Lahat ng Kabanata ng KUNG AKO AY IIBIGIN MO: Kabanata 51 - Kabanata 60
66 Kabanata
CHAPTER FIFTY
“GANO’N? Kung hindi pala kita isinamang mag-grocery hindi ko pala malalaman na birthday ni Risa ngayon?” Kunwari’y galit na sita ni Aling Lora kay Tinay matapos silang lumabas ng supermarket at maupo sa food court ng isang shopping mall. “Nay, ayaw talagang ipaalam ni ate Risa ang ganap niya ngayon. Kasi, baka mag-abala pa raw kayo. Ako lang talaga ang niyaya niya dahil alam niyang wala akong pasok ngayon.” Paliwanag ni Tinay. “Kakain nga kami sa labas tapos magpapa-take out na lang daw siya para sa bahay. Para sa inyo. And since, nalaman niya na magkasama tayo ngayon, sabihin ko na raw sa inyo. Isasama na namin kayong kumain sa labas.” “May pa-since-since ka pang nalalaman diyan. Hay, ewan. Ako’y naiinis pa rin…!” “Ang OA naman ng nanay ko…!” biro ni Tinay. “O, siya. Hala. Ayan na si ate Risa. Sa kan’ya kayo magsabi ng sintemyento n’yo.” Sinundan ng tingin ni Aling Lora ang itinuro ng anak. “Si Risa ba ‘yan? Ang ate Risa mo nga ba talaga ‘yan?” hindi makapaniwalang turan nito haba
Magbasa pa
CHAPTER FIFTY ONE
“HINDI kita kasama, Efraim. Ako lang ang makikipag-usap kay Helena. Babae sa babae.” Malumanay ang boses na sabi ni Glenda sa asawa ilang sandali matapos itong dumating ng Maynila. “Ako na ang bahalang komontak sa kan’ya.”“But sweetheart -- ?” tutol ni Efraim.“No buts, hon. Please. Ipaubaya mo muna sa akin ito. Saka tayo mag-isip ng panibagong gagawin kung walang mangyayari sa usapan namin.” Hindi rin tiwala si Glenda sa mga sinasabi niyang iyon, pero kailangan niyang magbakasakali.Napatango na lang si Efraim. Yumakap si Glenda sa kan’ya. Na para bang ang yakap na iyon ay sapat na upang bigyan nila ng katiyakan ang mga sarili na magwawagi silang dalawa sa laban na susuungin nila.“I love you, sweetheart…” ani Efraim na hinalikan pa sa noo ang kabiyak.“Me too, hon…kaya nandito uli ako. Para samahan ka. Lalo na para sa anak mo. Kahit na nga ba, hindi pa sapat ang panahong inilayo ko para gamutin ang mga sakit na dumating sa buhay natin…”Napabuntong-hininga si Efraim. “Naniniwala ak
Magbasa pa
CHAPTER FIFTY TWO
MADILIM ang anyo ni Efraim nang malaman mula kay Glenda ang naging resulta ng pakikipag-usap nito kay Helena.“Nagmatigas siya sa kabila ng mahinahon mong pakikipag-usap sa kan’ya. Sa kabila ng pakiusap mo…”“Hindi ko siya masisisi, Efraim. Kahit sinong ina, hindi ibibigay ang anak niya. Maliban na ang inang iyon ay isang masamang ina.”“Ama ako ni Mandy, Glenda. May karapatan ako sa bata…!” Tumaas ang boses ni Efraim.“Hindi ka naging ama sa anak mo, Efraim…!”“Dahil hindi ko alam na nagkaanak ako kay Helena! Inilihim niya ‘yun sa akin. Pinagkaitan niya ako ng karapatang malaman na nagkaanak ako sa kan’ya!"“Dahil iniwan mo siya. Niloko mo lang siya. Ginamit mo lang siya para makaganti ka…!”Napatitig si Efraim sa asawa. “Sweetheart, kakampi ba kita o kaaway?” kunot ang noong tanong niya rito. “Akala ko ba, nagkakaintindihan tayo? Akala ko ba nauunawaan mo ako?”Pormal ang anyo, umiling si Glenda. “Kanina, habang kausap ko si Helena, naramdaman kong mabuti ang galit niya sa ‘yo, Efra
Magbasa pa
CHAPTER FIFTY THREE
NANG gabing iyon sa kan’yang silid, umiiyak si Clarisa. Hindi niya pa rin lubos na mapaniwalaan kung bakit nagawa ni Markus na ipagbili ang sarili nito kay Helena kapalit ng lahat ng kaginhawahang tinamo nito at ng pamilya nito.Kaya pala. Kaya pala nagkaroon ng pagkakataon si Markus na mapalapit kay Helena at nabigyan ng katuparan ang pagmamahal nito sa babaeng iyon dahil si Helena ang unang gumawa ng hakbang.Kung hindi sana si Markus ang pinili ni Helena na managot sa batang dinadala niya, hindi sana ito nagkaroon ng tsansa na maging bahagi ng buhay nito si Helena.At ngayon, heto na sila ngayon. Totoong nagmamahalan na talaga. Nauwi sa totoong pag-ibig ang nadaramang pagkagusto ni Markus noon kay Helena. At si Helena, natutunang ibigin din si Markus.Naging mag-asawa man sila noon ng dahil lang sa kasunduan, pero ang pagsasama nila ngayon, wala nang halong pagkukunwari. Mag-asawa na sila sa tunay na kahulugan noon. Iniibig na nila ang isa't-isa.Napahagulgol si Clarisa. Pakiramdam
Magbasa pa
CHAPTER FIFTY FOUR
MASAYANG nagsalo-salo ang lahat sa masaganang tanghalian na ipinahanda ni Doña Amanda bilang selebrasyon na rin aniya ng birthday ni Clarisa.Makakain ng tanghalian, nagkayayaan pa ang mga kapatid ni Markus na maligo sa swimming pool. Tuwang-tuwa ang lahat kay Mandy dahil sa edad nitong apat na taon ay marunong nang lumangoy ang bata.“Tingnan mo ang anak mo, mahal. Medyo sanay nang lumangoy.” Ani Markus na siyang-siya sa pagmamasid sa anak habang nakaupo sila sa ‘di kalayuang mag-asawa.“Sinabi mo pa, mahal. Ang suwerte ni Mandy sa kan’yang yaya. Hindi lang magaling mag-alaga ng bata si Yaya Lorna. Magaling din magturo sa paglangoy.” Sabi naman ni Helena.“Risa,” tawag ni Markus sa kaibigan na kausap ni Aling Lora. “Hindi ka ba maliligo?”Umiling ang dalaga.“C’mon, Risa. If you want to go swimming I’ll give you a bathing suit. Halika sa itaas. Mamili ka.”Umiling uli si Risa. “H-hindi puwede, eh. Kasi…” lumabi pa ito kunwari.Nahimigan naman ni Helena ang ibig sabihin nito. “Ah, ok
Magbasa pa
CHAPTER FIFTY FIVE
‘MAGKANO ka binili ni Helena?’ ‘Magkano ang ibinayad niya sa ‘yo kapalit ng pagiging ama mo kay Mandy?’ ‘Sinungaling ka…! Mapagsamantala ka…! Sinamantala mo ang kalagayan ni Helena para pakasalan siya kapalit ng kaginhawahan mo at ng pamilya mo. At para bigyang pabor din ang sarili mo na matagal nang nagpapantasya sa kan’ya…!’ ‘Sige lang. Ipagpatuloy na lang ninyo ang kasinungalingang inumpisahan ninyo ni Helena. Isang araw, para ‘yang bomba. Sasabog ‘yan, Makoy. At ang mapupuruhan – si Mandy. Ang pinakamamahal na anak ni Helena kay Efraim Sandoval…!’ MATAGAL nang nakaalis si Clarisa pero si Markus ay nanatiling nakapatda sa kinatatayuan nang mga sandaling iyon. Kung bakit paulit-ulit na umuukilkil sa utak niya ang mga sinabi na iyon ng kan'yang kababata. At ang pagtatagis ng kan’yang bagang ay ganoon na lamang. Ang buong akala niya, si Efraim lamang ang kalaban nila ni Helena, pero sa mga oras na iyon, pati pala ang kababata at kaibigan niya’y kalaban na rin nila. Hindi siya mak
Magbasa pa
CHAPTER FIFTY SIX
MAHIMBING na nakatulog si Helena sa loob ng OB-Gyne clinic ni Dra. Raquel Manzano matapos itong suriin nang araw na iyon. Labis na nag-alala si Markus dito matapos ang unang naging komprontasyon sa pagitan nito at ng dating karelasyon na si Efraim. Hindi naikubli sa anyo ni Helena ang stress na idinulot noon kaya nang pauwi na sila, pinili ni Markus na dumaan muna sa klinika ng kaibigan nitong doktor para masuri nga nito ang kan’yang asawa. Matapos ang check up ni Helena, at magkaroon ng kaunting kumustahan hinggil sa naganap, iginiya si Markus ng manggagamot palabas ng klinika nito patungo naman sa bakuran ng bahay nina Raquel. Anito’y may sasabihin itong mahalaga sa kan’ya. Doon sila mag-uusap sa hindi maririnig ni Helena. Nasa loob ng bakuran ang klinika ng OB-Gynecologist na kaibigang matalik ni Helena. Kadikit lamang ito ng bahay nila ng asawa niya na isa ring doktor. At ang hardin doon ang nagsisilbing waiting area ng kan’yang mga pasyente. Nang pareho na silang nakaupo roon,
Magbasa pa
CHAPTER FIFTY SEVEN
NAPAHAGULGOL si Helena matapos marinig ang lahat ng sinabi ng asawa.Limang taon…Halos limang taon na ang nakalipas buhat ng mangyari ang pagpapakasal nila ni Markus at sa loob mga taon na iyon, buong akala nila, walang nalalaman ni anuman ang kan’yang lola, pero hindi pala ito naging ignorante sa totoong naging ugnayan nila ni Markus noong una.At sa kabila na niloko niya at pinaglihiman ang abuela, ni minsan ay hindi niya ito nakitaan ng kahit kaunting galit o hinanakit sa kan’ya. Pakiramdam niya nga, mas lalo pa siyang minahal ng lola Amanda niya.Ang iyak niyang iyon ay hindi lamang sa pasasalamat na hindi siya sinumbatan ng abuela. Iyak din iyon ng pasasalamat na sa loob ng mga panahong iyon, sa kabila ng nalaman nito, hindi iyon nakaapekto sa kalusugan ng matanda, lalo na nang dumating si Mandy sa buhay nila, tila ba mas ninais pa nitong humaba ang buhay.“P-puntahan na natin ang lola, Mac. I will ask for her forgiveness…!” ani Helena na tigmak sa luha ang mga mata.“Tayong dal
Magbasa pa
CHAPTER FIFTY EIGHT
“WALA siyang utang na loob…!” Nagpupuyos ang kalooban ni Aling Lora patungkol kay Clarisa. “Sa kabila ng lahat nang ginawa sa kan’ya ni Helena, ito pa ba ang igaganti niya?” Inakbayan ni Markus ang ina. “Mag-uusap kami, ‘Nay…” “Hindi. Huwag ka nang makalapit-lapit sa babaeng ‘yun, Makoy! Ako ang makikipag-usap sa kan’ya!” “Nay…?” “Ipaubaya mo sa akin ‘to, anak…” madilim ang anyo ni Aling Lora. “Huwag n’yo naman sanang sasabunutan, ‘Nay. Ha?” Nagbiro na lang si Markus. Ni hindi man lang napangiti si Aling Lora. “Higit pa sa pagsabunot ang dapat niyang matikman, Makoy…!” “Nay?” “Kung bakit kasi sobrang gandang lalaki mo, kuya. Kaya patay na patay sa ‘yo si Ate Risa. Sobra ring nainlab sa ‘yo si Ate Helena. Sana all!” biro rin ni JR. Gustong palamigin ang init sa paligid. Pinandilatan ni Aling Lora ng mata ang anak. “Hindi ito ang tamang oras sa pagbibiro, JR!” labyaw nito. Napakamot sa ulo si JR. “S-sorry, ‘Nay. Kuya…” Tinanguan na lang ni Markus ang kapatid. “Puntahan na nat
Magbasa pa
CHAPTER FIFTY NINE
“INAASAHAN KO NA ‘TO…” wika ni Clarisa kay Helena sa loob ng pribadong opisina nito. “Alam kong magri-report ka uli rito para harapin ako. Kahit kung tutuusin, hindi na dapat sa gan’yang kalagayan mo.” Sa matigas na anyo’y pinagmasdan ng dalaga ang kabuntisan ni Helena habang sinasabi iyon. At para bang nasa kan’ya ang lahat ng karapatan na magalit gayong siya itong nakagawa ng lisya.“Maupo ka, Risa. Para makapag-usap tayo ng maayos.” Matigas din ang anyo pero hangga’t maaari, gustong manatili ni Helena sa pagiging kalmado, kahit na nga ba, nag-uumigting ang ugat niya dahil sa nag-umpisa nang galit na nadarama niya sa kaharap.Oo, nag-umpisa na. Dahil noon, ni bahagya’y wala naman siyang nadamang galit dito. Bagkus ay simpatya pa nga dahil hindi nagkaroon ng katuparan ang pagmamahal nito kay Markus. Naawa siya rito. Totoong awa. At itinuring niya pa nga ang sarili na naging hadlang sa damdamin nito sa lalaking mahal nito na asawa niya na ngayon.Ngayon pa lang siya nakadarama ng gal
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status