All Chapters of Love and Betrayal : Chapter 11 - Chapter 20
70 Chapters
LAB— 10
Lumabas si Awi sa aking opisina nang dumating si Cora. Nakasimangot ang aking kaibigan. Hindi ko alam pero tingin ko ay nagseselos ito dahil nadatnan niya kami ni Awi na kumakain habang nagtatawanan. "Ba't ka nakabusangot?" nakangiti kong tanong. Ubos na ang pagkain ko kaya niligpit ko na muna. Naupo si Cora sa chair na nasa aking tapat. Mula sa busangot na mukha ay naging maaliwalas ito. Ngumiti siya. Nagpahid din muna ako ng alcohol sa kamay bago ko nilabas mula sa drawer ang aking check book. "Pag-aralan mo ng maigi ang mga business na papasukin mo," pangaral ko sa kaniya in a very nice way para hindi siya ma-offend. "Oo. Napag-aralan ko na iyon. Ilang buwan ko na ding binabalik-balikan ang property na iyon.""Okay." Nagsulat na ako. Ten million pesos. "Goodluck...""Salamat, friend." Tinanggap niya ang cheke. Tumayo siya at yumakap muna sa akin bago siya magpaalam na aalis na. Agad namang pumasok si Awi nang makaalis si Cora. May dala siyang pakwan. "May dumaan na magpu-pru
Read more
LAB— 11
Alas-kuwatro nang magkamalay si Cora. Nang makita niya ako ay napaiyak siya at nagsimula siyang magkuwento sa nangyari. "Para bang alam nila na may dala akong malaking halaga..." She was sobbing. She look so terrified that's why I tried to calm her down. "Paano na ang business na plano kong buksan?" "Huwag mo na munang isipin iyan. Ang mahalaga ay buhay ka. You should be grateful for your second life. Pera lang iyon, maari mo pang kitain ulit.""That's ten million.""Yeah. At hindi mo iyon kikitain kapag nawala ka na. Magpahinga ka na... Tulog ka ulit."Maaga nagpunta ang Nanay ni Cora dito sa ospital. The old woman was crying but when she found out about the money she began scolding her. "Bakit ka may ganoon kalaking pera?" Nakayuko lang si Cora. Maging siya ay nanghihinayang din sa pera. Iyon pa ang mas iniyakan niya. "Humiram ka kay Precious? Ang lakas naman ng loob mo na humiram ng ganoon kalaking halaga!""'Nay! Huwag ka ng magalit. Nai-stress na nga ako, e. Gusto ko lang na
Read more
LAB— 12
Two days na ang lumipas mula nang umalis si Jacob. Hindi pa din ako bumabalik sa trabaho. Wala akong gana sa lahat. Napapraning ako at hindi maubos-ubos ang aking mga luha. Kaya naman namumugto ang aking mga mata at halos hindi ko na nga maidilat. Ano kaya ang ginagawa niya? Kasama kaya niya ang kaniyang ex? Cora was texting me from time to time too but I didn't reply. Ayaw ko ng kausap. Ayaw kong kaawaan lang niya ako. "Hija, may bisita ka.""Sino daw po, Manang?" Hapon na. Ilang minuto na lang ay gabi na ulit. Hanggang kailan akong ganito? Bakit pakiramdam ko walang patutunguhan itong buhay ko. "Awi daw po." Bakit nagpunta si Awi dito? At paano niya nalaman ang address ko dito? "Saglit lang po." Ayaw ko naman siyang pauwiin na lang. Nag-effort iyong tao para puntahan ako. May dalang mga prutas si Awi. Akala ata niya ay may sakit ako kaya hindi ako nakakapasok. "Hi, nag-ambagan kami para rito..." Tinuro niya ang malaking fruit basket. "Thank you. Hindi na sana kayo nag-abala
Read more
LAB— 13
Maaga akong nag-out sa work ngayon, para magpunta sa spa. Medyo nag-improve na ang aking skin. May mga dark spot, marks at scars na naiwan pero hindi na ako nag-break out uli, though may mangilan-ngilan pa ding pimples kaso hindi na ganoon kalala. Ginabi na ako ng uwi dahil may appointment din ako sa OB at sa aking dentist. Pagdating ko sa bahay nagulat ako nang madatnan ko ang ilang sasakyan na naka-park sa labas ng bahay. Nandito na si Jacob? "Manang, nasaan si Jacob?" Nadatnan ko ito sa kusina. Nagluluto siya ng pagkain kasama ang kinukuha ni Jacob na maglinis once a week dito sa bahay. "Nasa labas, kasama niya ang mga kaibigan niya nag-iinom sila."Nag-isip pa ako ng madaming beses kung pupuntahan ko siya o huwag na lang. Gusto ko siyang makita, kaso kapag naaalala ko ang mga ilang beses na pag-uusap namin na nauuwi sa sakitan ay nag-alangan ako. Umakyat ako sa aking kuwarto upang makapagpahinga na. Binuksan ko ang bintana dahil mahangin dito kapag gabi, kaso sa tapat lang p
Read more
LAB— 14
Hindi na kami ulit nagkausap pa ni Jacob bago ako umalis ng bahay. Nandito na kami ngayon sa Cebu. Nagtatrabaho kami ni Awi sa araw at sa gabi naman ay tuloy pa din kami sa pag-wo-work out sa gym dito sa condo kung saan kami naka-check in. Hindi na din ako nakapagpaalam pa kay Cora dahil hindi ko siya mahagilap ng ilang araw, kaya ngayon ay panay ang tawag at nagtatampo ang babae. "Sumunod ka dito kung gusto mo, kaso busy kami talaga..." Sinisingit ko din sa gabi ang pagbabasa ng ilang mga mahalagang dokumento. "Huwag na. By the way, nagkausap kayo ng asawa mo before you left?" "Hindi na. Pagbalik ko na lang. Kausapin ko siya ulit no'n." Ayaw ko nga sanang isipin muna ang tungkol sa problema kong 'to dahil mas lalo lang akong malulungkot. "Sige na, Cora. May gagawin na ako.""Okay. Ingat ka diyan."Kinuha ko ang aking duffle at sinunod na kay Awi. Pabagsak akong nahiga sa sahig nang makabalik kami sa aming silid ni Awi. Ang aking sekretarya ay umuuwi after work sa bahay ng kaniyan
Read more
LAB— 15
Last day namin ngayon dito sa Singapore, kaya after ng meeting ay pinagbigyan namin ang paanyaya ng chinese na investor na kumain at mag-chill na rin sa bar. Mga babae sila kaya hindi ako nailang na sumama. Isang goblet lang ang iinumin namin ni Awi, dahil hindi naman kami sanay uminom, mabuti na lang din at hindi din naman malakas mag-alak ang mga kasama namin. Gusto lang nilang mag-relax, kaso ewan ko kung nakaka-relax ba dito. Ang ingay-ingay at nakakahilo din ang lights. "Come on, let's dance!" Dinaan ko na lang sa tawa ang paanyaya nila dahil hindi ako marunong sumayaw. Nahihiya ako. Ang laki-laki ko baka mamaya may mabangga pa ako sa dance floor. "Sama ka sa kanila," sabi ko kay Awi. "Masakit ang balakang ko," nakangiwi naman niyang sagot. Ako nga din masakit ang buo kong katawan. Walang araw na hindi masakit ang katawan ko dahil sa puspusan naming pagwo-work out. It was past eleven pm already, but we're still here. Lasing na ang mga kasama namin and they're enjoying. Hin
Read more
LAB— 16
Mula sa pagkabigla ay unti-unti akong nadala sa kaniyang mga halik. Ang lakas ng kalabog ng aking dindib at ang aking tiyan ay animoy hinahalukay. Nang marahang gumalaw ang kaniyang mga labi ay napapikit ako at napahawak sa kaniyang damit. Hindi ko alam kung paano sabayan ang kaniyang labi. It's my first real kiss and it is really happening right now. Pinasok niya ang kaniyang dila sa loob ng aking bibig. Napaungol ako at napayakap sa kaniya. Kinakapos na ako ng hangin dahil sa kaniyang ginagawa. Kung hindi lang nag-ring ang kaniyang celphone ay hindi pa ito titigil. Kumalas siya, lumayo at tumalikod ng wala man lang ni isang salita na sinabi sa akin. Nanghihina akong napaupo sa dulo ng aking kama. Kinapa ko ang aking dibdib na hanggang ngayon ay hindi pa din kumakalma. He kissed me! Oh my God! We kissed! Sa sobrang saya ko, para bang nawala ang antok ko. Ilang oras na akong nakahiga ngunit hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Parang nai-imagine ko pa din ang nangyari. Parang pana
Read more
LAB— 17
"Jacob..." Napahiga na ako sa kama dahil nanghihina ako sa kaniyang mga halik. Nakakapaso at nakakadala ang mapusok na mga halik niya. Sa sobrang pagkabigla at saya ay napakabilis ng tibok ng aking puso. Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang sarili na namnamin ang tamis ng kaniyang mga labi. Unti-unti kong dinala ang aking mga kamay sa kaniyang balikat. Sinamantala ko ang pagkakataon na yakapin siya. Ang tagal ko 'tong pinangarap. At akala ko noon ay hanggang pangarap na lang, pero ngayon ay totoong nangyayari na. Ginantihan ko ang kaniyang halik. I'm not a good kisser but I tried my best to mimic the movement of his lips. It was the best feeling ever. Being kissed by the man of your dreams.Nanigas ako nang maramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking dibdib. Pinisil niya ito habang patuloy pa din sa mapupusok niyang mga halik. Mangyayari na ba ang first night namin? Patuloy ang paghaplos at pisil niya sa aking dibdib. Wala akong suot na bra kaya naninigas na ang tuktok ng aki
Read more
LAB— 18
"Ang aga mo namang matulog." Dumating si Cora kaya naudlot ang pagtulog ko. Naka-pajama na siya pagdating niya. Mukhang nagtalo na naman sila ng kaniyang Nanay kaya dito nagpunta. "Masakit kasi ang katawan ko, pagod ako," sagot ko naman. May dala siyang alak at mga crackers. Mukhang gusto pa niya akong kainuman kahit na alam naman niyang hindi ako nag-iinom talaga. "Bakit? Huwag mo na kasing piliting mag-work out. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo."Sumimangot ako. "Sanay na ang katawan ko.""Kung sanay, ba't masakit?""Jacob and I had sex last night."Napatanga siya ng ilang segundo. Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon ang reaksyon niya. "You're joking, right?" natatawa niyang tanong. Ngumiti ako at umiling. Nakagat ko din ang aking labi dahil nanariwa ang nangyari sa akin kagabi ni Jacob. Manakit pero masarap alalahanin. "No. Akala ko nga panaginip lang din. Bigla na lang siyang pumasok sa room ko, tapos...""May sinabi siya?""Wala naman.""Tapos hinayaan mo na gawin
Read more
LAB— 19
"Oh!" Hindi ko na nabilang kung pang-ilan na namin 'tong ginawa dahil tila wala siyang kapaguran na angkinin ako. Ilang ulit na din akong nakarating sa rurok pero dahil sa pagkasabik pati ako ay hindi din ramdam ang pagod. Namamalat na ako dahil kanina pa ako umuungol sa sarap na pinaparamdam niya sa akin. "Jacob... Ah!" "Can you please sleep beside me?" paglalambing ko nang hugutin niya ang kaniyang pagkalalake. "Kahit ngayong gabi lang, please?""I'll just clean myself," sabi niya bago bumaba ng aking kama at dumiretso ng aking banyo. So, matutulog talaga siya sa tabi ko? Hindi ko inaasahan talaga na pagbibigyan niya ako ngayon. Nang makabalik siya ako naman anh naglinis ng aking katawan para hindi nakakahiyang tumabi sa kaniya. Sinuot ko na ulit ang aking pajama saka tumabi sa kaniya. Nakahiga siya sa gilid kaya hindi na ako dumikit pa sa kaniya. Mukhang hindi siya komportable na may katabing matulog talaga. "Goodnight, Jacob. Thank you." Tiningnan niya ako. Hindi siya seryos
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status