

"So sino nga 'yon?" tanong ko ulit.

"Si Kit nga, Kirsten Mosqueda. Kapit-bahay namin iyon. Bakit ba curious ka?" pinaningkitan niya ako ng mga mata at iniwas ko naman ang tingin sa kaniya.

"Wala. Dalian mo na nga maglakad," wika ko saka binilisan ang paghakbang.

Sa classroom ay desidido na akong hihingi ako ng tawad sa kaniya ngayong araw. Kaya lang, saktong pagpasok ko sa classroom ay naroon na din ang teacher namin. Hindi rin ako nagka-chance during break and lunch time dahil bigla na lang siyang naglahong parang bula sa inuupuan niya.

I tried to find her in the cafeteria pero ni anino niya ay hindi ko nakita. Iritado tuloy ako habang kumakain kami ng lunch.

Nang matapos kami sa pagkain ay agad na akong bumalik sa classroom. Hindi na ako sumama sa kanila sa court kagaya ng dating gawi. Medyo madami na kami nang makapasok ako sa loob dahil malapit ng mag-bell.

Agad ko siyang namataan sa upuan niya. Nakayuko at may sinusulat na naman. I took a deep breath. Hindi ko pinansin ang mga kaklase kong tumatawag sa pangalan ko nang ihakbang ko ang mga paa ko palapit sa kaniya.

Huminto ako sa harapan ng desk niya. Nang makita ang sapatos ko ay inangat niya ang tingin sa akin. Nakatitigan kaming dalawa ng mga ilang segundo bago ko napagdesisyunang ibuka ang labi ko para magsalita.

"I—"

"Ty!" Nanlaki ang mga mata ko nang may humigit sa braso ko dahilan upang mapatalikod ako sa kaniya. "Nag-bake ako ng cupcake. Favorite mo 'to 'di ba?"

Nahila nila ako palayo sa kaniya at muli na naman nila akong pinalibutan. Napakamot ako sa ulo ko dahil sa iritasyon pero pinilit ko pa ring ngumiti.

I glance her way at nakita kong bumalik na ang atensyon niya sa pagsusulat. I sighed saka tuluyan na ngang nag-give up sa paga-apologize.

Bahala na nga!

NAKADAGDAG pa sa iritasyon ko ang biglaang pag-ulan noong pauwi na kami. Hindi na nga ako muling nagtangkang kausapin siya pero hindi ko maiunat ang nakakunot kong noo. Naiinis talaga ako. Hindi ko nga lang alam kung bakit.

Tumatakbo ako patungo sa bus stop habang nasa uluhan ko ang aking bag na ginamit ko bilang panangga sa ulan dahil nakalimutan kong magpayong.

"Sandali!" sigaw ko sa bus pero kahit anong bilis ko ay hindi ko pa rin ito naabutan. "Kainis!" I exclaimed saka sinipa ang basurahan.

Umupo na lang ako sa isa sa mga upuan doon para magpahinga. Ipinikit ko ang mga mata ko habang hinahabol ang aking hininga pero agad ding namulat nang biglang pumasok sa isipan ko ang babaeng iyon.

Napahilamos ako sa mukha ko. Ano bang nangyayari sa akin? Pati ako ay naw-weird-uhan na rin sa kinikilos ko. Iniling ko ang ulo ko para alisin iyon sa isipan ko. That's when I noticed the familiar black notebook lying down the chair beside me.

Kumunot ang noo ko saka pinulot iyon. I know that I have seen this somewhere. I tilted my head para alalahanin kung saan ko nga ba ito nakita.

It has a skull and red roses design. Sa gitna ng pag-iisip ay hindi ko namalayang may huminto na palang bus sa harapan ko.

"'toy! Sasakay ka ba?" sigaw ng konduktor. Halos mapaigtad ako sa gulat pero agad ko rin namang nailagay ang notebook sa loob ng bag ko saka sumakay na sa bus.

Pag-uwi ko sa bahay ay agad kong inilabas ang notebook sa bag ko. Halos ito lang ang laman ng isipan ko habang nasa biyahe. I'm sure that I have seen this before.

Humiga ako sa higaan saka binuklat ang notebook.

Sama ng loob compilation.

Tumaas ang kilay ko nang iyon agad ang bumungad sa akin. I scan through pages pero wala naman akong makuta kung hindi mga scribbles. It's just lines na walang direksyon at inu-okupa ang buong pahina ng notebook. Walang words o kung ano pa man. Mas lalo akong nagtaka, mga kalahating ng notebook ay iyon lamang ang nakasulat doon.

Napailing ako. Nagsasayang lang ng papel ang may-ari nito.

Isasara ko na sana ang notebook nang may isang piraso ng papel ang nahulog mula rito. Pinulot ko iyon. Gusot pa ito, tanda na nilukot muna iyon bago itupi ng maayos.

When the f***ing world ends

Kumunot ang noo ko. I think this is a letter or something. Ewan.

I want to stop the noises. I want the people around me disappear. I want to end the world.

They say life is good... Somehow.

It just happened to be unjust, to make us learn. To make us grow. Just like parents to their child. Life sometimes slaps you across the face to wake you up. To make you acknowledge the wrong things you've done. But if life's really our parents then I would call 911 because I've been abused all my life.

No matter how hard I think. I still can't understand why I am life's favorite plaything. I've been good all my life. I shut my mouth just like what they wanted. I blinded myself just so I couldn't see the truth that they kept on denying. I never complain. I live my life just like how they wanted. But why did I still end up being bruised?

If life has a physical form, I would've planned a revenge. But life has none so I'll just move on to life's most beloved... The world.

Without world, there will be no humans. Without humans, life wouldn't have toys to play with. Life will be miserable. Unhappy. Alone. Just like what it did to me.

So I came up with a plan to end the world.

But before I execute my plan. I want to do some things so I won't have any regrets after I end the world; First, I want to eat pizza.

I almost laugh when I read that. Seiously? Matatapos na ang mundo pero ang una niyang gustong gawin ay kumain ng pizza? Naiiling kong pinagpatuloy ang pagbabasa. 

A lot of it until I pass out. Second, I want to dye my hair. Third, I want to buy a motorcycle then I'll go out of town using it. Fourth, I want to watch stars with someone. And lastly, I want to...

Kumunot ang noo ko. Binaliktad ko ang papel pero wala na akong makitang kasunod noon. I want to what? Anong gusto niyang gawin? Kinuha kong muli iyong notebook at tinaktak iyon, nagbabakasakaling mahulog ang kasunod na pahina ng letter na ito pero wala.

I scan through the pages again pero wala na talagang kasunod. Napasimangot ako saka ibinato ang notebook sa kama ko.

What's with the owner of this notebook. Gusto niyang tapusin ang mundo? Paano niya naman gagawin iyon. Napangiti ako habang naiiling. Nasobrahan yata siya sa panunuod ng anime at pagbabasa ng fantasy stories.

Ibinato ko ang sarili ko sa kama saka tumitig sa kisame. That's when an image came into my mind. Iyong notebook, it is the same notebook na sinusulatan ng babaeng iyon.

Muli kong binuklat ang notebook at sa unang pahina ay nakita ko ang kaniyang pangalan. Kirsten Mae Mosqueda.

Muling kumunot ang noo ko. She owns this strange notebook and she probably wrote this letter too. Umahon ang kuryisidad sa pagkatao ko. So all this time, hindi pala siya nagsusulat. She's just scribbling. Pero bakit naman kaya? And why does she wants to end the world?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status