Lahat ng Kabanata ng The Billionaire's Revenge: Kabanata 51 - Kabanata 56
56 Kabanata
CHAPTER 51
LIHIM na naikuyom ni Gareth ang kamay na nasa kaniyang bulsa. There is the urge to punch Drake at that moment, pero pinigilan niya ang sarili dahil gusto niyang malaman kung ano ang dahilan nito at nagpakita ito sa kaniyang harapan ngayon. Lihim at mabilis niyang pinag-aralan ang pisikal na katangian ng lalaki na dati ay wala naman siyang pakialam. Mestiso ang dating nito at maganda din ang hubog ng katawan, magkaibang-magkaiba ang kanilang pisikal na anyo. Siya ay moreno at mas matangkad dito na sa tingin niya ay mas gusto ng ibang kababaihan. Oh, damn! Bakit ba niya ikinukumpara ang sarili niya sa lalaking ito? Dahil ba kay Sam? Biglang pumasok sa ala-ala niya si Jener, mestiso rin ito. F*ck, talaga bang mahilig ang asawa niya sa mga mestiso? "Hindi mo na sinagot ang katanungan ko. Maari ba tayong mag-usap?" Muling usisa ni Drake sa kaniya. "About what? Sa pagkakaalala ko ay wala tayong naging transaksyon upang mayroong pag-usapan ngayon," malamig at pirmin
Magbasa pa
CHAPTER 52
WALTON MANSION Wala naman sanang balak umuwi si Sam sa mansion nila, dahil mabigat ang katawan niya dahil sa nangyari sa kanila ni Gareth kagabi, ni hindi nga siya pumasok ng opisina upang makaiwas sa asawa. May karapatan ba siyang magalit dito? Hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya kapag naiisip na ni hindi man humingi ng tawad sa kaniya ang asawa sa nagawa nito nang nakaraang gabi. Pero ano ba ang aasahan niya kay Gareth? Anong aasahan niya sa mala batong puso nito. Tinawagan siya kanina ng Attorney ng pamilya nila na matalik na kaibigan din ng daddy niya. May mga mahalaga kasi silang pag-uusapan at wala siyang ideya kung ano 'yon. Kaya kahit mabigat ang katawan niya ay pinilit niyang makauwi sa Walton mansion. "Mommy, hindi na ba tayo kay Daddy Gareth titira?" Inosenteng tanong ni Graciella sa kaniya habang nakatitig ang mga inosente nitong nga mata sa kaniya. Nasa byahe sila nang mga sandaling 'yon. Parang napaka-normal lamang kay Graciella
Magbasa pa
CHAPTER 53
"OKAY ka lang ba? Mukhang ang lalim ng iniisip mo?" Usisa ni Martina kay Sam nang nasa isang restaurant sila. Matapos ang pag-uusap nila ni Attorney ay tinawagan niya ang dating assistant na kaibigan na niya ngayon. Nagkita sila at pinauna na niyang umuwi sina Graciella at ang Yaya Toneth nito. Parang gusto lang niyang may makausap kaya nakipagkita siya sa babae. Ang dami-dami kasing mga bagay ang tumatakbo sa isipan niya. Mga bagay na halos hindi na niya maintindihan kung bakit nangyayari. "Galing ako sa mansion at nakausap ko ang Attorney ng pamilya and..." "And?" Napabuntong hininga si Sam at bahagyang nahilot ang sintido. "At nalaman ko mula sa kaniya na may ibang pamana pa sa akin ang papa, Martina. Nalaman ko na marami pa pala siyang ari-arian..." Napanganga si Martina na halatang nagulat din sa sinabi niya. Pero nanatili itong walang kibo na tila hinihintay pa siya sa susunod niyang sasabihin. "At alam mo ba na imbes
Magbasa pa
CHAPTER 54
"MS. SAM." Napalingon si Sam sa nagsalita at nakitang si Butler Andy 'yon na may malumanay na ngiti sa labi. Nasa may gazebo siya noon at doon nagpapalipas ng oras. Pinag-iisipan kung papasok ba ngayon sa opisina o hindi. Hindi niya alam kung paano aakto kapag kasama niya si Gareth, lalo na sa opisina. "Ikaw pala, Butler Andy. Ano ho ang meron?" Curious siya, dahil lumalapit lang sa kaniya ang matanda kung may sasabihin. "Alas nueve po ang appointment niyo sa Krativa Salon ngayong araw," imporma nito. Siyempre awtomatikong nagsalubong ang kilay niya dahil wala siyang natatandaan na nagpa-book siya sa naturang salon ngayong araw. "Wala po akong-" "Ako po ang nagpa-booked at ayon iyon sa utos ni Mr. Sebastian," wika nito at ngumiti. "Isang paghahanda raw po para sa pupuntahan niyong art exhibit mamayang hapon." Huminga ng malalim si Sam. Muntik na niyang makalimutan ang tungkol doon. Sakto rin naman na balak niyang magpa-sa
Magbasa pa
CHAPTER 55
NATIGILAN at panandaliang naigit ni Gareth ang kaniyang paghinga nang makita kung sino ang babaeng bagong dating sa tila bulwagan na 'yon. It's Sam. Palingon-lingon ito sa paligid na tila may hinahanap. Hindi maitatanggi ni Gareth na bumagay sa babae ang bagong kulay at gupit nitong buhok na agad niyang napansin. Dinagdagan pa ng eleganteng gown na kitang-kita ang bawat kurba ng katawan nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Gareth ang biglang pagbaling ng tingin ng mga mayayaman at kilalang kalalakihan sa kaniyang asawa. Oh geez! Aminin man niya o hindi ay nakaramdam siya ng pagka-proud sa isiping hangang tingin lamang ang mga ito kay Sam at hangaan ito mula sa malayo. She's mine morons! Maging siya ay nagulat sa ibinulong ng isipan niya. At kailan pa siya naging possessive sa babae? Akmang maglalakad at lalapitan na niya ang asawa nang biglang may nauna sa kaniya. Naningkit ang mga mata niya at naikuyom ang kamao nang makilala kung sino 'yon. It's Drake.
Magbasa pa
CHAPTER 56
NAUNANG umuwi si Sam kaysa kay Gareth. Sinabi niya rito na sumakit ang ulo niya at gusto na niyang umuwi. Nais mang sumabay ni Gareth sa kaniya pero buti na lamang at may mga dumating na mga business man katulad nito at nakulong ito sa isang kwentuhan, kaya tumalilis na siya. Hinatid siya ni Butler Andy. Totoo naman masakit ang ulo niya at nais na niyang makauwi. Alas onse na ng gabi 'yon at tahimik na ang buong bahay ng mga Sebastian. Pinuntahan muna niya ang kaniyang anak na tulog na tulog sa silid nito kasama si Tonet. Pagkatapos ay nagtungo na sa isang silid at nagshower. Nang matapos at paglabas mula sa banyo ay nadatnan niyang tumutunog ang cellphone niya hudyat na may tumatawag. Si Ren. "Ren, bakit?" Habang napapahilot sa noo dahil hindi nawawala ang sakit ng ulo kahit pa nakaligo na. Ang kailangan siguro ay tulog. "We need to talk," umpisa ni Ren sa kabilang linya. "Go, talk." Tila walang ganang wika niya dahil nga masakit ang ulo niya.
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status