All Chapters of The Billionaire's Revenge: Chapter 11 - Chapter 20
56 Chapters
CHAPTER 11
"COME ON." Matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan nila, iyon ang sinabi ni Gareth at tumayo. Naglakad palabas ng mansion. Sumunod na lamang siya sa lalaki. Dumiretso sila sa sasakyan na nakaabang na roon si Butler Andy at agad silang pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Gaya kanina, tahimik lamang sila sa loob hangang makaandar iyon. Lumunok muna si Sam nang makailang ulit bago nagsalita. "P-pasensya ka na, dahil sa akin ay nagkasagutan pa kayo ng kapatid mo," aniya nang hindi na matiis ang katamikan. Mula sa pagkakatingin sa labas ay lumipat ang tingin ni Gareth sa babae. Pinagmasdan siya nito. Hindi maarok ni Sam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng lalaki nang mga sandaling iyon. Wala kasing bahid ng kahit anong emosyon ang mukha nito. Napakagaling nitong mag blank face, hindi gaya niya, masyadong transparent. "Wala silang magagawa kung gusto kong pakasalan ka," marahan nitong bigkas. Hindi agad nakatugon si Sam, n
Read more
CHAPTER 12
"ANAK..." Natigil sa paglalakad si Gareth nang tawagin siya ng kaniyang ina na nakaupo sa sala. Kasama nito ang ama niya at si Gail na nakasimangot pa rin hangang ngayon. Bukas na sana siya babalik sa mansion nila at sa kaniyang pad niya siya matutulog- well, lagi naman siya doon natutulog, dahil mas gusto niyang mag-isa. Bumalik lang siya sa mansion to get some things. "Mag-usap tayo, Gareth," muling sabi ng kaniyang ina. Kalmado naman ang mukha nito, ganoon din ang kaniyang ama. Napabuntong hininga si Gareth, parang alam na niya kung ano ang pag uusapan nila. It's about Samantha. Naglakad siya palapit sa mga ito at umupo sa single sofa na naroon. "Sigurado ka na ba sa desiyon mo na, pakasalan si Sam? Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya noon sa'yo?" Panimula ng kaniyang ina. Alam niyang tutol ang mga ito, sapagkat gaya niya, dala-dala niya ang sakit ng nakaraan na si Sam ang dahilan. Isa-isa niyang tinignan ang mga ito
Read more
CHAPTER 13
"MOMMY, wake up. Mommy..." Marahang iminulat ni Sam ang mga mata nang marinig ang munting tinig ng kaniyang anak. Nabungaran niya itong nakatunghay sa kaniya, habang nakangiti ng malambing. Awtomatikong napangiti si Sam at niyakap ang paslit. "Good Morning, my princess..." bulong niya rito. Kumalas sa kaniya ang anak at pagkatapos ay ginawaran siya nito ng halik sa pisngi. "Mmy, it's sunday, can you take me out?" Paglalambing nito. Oo nga pala, linggo ngayon at karaniwang tuwing linggo ay ipinapasyal niya ang anak. Tho, marami sana siyang gagawin ngayo kahit linggo, pagbibigyan na lang muna niya ang kaniyang anak. "Sure. But first, let's have some breakfast." Tumayo siya at nagtungo sa kaniyang banyo upang maghilamos ng mukha. Nakasunod lamang si Graciella na sadyang pinapanood ang bawat kilos niya. Palihim na lamang na napapangiti si Sam. "Mommy, Can I have a dad?" Halos malunok ni Sam ang kasa
Read more
CHAPTER 14
NANG makababa si Gareth sa kaniyang sasakyan, tahimik na pinagmasdan niya ang kabuuang hitsura ng mansion ni Don Celso. Walang gaanong nagbago doon gaya noong una siyang mapadpad sa nasabing mansion. Last na pagbisita niya yata rito ay buwan since busy siya sa kaniyang kompanya. Gusto niya tuloy mahiya kay Don Celso na kung hindi siya inimbita ay hindi niya ito mapuntahan. Malaki ang pasasalamat niya sa matandang lalaki na kumupkop sa kanila at siyang nagpaaral sa kaniya sa mamahaling unibersidad. Ang matandang lalaki ang unang naniwala sa kakayahan niya simula mapadpad sila sa maynila noon kasama ang pamilya. Tila nagbalik pansamantala sa nakaraan ang utak ni Gareth, habang pinagmamasdan ang mansion at ang paligid nito. "Walang silbi! Idiot!" Sigaw ng may-ari ng isang restaurant sa binatilyong si Gareth nang makabasag siya ng ilang pirasong plato na kaniyang hinuhugasan. Pumasok siyang isang dishwasher sa nasabing restaurant. Ito ang unang tra
Read more
CHAPTER 15
NAPABALIKWAS ng bangon si Sam nang tumama ang sinag ng araw sa kaniyang mukha. Agad niyang tinignan ang orasan na nasa bedside table niya. Dito siya sa kaniyang silid nakatulog at si Toneth ang kasamang natulog ni Graciella sa silid ng huli. "Alas nueve na ng umaga." Nasapo ni Sam ang ulo dahil ang balak pa naman niya ay magising ng maaga dahil papasok siya sa opisina ngayon. Kaso ay tinanghali siya, dahil na rin siguro sa pagod sa maghapong gala kahapon kasama si Drake at Gracie. Napapabuntong hininga siyang habang pababa sa kama at nagtungo sa banyo upang mag ayos ng sarili bago mag-almusal sa baba. Hindi na muna niya ginising ang anak upang kumain, dahil alam niyang pagod ito. "M-may naghahanap sa'yo," salubong ni Doña Thesa sa kaniya bago pa siya makababa sa living room. Madadaanan muna kasi ang living room bago makapunta sa kusina. "Sino po?" Biglang kabang tanong niya sa matanda. Kinabahan siya sa mukha nito na tila nakakita ng mu
Read more
CHAPTER 16
NANG MAKAALIS na si Gareth matapos ang lampas isang oras na pakikipagkwentuhan kay Doña Thesa, at siya ay halos tagapakinig lamang sa mga ito. "Tita," tawag niya sa matanda na aakyat na sana sa silid nito. "Bakit hija?" Usisa ng matanda na may kakaibang ngiti pa rin sa labi. "Maari po ba tayong mag-usap about kay Gareth?" Marahan niyang tanong sa matanda na nawala ang ngiti sa labi at napalitan iyon ng kuryosidad. "Sure. What about him?" "Can you tell me about him? Kung ano kami dati? Kung gaano kami kalapit?" Natigilan ang matanda at ilang saglit ay ngumiti ng marahan. Hinawakan siya sa magkabilaang balikat. "She's your ex, hija." Nanlaki ang mga mata ni Sam dahil sa narinig sa matanda. Hindi nga siya agad makauma, kaya ganoon na lamang ba ang nakikita niyang galit sa mga mata ni Gareth patungkol sa kaniya ay baka nga nagawan niya iyo ng hindi maganda noon or worse is napagtaksilan?! Magtatano
Read more
CHAPTER 17
"MR. SEBASTIAN, you may now kiss your bride," nakangiting wika ng marriage celebrant kay Gareth. "That's not necessary," sagot naman ni Sam habang namumula ang pisngi. "Let us have that documents now para matapos na," dagdag pa niya. Para kasing nakokonsyensiya siya dahil naiisip niya si Jener. Si Jener ang lalaking unang nakakuha ng kaniyang 'oo'. Pero siguro ay maiintindihan naman ni Jener ang nangyayari sa buhay niya ngayon. Mabilis siyang pumirma sa marriage contract at pagkatapos ay inabot iyon kay Gareth na blanko lamang ang ekspresyon. Ikinasal na sila ni Gareth ngayon at tanging silang dalawa lang ang naroon sa opisina ng marriage celebrant. Ganoon lang kabilis ang lahat, in an instant she lost her freedom at hindi niya alam kung ano pa ang mawawala sa kaniya along the way. "Done," saad ni Gareth nang matapos pumirma. "I'm going," agad na sabi naman ni Sam at naglakad patungo sa exit. Nagpalipat-lipat ang tingin ng marriage celebrant sa
Read more
CHAPTER 18
KINABUKASAN maagang nagising si Sam upang makauwi sa kanilang mansion at makita si Graciela, naroon pa rin naman sa mansion nila ang kaniyang damit sa pagpasok sa opisina. Hindi niya nakatabing matulog si Gareth sa magdamag, hindi niya alam kung saan ito natulog dahil hindi niya naramdamang bumalik ito sa silid matapos umalis, ngayong umaga naman ay wala rin ito. Nakakatawa, pero hindi ganitong kasal ang pinangarap niya. Pababa siya sa matarik na hagdan nang sa kalagitnaan ay makasalubong niya si Gail na paakyat naman. Halatang kakauwi lang nito at may dala pa kasing bag. Mukhang galing din ito sa party dahil na rin sa gayak nito. Matalas ang tingin nito sa kaniya nang magkatinginan sila. "G-Good morning." Pinili pa rin niya itong bati'in kahit alam naman niyang hindi siya nito papansinin. Tumigil si Gail sa tapat niya. "Mula kagabi ay sira na ang mood ko. Hangang ngayong umaga ba naman? What are you doing here?" Mataray na sabi nito sa kaniya. Makikita t
Read more
CHAPTER 19
ABALA sa mga papeles si Sam nang biglang dumating si Drake sa kaniyang opisina. Siguro ay wala itong masyadong ginagawa ngayon kaya nakuha pa nitong magpunta sa opisina niya. "Ikaw pala, Drake. What brought you here?" Nakangiti niyang usisa sa lalaki na napansin niyang bagong gupit ito at masasabi niyang bumagay iyon sa lalaki. "Wala naman. Free ka ba today? Let's have some lunch?" Alok nito bago umupo sa upuan na nasa harapan ng table niya. "Sure. Tatapusin ko lang ang mga 'to." Tukoy niya sa mga papeles na hawak at muli niyang itinuon ang pansin sa ginagawa. "Wala ka bang napapansin na changes sa hitsura ko?" Usisa ni Drake sa kaniya. Pinigilan ni Sam ang mapangiti dahil sa sinabi nito. "Ano?" Tinignan niya ang lalaki habang pigil ang tawa. "Huwag mong sabihing nagpunta ka rito para irampa lang sa harapan ko ang bagong gupit mong buhok?" Napangisi si Drake sabay kamot sa batok. "Napansin mo pala. Ano, bagay ba?" Sabay pose pa ng pogi
Read more
CHAPTER 20
PAG-UWI ni Gareth at Samantha0 sa mansion, nadatnan nila si Gail na nasa sala abala ito sa pagbabasa ng libro. Napatingin ito sa kanila ni Gareth at nagtama pa ang mga mata nila ng dalaga, pero as usual masama ang tingin nito sa kaniya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at tinungo ang hagdan paakyat sa second floor ng mansion, kasunod niya si Gareth. "Kuya, puwede ba tayong mag-usap?" Usisa ni Gail na tumayo mula sa pagkakaupo. Natigilan sila ni Gareth. Marahan siyang napatingin sa lalaki. Sinenyasan siya nitong mauna ng umakyat sa kanilang silid. Agad naman niyang ginawa, baka isipin pa ni Gail na nais niyang makisali sa pag uusapan ng mga ito. Dire-diretso siya sa silid at pagkatapos ay naisipan na niyang mag-shower upang matawagan na si Toneth upang kamustahin si Graciella. "What is it, Gail?" Usisa ni Gareth sa kapatid. Umupo siya sa single sofa. Nanatiling nakatayo ang kapatid, hindi kalayuan sa kaniya. "Let's talk about that woman," matigas nitong sabi
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status