Lahat ng Kabanata ng Trapped in Love: Kabanata 11 - Kabanata 20
364 Kabanata
Kabanata 11 Alamin Kung Nasaan Siya
Kinuha ni Daniella ang phone ni Evan, iaabot na niya sana ito.Pero, ng makita niya ang caller ID ay pangalan ni Caroline, mababatid ang lamig sa mga mata niya. Nag-alinlangan siya ng kaunti bago niya ibinaba ang tawag at ibinalik ang phone sa bulsa ni Evan, at nagkunwaring walang pakielam.Samantala, nanigas si Caroline sa puwesto niya, napaisip ng mabilis noong nakita niya ang pagkababa ng tawag.Masyado ba siyang abala para sagutin ang tawag?Nagtiim-bagang siyang tumawag ng taxi para tumungo sa casino. Desperado siyang tawagan ni Evan.*Isang oras ang lumipas.Bumaba mula sa sasakyan si Caroline at tumayo sa entrance ng magarang casino. Determinado siyang pumasok sa casino, at nagtanong tanong para makarating sa Room 02.Huminga siya ng malalip at nag-ipon ng lakas ng loob bago binuksan ang pinto.Noong bumukas ang pinto, magkahalong amoy ng usok at dugo ang naamoy niya.Ilang mga nakakatakot na itsura ng mga lalake ang nakaupo sa pribadong kuwarto, at ang ama niya ay nakaluhod sa
Magbasa pa
Kabanata 12 Walang Maaaring Humawak Sa Kanya
Sinipa ni Evan pabukas ang pinto ng Room 02.Ang madugo at namamagang mukha ni Caroline sa ilalim ng kalbong tao ang gumising sa galit ni Evan. Batid sa itim na mga mata niya ang kagustuhan ni Evan na pumatay, ang mga mata niya ay walang awa at tagos sa buto ang lamig kung makatitig.Lumapit siya sa kalbong lalake at walang effort na sinipa siya palayo. Kinuha niya ang bote ng wine at binasag ito sa ulo ng kalbong lalake.Ang nakakatakot niyang presensiya ay parang pagbaba ni Kamatayan at natahimik ang lahat sa paligid.Walang naglakas loob na lumapit ng binasag ni Reuben ang mga bote ng wine sa paligid at nilapitan si Evan ng may coat.Humarap si Evan kay Caroline ay tinakpan ang katawan niya ng coat.Noong niyakap niya si Caroline, napansin niya ang mga luha sa pisngi nito. Hindi inaasahang bumilis ang tibok ng puso niya.Hinigpitan niya ang yakap, at inutos kay Reuben ng malamig ang tono, “Durugin siya!”Tumango siya at sinabi, “Akong bahala, Mr. Jordan.”Samantala, hindi makapaniwa
Magbasa pa
Kabanata 13 Matutulungan Kita
“Paano mo ito ipapaliwanag?” dumagungdong ang boses ni Evan, batid sa boses niya ang pagiging sarcastic.Ngumiti siya ng mapait. Paano niya ito maipapaliwanag?Malinaw na minanipula ang surveillance video, pero wala siyang ebidensiya para patunayan ito.“Magsalita ka!” nangingig siya sa galit na sigaw ni Evan.Pumikit siya at walang nasabi maliban sa, “Ano pa ang sasabihin ko?”Nagalit lang lalo at nainis si Evan sa walang pakielam na sagot ni Caroline.Ganito siya lagi sumagot. Sa tuwing hindi niya maipaglaban ang sarili niya, susuko na lang siya, hahayaan niya ang mga nangaapi sa kanya.Ginawa din niya ito sa surveillance video, at ngayon din, habang nakatayo sa harapan niya.Nandidiri siyang umiwas ng tingin at nagbigay ng malamig na babala. “Simula sa araw na ito, hindi ka na maaaring umalis ng villa, maliban sa trabaho.”Hindi makapaniwalang tumigin si Caroline sa kanya, “Sino ka para alisin ang kalayaan ko?”“Ako ang boss mo!” Pagkatapos iwan ang mga salitang ito, lumabas ng kuwa
Magbasa pa
Kabanata 14 Wala Kang Pakielam
Walang magawang tinitigan ni Caroline ang guwapo niyang mukha.Sapagkat hindi siya makahanap ng paraan para makaalis sa pinaguusapan nila na tungkol sa pera, pinalitan niya ang topic nila.“Hindi ka ba nag-aalala na baka masaktan o magalit si Daniella kapag nalaman niya ang lahat ng ito?” maingat siyang nagtanong, tinitignan ang ekspresyon niya.Sa kasamaang-palad, seryoso ang mukha niya ng sumagot siya, “Wala ka ng pakielam doon.”*Sa sumunod na araw ng alas otso ng sa opisina, tumungo sa banyo si Caroline habang nasa meeting si Evan.Aksidente niyang nakabangga si Daniella na naghuhugas ng kamay.Agad na umiwas ng tingin si Caroline matapos sulyapan si Danielle, pero ngumiti si Daniella at nagsalita, “Ms. Shenton, dedicated ka talaga. Pumapasok ka pa din sa trabaho matapos magulpi ng husto.”Nanigas si Caroline. Nandoon ba si Daniella noong gabing iyon? Maaari kayang kaya hindi sinagot ni Evan ang tawag dahil kasama niya si Daniella?Habang kalmado ang ekspresyon, sumagot siya, “Ms.
Magbasa pa
Kabanata 15 Ang Limitasyon Niya
Agad na lumapit si Lily para batiin siya. “Mr. Jordan, maligayang pagbabalik.”Ibinigay ni Evan ang coat niya at nagtanong, “Nasaan siya?”Sumagot si Lily, “Kakaakyat lang ni Ms. Shenton. Hindi siya kumain masyado. Mukhang hindi maganda ang mood niya.”Kumunot ang noon ni Evan. Hindi pa niya natatanong kung bakit niya itinulak si Daniella pero hindi na agad maganda ang mood niya.Sinulyapan niya ang mga pagkain na hindi halos nagalaw, umakyat siya sa hagdan habang malamig ang ekspresyon at kumatok sa pinto ng walang emosyon.Hindi nagtagal, binuksan ni Caroline ang pinto. Habang inoobserbahan ang malamig na lalakeng nakatayo sa labas, wala siyang pakielam na nagtanong, “Mr. Jordan, mayroon ba akong maitutulong sa iyo?”Nairita si Evan sa malayo niyang pakikitungo. “Hindi ba dapat bigyan mo ako ng paliwanag?” tanong niya.Nanatili si Caroline na nakatingin sa ibaba. “Hindi ko alam kung anong ibig mo sabihin.”Sumingkit ang mga mata ni Evan. “Caroline, huwag ka magkunwaring walang alam a
Magbasa pa
Kabanata 16 Mukhang May Lalake
“Sandali!” Agad na pinigilan ni Alex si Caroline noong ibababa na niya ang tawag.Kalmado siyang nagsinungaling, “Hindi makakapunta si Reuben dahil may mga issue siya.”Natahimik si Caroline bago siya sumagot, “Sige, ipadala mo sa akin ang address.”Matapos ang dalawampung minuto, bumaba si Caroline mula sa sasakyan at pumasok sa Wild Sides.Naghihintay pareho sina Alex at Lucas sa entrance, habang sinusuportahan si Evan na nakayuko.Kumunot ang noo ni Caroline noong lumapit siya. Noong napansin niya na mapula si Evan, nakumpirma niya na lasing nga siya.Ngunit, 170 centimeters lang siya. Paano niya masusuportahan si Evan na 190 centimeters?Iniabot ni Alex si Evan kay Caroline at nagtanong, “Ms. Shenton, nakita mo ba ang babaeng hinahanap ni Evan?”Yumuko siya, at sumagot, “Oo.”Ngumiti si Alex, “Mukhang siya ang dahilan kung bakit uminom si Alex ngayong gabi, pero hindi ako sigurado sa dahilan. Paki uwi siya sa kanila at alagaan siya ng mabuti.”Bigla, napuno ng sakit ang puso ni Car
Magbasa pa
Kabanata 17 Tatanggapin ba Niya
Matapos ayusin ang hapag kainan, ipinagsalok ni Lily si Caroline ng isang mangkok ng mushroom soup.Matapos makita ang madilaw at mamantikang ibabaw ng soup, pakiramdam niya masusuka siya.Hindi niya kinaya pigilan ang pakiramdam at mabilis siyang tumakbo sa banyo.Walang masabi si Lily, matapos makita ang eksenang ito. Pero, hindi nagtagal at napalitan ng tuwa ang mukha niya.Noong bumalik si Caroline, maputla siya, ngumiti si Lily at nagtanong, “Ms. Shenton, late ba ang period mo?”Mahinang tumingala si Caroline mula sa lamesa. “Hindi naman naging on time ang period ko.”Nagsalita si Lily, “Kung tama ang hula ko, Ms. Shenton, baka buntis ka.”Nanigas si Caroline at tumingin siya kay Lily, “Buntis?”Tumango si Lily, “Oo, tutulungan kita kumuha ng pregnancy test kit mamaya. Malilinawan ka pagkatapos mo ito gamitin.”Ngumiti ng mapait si Caroline, “Lily, gumagamit kami lagi ni Evan ng proteksyon. Baka hindi lang maganda ang pakiramdam ko. Malabo na buntis ako.”Nakaramdam ng kaunting pa
Magbasa pa
Kabanata 18 Heto na Si Mr. Jordan
“Ipalaglag mo ang bata! Nakakasukang isipin na buntis ka!”Naluha bigla si Caroline sa biglaang galit ng lalake.Tumalikod siya at nakakita ng babaeng problemado na nakakapit sa damit ng lalake, habang lumuluha. “Naiintindihan mo ba kung gaano kasama para sa katawan ko ang magpalaglag ng bata? Bakit wala kang puso?”“Wala akong pakielam sa katawan mo!”Noong narinig ni Caroline ang mga salitang iyon, naalala niya ang mga walang pakielam na ekspresyon ni Evan. Napagtanto niya na isa lamang siyang bagay na parausan. Maaaring hindi niya tanggapin ang bata na lumalaki sa loob niya.Sa takot na baka magkatotoo ang nasaksihan niya, agad na pinatay ni Caroline ang phone niya. Kailangan niya muna alamin kung anong magiging reaksyon ni Evan.Matapos ilagay ang report sa bag niya, nababalisa siyang pumunta sa ward.Noong dumating siya sa ward ni Katie, inayos na muna niya ang sarili niya bago pumasok.Nasa kalagitnaan si Katie ng pagkain ng mansanas. Noong makita si Caroline, agad siyang ngumiti
Magbasa pa
Kabanata 19 Nag-uwi Siya ng Babae
Noong palapit na siya sa sasakyan, ipinagbukas siya ni Reuben ng pinto.Agad, nakaramdam siya ng malamig na aura na nagmumula sa loob.Nanlumo siya ng marinig niya ang sigaw ni Evan, “Pasok!”Lumunok siya ng madiin, at kinakabahan na pumasok.Bago pa siya makaupo, hinawakan ni Evan ang baba niya at napilitan siyang makipagtitigan sa galit niyang mga mata.Sumigaw siya ng malakas, “Caroline, nakalimutan mo na ba ang sinabi ko?”Namutla siya habang nagpapaliwanag, “Evan, mali ka ng iniisip…”“Anong totoo kung ganoon?” hindi siya pinatapos ni Evan magsalita, “Caroline, hindi ako makapaniwala sa nakita ko!”Hinigpitan ni Evan ang pagkakahawak niya sa baba ni Caroline. Nabalot siya ng sakit at maluhaluha siya.Paano niya ito ipapaliwanag sa paraang maiintindihan ni Evan? O wala ng kuwenta ang magpaliwaang kahit na mag-effort pa siya? Ang nakita niya ay hindi ang buong katotohanan pero mukhang hindi niya gusto maniwala dito.Tinitigan ni Evan ng malamig na mga mata ni Caroline, habang umaasa
Magbasa pa
Kabanata 20 Huwag Ka Magalit sa Akin
Nakita ni Caroline ang intensyon ni Daniella, pero pinili niyang huwag ito bigyan ng pansin. Kalmado siyang naupo sa tapat nila at kumain.Awkward na tinignan ni Daniella si Evan. “Evan, hindi ba masaya si Ms. Shenton dahil nandito ako?”“Huwag mo siya bigyan ng pansin,” sagot ni Evan, habang pinauupo si Daniella sa tabi niya.Sumunod si Daniella at wala sa sariling kumain. “Ms. Shenton, hindi kita sinisisi sa nangyari noong isang araw. Ako ang may kasalanan dahil hindi ako nakatayo ng maayos.”Noong nagsalita siya, namula ang mga mata niya. Huwag ka magalit sa akin, okay?”Parang nakakasukang karne ang mga salita ni Daniella para kay Caroline. Pinilit niyang pigilan ang pagkasuklam niya, kung hindi ay baka nagsuka na siya.Tinignan ni Caroline si Danielle at sinabi. “Hindi ako kasing petty ng isang tao.”Noong narinig ni Daniella ang sinabi ni Caroline, humigpit ang hawak niya sa tinidor.Ngunit, magaling siya umarte. Agad niyang pinalitan ang galit at nagpaawa. “Hindi, hindi iyon tot
Magbasa pa
PREV
123456
...
37
DMCA.com Protection Status