POV: Harvy Hindi niya inaasahan ang isinagot sa kanya ni Dahlia. Kung hindi papayag ang babae, siya ang talo. Kaya hindi siya nakapagsalita sa sinabi nito. Bigla siyang kinabahan, kung hindi papayag ang dalaga sa gusto niya, may mamanahin ito, siya ay wala. Kaya kailangan mag isip siya ng tama. Mataman niya iyong pinagmasdan, nakipagtitigan ito sa kanya. Alam ng babae kung saan ang weakness niya. Ipinilig niya sa ibang direksiyon ang kanyang ulo. Parang dito siya magkikita ng kasagutan sa mga gamit sa kanyang unit. Tiningnan niya ulit ang dalaga, nakatingin pa rin ito sa kanya. Kaya siya na lang ang bumasag sa katahimikan nila. "Anong kailangan kong gawin para pumayag ka?" tanong niya dito sa mababang tinig. "Una, isasama mo ako sa lahat ng lakad mo. Pangalawa, no more boys night. Pangatlo, hindi mo ako alila para utus utusan mo ako. Pang apat, let me handle all the finances, in short, magiging asawa talaga ako sayo. Okay lang din sa akin kung hindi tayo magsasama sa kwarto. Ayok
Read more