“AMANDO, huwag mo akong iwan. Ikamamatay ko kung mawawala ko,” pagmamakaawa ni Esmeralda sa asawa nito. Mahigit sampung taon na silang kasal kaya napakasakit para kay Esmeralda na basta-basta na lang siya nito iwanan. Pinapahalagahan niya ang sakramento ng kasal at kung anumang pinag-isa ng Diyos ay hindi na dapat pang buwagin. At isa pa, ano na ang mangyayari sa kanilang mga anak? Nag-aaral sa isang mamahaling eskwelahan sina Jan-Jan at Jen-Jen. Ano ang ipambabayad niya? Ni isang kusing wala siya sa kanyang bulsa. Kung mawawala si Amando sa kanya, para na ring nagunaw ang daigdig niya. Ang asawa niya ang itinuturing niyang mundo. At wala ng iba. Kung mawawala ito sa buhay niya, para na ring nagunaw ang mundo. Wala siyang alam na trabaho. Pinagbabawalan siya ng lalaki na maghanap ng trabaho. Ang gusto lang nito ay lumagi lamang siya sa kanilang bahay at alagaan ang dalawang bata. She loved her kids but she was still longing for h
Read more