All Chapters of Arrianne's Door: Chapter 31 - Chapter 40
70 Chapters
Kabanata 31
Arrianne, 'wag masyadong magpagabi ng uwi, ha?" paalala ni Nanay. Ngumiti ako at niyakap siya. "Opo, Nay... para namang first time ko pa lang makipag-date, kung paalalahanan n'yo. 'Tsaka para namang hindi n'yo pa kilala si Joel," dagdag ko. "Kahit na, mabuti na 'yong paulit-ulit para hindi mawala d'yan sa utak mo ang mga paalala namin." "Kahit naman po, hindi paulit-ulit, Nay. Nakaukit na ang mga 'yon dito sa puso at isip ko," nakangiti kong sabi. Muli ko pa siyang niyakap bago bumaling sa mga kaibigan kong puro may ngiti sa mga labi."Excited sobra, parang hindi umiyak ng ilang araw, ah!" Tukso ni Ate Sally. Sinundot pa ang tagiliran ko. "Isang araw lang po akong umiyak, Ate Sally, hah!" pagtama ko sa sinabi niya. Umiyak nga ako, noong gabing nagsine kami ni Sir Danny. Inaway kasi ako ni Joel. Todo ayaw ko raw kasi kapag nag-aya siya na magsine kami, pero sumama ako kay Sir Danny. Nakakagago raw ako. Nakakainis. Ang dami niyang sinabi. Ayaw na niyang makinig at ayaw tanggapin a
Read more
Kabanata 32
"Arrianne, kumain ka muna bago ka magtrabaho," pigil sa akin ni Nanay. Palabas na sana ako ng quarters."Mamaya na po ako kakain, Nay," walang lingon na tugon ko. Rinig ko pa ang sabay na pagbuntong-hininga ng mga kasama ko na nahawa na yata sa lungkot ko. Ang toxic ko. Dahil dito sa pesteng nararamdaman ko, pati mga kaibigan ko ay damay sa lungkot ko. Oo, malungkot pa rin ako. Nandito pa rin ang sakit, kahit mahigit isang buwan na ang lumipas mula no'ng nalaman kong niloloko lang pala ako ni Joel, simula pa lang. Iba pala ang intensyon niya. Demonyo pala siyang nagbalat anghel. Ang tanga ko. Ang rupok. Kunting lambing lang niya ay nahulog kaagad ako. Sh¡t talaga. Huli niya kasi kaagad ang kahinaan ko. Masyado kasi aking bukas sa kanya. Tiwalang-tiwala ako.Ang dami ng clue, ang daming pahiwatig na iba ang intensyon niya. Na may mali sa mga kilos niya, pero ako nga itong tanga, masyadong nagtiwala sa isiping hindi ako lolokohin ng kababata ko. Hindi niya magagawang sirain ang pagk
Read more
Kabanata 33
Ang gusto ko lang naman ay ilagay itong bulaklak na hawak ko sa flower vase at makita ang ganda nito pagkatapos. Pero ibang tanawin ang sumalubong sa akin. Kakaibang show. Naka-topless lang naman ang babaing mald¡ta at akmang kakandong na sana kay Sir Danny. Pastilan! "S-sorry..." kanda utal kong sabi habang tiim ang mga mata at takip pa ang bulaklak sa mukha. 'Wag ko lang makita ang ginagawa nila. "Istorbo!" singhal ng babae. Siya nga kasi ang atat kumandong, kaya siya ang sobrang galit. Habang si Sir, naghihintay lang na lumapat sa mukha niya ang malalaking pakwan.Naramdaman ko na lang na may humawak sa mga rosas at kinuha iyon mula sa kamay ko. "Thank you for saving me!" bulong ni Sir Danny. Saving talaga? Bakit nakamamatay ba 'yong malalaking pakwan ng babae?Nagsabay lang naman umawang ang bibig at pagdilat ng mga mata ko. Kakagulat! Akala ko, sandamakmak na sermon na naman ang aabutin ko mula sa ka'nya."Hindi ka galit, Sir?" pabulong kong tanong. "Mukha ba, akong galit?"
Read more
Kabanata 34
Nanlaki ang mga mata ko at sandaling na patitig sa kan'ya. Tama ba ang dinig ko? Gusto at mahal niya raw ako? "S-sir... pinagsasabi mo?" kanda-utal kong tanong matapos marinig ang nakabibiglang katagang 'yon. Tumitig siya sa mga mata ko. Walang kurap. "Arrianne..." pabulong niyang sabi. Ramdam ko rin ang paghigpit ng kapit niya sa baywang ko."Aray..." Hindi ako nahuma nang biglang sumugod si Martha at sinabunutan ako. Tanging da¡ng lang ang nagawa ko. Naudlot din ang akmang pagsasalita ni sir Danny.Anong gulo ba itong nasuungan ko? Gusto ko lang naman sana ng tahimik na buhay habang nagpapahilum sa sugat na gawa ni Joel sa puso ko. "Malandi kang babae ka, alila ka lang. Ang lakas ng loob mo na lumandi sa amo mo!" "Martha, stop!" Hawak na ni Sir Danny ang kamay niya. Pinipilit na makalas ang mahigpit na pagkapit sa buhok ko. Nang makalas ay kaagad akong niyakap ni Sir Danny at sinubukang ilayo mula kay Martha. Maluha-luha ang mga mata ko. Ang sakit ng ginawa ni Martha. Para
Read more
Kabanata 35
DANNY POVAng hangal ko. Mali... hindi dapat sa ganitong sitwasyon ako nagtapat. Gusto ko mang bawiin ang sinabi ko, hindi ko na magawa. Lalo't bumakas ang pagkagulat at pagkalito sa mukha niya. "Sir... pinagsasabi mo?" Kumabog ng malakas ang puso ko. Napatitig na lamang ako sa kan'ya.Hindi ko alam kung paano sagutin ang tanong niya. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kan'ya ang nararamdaman ko. Gayong puro kabaliktaran ang ginagawa at pinapakita ko sa kan'ya. Humigpit ang kapit ko sa baywang niya. Kasabay ang unti-unting pag-awang ng bibig."Arrianne..." "Aray..." da¡ng niya, nang biglang sumugod si Martha at hinila ang buhok niya.Handa na sana akong sabihin sa kan'ya ang lahat. Kaya lang itong baliw na si Martha panira. Walang kadala-dala ang babaeng 'to. Hindi pa rin niya matanggap na hindi ko siya kayang gustuhin. Hindi ko kayang gustuhin ang babaing walang ginawa kun'di agawin ang lahat na hindi naman sa kan'ya. Pati mga anak ko. Muntik nang mapahamak noon dahil sa ka
Read more
Kabanata 36
Bakas sa mukha ni Dennis ang excitment na ipakita sa Tita Arrianne nila, ang drawing niya. Nakamot ko ang ulo. Nalilito kasi ako kung paano ipapaliwanag sa kanya na hindi muna nila pwedeng puntahan ang Tita nila. Ayoko rin na magtampo ang anak ko. Sumulyap ako sa Nanny Flor ni Dennis. Mabuti na lang at kaagad nitong naintidihan ang ibig sabihin ng tingin ko. Tumango siya at nilapitan si Dennis. Hinaplos nito ang ulo ng Anak ko, saka umupo sa harap namin para magpantay sila ng anak ko."Dennis, you still have homework to do, right?" Nanny Flor asked. Pero ang mga mata nasa akin. Ang lapit niya sa amin dahil kandong ko nga kasi ang mga bata."Yes," Dennis said, nodding. Nilapat niya ang pisngi sa dibdib ko. "Then, do your homework first, and when you finish, you can show Tita Arrianne your drawings, okay?" Nanny Flor said in a long line. Napangiti ako. Ang galing kasi ni Nanny Flor kumausap, ang lambing. Sana lang mapapasunod niya si Dennis."But I want her to see my drawing right now
Read more
Kabanata 37
Buntong-hininga ang narinig kong tugon ni Nanay. Sumandal din siya sa tabi ko. Sandali akong sumulyap sa kan'ya, naghintay na magsalita siya, pero nanatili siyang tahimik. "Ingat po kayo sa pag-uwi, Nay," tampo kong sabi. Gusto ko pa sana siyang kausapin, pero parang wala naman siyang balak na magsalita. Kapag ganito siya, lalo lang akong nasasaktan. "Sa totoo lang, Danny," halos pabulong niyang sabi.Sumandal uli ako sa dingding. Babalik na kasi sana ako sa silid, saka naman siya nagsalita. "Noong una ay nag-aalala ako para kay Arrianne. Ang init kasi ng dugo mo sa kan'ya. Kunting mali niya lang, galit ka na kaagad. Awang-awa ako sa kan'ya sa tuwing pagagalitan mo siya na madalas wala sa lugar." "Sinabi ko na naman sa'yo, Nay, kung bakit gano'n ako ka init kay Arrianne," tugon ko sa tunong nagtatampo." 'Yon na nga, mas lalo akong nag-alala, dahil hindi mo na lang basta pinag-iinitan si Arrianne. Iba ka na kung makatingin! Tingin na parang hinuhubaran mo na siya." Palo sa braso ko
Read more
Kabanata 38
Hindi ko alam kung bakit tawang-tawa siya. Tuluyan na akong hindi nakapagsalita. Bukod kasi sa panay ang tawa niya ay panay din ang hampas sa kamay ko. Sa sobrang tuwa niya ay nakalimutan na yata niya na boss niya ako. "Arrianne ... anong nakakatawa?" Hindi na ako nakapagpigil, talagang nagtanong na ako. Nakakaloko na kasi ang tawa niya. Mahal ko 'to, pero sarap nang takpan ang bibig niya. "Sir... ano po kasi ..." tawang-tawa pa rin siya. Maluha-luha na rin ang mga mata niya."Arrianne ..." med'yo irita ko nang sambit sa pangalan niya.Pambihirang babae. Hindi niya alam, kung gaano ako kinakabahan habang binubuksan ang usapang ito. Tapos siya, tawang-tawa?"Arrianne, ano ba? Tumigil ka na nga sa kakatawa!" Hindi ko na napigil ang magtaas ng boses."Pasensya na po, Sir Danny," sabi niya. Kumalma na rin siya sa pagtawa, kasabay ang pagpahid ng mga luha. "Hindi ko kasi mapigil ang sarili na hindi matawa, sir, kapag maalala 'yong nangyari." Kumunot ang noo ko. "Anong nakakatawa do'n s
Read more
Kabanata 39
"Puro ka naman kalokohan, Sir!" sikmat niya. "Do'n ka na nga sa sofa." Turo niya ang sofa."Ayoko, dito lang ako. Ayokong sumakit ang katawan ko!" madiin kong sabi.Akmang uupo na ako sa kama. Pero tinulak niya ako. "Do'n ka na nga, Sir. Bahala ka na kung paano mo isiksik ang sarili mo do'n. Wala ka sa ayos, sir!" pabulong niyang maktol. Umikot pa ang mga mata."Sino ba ang may ayaw na humiga ako sa sofa, hindi ba kayo? Tapos ngayon, may pamaktol-maktol ka na. Ikaw ang wala sa ayos," kunwari inis kong tugon. Baka sakaling magbago ang isip at payagan akong humiga sa tabi niya. Pero wala na talagang pag-asa. Ang haba na ng nguso.Mahinang tawa naman ang narinig namin mula kay Mercy na lalong ikinainis ni Arrianne. "Tawa-tawa ka d'yan, Ate Mercy, halika na nga rito, si Sir Danny na d'yan!" tawag niya, pero ang matang matatalim ay nakatutok pa rin sa akin. Tumayo kaagad si Mercy na may mapanuksong ngiti. "Paano ba 'yan, sir ... hindi ka lumusot ... galingan mo na lang sa susunod," bulon
Read more
Kabanata 40
Arrianne POV "Arrianne, halika na. Kain na," tawag ni Ate Mercy."Nand'yan na po," matamlay kong tugon. Buntong-hininga ang kasabay ng pag-upo ko. "Alam mo, Arrianne ang OA mo na, lagi ka na lang gan'yan. Nakakalito ka rin. Dapat nga ay natutuwa ka dahil mabait na si sir Danny sa'yo," dada' niya habang inaabot sa akin ang ulam. "Ang tamlay mo. Kapag gan'yan ka, iisipin ni sir na hindi ka pa nga magaling. Ikaw din, mas matatagalan ang pahinga mo."Napasimangot ako. "Paanong hindi ako magiging ganito. Wala na akong ibang ginawa rito kun'di umupo at tumunganga. Mas magkakasakit ako nito, Ate Mers!" maktol ko."Kita mo 'yang ugali mo, ikaw na nga ang inaalala ng mga boss natin. Ikaw pa ang may ganang magmaktol. Kami nga, e gusto na ring magkasakit para maranasan din namin ang umupo at tumunganga na lang," sabi niya. Buntong-hininga na lamang ang tugon ko. Kahit kasi anong sabihin ko, pareho pa rin ang kalalabasan. Lagi nilang sinasabi na dapat magpasalamat na lang ako dahil mababait an
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status